Pregnant

5.2K 56 0
                                    

" Bakit madali sayong ipalaglag ang bata?" gigil na sinabi sakin ni mr chavez.

" di mo ba narinig sinabi ng doctor? dapat daw di ako magbuntis dahil sa kalagayan ko" naiinis na din ako sa gusto nyang mangyari, gusto ko man buhayin ito.. natatakot ako sa buhay ko.

Napakadelikado sa sitwasyon ko.

" Narinig ko lahat, kailangan mo lang ng pahinga hanggang makaanak ka! ako na bahala sa lahat ... bakit ba napaka selfish mo? " huminga sya ng malalim at nawala na galit sa mata nya " anak ko yan, please" umiwas ako ng tingin.

Di ko ito pinangarap, ni hindi ko nga inisip na magkakaanak ako... ang alam ko lang ay mamamatay akong mag isa at masaya dahil naging maginhawa ang buhay ko hanggang sa huli.

Napatingin ako sa glass window ng hospital at nakita ko kung ganoo kaganda ang labas dahil sa butuin sa madilim na kalangitan.

Inaamin ko simula ng pumasok sya sa buhay ko nagiba ako...bumalik ako sa dati, di ako sigurado sa mangyayari. Iniisip ko palang na bubuhayin ko ang anak ko nasusuka na ko. Di ko pa kaya... di pa ko handa.

" sigurado ka? " tinignan ko sya sa mata na parang naiiyak dahil sa sinabi ko.

napalunok sya at unti-unting umupo habang nakatitig sakin " alam ko akin yan" umiwas ulit ako ng tingin. Bakit napakasigurado nya? di ba sya natatakot na sa ibang lalaki ang gusto nyang akuin? pero sa kanya naman to. " imposibleng dun yan sa lalaki mo kasi ang alam ko ngayon lang ulit kayo nagkita nung lalaki mo. 2 weeks na yan kaya alam kong akin yan" napatingin ako sa kanya sabay turo sa puson ko ng seryoso... bakit alam nyang ngayon lang kami nagkita ni jed? pinanliitan ko sya ng mata.

" pinapaimbestiga mo ba ko?" umiwas sya ng tingin pero nakita ko kung pano sumilay ang ngiti nya!. huh!! walangya sya!! " bakit ka nangingiti dyan? totoo?" gusto ko malaman!

" nilagyan ko yang cellphone mo ng mobile tracking nung nasa cebu pa tayo" napakamot sya ng ulo " at binuksan ko location mo sa cellphone mo para alam ko kung nasaan ka, and luckily di mo pinapatay" sumandal sya sa upuan at nangalikot na ng cellphone nya.

Wow, just wow.. kaya pala pinakelaman nya noon yung cp ko sa cebu.... kung bakit alam nya kung saan ako pupuntahan sa maynila nung una palang.. edi alam nya kung san ako pinunta ni jed? anla... tiningnan ko sya pero nakakunot na ang noo nya sa cellphone nya. Bigla syang tumayo.

" Gutom ka na? ano gusto mo? bago ka man lang matulog" hindi sya seryoso pero normal lang ang itsura nya.

Hindi ako umimik. Sino kaya katext nya? ganitong oras?

" wala" dahan dahan akong nahiga at umiwas ng tingin sa kanya. Pumikit ako.

" alam kong gutom ka! ," bahala ka jan mapanis ang laway kakasalita. Galit ako. okay?

t-teka? san ako nagagalit?

basta galit ako... di ako nagseselos doon sa katext nya , wala ako pakelam doon ..

Narinig kong sumara ang pinto.

Itutuloy ko ba ang pagbubuntis ko? Bigla akong natakot sa naisip kong baka di ko kaya, kasi di pa ko handa... natatakot ako, hanggang sa nakatulugan ko na ang mga naiisip ko..




Nagising ako na may boses ako naririnig sa banyo, akala ata siguro di maririnig sa labas. Napatingin ako sa orasan... 5:19 in the morning. Tinignan ko din ang mga paper bag sa table at tinignan ang pinto ng CR.

" oo! alam ko lahat... lahat lahat! at kahit na ganoon di ko sya iiwanan dahil .......... buntis sya" humina ang last words nya pero narinig ko , narinig ko ang sinabi nya... a-ako tinutukoy nyang di iiwan diba?

Naramdaman kong uminit ang mata ko at ang pisngi ko tanda na luluha ako. Pinilit kong pigilan ang luha na nagbabadya... pero di nya ko iiwan dahil buntis ako? yun ang dahilan nya, tama narinig ko. Di nya ko iiwan kasi buntis ako at sya ang ama!. pananagutan nya ko.

Loraine wala syang feelings sayo ,pananagutan ka lang!

shet! bakit nasasaktan ako sa naiisip ko? bakit naiinis ako sa sarili ko?

May feelings na ko sa kanya...


If this baby is the reason why he staying... then ibibigay ko ito sa kanya. Ibibigay ko ito sa kanya ng buo. Pagkatapos kong manganak, lalayo ako sa kanya. Nagpunas ako ng luha ng dumampi ito sa pisngi ko.

Inuwi nya ko sa condo ko. Kailangan kong matawagan si nica na one month nalang ako pwedeng magtrabaho doon.

"Anong kalokohan mo? bakit ka nagpabuntis?" tinakpan ko ang tenga ko kasi naiirita ako sa boses nya.

" bawal ako mastress, kailangan ko itong buhayin at ibigay sa kanya" namilog ang mata nya at bibig nya sa sinabi ko.

" what the fuck, loraine villa! naging baby maker ka na?" umirap ako sa kanya.

" pwede ba? di lang ako nag ingat!" bumuntong hininga ako.

" kasi naman! wa-wait? ayaw nya ipalaglag o ikaw ang ayaw?" seryoso nya

" sya ang ayaw.... pero after ko ipangako mo na iaalis mo ko dito" ngimiti sya ng malapad.

" lam mo... walang problema yun sakin! yung mga sahod mo na di mo kinukuha e ibibigay ko sayo... malaki din yun! kaya mo ng mabuhay doon ng 1month noh! " arte nya.. sabay kumpas ng kamay sa screen ng laptop.

" kuripot! madami ako pwede ipagbili dito sa pinas para makapagsimula sa ibang bansa" tumango tango sya bilang sang ayon.

Dahil balak ko ng ipagbili ang condo ko at kotse ko... hindi na ko babalik dito kailanman.

SEXMATE storyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt