Marrying My Ex [MinSul]

By darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue

Chapter 35

6.8K 142 28
By darkkkAJ

Sa Korea po ang setting nito. Sorry po sa mga nalilito. Korea po. Kung may nakita man kayong Pilipinas. Paki, PM nalang sa akin nang maayos ko. Sorry talaga T___T Sana hindi kayo malito. Sorry.

-----

CHAPTER 35 - Para sa Kanya

"Sino ya--"

"Hello, Taejoon!"

Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa tapat ng pinto.

"KUYA DANIEL!"

***

Ininvite niya akong magkape muna sa baba kahit sandali lang. Napadaan lang daw kasi siya para bisitahin at kamustahin ako dahil nabalitaan niya ang pagdating ko dito para sa World Junior Championship.

"Kuya, tinatawagan kita, pero hindi kita macontact." sabi ko, nandito kami ngayon sa coffee shop ng hotel.

Tumawa siya. "Nawala ko kasi ang phone ko noong nasa Singapore ako. Hindi ko naman memorize yung number ko kaya hindi kita naabisuhan. Tapos wala akong panahong magFacebook o kung ano man diyan."

"Ganun po ba?" tapos sipsip ng kapeng inorder ko.

"Nagkita na ba kayo ni Jahee?" tanong niya. Ito ang hinihintay kong itanong niya. Para akong nabuhayan ng dugo noong marinig ko ang pangalan ni Jaehee.

"H-hindi pa nga po. Hindi ko siya macontact, Isang buwan na." sagot ko.

"Ha? I mean sa Korea, you haven't seen her yet?" Kumunot ang noo niya at nalaglag ang panga ko. "Last month pa nakauwi si Jaehee. Mabilis niyang nakumpleto ang requirements niya eh..."

"...PWEDE NA SIYANG MAGPATAKBO NG KUMPANYA! Isa siya sa top students ng Business Schools na pinasukan niya. Talagang sulit ang bayad doon." Masayang sabi ni Kuya Daniel. Umiling-iling naman ako. Good news yun! Masaya ako dahil tapos na ni Jaehee ang business school. Masaya akong malaman na umuwi na siya sa Korea pero bakit hindi ko alam?

"H-hindi po. Hindi ko pa po siya nakikita. Ibig niyo po bang sabihin, isang buwan na si Jaehee sa Korea?"

Tumango si Kuya.

"Pero bakit hindi po siya nagpakita? Hindi niya ako sinabihan. Pati sila Tito Sojeong, wala pong ka-alam-alam. Bakit?!"

Napakamot naman sa ulo si Kuya Daniel, saka umiling-iling. "Minsan talaga, mahirap ispellingin si Jaehee. Hindi kasi nagsasabi ng kung anong plano niya. Kung anong plano niya, siya lang ang nakakaalam."

Ano na naman bang plano mo, Jaehee? Bakit hindi mo sinasabi?

Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin si Kuya Daniel. May ooperahan daw siya ngayong araw eh. Bangag akong bumalik sa hotel room ko at nadatnan ko si Mommy sa kwarto ko. Oo nga pala, kasama ko sila dito. Nakalimutan ko.

"Saan ka ba galing, bakit hindi ka nagpaalam?" sabi niya agad. Napag-alala ko ata si Mader.

"Sa baba lang po. Nakausap ko si Kuya Daniel." sagot ko saka ako humiga sa kama at pumikit.

"A-anong sabi niya?"

Hindi ako umimik. Nararamdaman ko kasing sumisikip na ang dibdib ko at namumuo na ang mga luha sa mata ko. Nasasaktan ako. Akala ko kasi pagdating ko dito, makikita ko si Jaehee. Pero hindi pa rin pala. Magkabilang mundo pa rin kami. Kung kailan nandito na ako, saka ko nalaman na nandoon na pala siya sa Korea.

Ano ba yan, nagmumukha na akong tanga neto eh.

"Taejoon, are you okay?" naramdaman kong umupo si Mommy sa tabi ko. Umupo ako pero nakapikit pa rin. Pinipigilan ko kasing tumulo ang luha ko. "Ilabas mo lang, TJ. It's okay. Mommy's here. Anong nangyari?" Hinaplos-haplos ni Mommy ang likod ko.

"Ma, wala si Jaehee dito..." mahinang sabi ko. Ibinukas ko ang mga mata ko at tumakas ang mga luha. Tuluyan na silang tumulo at agad ko namang pinunasan.

"...last month pa po pala siyang nakabalik sa Korea, pero hindi po siya nagpakita, Walang pasabi. Wala akong ka-alam-alam, Ma!" humagulgol na ako. Weird ba? Lalaking humahagulgol. So what?

Niyakap ako ni Mommy. Buti nalang nandito siya. Mabuti nalang talaga. Kung hindi, baka dahil broken ako ngayon, uuwi na ako sa Korea at hindi nag magparticipate sa competition ko.

"Don't you trust her?"

Natigilan ako sa tanong ni Mommy. I TRUST HER! I trust her with all my heart. Pero natatakot ako, dawalang taon ba naman kaming hindi nagkita. Malaki ang possibility na mag-fade yung feelings niya lalo na kung may nakita siyang taong magpaparamdam ng di ko maiparamdam sa kanya dahil nga malayo kami sa isa't-isa at dahil labis yung sakit na naiparamdam ko sa kanya noon.

Paano kung hindi na niya ako mahal? Tangina! Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano! Wala naman kasi akong maisip na dahilan niya bakit hindi pa siya nagpakita sa akin agad, isang buwan na pala siya sa Korea. Natiis niyang hindi ako makita samantalang, ako, bangag at halos mabaliw na sa loob ng isang buwan na yun na wala kaming communication. Wala ni isang text, o kahit blanko man lang.

"Relax Taejoon. Remember, tomorrow's your competition." sabi ni Mommy.

Paano yan, sa nangyayari ngayon parang hindi ko na ata kakayanin pang tumalon. Parang gusto ko nang mag-quit. Sabi ni Jaehee, wag ko daw igive-up ang high jump. Ginawa ko naman yung gusto niya ah! Heto na nga ako oh, tapos biglang wala siya. Lokohan?! Pinagtataguan ba niya ako?

"Ma, paano kung hindi ko matalon yung bar?" sabi ko. sabay singhot ng sipon ko bago tumulo (LOL)

"Matatalon mo yun. I believe in you."

Tanginang I believe in you yan! Sinabi rin ni Jaehee sa akin yan noon. Si Coach Johnny din. Tapos ngayon naman, si Mommy. Napakamot ako sa ulo ko. Kung wala si Jaehee, nandito naman si Mommy. She believes in me. Tatalon ako bukas. Iuuwi ko ang gold medal, para kay Mommy, para kay Daddy, para sa mga kaibigan ko, para kay Coach Johnny...

At para na din kay Jaehee. Para sa kanya ito. Kahit na hindi ko alam kung nasaan siya. Kung ano ba talagang nangyayari. Siya rin naman ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Tatapusin ko ito, para sa kanya.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Nagdinner kami ni Mommy sa resto ng hotel saka kami natulog na. Tinabihan ako ni Mommy. Mabuti nalang talaga at nandito siya. Kailangan ko nga talaga siya dito, tama sila...

***

"Here we are again, to this year's World Junior Championship for High Jump!" sabi ng announcer sa labas, pero dahil malakas ang speakers ay rinig ko hanggang dito sa loob.

Nandito ako ngayon sa loob ng prep room. Nakaupo at nanginginig ang mga paa ko. In few minutes, magsisimula na ang talunan. Rinig na rinig ang malakas ng sigawan ng mga tao. Hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan! Syempre, paano nga kasi kung hindi ko matalon yun diba? KAHIHIYAN! Headlines na naman ako niyan.

"Taejoon, handa ka na ba?"

"Coach!" Napatayo ako. Dahan-dahan na din akong tumango.

"Good. Galingan mo mamaya, ikaw ang pambato ko. Alam mo naman yan. Wag mong kakalimutan ang mga itinuro ko sa iyo."

"Yes, Coach..."

Tinapik ni Coach ang balikat ko saka siya lumabas ng prep room. Pinuntahan ko naman si Mommy na nasa kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit ko.

"Ma..."

"May kailangan ka ba? Ano? Sorry, anak, wala kasi akong alam sa mga ganito. I should've at least learned all of these noon..."

Niyakap ko siya.

"No, mom. You don't have to do those things naman. I have my crew with me. Bahala sila sa lahat ng kailangan ko. Importante ngayon dito ay presence mo. That's more than enough, Ma."

I heard her sob. "Ma, umiiyak ka?"

Tumawa naman siya sabay punas sa mga luha niya. "Tears of joy?" sabi naman niya. Ngumiti na din ako...

"I'm so proud of you, Taejoon. Sobra. Kami ng Daddy mo. Ngayon namin naiintindihan kung gaano kahalaga sa iyo ang High Jump. I'm sorry kung sinubukan naming pahintuin ka sa passion mo noon, we're so sorry. Tingin kasi ng Daddy mo, hobby lang ito. Pampalipas oras... But you proved us wrong..."

"Okay lang yun, Ma. If you didn't do that, hindi kami magkakabalikan ni Jaehee."

***

"Now, we have here the 20-year old Korean high jumper, Kang Taejoon..." sabi ng announcer, pero halos hindi ko marinig dahil sa nakakabinging sigawan ng mga tao. Naglakad ako papunta sa starting point.

"I guess this is his first competition ever since he got over his Yips Syndrome." sabi ng isa.

"You're right, partner! We all thought that it will be the end to Kang Taejoon's colorful carreer on High Jump." tapos tumawa naman siya. Itong dalawang madaldal ng announcers na ito talaga.

"Now let's see if he really is over with his Yips Syndrome already since we all know the fact that Yips Syndrome is something that kills dreams, right? Besides Mr. Johnny Lee was his personal coach, so let’s see what he got."

"Let Taejoon begin with his first attempt."

Huminga ako ng malalim. Naka-set ang bar sa 2M and 32 CM. Ang highest record ng mga naunang players sa akin kanina ay 2M and 31 CM, which is also my latest record.

Nang narinig ko na ang pito, tumakbo na ako. Pero shet, biglang nag-flash sa utak ko si Jaehee. Tangina! Para akong nawala sa sarili, noong tumalon ako, alam ko, alam ko sa sarili ko na nagalaw ko ang bar.

Napa-boo ang mga tao. Napa-iling naman ako. Ano bang nangyayari sa akin? WALA NA AKONG YIPS AH!

"Whoa. What happened?" sabi ng announcer 1.

"Nah, that's just his first attempt. He still has two attempts. Let's see." sabi naman ni announcer 2.

Tumingin ako kay Mommy na pawis na pawis kahit nasa tapat naman ng fan.

"Kaya mo yan! Fighting!" sabi niya.

Tumango ako at bumalik sa starting point.

Tumunog ulit ang hudyat ng simula kaya tumakbo ulit ako. Inirelax ko ang sarili ko. Sinubukan kong i-clear ang utak ko. Sandali kong kinalimutan si Jaehee. Basta kapag natalon ko ito ngayon, wala na akong ibang iisipin mamaya kundi siya.

Tumalon ako.

Tangina! Nagalaw ng dulo ng paa ko yung bar! SHIT! Napahampas ako sa foam. Nakita ko si Coach Johnny na lumapit sa akin, pati si Mommy. Mas lalong lumakas ang bulong-bulungan sa buong stadium. May mga naghahagis na ng kung ano-ano. Tangina, hindi pa ako tapos! May final attempt pa!

May isang chance pa!

Bumaba ako sa foam at nilapitan sina Coach Johnny at Mommy.

“Anong nangyayari?” tanong ni Coach.

Umiling ako at yumuko. “Hindi ko din alam eh. Di ko na ata kaya, Coach.”

“Maybe, this could help.” Sabi ni Coach. Tapos iniabot ni Mommy ang phone ko sa akin.

“Go on, Taejoon~”

Kinuha ko ang phone at itinapat sa tenga ko.

(Hello?) Boses ng isang babae. Biglang bumilis ang tibok ni heart.

“Goo Jaehee?!”

(Hoy Kang-Kong, anong nangyayari sa iyo? Two attempts na ah, bakit wala pa rin? Akala ko ba nagtraining ka!)

“AY SHEET~ Nanonood ka?!” Napahilamos ako sa mukha ko. “Ikaw kasi! eh” sabi ko, pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko.

(Anong ako?)

“Ugh! Bakit hindi ka nagparamdam?!!!! ALAM MO BANG MISS NA MISS NA KITA?!” Napapikit ako.

(Alam ko. HAHAHA. You’ll know everything soon, KAPAG NATALON MO YUN BAR. Kung hindi, hindi na ako magpapakita sa iyo. EVER.)

“Blackmail ba to?!” SHEET!

(Dali na, Taejoon.)

“Jaehee?!”

(I love you.)

BOOM! Nawala ang inis ko at instant akong napangiti.

“I love you, more.”

Agad kong ibinalik kay Mommy ang phone ko at dali-daling tumakbo sa starting point.

“Oh, ano pang hinihintay niyo?” Na-shock ata ang lahat dahil biglang tumaas ang energy ko.

“FINAL ATTEMPT NA!!!!!!!!!!” Kung di pa ako sumigaw, hindi sila magigising sa katotohanan.

“And yes, we’re back. There was just some sort of emergency call earlier, but as you can see, Kang Taejoon is back to the starting point.”

Tumunog ang pito. At tumakbo ako.

“He is now on his final attempt. Now let’s see if he makes it, he will win the gold medal...”

Ito na. Malapit na ako. Ito na talaga. Moment of truth.

Tumalon ako at ipinikit ko ang mga mata ko. Para akong lumilipad.  Ganito yung pakiramdam ko noon. Noon, bago pa man ako magka-Yips. Naisip ko ang sinabi ni Jaehee kanina.

I love you.

Shet yan! Isang I love you niya lang, lumalakas ako. Para akong nagkaka-adrenaline rush. Para akong nakakain ng magic beans. Para akong nakainom ng isang litrong energy drink. Para akong si Taemin na laging full of energy.

Dumapo ang likod ko sa foam at ang tahimik na crowd, ngayon ay nagsisigawan. Ngumiti ako. Alam ko, alam ko sa sarili ko na nagawa ko. Humiga pa rin ako doon at hinayaang magkagulo ang mga tao. Narinig ko ang umiiyak na boses ni Mommy.

“Taejoon, anak, nagawa mo!!!!!!” Napamulat agad ako at nakita kong siyang nagtatatalon agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. First niya kasing makapanood ng live sa major competition ko.

“I’m so proud of you...” Sabi niya habang lumuluha pa rin. Tears of joy nga daw.

“I know, Mom. I know.” Sabi ko. At hinigpitan ko lalo ang yakap sa kanya.

Tinawag na ako dahil awarding ceremony na. May bouquet pa ako at gold medal. Ngiting-ngiti ako sa picture. Dahil alam kong laman na naman ako ng balita. Pero mas masaya ako dahil ibig sabihin, makikita ko na ulit si Jaehee. Diba sabi niya? Kapag natalon ko yung bar?

Ngayon, ramdam na ramdam ko na na abot ko na ang pangarap ko sa High Jump. Pwede ng huminto at magfocus sa ibang bagay. Naappreciate na din ng pamilya ko ang kahalagahan ng High Jump sa akin eh. At alam kong proud sila sa akin, kahit na gusto nila akong pahintuin noon para sa business namin. Buti na nga lang nangyari yun eh, kung hindi, edi hindi kami magkakaayos ulit ni Jaehee diba? Blessing in disguise lahat ng pagsubok noon, pati ang Yips Syndrome ko.

Ngayon ang tanging bagay nalang na gusto kong mangyari ay...

Pakasalan si Jaehee at huwag na ulit siyang papakawalan.

BOOM!

-----

Epilogue will be posted maybe on Saturday. :( I'll be very busy this week eh. Plus, the Prologue for the Book 2 pala, next week din.

Can you guys suggest title for the Book 2? Thanks.

Continue Reading

You'll Also Like

110K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
762K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
556K 7.8K 40
Nagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex...
21.2K 760 67
They say madali daw ang mag move on.. Na sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ng tao, dapat ginagamit ang MOVE ON. Dahil hindi naman tamang mabuh...