Date

4.8K 51 0
                                    

Maganda talaga yung offer, promis! sasabihin ko ba sa kanya? bakit pa?.

"saan tayo muna? kain o sine?" nagseat belt sya at ganoon din ako.

" sine muna tayo" tumango sya at nagmaneho na ng sasakyan ko.

" saan ka dito sa manila magwowork?" siguro mga 20mins pa kami makakapuntang SM kasi medyo trapik sa parteng dadaanan namin.

" sa may parteng makati, malapit lang naman" tumango ako habang sya focus sa daan.

"nasan na yung ibang gamit mo? di mo ba kukunin? ....pasalamat ka last payment ko na ng condo ko kaya di na kita pagbabayarin" tumawa sya.

"di talaga ako makakalibre sayo ano?" napangiti ako.

Bumaba ako sa kotse ko pagkapark nya. Medyo mainit na dahil 10am na at mukhang lalo pang iinit ito pagsapit ng tanghali.

Dumaretso kami sa sinehan at bumili ng popcorn at drinks.... sya lang ata nakipagdate sakin ng ganito, mostly lagi ako dinadala sa hotel at doon na kami nagpapalipas ng oras.. di tulad ng ginagawa namin, medyo mas bet ko ito, simple at mmm andyan sya.

Syempre ako pumili ng papanoorin namin.... The Murderer diary.

Mas gusto ko yung exciting " sure ka? hindi ka ba mandidiri?" nakangiwi nyang sabi kaya agad akong ngumiti ng nangaasar.

" masaya to" pagkasabi ko noon umuna akong maglakad na syang sinunod nya.

Tumitindig ang balahibo ko habang pinapanood ito ng nakangiti. Di ako nandidiri pero yung katabi ko kanina pa nagtakip na nagtakip ng mukha nya pag sinasaksak na ng murderer ang mata. Para ngang totoo e.. saya!

Ang story nya ay pinapatay nya ang mga taong nakasulat sa listahan nya. Bayaran sya at vinivideo nya lahat ng krimen na ginagawa nya... sakit na nya ang pagrerecord. mas natutuwa sya pag nagmamakaawa na ang biktima. Pero dumating ang puntong nakadukot sya ng babae na maganda... lalaki ang murderer ha? .. di nya napahirapan dahil di sya binayaran ng buo. Di sya rapist... murderer sya! at pag nakakabayad ng buo ang kliyente nya.. yung video na copy ang binibigay nya, wala syang magawa sa babae kasi baka magsumbong. sa huli unti unting nakuha nung babae ang loob ng lalaki.. di pa sya pinapapatay kasi hinold nya ang babae... utos ng kliyente. ang ending nagkagusto ang lalaki pero sumuko sya sa pulis ... sa tulong ng babae. the end.ganda!

" yung ending lang ang maganda" simangot nya.

sumimangot din ako sa kanya at nagtuloy kami sa restaurant na nasa baba.

Pasta and garlic bread ang inorder namin. Pero ang di ko inaasahan ang kasunod naming mesa.

beth and nicholas... nasa kabilang mesa at nakatingin samin.

" bakit?" agad nalingon ni mr chavez ang likod nya at balewalang humarap sakin. Wala syang alam sa lahat ng ginagawa ng mag amang yan. " tara na kumain, lalamig yang pagkain mo" sumubo sya.

Nakita ko kung pano sumilay ang ngiti ni beth na parang nanunuya. ..si nicholas naman ay uminom ng wine at parang may sinasabi sa anak.

Patapos na kami ng nakita kong tumayo si beth at papunta sa mesa namin pero tumingin lang ako kay mr chavez na nakatingin sa cellphone nya habang nakain.

"gerard,kamusta" walang pakundangang umupo sa tabi ni mr chavez.. si mr chavez naman parang hangin lang kung tignan si beth. ..four sits kasi ang mesa at magkabila kaming naupo ni mr chavez.

" desert?" tanong ni mr chavez na kinatango ko. Itinaas nya kamay nya at lumapit ang waiter na kasabay na sinabing desert for two.

" dito ka na ulit sa manila?" nangingiti padin si beth kahit alam nyang di sya papansinin ng isa. ..nakatitig lang ako kay beth.

"wine,?" tanong nya sakin. na syang kinatango ko.

" so galit ka padin sakin?, busy lang talaga ako noon kaya di kita nasagot" what the hell? nangaasar na tumingin sya sa akin. ..agad naman napatingin si mr chavez sa kanya.

" ano sinasabi mo?" namilog naman ang mata ni beth at nanliliit ang mata.

" diba tumatawag ka sakin nung isang araw? e nasa beach pa ko noon kaya di kita nasagot" paliwanag nya at bumuntong hininga si mr chavez.

" yung wallet mo naiwan mo sa office sa cebu, ipapakuha ko sana sayo dahil akala ko andoon ka pa... " tumingin siya sakin na syang kinaiwas ko.

" bakit di mo kinuha? para naman ako na pupunta sayo" masaya nyang sinabi...napairap nalang ako.

" nagresign na ko sa araw na yun, pinagkatiwala ko sa bago kong asisstant para pag nalaman mo doon mo kukunin " nawala ngiti nya " nagmamadali ako magempake dahil uwing uwi na ko sa kanya" sa sinabi nyang yon napatingin ako sa kanya at sakin naman si beth... nagalit ang mata ni beth ng tumingin ako sa kanya.

Nakita ko kung pano mapahiya si gaga " so.... pipiliin mo ang pok pok na ito kesa sakin? " tumaas ang boses nya dahilan para mapatingin samin ang ilanng customer.

" beth, stop" malamig na sinabi ni mr chavez.

" you stop! " iskandalosa si tanga tumayo pa " mas gugustuhin mong makasama ang babaeng kinakama ang mayayamang lalaki para sa pera?" nanginig ako sa bigla. ..napatingin ako kay mr chavez na ngayo'y galit na nakatingin kay beth.

Naiiyak na bumaling sakin si beth at tinuro turo ako " ikaw! mang aagaw kang pokpok ka! matagal ko na sana itong ginawa.... dahil alam kong pagsasawaan mo din sya!" tumayo na si mr chavez pero ako poker face sa kanya. Lumapit ang ama nya at inaalo sya, kahit yung waiter .. yung customers nakatingin na.

" wala syang inagaw! " madiin na bigkas ni mr chavez " dahil noon pa man di na kita gusto" mahina pero madiin nyang binigkas yon.

" iho... akala ko boyfriend ka ng anak ko? " tumingin si nicholas sakin " di ka magiging masaya sa kanya ... kilala syang bayaran ng mayayaman" dagdag nya na kinatayo ko.

" mam at sir bak--" di natapos ang waiter.

" gerard, iwan mo na yang babaeng yan! di sya makakabuti sayo at peperahan ka lang nya, a-ako! mas disente ako" sinamaan ko si beth ng tingin. Namumula sa galit si mr chavez. Tama sya! di talaga makakabuti si mr chavez sakin. Wala akong lakas na lumaban dahil tama sila, alam ko tama sila!

" excuse" walang emotion kong sinabi at tulad ng dati taas noo kong tinahak ang palabas. Intayin ko nalang sya sa kotse ko rinig kong tinawag nya ko. rinig ko kahit sa paglabas ang sigaw ni beth.

Paglabas ko, uminit ang mata ko .. tanda ng panimulang luha pero pinipigilan ko. Ngayon nalang ulit nangyari ito. Yung ganitong pakiramdam , hindi ko maitindihan ang nararamdaman kong galit,pahiya,lungkot,pagkawasak, sumasakit ang puso ko. dali dali akong nagtungo sa kotse ko. napahawak ako sa dibdib ko at nangatog... sumasakit ang dibdib ko ..wala na yung luhang tinatago ko, sakit sa dibdib na ang nararamdaman ko at di ako makahinga. Isang kamay ang humawak sakin para di ako matumba, at di ko na alam ang sunod na nangyari.

Unti unti kong naramdaman ang haplos sa buhok ko upang dumilat ako, isang pares na nag aalalang mata ang nakita ko at napatingin ako sa likod nya... 11pm na! ang tagal ko bang nakatulog?

"you okay?" tanong nya. ..tumango ako kahit may nakakabit ng oxygen mask sakin. ..hinalikan nya ko sa noo ko para mapapikit ako. " bukas iuuwi na kita" napatingin ako sa doctor na kakapasok lang.

" loraine villa, nakuha namin ang medical record mo... at may sakit ka sa puso, at masama ito" tinanggal nya mask nya at napatingin saming dalawa " your two weeks pregnant, mahihirapan kang manganak ng normal, alaga sa OB ang kailangan mo.. at maingat dapat sa kundisyon mo emotionally and physically., "

what the fuck?

tinanggal ko ang oxygen mask " pero may regla ako" hindi pwede

" may mga kaso na ganyan, ipapaliwag ko " napatingin ako sa tabi ko at kahit sya nabigla.. di ko sya mabasa, agad ng doc binalik ang oxygen mask ko.

SEXMATE storyWhere stories live. Discover now