Housemate

6K 47 0
                                    

 Nagpalipas ng ilang oras si jed sa tabi ko. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyari noong nakaraang araw nya. Kung siguro matino akong tao gugustuhin ko si jed dahil nasa kanya na lahat ang gusto ng isang babae. Pero dahil hindi ako matino mas gugustuhin ko pang mag isa nalang.

 Di sya katulad ko na madaming pinagdaanang sakit. Di sya pwede sa tulad kong ang hangad lang ay yaman at ginhawa ng mayayamang lalaki.


 I enter the kitchen to cook for my lunch. I decided to go to the doctor and follow what the nurse say, pacheck up!. Pasta for my lunch. Di ako diet pero gusto ko ito.

 Pagkatapos kong makakain ng lunch ay dumaretso ako sa kwarto ko para makapaligo ako.

 Agad akong nagtungo sa front desk ng hospital at hinanap si Doctor Milla.

 "pasok po kayo" agad akong pinatuloy ng nurse.

 Nakita ko ang babaeng nakaupo sa desk nya at parang busy pa ito sa sinusulat nya kaya di ako basta napansin. Nang umupo ako ay napatunghay sya sakin at ngumiti.

 "your?" agad nyang banat

 "loraine villa" tumango ako.

 "what do you feel?"

 "paninikip ng dibdib at shortness of breath doc" agad naman syang lumapit sa akin dala ang stetoscope? tama ba, yun ba yun tawag doon? idinikit nya sa akin ang dulo nito.

 "relax lang miss villa" di ako nalingon sa mga ginagawa nya bagkos ay nakiramdam sa ginagawa nya sakin. "ano pa nararamdaman mo?"

 "masama po pakiramdam ko" saad ko

 "tinanggal nya ang nakakakabit sa kanyang tenga at umupo ulit" May sinulat sa kinuha nyang papel "di normal ang heart beat mo, high blood?" napaisip ako. Umiling ako dahil di ko alam ang isasagot ko " kukunan pa kita ng ilang test. ..pasok ka sa loob" tinuro nya ang telang harang at pumasok ako doon.

 Marami syang tinanong sakin kung anong nararamdamanan kong kakaiba... bakit pa nya tinatanong, tango at iling lang ang sinasagot ko at nagpatuloy sya saking pagcheck up.

 "early signs of heart attack miss loraine" nagulat ako sa sinabi nya. Bakit ako magkakaheart attack? "yes! i know na masyado pang bata  at unti unti mo ito nararamdaman" huminga sya ng malalalim. "bibigyan muna kita ng medications pero kaylangan mong magpacheck sakin madalas pag nakakaranas ka ng kakaiba"

 "pero hindi naman ako mataba" diba sa matataba lang yun?

 "may history ka ba ng heart disease?" napatulala ako sa doctor,

 "hindi ko po alam" dahil walang nababanggit sakin about dito

 "kahit sa magkabilang side ng family mo?" pagkukulit sakin.

 "wala pong nababanggit sakin ang magulang ko bago sila mamatay" nabigla naman ang doctor sa sinabi ko

 "so pwede mo ito mamana sa pamilya mo o ito ay dahil mahina ang katawan mo lalo na ang puso mo" tumango ako sa pag sangayon.

 "naninigarilyo ka ba? dahil nakakapagpalala ito ng sakit mo" nakatitig padin sya sakin "ibahin mo ang lifestyle mo at mag vitamins o kumain ka ng masusustansyang pagkain para mabawasan ang nararamdaman mo,wag ka lang magpapataba ha? " tumango ulit ako "bibigyan kita ng mga tips".

 Lahat ng sinabi nya ay tinandaan ko. Shit! ayaw ko pang mamatay dahil dito. Kinakabahan ako sa bawat pagbigkas nya. Parang ano mang sabihin nya ay manghihina ako. Iwasan ko daw ang mga bawal.

 Maapektuhan daw ang sex life ko pag di ko sinunod lahat ng bilin ng doctor sakin. Any treatment na pwedeng makaibsan sakin ay gagawin ko para mapanatili itong normal sakin.

 Nakatulala akong nilakad ang hospital at dumaretso sa pharmacy para makabili ng mga gamot ko na kailangan ko. Sinunod ko ang mga prutas na pwede kong kainin mamayang gabi. Konti lang daw ang kanin ko at puro gulay at prutas na daw dapat ako.

 Shit! ganito pala ang natatakot sa sakit na iyon. Takot akong mamatay ng maaga habang di ko pa naaachieve ang mga kailangan ko sa buhay.

  Sa pangatlong araw ko ng leave ay nakaramdam ako ng panghihina. Di din nagpaparamdam yung isa. Iniwan ako sa ere. tss kainis!

 Pinindot ko ang mga messages ko at isa isa kong binasa iyon sa facebook ko.

 Nica:huy! ano? wala ka na balak bumalik? namimis ka na ng mga customer mo dito.

Naibigay ko na lahat ng savings ko kay nica at sya na daw bahala doon.

Bumalik nalang kaya ako sa manila? Parang nawalan ako ng ganang magtrabaho lalo.

 Unti unti ako napalingon sa pinto ng bumukas ito bigla. Nakakunot ang noong mr chavez ang sumalubong sa akin. "kamusta pakiramdam mo?" inirapan ko sya at pinagpatuloy ang pagbabasa ng messages ko.

 "stress" yun lang sinabi ko para di sya magalala? tss hindi ako yung tipo ng tao na nagsasabi ng nangyayari sa buhay ko. 

 "san kwarto ko? " di ko napansin ang dala dala nyang gamit sa gilid nya. Tinuro ko ang second floor

 "sa kaliwa" Agad ko syang nakitang nagtungo sa taas pero parang buwang ako kasi tinititigan ko ang pwet nyang may pagkasexy kung kumembot! napangiti ako sa iniisip ko. Sexy!

 At isa ko na syang housemate with benefits!

 mas maganda tawagin yun kesa live in ano?

 Isang message ang nagkainterest na basahin ko

 (mica:loraine, May nagbura na ng mga pictures mo! di ko alam pero nakita ko nalang na di na kayang buksan ng kahit na sino, kasi nakatag yun sakin noon. Nawala nalang bigla! ) good! pero bakit gusto nya buksan ulit ito? di ba sya nakontento sa mga sinabi ko sa kanya?                                                                                                


SEXMATE storyWhere stories live. Discover now