Marrying My Ex [MinSul]

By darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Epilogue

Chapter 34

5.9K 130 21
By darkkkAJ

CHAPTER 34 – Out of Reach

“OMG. Malapit na ang competition mo, TJ!” nagtatatalon na lumapit sa akin ang mga kaibigan ko. Lalong lalo na sina Taemin at Krystal na lalong nagiging close at parehong isip bata. Kakalabas ko lang ng gym at katatapos lang ng puspusan at pinakahuling training namin ni Coach Johnny.

Tama sila, malapit na ang competition ko. Isang buwan nalang. Excited ako sa competition ko, pero mas excited ako sa muling pagkikita naming ni Jaehee.

8 months na rin ang nakalipas mula noong pumunta dito ang Kuya Daniel ni Jaehee. February 2014 na ngayon! 1 year and 2 months na kami ni Jaehee. Imagine-in niyo yun! 1 year and 2 months! Hindi kami nagkikita sa loob ng 1 year and 2 months na iyon kundi sa Skype lang. Mahaba na yung buhok niya. Hanggang balikat na.

“Malapit na rin kayong magkita ulit ni Jaehee.” Nakangising sabi ni Eungyeol.

“Oo nga. Miss na miss ko na siya.” Sabi ko.

“KAMI DIN NOH!” sabi nilang lahat.

“Gusto niyo bang sumama sa America pag competition ko? Tapos makikita rin natin si Jaehee doon!” sabi ko. Natahimik naman sila at nagtinginan lang.

“A-ahh... Kasi, Taejoon. Nakakahiya naman. Tsaka mahal ang ticket. At isa pa, may pasok kami.” Sabi ni Jinki.

“O-oo nga. Papanoorin ka naming sa TV! Wag kang mag-alala.” Dagdag naman ni Kibum.

Kumunot ang noo ko. Anong problema ng mga ito? Pero may point sila. Isa pa, hassle rin naman kung sasama silang lahat sa akin sa America.

“S-sige.” Sabi ko.

Kinabukasan, inihatid na namin ng barkada si Coach Johnny sa airport. Kailangan na rin kasi niyang bumalik sa America. Isang buwan nalang at WJC na diba? Organizer pa naman siya tapos wala siya doon. Pero syempre, dahil big event iyon, matagal nang naka-set ang lahat. Maraming galamay si Coach Johnny. Kahit nandito siya, nagawa niyang maayos ang lahat.

“Maraming-maraming salamat, Coach.” Sabi ko. “Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na talagang pinuntahan mo pa ako dito para i-train. Sobrang salamat po talaga... Kung hindi po dahil sa inyo baka hindi ko po napag-igihan pa lalo ang high jump.”

Ngumiti so Coach. “Ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo. Ikaw ang athlete ko sa WJC.”

“Pero kahit na, Coach... Salamat pa rin.”

“Osige na. Mauuna na ako. Magkita nalang tayo sa America next month.” Sabi niya.

“Sige po, Coach.”

“Alam ko naman na ikaw na ang mananalo doon.” Sabi niya.

“Syempre, kayo Coach ko eh! Coach Johnny Lee!” sabi ko naman.

“HINDI YUN! DAHIL IKAW. IKAW SI KANG TAEJOON. AT NANINIWALA AKO SA IYONG KAYA MO YUN KAHIT HINDI AKO ANG NAGSANAY SA IYO.”

Awwwwww. Touch naman ako doon.

Tuluyan nalang umalis si Coach dahil tinawag na for boarding ang mga passengers. Nang makapasok na si Coach, umalis na din kami. May pasok pa rin kasi itong mga apat na baliw kong kaibigan eh. Naki-epal lang sila. Isa pa, hindi alam ng media na aalis na si Coach ngayon. Kung alam nila, baka bumaha ng reporters dito.

Natapos ang araw. Maghapong pag-aaral ang ginawa namin. Na-miss ko na din ang pag-aaral kahit papano. Puro kasi ako training these past months kaya heto, naghahabol na naman ako. Pero dahil matalino naman ako, at mababait naman itong mga kaibigan ko, tinutulungan nila ako sa paghabol sa mga subject kaya hindi ako nahirapan.

Dahil pagod ako, agad akong humiga sa kama at idinial ang number ni Jaehee saka pumikit. Hinihintay kong marinig ang boses niya. Kapag naririnig ko kasi ang boses niya, nawawala ang pagod at stress ko.

“Jaehee!” sabi ko agad dahil akala ko sinagot na niya.

(Sorry. The number you dialed is currently unavailable. Please try your call later.)

Agad ko namang pinatay at saka ako umupo. First time ata ito ah. Bakit naman kaya unavailable nalang bigla? Siguro lowbatt siya or what. Mamaya ko nalang ulit susubukan. Dahil nga pagod ako, umidlip muna ako saglit. Nagising ako, 9PM na pala! Nag-dinner ako at saka nagshower at bumalik sa kama.

Susubukan ko na namang tawagan si Jaehee.

Ilang beses kong sinubukan pero puro unavailable. Hindi ko alam kung bakit. Baka naman may sira ang network or mahina ang signal. Sinubukan kong tawagan si Taemin.

Isang ring palang, nasagot na agad.

(Hyung!)

Kumunot ang noo ko. “May problema ba sa signal?”

(Ha?)

“Sinusubukan ko kasing tawagan si Jaehee. Kanina pa, pero unavailable daw siya eh.”

(A-ahh... G-ganun ba?) Sandali siyang natahimik dahil may nagsalita sa background niya. Ang ingay. Parang ang dami niyang kasama.

“Taemin?”

(Ah... Mukhang wala naman, hyung. Okay naman oh. Hindi naman putol-putol yung linya ah.)

Tapos may nag-ingay na naman sa background niya... Narinig ko pang sabi niya, “Tumahimik nga kayo! Kausap ko si Taejoon, ano ba?!” Tumahimik naman ang background.

“Mukhang marami kang kasama diyan ah?”

(A-ah... Oo, daming tao dito. Ah sige hyung, bye na muna ha. Medyo busy eh.)

“Sige. Salamat, Taemin. Sorry sa abala.”

(Okay lang, hyung.)

**END OF CALL**

Hindi ako nakatulog sa gabing yun. Nag-online ako sa Skype. Pero syempre, araw ngayon sa America. Ibig sabihin, may pasok siya. Pero umaasa pa rin akong mag-online siya o di kaya,  tumawag.

Madaling araw na, pero wala pa rin.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama pagka-shut down ng laptop ko. Pumikit ako. Anong nangyari bakit hindi ko siya macontact? Idinial ko ulit ang number niya ng ilan pang beses hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising ako sa tunog ng alarm clock.

Inabot ko ito at pinatay. Idinilat ko ang mata ko at agad na tinignan ang phone ko, pero wala. Walang call or message. Kinakabahan na tuloy ako.

Anong nangyari, Jaehee?

 

 

Kahit na puyat at bangag ako, pumasok pa rin ako sa school. Baka kasi busy lang sa school si Jaehee. Siguro nga. Malapit na din siyang matapos sa school. 1 month nalang diba? Hindi dapat ako nagooverthink.

1 week kaming hindi nakapag-usap. Hinayaan ko lang hanggang sa mag-two weeks na. Hindi ko na kaya. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya pero natatakot ako, parang may maling kutob ako. Ganito yung kutob ko noong araw na lumabas ako sa ospital at umalis pala si Jaehee.

“TJ, may problema ka?” biglang sumulpot si Krystal. Matagal ko na ring hindi nakaka-one-on-one itong babaeng ito ah.

“W-wala naman...” sabi ko. Tapos umiling-iling ako.

“Pansin ko, these past few days, bangag ka lagi ah. Uyy, ayusin mo sarili mo! Malapit na competition mo!” Ngumiti siya saka siya kumaway at pupunta daw sa library.

Natulala naman ako. Fvck! Oo nga. World Junior Championship! Nagmadali akong tumakbo sa gym at naabutan ko si Hyeonjae doon.

“Uy TJ! Sunod ka?” tanong niya.

Tumango ako. “Sige, tapos na ako, sakto.” Sabi niya, saka niya ako tinapik sa balikat at lumabas na siya ng gym. Inayos ko ang sarili ko, nagbihis ako saka ko iniready lahat ng kailangan.

Masyado na naman akong occupied dahil sa kawalan ng communication namin ni Jaehee. Nawala sa utak ko itong competition kong paparating na. Umiling-iling ako at nagsimula na namang tumakbo.

Agad kong tiningnan ang bar pagka-dapo ko sa foam, nandoon pa rin ito. Napapikit ako. Akala ko naman, makakaapekto na naman sa talon ko ang mga iniisip ko this past week. Handa na ako. Handa na ako sa World Junior Competition.

***

“TANGINA!” Napamura ako sabay sipa sa upuan. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Wala akong pakialam kung may makarinig sa akin pero wala na akong mapaglabasan ng nararamdaman ko.

Next week na ang World Junior Champioship. Next week na ang lipad ko sa America, pero wala, hindi pa rin nagpaparamdam si Jaehee. Hindi ko alam kung ano nang balita sa kanya. Alalang-alala na ako.

“Relax lang, Joon.” Sabi ni Hanna.

“Paano ako magrerelax? Hindi ko macontact si Jaehee. Kahit kayo, hindi niyo rin macontact. Sina Mommy, Daddy pati parents ni Jaehee, hindi rin nila macontact. Si Kuya Daniel, hindi rin macontact. Ano bang nangyayari?!”

“H-hindi rin namin alam eh.” Sabi ni Jonghyun.

“Baka naman may sira ang signal sa US?” sabi ni Eungyeol tapos binatukan naman siya ni Hanna.

“Anong may sira?! Eh tatlong linggo nang hindi macontact!” sabi naman ni Hanna.

“Kahit sa Skype. Sa FB. Sa Twitter. Flinood ko na siya, pero wala pa rin. Walang reply. Hindi ko nga alam kung nakita na ba niya yung mga yun eh.” Nahawak ako sa batok ko.

Walang sumagot. Natahimik ang mga kaibigan ko pero nagtitinginan pa rin sila. Hindi ko nalang pinansin. Tumayo ako at nagsimulang maglakad-lakad ng pabalik-balik hanggang sa maisip ko ang isang bright idea. *lightbulb*

“Alam ko na!” tapos ngumisi ako.

“ANO?” sabay sabay nilang tanong.

“Lilipad na ako sa America. NGAYON. NGAYON MISMO.”

Nagsilakihan ang mga mata nila at nagtinginan.

“Hay naku. Alam mo namang hindi pwede diba? Finals na natin.” Kalmadong sabi ni Krystal.

Fvck! Oo nga! Finals. Next week nalang talaga ako pwedeng umalis. Hindi ko pwedeng pangunahan. Pero parang hindi ko na kayang maghintay pa. Gusto ko nang makita si Jaehee. Miss na miss ko na siya. Almost two years ko na siyang hindi nakikita. Tapos naputol pa yung communication ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Tangina!

“Paano kung may iba na si Jaehee doon?”

Tumawa silang lahat.

“Seriously Taejoon? Ngayon mo iisipin yan eh makikita mo na siya next week.” Sabi ni Krystal.

“Oo nga! Tsaka kung ipagpapalit ka noon, edi sana noon pa!” sabi naman ni Taemin.

“Wag mo ngang pag-isipan ng ganyan si bestfriend, hindi nun magagawa ang ganyan noh. Mahal na mahal ka nun!” sabi ni Eungyeol.

Sinermonan nila ako ng sinermonan. Sige, one more week. Sandali nalang naman yun diba? Makikita ko na ulit siya. Konting tiis nalang.

***

Heto na ako. Sa loob ng eroplano, papunta sa America. Kasama ko ang Mommy ko. First time niyang sumama sa akin sa competition ko. Sabi ko nga, hindi na kailangan, pero sabi nila, KAILANGAN ko daw.

Hinayaan ko nalang. Iniisip ko ngayon habang nakatingin ako sa mga clouds, si Jaehee. Hindi na talaga kami nagkausap. Wala na! Bakit ngayon pa? T___T

“Are you okay?” tanong ni Mom sa akin.

“Yes?”

Huminga nang malalim si Mommy tapos niyakap ako. “You’ll see her soon. Don’t worry, TJ. Just focus on your competition for now. Okay?”

Nakaramdam ako ng parang comfort sa loob ko. Parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni Mommy. Kapag kasi si Mommy yung nagsabi, totoo at tama. Mothers know best nga diba?

I gently nodded hanggang sa makatulog ako at makarating kami sa LAX. Bumaba kami ng eroplano at tumambad ang batalyon ng media. Pinaligiran ako ng mga body guards, pati si Mommy hanggang sa makarating kami sa van at dinala kami sa hotel na tutuluyan exclusively by the athletes.

Agad ko namang idinial ang number ni Jaehee, pero wala rin! Forever unavailable. Hindi ko pa naman alam kung anong address nila dito sa America. Hindi na naman ako mapakali dito sa kwarto ko hanggang sa may kumatok sa kwarto ko...

Binuksan ko ang pinto sabay sabi ng “Sino ya--”

Hello, Taejoon!

-----

Alam ko pong bitin. Hulaan niyo muna kung sino yung dumating. Hahaha. Next chapter will be posted tomorrow siguro tapos Epilogue na <3

Continue Reading

You'll Also Like

48K 1.3K 54
[HIS #1] Fatty Aiah Lauren is not your typical high school student. She desperately wants to get rid of high school. For some reason, she's older tha...
176K 4.2K 47
Ang story na ito ay tungkol sa dalawang tao. Ang babae ay isang pure France but she live in Philippines simula nang namatay Ang parents niya her dad...
75.6K 992 17
My roles in life, crying over my ex-boyfriend even though he left me and getting married to someone that I didn't even met before. Of course, people...