Beauty and the Beast

بواسطة hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... المزيد

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#45: Promise

3K 83 6
بواسطة hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 45

Promise

-Saerin Gail's POV-

"Pa," matamang sabi ni Jared habang seryoso ang tingin ni Papa sa amin. Nasa tabi naman ni Papa si Mama na nakatingin din sa aming dalawa.

Huminga ako ng malalim. Magkahawak kami ng kamay ni Jared sa harapan ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila. I don't know if it's okay with them that I'll get pregnant at this very young age.

"Pa, Gail's pregnant." seryosong sabi ni Jared.

Nalaglag naman ang panga ng mga magulang ko at bigla silang napatingin sa akin. Mabilis akong napayuko. I suddenly felt that Jared holds my hand tighter. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang hindi makapaniwalang tingin nila.

"Totoo ba 'yun anak?" tanong sa akin ni Mama.

Huminga ako ng malalim at marahang tumango. Napasinghap naman si Mama at tumingin kay Papa. The whole room was filled with silence. Sinulyapan ko si Jared at nakita ko na seryoso ang tingin niya sa mga magulang ko.

"Hindi ba masyadong maaga ito? I mean my daughter is just eighteen. She's too young for this." muling sabi ni Mama at palipat-lipat ito ng tingin sa aming tatlo. "Samuel..."

"Kailan niyo nalaman? Pumunta na ba kayo sa doctor?" tanong ni Papa. Napatingin naman ako sa kanya ganun na rin si Mama.

"Teka lang, honey-" hindi na natuloy ni Mama ang sasabihin niya ng humarap sa kanya si Papa at nagsalita.

"Wala na tayong magagawa, honey. Nandyan na ang bata. Jared will take the responsibility and we have to face the consequences of letting our daughter to get married at a very young age." seryosong saad ni Papa.

"I know. But it's just that... hindi talaga ako makapaniwala."

"Alam ko po, Ma. And I'm really sorry for this." bahagyang yumuko si Jared. Tumingin siya kay Papa. "Kanina lang po din namin nalaman na buntis si Gail. We will go to our family doctor later to get her check."

Bumuntong hininga si Papa at tumango. Sinulyapan ako ni Papa bahagya akong ngumiti sa kanya.

"And what about your studies, Gail?" tanong sa akin ni Mama. Tumingin ako sa kanya at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Napag-usapan niyo na ba kung anong gagawin niyo?" dagdag niya pa.

"Pag-uusapan palang po namin 'yun ni Gail. Hindi pa po namin napag-uusapan kung ano na ang mga gagawin namin. Gusto ko lang ngayon ay ang ma-check muna siya at ang anak namin."

Napapikit naman si Mama. Hinawakan naman ni Papa ang kamay ni Mama.

"Honey..."

"I'm just worried, Samuel." tumingin si Mama kay Jared. "I know how hard it is to carry a child for nine months, Jared. At hindi ko alam kung kakayanin ba iyon ng anak ko."

"I'll take care of her, Ma. Huwag na po kayong mag-alala. Hindi ko po papabayaan ang anak niyo. I'll be with her during this period." he assured my mother.

"And what about your relationship? And your therapy?" this time si Papa naman ang nagtanong kay Jared. Kumalabog ang puso ko at napatingin kay Jared.

Sandaling tumingin sa akin si Jared pagkatapos ay tumingin siya ulit kay Papa. "I'm done with the therapy. Magiging maayos po kaming dalawa ni Gail, Pa. I can assure you that." he smiled meaningfully.

Nakatingin lang ako kay Jared. Parang may kung anong humaplos sa puso dahil sa mga salitang binitawan niya. Parang ang saya ko sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko ay maayos na kaming dalawa.

"Well, then. Congratulations sa inyong dalawa." ngumiti sa amin si Papa. "Ikaw, Gail. Ingatan mo ang sarili mo. Huwag kang magpasaway sa asawa mo. Sabihin mo lang sa amin ng Mama kapag may kailangan ka." aniya.

Malawak naman akong ngumiti at namuo ang luha sa mga mata ko. "Thank you po, Papa." halos pumiyok na ako. Tumango naman si Papa.

"Ikaw Jared, you better take care of my daughter and your child." baling niya kay Jared.

Ngumiti naman si Jared. "Makakaasa po kayo, Pa."

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Mama. Napatingin ako kay Mama at nakita ko namumula na ang mga mata niya. "Halika nga dito, anak." tawag sa akin ni Mama. Lumapit naman ako kay Mama at kaagad niya akong niyakap ng mahigpit.

"Mama..." mahina kong sambit.

"Yung baby ko, magkaka-baby na rin..." aniya. Napangiti ako at sumulyap kay Jared. He's looking at us with a smile on his face.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Jared. I've never been here before that's why I'm a bit nervous. Kaagad kaming sinalubong ng mga katulong nila. Malaki ang bahay namin pero hindi hamak na mas malaki ang bahay nila.

Kagagaling lang namin sa ospital para i-check ako. Three weeks palang ang baby sa sinapupunan ko. Hindi din kami gaanong natagal doon. They recommended a doctor that will take care of me during my pregnancy. Nagbigay lang siya ng advices at mga vitamins na iinumin ko.

Naninibago talaga ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Parang kahapon lang ay hindi kami okay ni Jared pero ngayon heto kami at sasabihin sa pamilya niya na magkaka-anak na kaming dalawa.

Pero sa kabilang banda, iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya na ako si Sai. Makakatulong ba 'yun sa sitwasyon naming dalawa lalo na ngayong magkaka-anak na kami? Or dapat munang itago ko iyon?

Pero sabi naman ni Jared ay tapos na ang therapy niya. Is this information still necessary?

I don't know.

"Hey, you're spacing out. Ayos ka lang ba, Gail?" nag-aalalang tanong sa akin ni Jared.

Napakurap ako at tumingin sa kanya. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

"Ayos lang ako..." I assured him.

"Are you tired? After the dinner we'll rest okay? Dito na tayo matutulog." aniya at inalalayan niya akong maupo sa isang silya sa dining table nila. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Pero wala naman akong dalang gamit ko..." mahina kong sabi.

"Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala okay?" he smiled.

Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating ang mga magulang ni Jared kasunod si Jerome. Ngumisi lang ito ng makita kami.

"O Gail, hija! Kamusta ka na?" lumapit sa akin ang Mama ni Jared at kaagad akong niyakap at nakipag-beso. "Finally naisipan rin nitong si Jared na dalhin ka dito sa bahay. Nakahanda na kaya ang mga gamit na binili ko noon sa'yo, ikaw na lang ang kulang." tumawa ito at umupo sa tabi ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. I've been causing them a lot of problems recently kaya hindi ako makapaniwala na ganito pa rin ang pakikitungo nila sa akin.

"Ma!" si Jared.

"Bakit? Matagal ko ng sinabi sa'yo na dalhin mo si Gail dito."

Umupo naman si Jerome sa katapat na upuan at ang Papa ni Jared ay doon sa dulo. Ngumiti siya sa akin ng magtama ang tingin namin. Tumikhim naman siya kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"So this is actually our first dinner na kasama natin si Gail." ngumiti siya. "Sabi ni Jared ay may sasabihin kayong dalawa." aniya.

Nagsimula naman ng maglagay ng pagkain sa mga pinggan namin ang mga katulong nila. It feels awkward actually. Nasanay ako na kami ang magsasandok ng sarili naming pagkain. Nagsimula naman na kaming kumain.

"But before that." sumeryoso ang tono ng Papa ni Jared. "Nabalitaan ko ang nangyari kanina sa opisina. Ano na ang plano mo, Jared? Histerical ang pamilya Tan dahil sa naging desisyon mo. Halos nakalahati na ang project, malaking pera na ang nailabas para doon."

Napatingin ako kay Jared. Seryoso ang tingin nito sa kanyang ama. Gusto ko sana siyang tanungin sa mga nangyayari sa opisina niya pero nakalimutan ko rin iyon dahil abala ako sa pag-iisip ng maraming bagay. Pero in the end, wala rin naman akong maitutulong sa kanya.

"I'll take care of that, Pa." bagot na wika niya.

Bumuntong hininga ang ama ni Jared. "Okay. Ikaw ang bahala."

"Ano ba 'yan? Bakit negosyo ang usapan niyo? Ito talagang mag-ama na 'to. Hindi makaka-relate si Gail sa inyo." sabi ng Mama ni Jared. "Ano ba yung sasabihin niyo at talagang sumadya kayo dito?" tanong niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Buntis po si Gail..." sabi ni Jared.

Napatigil sa pagkain ang buong pamilya at marahas na napatingin sa amin.

"A-ano?" sabi ng Mama ni Jared.

"Woah? Ang bilis mo naman Kuya," tumawa si Jerome. "Hindi mo na talaga kayang magpigil?" aniya. Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo sa mukha ko. Gusto kong lamunin na lang ng lupa.

"Masyadong mabilis ito, Jared..." sabi ng kanyang ama.

"Tama. Dapat ay nag-antay muna kayo ng isang taon o di kaya'y inantay mo na grumaduate muna si Gail..." sabi ng Mama ni Jared at kunot-noong tumingin sa akin.

"Ma, ano pa bang aasahan mo kay Kuya na nag-antay ng matagal na panahon para kay Gail? He's badly smitten, he must want her so bad kaya hayun. Ayaw niya ng makawala si Gail sa kanya kaya dun niya kinulong sa kwarto niya."

Sinamaa siya ng tingin ni Jared. "Shut up, Jerome!" singhal niya. Tumawa lang naman si Jerome.

"Siguro ay pati si Gail ay nabigla dito." baling sa akin ng tatay ni Jared. "Jared should take care of you more then." aniya. Marahan naman akong napatango at ngumiti sa kanila.

It's been a long day for me. Nauna akong pumunta sa kwarto ni Jared dahil abala may pag-uusapan pa sila ng kanyang ama na tungkol siguro sa nangyari sa opisina ni Jared. Hindi na rin naman ako nag-abala pang mangialam dahil pagod na ako at inaantok.

Pagkahiga ko ng kama ay kaagad akong nakatulog.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na may humaplos ng pisngi ko. I slowly opened my eyes and was a bit stunned when I saw Jared looking at me.

"Dapat ay nagpalit ka na ng damit mo." aniya. Dahan-dahan naman akong bumangon at mabilis naman niya akong inalalayan. "Are you tired?" tanong niya. Marahan naman akong tumango.

"Magpalit ka na tapos matulog." may inabot siya sa aking damit. Wala sa sarili naman akong tumango. Hindi ko kabisado ang kwarto ni Jared dito pero buti at nahanap ko ang banyo.

Naghilamos ako para mahimasmasan ng kaunti. Sandali kong tinignan ang sarili ko sa salamin at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

Matapos kong mag-ayos at magpalit ay lumabas ako ng banyo. I'm wearing a pink pajama and a plain white shirt. Napatingin ako kay Jared at nakita ko na nakaupo siya sa kama at nakatingin sa lugar ko.

Lumapit ako sa kama at umupo doon sa gilid. Sinulyapan ko siya. Pareho kaming naka-puting shirt at pajama pero kulay blue ang sa kanya.

"Tulog na tayo?" tanong niya. Lumapit naman ako sa kanya. Sabay kaming nahiga pero idantay niya ang kamay niya at doon sa braso niya hiniga ang ulo ko.

Humarap ako at tumingin sa kanya. Malumanay lang itong ngumiti at hinawi ang hibla ng buhok ko at sinabit sa gilid ng tainga ko. Namumungay na ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Unti-unti na akong nilalamon ng antok.

"You should sleep, Gail. Hindi makakabuti sa kanya kapag nagpupuyat ka..." aniya at naramdaman ko ang haplos niya sa tiyan ko. I closed my eyes.

"Mahal na mahal kita, Gail." mahinang bulong niya at naramdaman ko ang labi niya sa noo ko.

And everything felt so wonderful that night. I can feel his love for me... that I'm deeply love by him.

"What?" histerikal na sabi Asha at nahampas pa ang mesa.

Buti na lang at kami lang ang customer ngayon dito sa Starbucks at nasa bandang dulo kami kaya hindi kami pinansin ng mga crew.

"Asha..."

"Seriously, Gail? Buntis ka talaga? As in? Magkaka-anak ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya. Bahagya ko siyang inirapan. Paulit-ulit?

"Oo nga..." sabi ko at uminom ng gatas.

Hindi ko feel yung lasa kaya naman kinuha ko yung frappe na in-order ni Asha. Akma ko na sanang iinumin iyon ng bigla niya itong kuhain mula sa akin. Sinimangutan ko siya.

"Hindi makakabuti sa'yo ang kape, Saerin Gail. Umayos ka. Gusto mo bang patayin ako ni Jared?" umiling siya. "Pero seriously, Gail? Paano nangyari 'yun?" tanong niya.

Lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Did she really asked that question? Nagbibiro ba siya? Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siya.
.
"Pero hindi ka ba nanghihinayang, Gail?" naging seryoso ang tono niya. Tumingin ako sa kanya. "I mean, you're too young for this. Mas bata ka pa sa akin, Gail pero mauuna ka pang maging nanay kesa sa akin. You're just eighteen for goodness sake! Hindi ba naisip ni Jared 'yun?" iritado ang tono niya.

Nanghihinayang? Everything that happened between me and Jared were my decisions, I didn't regret any of it. All the memories that I made with him are something to be kept. And all things that I surrendered to him are worth it.

"Hindi naman ako nanghihinayang..." sabi ko sa kanya.

"Do you already love him that much na pati sarili mo nakakalimutan mo na? Gail, bata ka pa. Marami ka pang magagawa habang di ka pa nagkakaanak. Aabutin mo pa yung mga pangarap mo. You're just too young to get pregnant." sandali siyang tumigil.

Hindi na ako nakapagsalita.

"Ilang taon na ba si Jared? 23? 24? Marami na siyang nagawa sa buhay niya, he's on the right age to settle down pero ikaw? Hindi pa. Hindi niya ba narealize na limang taon ang agwat niyo sa isa't isa? He already established his future while you're not. Sana bago kayo mag-chukchakan ay naisip niya iyon!" aniya.

Nanliit ang mata ko sa kanya. She should be more careful to her words. Feeling ko nga ay alam na ng mga crew dito na buntis ako dahil sa kanya.

"Aasa ka sa kanya ganun?" umirap siya at uminom ng frappe.

"Hindi ba dito pa rin naman babagsak ang lahat? Our business will be lead by him someday, hindi pa rin ako ang hahawak ng negosyo namin at siya din ang hahawak ng negosyo ng pamilya nila. Hindi ako maalam sa ganyan."

"How about your own dreams? You'll just give it up?" tumaas ang kilay niya.

"Baka..." bahagya akong ngumiti.

"Gosh, this is insane," aniya. "Pinikot ka talaga niyan ni Jared. He doesn't want you to leave that's why he did this. Baliw na talaga siya. Gosh, pwede naman mag-ganon ng walang mabubuo di ba? Yun na ang uso ngayong panahon na 'to." aniya at muling umirap.

"Tumahimik ka na nga lang!" mariin kong singhal sa kanya. She laughed.

"Ang cute mo pa rin, Gail." ngumiti siya. "So hindi ka na papasok next term? Iiwan mo na ako?" lumungkot ang itsura niya.

Kahit naman hindi ako buntis ngayon ay hindi pa rin ako papasok next term dahil sa US na ako mag-aaral.Tumingin ako sa kanya at marahang tumango.

"Hmmm..." tumango ako at uminom ulit ng gatas.

"Woah, ang talino talaga ng asawa mo." she said sarcastically.

"Uy nga pala, si Darryl? Hindi ko pa siya nakikita ulit..." mahinang sabi ko. Natigilan naman siya at sumulyap sa akin. "Gusto ko siyang makausap."

"Kailangan niyo na ngang mag-usap. Sayang naman ang pagkakaibigan niyo..."

It's been days since I talked to Asha. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si Darryl at wala rin akong balita sa kanya. Gusto ko sana ay maging maayos ang lahat. But I can wait though, hindi naman ako nagmamadali.

Tahimik lang ako habang nanonood ng T.V dito sa kwarto ni Jared. Staying here at their house was a personal request of Jared's mother. Pumayag din naman sila Mama na dito muna ako tumuloy. Pero sa totoo lang ay nahihiya na ako sa pamilya ni Jared. They're spoiling me too much compare to my own family.

Wala naman si Jared dahil abala siya sa trabaho niya.

"Nabo-bored ka ba dito?" isang boses ang narinig ko.

Napatingin ako sa pinto at nakita ko na nakangiting nakatingin sa akin ang nanay ni Jared. Lumapit siya at umupo sa kama sa tabi ko. "What do you think of my son's room?" tanong niya at ginala ang tingin sa buong kwarto.

Napatingin ako sa buong kwarto. Wala naman akong nakitang kakaiba.

"It's dull and lonely," sabi ng kanyang ina. "Pero hindi ngayong nandito ka." ngumiti siya.

"Ma..."

"Masaya ako kasi unti-unti ng nagbabago si Jared. I'm thanking you because you're here with my son." her eyes twinkled as she held my hand. Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya.

"Ma, ano po ba si Jared noon? Noong bago pa mawala yung first love niya?" wala sa sarili kong tanong habang nakatingin sa kanya.

Bahagya naman siyang ngumiti sa akin. "Mas malala pa siya bago dumating si Sai,"

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bata palang si Jared ay may kakaiba na sa kanya. He's insensitive when it comes to others and he's also not expressive when it comes to his feelings or anything. Wala siyang kaibigan noon at malayo din ang loob niya sa kapatid niya maging sa amin na magulang niya..." seryosong saad niya.

Hindi ko maintindihan. Hindi na ako nakapagsalita at nakinig sa kanya.

"Then Sai came to his life. Nagulat kami sa pagbabago sa kanya. In just a small span of time, he cared for someone and he became expressive to that girl. Naalala ko noon, we delayed our plan in bringing him abroad because he's slowly changing. But then a tragedy came between Jared and that girl..." humina ang boses niya at tumingin sa akin.

Parang may kung anong dumurog sa puso ko. Hindi ko pa rin maintindihan ang lahat.

"Ano pong nangyari?" mahinang tanong ko.

"He became worst." aniya at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. "My husband even quitted politics just to be with Jared when we migrated to US. Hindi namin alam ang gagawin noon kaya wala kaming nagawa kundi ang palabasin kay Jared na patay na ang batang yun wherein fact we know that she's actually alive..." she looked at me intently.

Bigla akong nahirapang huminga sa mga sandaling ito. Seryoso ang tingin sa akin ng nanay ni Jared na para bang binabasa niya ang nasa isip ko. Nangilid ang luha sa aking mga mata. "We actually know who she is."

Marahan akong napalunok kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata ako. Mabilis akong napayuko at umiyak. They know who I am. Kilala nila kung sino ako sa buhay ni Jared.

"Ma..." niyakap niya ako.

"Nung nalaman namin na nagising ka ay gusto sana naming lumapit sa'yo para humingi ng tulong pero nalaman namin na wala ka ng naaalala at masyado ka pang bata noon. We've waited for years to plan that arrange marriage. Kaya lang nalaman namin na may gustong babae si Jared noon kaya si Jerome ang sinabi namin. Gusto namin na bumalik ka sa buhay ni Jared. Pero nalaman din namin na ikaw pala ang babaeng gusto niya..."

I cried silently. Marahang hinagod ng nanay ni Jared ang likod ko.

"Alam po ba ni Jared na ako si Sai?" tanong ko at tumingin sa kanya. Marahan siyang umiling at pinunasan niya ang luha ko.

"Hindi niya alam," pilit siyang ngumiti. "Hell will definitely rise if he'll know it from us."

Hindi na ako nakapagsalita.

"Lahat ng nangyayari kay Jared ay hindi dahil sa'yo, Gail, hija. Sobrang nagpapasalamat kami na dumating ka sa buhay ng anak ko and now you're staying here with him." aniya sa isang masayang tono.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Sana ay magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kay Jared ang totoo pero hindi ko alam kung paano. Naguguluhan pa rin ako sa nangyari kay Jared. Sa sinabi ng nanay niya.

Pero alam ko na isa ito sa mga kailangan naming ayusin ni Jared.

Unti-unti akong nagising ng maramdaman ko na may humalik sa akin. Pagmulat ko ng mata ko ay kaagad na bumungad sa akin ang mukha ni Jared. Ngumiti siya sa akin at muli na naman akong siniil ng halik.

"How's your day?" tanong niya ng humiwalay siya sa akin.

Dahan-dahan naman akong bumangon at humarap sa kanya. "Ayos lang naman, kasama ko si Mama, namili kami kanina." sagot ko.

Tumango naman siya at niluwagan ang necktie niya at tinanggal. Kinalas niya rin ang unang tatlong butones ng suot niyang puting long sleeves.

Naalala ko ang mga sinabi ng Mama niya kanina.

"We need to talk, baby..." naging seryoso ang tono niya. Mataman ang tingin niya sa aking mga mata. Lumakas naman ang kalabog ng puso ko. "But promise me one thing, okay?" aniya at hinawakan niya ang kamay ko.

Marahan naman akong napayuko. Hinawakan niya ang baba ko at inangat para tumingin sa kanya. Lumapit siya sa akin at mababaw akong hinalikan.

"Ano 'yun, Jared?" tanong ko.

I am ready to listen to anything that he will say. I am willing to do anything that he'll ask me to do. Handa akong tanggapin ang lahat sa kanya.

"Don't leave me..." matamang pakiusap niya. "Don't leave me after this..."

"Hindi kita iiwan, Jared." bahagya akong ngumiti sa kanya.

His eyes were bloodshot, it looks like he's ready to cry anytime. Huminga siya ng malalim at pinisil ang kamay kong hawak niya. "You deserve to know this because you're my wife."

I waited for him to talk.
.
"The therapy was not successful. It even didn't help me at all." aniya.

Nagulat ako sa sinabi niya. All this time I thought that it's helping him.

"Pero bakit?" tanong ko.

"Because my issue with Sai is only a facade. It is just a part of it but not the whole of it."

Bumilis ang tibok ng puso ko. I'm trying to absorb what he's saying but it's too hard.

"Bata palang ako may problema na talaga sa akin. I do have a lot of personality problems and my family needs to keep it from other people so that they can protect me from them." namaos na sambit niya. He laughed bitterly. "Did you know that you literally marry a monster?"

Unti-unting bumagsak ang luha ko kasabay ng pag-iling ko. Hindi ko iyon nakita sa kanya sa mga panahong nakasama ko siya.

"Jared..."

"Pakiramdam ko ay may demonyo na nakatira sa loob ko." pagak siyang tumawa at nagsimula na ring tumulo ang luha sa mata niya. "I'm sorry, Gail..."

"Hindi..." umiling ako. "Hindi ka ganun. Hindi ko yun naramdaman sa'yo."

Umiling naman siya. "I became this successful because of who I really am, Gail. I am insensitive and manipulative. I am selfish and inconsiderate. Yun ang totoo..."

"Yung tatlong taon na ginawa ko para makuha ka, it's not because of what happened to me before. Ginawa ko yun dahil ganung klaseng tao ako. I blackmailed people, I ruined their lives and I even hurt others. Ginawa ko yun kasi ganun ako."

Umiling ulit ako. Parang ayokong paniwalaan ang mga sinasabi niya. "Hindi..."

"Nagawa ko yun sa'yo, Gail." aniya at hinawakan ako sa magkabilang bakikat.

"Hindi... hindi totoo 'yan."

"Gail!"

Tumingin ako sa kanya. "Hindi..." I sobbed.

"Did you know that I actually intended to get you pregnant? This is a part of my selfish plan to get you. I can actually stop myself or do something to not let this happen because you're too young for this. As much as I want to stop myself pero mas nangibabaw ang pagiging insensitive at pagiging makasarili ko. Hinayaan kong mangibabaw ang sarili kong kagustuhan, Gail."

Hindi na ako nakapagsalita at napayuko na lang. I cried silently. Jared slowly pulled me to a hug. Hindi ko na siya nayakap pabalik. Bumalik sa memorya ko ang lahat ng mga nangyari noon. Yung sa bar kung saan ko siya unang nakita, nung lumayas ako at nakilala siya at lahat ng mga nangyari sa aming dalawa.

"I'm sorry, Gail..." naramdaman ko ang panghihina niya. "My issue with Sai is just to mislead you and everyone of who am I really. Kung may nakatulong man sa akin na magbago ay ikaw 'yun, Gail. It's not the therapy or anyone else. Ikaw yun. I'm changing because of you. You're my exact opposite, Gail. At ikaw ang kailangan ko para tuluyan akong makawala sa lahat ng ito."

"Jared..." I sobbed.

"Shhh, baby..." marahan niyang hinagod ang likod ko. "I'll be a better person, Gail. I promise."

I slowly hugged him back.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.1M 19.5K 70
A life full of deception is the definition of my life. From love or from hate? That is what I am about to find out. For everything that they inflicte...
9.5K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
2M 35.9K 61
Most Impressive Ranking: Rank 1 in #TeenFiction! (10/14/18) They are living under the same roof. But what's the twist? They are college classmates...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...