The truth

6.3K 65 0
                                    


   Isang buwan na ako ko dito sa Cebu pero parang ang tagal ng lumipas. Binuksan ko agad ang mga e-mail ko sa laptop ko at naglog in.

 From: Nica

 Jess...Ako na ba magbabayad ng kotse mo at condo?

From; Nica

hey, nasan ka ba?

From;Nica

Magparamdam ka kaya? 3 linggo na ng mawala ka dito sa manila. Kelangan ko ng confirmation mo.

From; Nica

May naghahanap sayo, yung dati mong boss! Binantaan ako na ipapasara nya ang bar ko, as if naman na kaya nya... e Head ng Pulis kuya ko hahaha.


 Agad akong nagtype sa laptop ko.

To; Nica

 Ibigay ko sayo ang kailangan mo para mahulog mo sa bangko ang pera. Pakicheck nadin ang kotse ko ha? leave your number para matawagan kita... Kelangan mo yun mabayaran para di batakin ang kotse ko at yung condo ko ikaw muna bahala diyan. Kamusta ang pagpapagawa mo sa bar? kaya ba ng kalahating milyon? txt mo ko pag kulang pa sa pageextend ha? babalik ako dyan next year at dapat ayos na iyan. And magonline ka sa Skype mamayang 7pm. See you soon.


 Matapos ang pagtingin tingin ko sa email ko bumalik ako sa ginagawa ko. Nag usap kasi kami noon ni Nica ang may ari ng bar na pag nagawa at naextend ang bar ay ang 5 percent ng kita kada month ay akin. Malamang sa malamang ay kayang kaya ng buhayin nito ang buhay ko.

 Isang Sobre ang inabot sakin ni Mica. Binuklat ko ito at nakita ang invitation para sa isang na gaganapin sa katapusan ng abril. Si Marie at Josh? Napatingin ako kay Mica.

 "wow! di ko akalain na ikakasal sya?" nakangiti kong sabi.

 "well, two months ng preggy ang lola mo! kaya nagmamadali ang lalaki, kahit ayaw pa ni marie!" umupo sya sa edge ng mesa ko. Mahaba naman ito kaya makakaupo sya ng kaunti.

"jackpot sya kay marie" tinititigan ako ni mica kaya tinititigan ko din sya "bakit?" pagtataka ko.

 "alam mo, nasabi sakin ni sofia na inaalok ka magmodel? bakit ayaw mong tanggapin?" tumikhim ako. Ayoko sana pag usapan iyon dahil wala akong balak magmodel.

 "hindi ako para doon. Isa pa di ako marunong magpose" bigla naman syang tumayo. At gulat na gulat humarap sakin.

 "what? iyon lang?" kinunutan ko sya ng kilay " kasi naman sa mga lakad ,....kembot ng pwet mo pag naglalakad at pag aayos mo palang parang model na" nagcrossed arm sya "madali lang yun! turuan ka namin" natawa ako bahagya.

Nagpose sya ng model "ganito" nagpose sya ng kita ang balikat nya. "tapos" isa ulit pose na parang natatae.

"im not interested, actually" kinumpas ko ang kamay ko na di sumasangayon sa gusto.

 "bakit naman ?" at isa pa ayaw ko ng exposure! Alam kong maraming mata ang makakakita sakin at pwede din umabot sa manila. Baka ipahiya ko lang sarili ko.

"basta" di ko na tiningnan si mica kaya nagpaalam na sya sakin papuntang desk nya.


 Isang babae ang pumasok sa office ng head department namin. Nakadress at nakashades. Di ko nakita ang mukha kasi mukhang nagmamadali...Di ko nalang pinansin.

 tinapos ko ang ineedit ko at saka tumayo para ibigay kay mr chavez ang tinapos ko.

 Naririnig ko ang usapan sa loob ng office ni mr chavez, Isang hampas ang narinig ko....Huminga ako ng malalim bago ipasok ang natapos ko. Sabay silang humarap sakin at sa gulat ko muntik ko ng mahulog ang documents sa kamay ko. Isang nakangising babae ang bumungad sakin at si mr chavez na naiinis ang itsura.

 "hi!" bati sakin ng babaeng nakatayo at wala ng shades. Si beth!

 Nagpokerface ako sa pagbati nya sakin.Nagdahan dahan ako sa paglakad para iabot kay mr chavez itong documents.

 "Umalis ka na at alisin mo ang ginawa mo doon beth! Utang na loob" Tiningnan ko sya na galit parin ang mukha na nakatitig kay beth.

 Ano kayang pinaguusapan nila ,Tiningnan ko din si beth, Nakaramdam ata sya kaya lumingon sa gawi ko "whore" pabulong nyang sinabi sa akin at saka sinuot ang shades saka naglakad papalayo.Kala nya ata maaapektuhan ako sa sinabi nya.ha!

 Tinitigan ko sya palayo saka ko tinitigan si mr chavez na nagtataka.Naghilot lang sya ng temple nya pero wala syang sinukling titig kaya umalis nadin ako para makabalik sa inuupuan ko.

 Isang tumpukang lalaki at babae ang nasa bulletin board. Napatingin sakin ang mga ito na parang may malaki akong ginawa.

 Papalapit ako sa kanila bigla namang may bumangga sakin at dare-daretso sa mga tao sa harapan ko, si mr chavez! kinuha nya yung papel doon sa tinitignan ng mga empleyado.

 Pinagpunit punit nya ito "di ito totoo, magsibalik kayo sa trabaho nyo!" dali dali naman ang mga empledong lumayo.

 Lumapit ako "ano ba yan?" nakakunot kami pareho ng noo habang nakatingin sa papel na sinira nya.

 "wala!" may kinapa sya sa bulsa nya at pumunta sa basurahan kaya sinundan ko sya. Isang lighter ang inilabas nya, sinunog nya ang papel at tinapon sa basurahan na metal.

 "bakit ka galit?" huminga sya ng malalim. Humarap sya sakin para ngumiti saka sya umalis. Nagtataka talaga ako sa kaweirdohan nya! 

 Bumalik ako sa area ko at kitang kita ko ang mga matang unti unting tumitingin sakin. Di ko nalang sila pinansin. Pagkaupong pagkaupo ko lumapit yung tatlo sakin.

 "uy! may nasagap ako" sabi ni ella

 Tumingin ako sa kanilang tatlo na nagtataka.

 "bayaran ka daw sa manila,totoo ba?" natakot ako sa sinabi nya...baka kasi lumayo sila.... teka? bakit ako nagkaroon ng pakelam sa nararamdaman nila?

 "loraine di naman diba?" sinulyapan ko si mica.

 Napaisip agad ako sa pinunit ni mr chavez at yung beth! Nagpapanting ang tenga ko sa inis. Umiling ako sa kanila "san mo nalaman?"

 "nakalagay daw sa bulletin, pinunit pa daw ni sir gerard" yun pala pinunit nya, "at ang balita daw e baka kaya ka daw lagi kasama ni sir kasi may kailangan ka at inaakit mo sya" ang bilis ng balita ah? pati utak nila, maganda yan! kasi totoo ang lahat.. 

 May sasabihin pa sana ako ng umalis ang tatlo dahil parating si mr chavez sa table ko.

 "sumunod ka" tumalikod sya ng sabihin nya iyon. Sumunod naman ako sa kanya papasok sa office nya.

 Pinapaupo nya ko sa harap ng table nya. Pagkaupo ko ay nagdekwatro ako ng upo sya naman ay umupo sa chair nya.

 "Anong trabaho mo sa manila bago ka pumunta dito?" nagtaka agad ako sa inasala nya.

 "sekretary" tamad kong sagot. Nilibot ko pa paningin ko sa mesa nya. Inabot nya sakin ang malaking envelop. Tiningnan ko sya ng nagtataka saka ko binuksan ito. kahit na may hinala ako at medyo kinakabahan.

 Lalong kumunot ang noo ko sa nakita kong mga picture ko. Ito yung picture na pinakita sakin ni nicholas noon. Kahalikang lalaki,nakahubad sa tapat ng bintana, may akay na lalaki at marami pang picture dito. "so?" taas kong kilay "ano meron dito?"

 Nagtiim bagang sya "shit loraine! di mo ba makuha?" galit na ang anyo nya. "gusto ko magpaliwanag ka kung ano ito" may diin ang pagkakasabi nya sakin.

 "na bayaran ako?" walang gana kong sinabi. "na ang target ko ang mayayaman?" naiinis kong sinabi "bakit ang laki ng problema mo?" di sya makaimik sa sinabi ko parang natulala sa mga sinabi ko sa kanya.

 "hindi totoo yan" mahina nyang sinabi habang nakatulala sakin.

 "totoo " tumayo ako ."ano bang inaasahan mo? kita mo naman sa una palang diba? inakit kita! tingin mo matino ako?......" May gumuhit na sakit sa loob ng dibdib ko ng makita ko syang nadismaya ,umiling ako sa kanya at agad tumalikod, umalis na ako.

 Kung layuan nya ko wala ako pakelam, di sya kawalan sakin di ako naapektuhan ok? tss ..... napahawak ako sa dibdib ko sabay sa paghawak sa pader, pumikit ako sa sobrang sakit nito.


SEXMATE storyWhere stories live. Discover now