Marrying My Ex [MinSul]

Από darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... Περισσότερα

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 33

6.4K 135 18
Από darkkkAJ

CHAPTER 33 - Kuya Daniel

“Mahal din kita, Taejoon.” Sagot niya sa kabilang linya pagkatapos kong sabihin yung nararamdaman ko. “Mahal na mahal kita, mula noon hanggang ngayon. Kahit na nasaktan mo ako noon, wala pa rin. Ikaw pa rin yung sinisigaw ng puso’t isip ko... Ayun siguro yung dahilan kung bakit bwisit na bwisit ako sa iyo noon. Kasi kahit galit ako, mahal pa rin kita at hindi ko yun matanggap. HAHAHA.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Yes, mahal na mahal namin ang isa’t-isa! Ang kulang nalang ay kiss. Joke lang. Kung sana nandito siya ngayon sa tabi ko, diba?

“So, tayo na? Ulit?”

“Tayo naman talaga ah?”

BOOM! Fireworks <3

***

Days and months passed. Patuloy pa rin ako sa training. Imomonitor ako ni Coach Johnny hanggang sa World Junior Championship. Hanggang doon lang, tapos okay na ako.

June 2013 na ngayon. 1 year and 3 months na siya doon. 9 months nalang at makakapiling ko na ulit siya dahil 9 months nalang din at World Junior Championship ko na. Sa America na naman gaganapin ang competition kaya ang plano namin ay pupunta ako doon, tapos sabay kaming uuwi ni Jaehee after ng competition ko.

Nandito ako ngayon sa school. Walang training ngayon dahil Tuesday. Bukas pa ang training day. Nakaupo ako sa gilid ng gym at pinagmamasdan ang high jump set namin. Nagflaflashback sa utak ko ang mga pinagdaanan ko para marating ang kinalalagyan ko ngayon. Lahat ng paghihirap at sakripisyo. Pati ang pagsakripisyo ko sa relasyon namin ni Jaehee noon. Lahat, umaagos sa isip ko ngayon.

“Pare oh.” Napatingin ako sa isang can ng ice-cold coffee saka sa taong nagaalok nito sa akin.

“Salamat.” Kinuha ko ito at binuksan saka ininom. Umupo naman ang tao sa tabi ko.

“Gusto ko lang sana makipag-ayos.” Sabi niya.

“Bakit, nagkagulo ba tayo, Min Hyeonjae?” tanong ko.

“Naging mayabang ako noong nagkaroon ka ng Yips. Inaamin ako, naging masaya ako noon dahil ako naman ang napansin dahil wala ka na. Magkaibigan tayo pero nabulag ako sa pansamantalang kasikatan ko. Naging star high jumper ako sa loob ng maliit ng panahon pero lumaki agad ang ulo ko... Gaya ng sabi ko, pansamantalang kasikatan ko lang yun.” sabi niya. Oo nga, yumabang nga ang isang to!

“Pasensya na, Taejoon. Ngayon tanggap na tanggap ko na ikaw ang pinakamagaling. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil naranasan ko naman ang mapunta sa tuktok kahit sandal lang.”

“Hindi rin. Pare-pareho lang tayong magagaling. Deserve mo rin ang mapunta sa tuktok dahil nagsisikap ka. Nasa tuktok ka pa rin naman ngayon ah?” Sagot ko sabay inom na naman ng kape.

Ngumit siya. “Siguro nga. Pero masaya ako. Kasi naging kaibigan ko ang pinakamagaling na high jumper sa Korea.” Sabi niya. Tumawa naman ako.

“Pwede na ba akong second na pinakamagaling na high jumper sa Korea?” tanong niya.

“Pwedeng-pwede!”

Pagkatapos ng kaunting kwentuhan ay nagpaalam pa siya na may pupuntahan daw. Umalis na siya at naiwan na naman ako dito sa gym mag-isa. Nagulat ako dahil biglang nag-ring ang phone ko at tumatawag si Jaehee. Sa bagay, 9PM palang naman ata sa kanila ngayon.

“Hello?”

(Taejoon!)

“Hi!” sabi ko habang nakangiti. “Bakit ka napatawag? Akala ko ba mag-aaral ka?”

(May p-problema kasi eh.)

“Ano yun?”

Sandali siyang hindi nakasagot.

(Kasi uuwi daw diyan si Kuya Daniel para... para ma-meet ka. Nasabi ko kasi na tayo na ulit at... ayun.)

Oo nga pala! Hindi ko pa namemeet yung Kuya Daniel ni Jaehee sa personal. Sa America kasi naka-base yun at hindi umuuwi dito. Busy masyado. Doctor kasi siya at nandoon ang trabaho niya.

“K-kailan ba ang dating niya?” tanong ko.

(Flight niya mamaya, so bukas, nandiyan na siya.)

“AGAD-AGAD?!” napasigaw ako.

“Agad-agad, Taejoon...”

***

Pagkatapos naming mag-usap ni Jaehee ay pinuntahan ko ang mga kaibigan ko. Actually, si Eungyeol ang sadya ko dahil na-meet at kilala niya si Kuya Daniel. Mangangalap lang ng impormasyon. Hindi ako nagkamali dahil nahanap ko sila sa Cefeteria na lumalamon na naman. Ganyan naman lagi itong mga patay-gutom na ito.

“Kang-Kong!” sigaw ni Jonghyun dahil siya ang unang nakakita sa akin. Agad naman akong lumapit at umupo sa isang bakanteng upuan. Kanya-kanya sila ng business. Malambing na nagsusubuan ng pagkain ang mag-asawa (Eungyeol at Hanna). Mukhang talagang na-develop na rin sila sa isa’t-isa. Daldalan nang daldalan sina Luna at Victoria habang nakapikit at mukhang tulog si Amber. Nagmumusic naman si Jonghyun, habang nagdradrawing ng fried chicken si Jinki at naglalaro ng iPad si Kibum.

Pero natigil ang mga mata ko sa dalawang taong masayang nagcocouple-selfie.

Si Taemin at Krystal.

Tumingin ako kay Jinki na nagdradrawing pa rin ng manok at kinalabit siya saka itinuro gamit ang nguso sina Taemin at Krystal. Ngumiti ng makahulugan si Jinki saka bumulong. “Lately, nagiging super close yang dalawang yan. Ewan namin pero bagay naman sila.”

Ngumiti ako. Siguro nga, ito na yung lalaking tinutukoy ko noon na magmamahal ng tapat kay Krystal. Baka nga si Taemin na yun!

Hinayaan ko lang sila sa mga pinagkakaabalahan nila at naki-kain sa mga pagkain nila na nagkalat sa mesa hanggang sa maalala ko ang dahilan kung bakit ako nandito sa Cafeteria.

“CHA EUNGYEOL!” bulalas ko.

Nagtatakang tumingin naman ang lahat sa akin. Agad akong tumayo at nagsalita. “Kailangan ko ng tulong mo, pare.”

“A-ano yun?”

“Darating ang Kuya ni Jaehee.”

Nanlaki ang mga mata ni Eungyeol.

“Patay tayo diyan.” sagot nito. Bumilis ang pintig ng puso ko. Bakit? Nakakatakot ba ang Kuya Daniel ni Jaehee? Ni hindi ko nga alam ang itsura nun.

“May ikwekwento ako...” sabi ni Eungyeol. Nakinig naman ang lahat pati ako. Hininto muna ni Jonghyun ang pagso-soundtrip maging ang mga iba, huminto sa mga monkey business nila. “...noong unang apak ko sa bahay nila Jaehee, agad akong sinapak sa sikmura ng Kuya niya. Kasi napagkamalan akong magnanakaw!”

Natawa naman kaming lahat.

“Seryoso ako. Paano naman kasi, iniwan ako ni Jaehee sa sala. Eh out of curiosity, naglibot-libot ako tapos kung ano-anong mga hinawakan ko. Tapos may nakita akong banga. Astig kasi siya eh, kaya hinawakan ko yun at iniangat para matignan ng mas malapit. Tapos biglang may sumigaw sa likod ko ng “THAT’S MY DAD!” Nagulat ako kaya agad kong ibinaba ang banga.”

Natatawa nalang ako sa kwento ni Eungyeol.

“Tapos bigla nalang ako kinuwelyuhan at saka sinuntok. Buti dumating agad si Jaehee bago pa ako mapatay ng Kuya niya...” Huminga ng malalim si Eungyeol. “Yun pala kasing nasa banga na pinakialaman ko ay ang abo ng Daddy ni Kuya Daniel. Amerikano yun. Yun ang unang asawa ni Tita Sojeong. Second family na sila Jaehee.” Yan, alam ko na yang part na yan. Ang hindi ko lang talaga nakilala ay si Kuya Daniel.

“Masasapak rin kaya niya ako kapag nagkita kami?” tanong ko.

“Depende kung may katangahan kang gagawin.” Sagot ni Eungyeol.

“Pero, okay na ba kayo ngayon ni Kuya Daniel?” tanong ko ulit.

“Hindi ko alam. Tuwing nakikita niya kasi ako noon sa America, masasama ang tingin niya sa akin tapos hindi niya ako tinatawag sa pangalan ko kundi ‘magnanakaw ng banga ni Daddy’. Diba ang haba ng tawag niya sa akin? Effort yun!”

“Magiging okay naman siguro kayo sa isa’t-isa, Joon.” Sabi naman ni Hanna.

“Oo nga. Hindi ka naman siguro gagawa ng katangahan katulad nitong si Eungyeol.” Sabi ni Kibum.

“OO NGAAAAAAAAAAA.” Pagsang-ayon ng lahat. Sumibangot naman si Eungyeol at tumawa nalang ako.

Kuya Daniel, see you soon! TT

***

Hindi ako nakatulog sa gabing yun. Iniisip ko kasi baka hindi ako gusto ng Kuya ni Jaehee. Baka galit siya sa akin, syempre dahil sa ginawa kong pag-iwan kay Jaehee noon.

Nagising ako kinabukasan sa tawag ni Jaehee.

“Hello?” Kinusot-kusot ko ang mga mata ko.

(Sinend ko sa iyo ang number ni Kuya. Itext mo nalang siya.)

“Ha? Bakit?”  sabi ko.

(Ikaw daw kasi ang gusto niyang sumundo sa kanya.)

Nalaglag ang panga ko. SHEET! Dali-dali akong bumangon at nagtungo sa banyo para maghanda. Ano bang nasa utak ng Kuya ni Jaehee? Bakit ako pa ang susundo.

Hindi pa man siya nagtetext ay pumunta na agad ako sa airport. Delikado baka nandito na pala siya, tinetesting lang ako diba? Pero ang katangahan ko, nakalimutan kong magpa-send ng picture ni Kuya Daniel. Paano na ito? Anong itsura niya?!

Sa sobrang kaba ko ay pinagpapawisan na ako ng malamig na pawis. Nawala na rin sa isip ko ang tungkol sa training ko sa araw na ito.

*KRIIIIING KRIIIIIIIING*

Patay si Coach Johnny!

(Nasaan ka na?) Pambungad na tanong nito.

“Nasa airport po, sorry Coach, hindi ko kayo nasabiha---“

“Alright, nakita ka na namin.” Saka niya ako binabaan ng telepono. Ilang saglit lang ay may kumalabit sa akin mula sa likuran at nakita ako si Coach kasama ang isang...

Isang Amerikano?

“Coach, bakit nandito ka?” tanong ko.

“Sinundo ko ang pinsan ko.” Sagot ni Coach. Wait... Meaning, ito si Kuya Daniel? Patay. Mapapasubo ako Englishan nito. O__O

Naglahad ng kamay si Kuya Daniel. “You’re Kang Taejoon, right?” tanong nito. Natuyo ang lalamunan ko kaya napatango nalang ako. “I’m Daniel Dawson. Jay’s brother.”

Jay. Jay. Jay. Oo nga pala. Si Jaehee. Jay Dawson daw. :3

“A-ahh... Yes. I’m pleased to meet you.” Tapos nag-shake hands kami.

Sumakay sila sa kotse ko. Ang magaling na Coach Johnny, hindi pala dinala ang kotse niya para sadyahing sumakay sa kotse ko.

Inihatid namin si Kuya Daniel sa bahay nila Jaeehee (Yung doon sa original na bahay nila). Tinulungan namin siyang ibaba ang mga bagahe niya at ipinasok sa bahay gaya ng ginawa namin ni Seungri noong dumating si Jaehee.

Agad din namang nagpaalam si Coach Johnny dahil may lakad daw siya ngayon. First time ata! Lagi lang nasa hotel yan si Coach sa tagal niya dito eh. Tiningnan ko pa si Coach ng makahulugang tingin na nagsasabing “Wag mo akong iwan mag-isa dito, Coach!”

Ngumisi lang siya at umalis. Sinubukan kong magpaalam kay Kuya Daniel na may training ako pero nahiya ako! Inilabas ko agad ang panyo ko at pinunasan ang pawisang mukha ko. Hindi naman ganun kainit pero grabe ang pawis ko. Nakaupo lang ako sa sofa at maya-maya ay nagserve ng meryenda ang mga katulong. Agad kong nilagok ang isang baso ng juice. Tuyong-tuyo na kasi ang lalamunan ko.

“Are you afraid of me?” natatawang tanong ni Kuya Daniel. Umupo siya sa katapat kong sofa at nagsimulang kumain ng meryenda.

“N-no. Not really.” Sagot ko. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya. Doc kaya? Doctor siya eh. “...Doc.”

“Oh no. Don’t call me Doc. You’re not my patient. Just call me ‘hyung’ (meaning KUYA).”

Tumango-tango naman ako. Tangina. Ngayon ko lang naramdaman itong ganito. Yung sobrang kaba. Mas grabe yung kaba ko ngayon kaysa sa kaba ko pag may competitions. Parang sasabunin ako ngayon sa klase ng isang Math Teacher.

“Jay told me that you two are together... Again.” Sabi niya.

“Y-yes, hyung.” Hindi ko mapigilang mautal. Bullfrog naman oh!

“Do you know the reason why I came home all the way from America?” sumeryoso ako tingin niya.

“Jaehee told me you wanted to meet me.” Sagot ko. Dudugo na ilong ko dito. Potek.

Nag-smirk siya.

“And I also wanted to know if you really love my sister.”

“I love your sister. I love her much more than how I love myself...”

“Really? Pero bakit iniwan mo siya noon kung mas mahal mo siya kesa sa sarili mo?” Nalaglag ang panga ko hindi dahil sa tanong kundi dahil marunong naman pala siya ng salita dito.

“A-ahh..." Napalunok ako. "Inaamin ko, nagkamali ako. Kung may bagay na pwede kong balikan sa nakaraan para burahin, yun ay ang pag-iwan ko sa kapatid mo. Mahal na mahal ko siya noon pa man, pero nabulag ako ng pangarap ko. Hindi ko kasi priority ang pag-ibig noon, dahil bata at immature pa ako noon. Pero ngayon, handa na akong iwan ang lahat para sa kanya. Itinigil ko na sana ang high jump noong nagkaroon ako ng Yips Syndrome pero hindi. Dahil gusto ni Jaehee na labanan ko yun para ipagpatuloy ang pangarap ko. She gave me strength kaya heto pa rin ako ngayon...” napayuko nalang ako.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Tapos tumawa siya.

Seryoso? Tinatawanan niya ako? May saltik ba ito?

“You’re too serious, Kang Taejoon.”

“Seryoso ako sa kapatid mo.”


“I know...” sagot niya. “Do you really think na pumunta ako dito just to meet you and know if you really love my sister?”

“You said...” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil humagalpak siya sa tawa. Tangina ha.

“Actually, I am hosting a medical seminar here in Seoul kaya ako nandito. That’s my major reason sa pagbalik dito. Minor lang yung sa iyo, but I guesss, I like you...” O____O

“I like you for my sister. I like how serious you are to her. Please take care of her and don’t ever dare to break her heart again. I saw how much she suffered before. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa iyo kapag nakita ko ulit siyang ganun....”

Napalunok ako.

“...baka putulin ko na yang mga paa mo.” BRUTAL!

Pero pinilit ko pa ring ngumiti. At nagsalita ulit siya...

“So, kelan ang kasal?”

-----

2 more chapters tapos Epilogue na =)

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

56K 1.4K 61
We don't meet people by accident they are meant to cross our path for a reason... Either it lasts forever or for a meantime happiness.
"Arranged Marriage" Από Eissen

Εφηβική Φαντασία

87.9K 2.4K 65
"Arranged Marriage?" Pinagkakasundo ng mga magulang para sa ikakabuti nila. Para nga ba sa ikakabuti nila o para sa negosyo? Ganyan ang nangyari kay...
556K 7.8K 40
Nagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex...
Life After Break Up Από khiegilsan

Εφηβική Φαντασία

21.2K 760 67
They say madali daw ang mag move on.. Na sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ng tao, dapat ginagamit ang MOVE ON. Dahil hindi naman tamang mabuh...