Wakas

7.5K 150 14
                                    


  Tatlong araw na pero di pa sya nagigising galing sa operation nya, sabi ng doctor kumukuha ka lang ng lakas pero bakit ang tagal? naiinip na ko sayo.

 "mr chavez, kamusta na si loraine? di pa ba nagigising?"umiling ako at malungkot na pinagmasdan ang katawan nya sa higaan nya.. "e ang baby? nasaan?" tuwang tuwang sabi ni nica sakin

 "iniwan ko muna sa nursery at iniintay kong magising si loraine" tumitig ako sa babaeng mahal ko.. wala na ang tubo nya pero may swero na nakakabit pa sa kanya..

" wait , puntahan ko lang inaanak ko!" tumango ako sa kanya .. lumapit ako sa higaan nya at sumobsob sa leeg ni loraine..

 "please.. gumising ka na" hinalikan ko ang leeg nya "papainitin pa kita e" napangiti ako sa naiisip ko... alam ko hindi pa talaga sya pwede e .. namimiss ko lang presensya nya.

 Iniisip ko ang mangyayari kapag nagising sya, ano una kong gagawin?

 Malapit na kong makatulog ng maramdaman kong gumalaw sya, agad akong napabangon sa harap nya at tinitigan ko mukha nya... pati kamay na gumalaw.

 Bumilog ang mata ko ng magsalita sya "kinakati na ko" at tuluyan na syang nagmulat ng mata.

 Agad ko syang niyakap "thanks God... gising ka na!" naluluha ko syang tiningnan habang ang mukha nya ay poker face.

 "sino ka?" kunot ang noo ko syang tinitigan...

 "ha? nacesarean ka lang di ka naman nabagok!" malumanay kong sabi

 "ay ganoon ga?" ngumisi sya at agad ko syang sinamaan ng tingin. "asan baby ko?" tumingin sya sa paligid at hinahanap nya ang anak namin.

 "nasa nursery... iniwanan ko muna doon para bantayan ka" tumango sya sakin at ngumiti.

 Bigla ko syang niyakap.. "t-teka.. ang bigat mo" sabi nya sakin...

 Pucha pinagpapawisan ako ng malapot sa gagawin ko, paano ko ba uumpisahan? wait... hinga ng malalim, kakainis!

"wuy... langya! hindi ako nagbibiro... mabigat ka!" reklamo nya sakin

 Bumangon ako at tinitigan sya "ahh... loraine?" kumunot ang noo nya sakin.. Inilabas ko ang kahon na naglalaman ng singsing..."will you marry me?" lumunok ako.. sya naman seryosong nakatingin sakin... di sya sang ayon?

 "dahil ba sa baby? o dahil sakin?" seryoso nyang sinabi.

 "Parehas!" malumanay kong sabi habang nakangiti.

 "sigurado ka na jan?" 

 "dahil mahal kita loraine" bumilog ang mata nya at parang nahihiyang lumingon sa gilid nya... ano bang sinabi ko? tatangghan nya ba?

 Inangat nya ang kamay nya " isuot mo na!" nagtataka ko syang tinignan... naramdaman nya atang di ko sinusuot " ano?"

 "wala ka ng ibang sasabihin?" sabi ko... gusto kong may marinig sa kanya e

 "dame naman nitong satsat" umirap pa sya sakin na syang namiss ko ng ilang araw, yung pag susungit nya at kapilyahan nya.

 "mahal mo ba ako loraine?" di sya makalingon sakin at parang nahiya ulit.

 "oo na!" aba? anong sagot yung oo na??

 "na??" sinamaan nya ko ng tingin na halatang nakukulitan na sakin.. pero ako napapangiti sa mukha nya.

 "mahal ki-" di ko na sya pinatapos at sinunggaban ko na ang labi nyang wala pang toothbrush... medyo iba nga lasa pero bayae muna... atleast nasabi nya sakin iniintay ko..

 Isinuot ko sa kanya ang singsing "after nito... i promise you.... pupunta tayong amerika at doon tayo bubuo ng masayang ala ala kasama si lalaine..."

 Unti unti syang tumango sakin at nakita ko kung paano pumatak ang mga luha nya sa mata nya na syang hinalikan ko..

"Thank you gerard" bulong nya sakin...








Thanks sa nagbasa at bumoto....

This is edited...

Binago ko ang ending for you to satisfied..

Sana maappreciate nyo ang sulat ko.. :)

SEXMATE storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon