ELEMENTO

By GilLandicho

1.3M 36.7K 3.6K

NOW Published under Pop Fiction! ---- Sa mundo natin, maraming mga kababalaghang nangyayari... Di naman kaila... More

ELEMENTO @ Pop Fiction
What if ELEMENTO is an ANIME?
Chap.1: Unang Araw sa Bagong Eskwelahan (Part 1)
Chap.1: Unang Araw sa Bagong Eskwelahan (Part 2)
Chap.2: Ang Misteryosong Janitor
Chap.3: Ang Itim na Pusa
Chap.4: Ang Babaeng Nakaputi
Chap.5: Apoy
Chap.6: Isang Grabeng Gabi
Chap.7: Santelmo (Part 1)
Chap.7: Santelmo (Part 2)
Chap.8: Ang Unang Laban
Chap.9: Anak ng Albularyo
Chap.10: Ang Engkantong Manliligaw
Chap.11: Mga Tinik at Bulaklak
Chap.12: Limang Segundong Titigan
Clarissa and Ren Drawing
Chap.13: Sadako
Chap.14: Reunion sa Burol
Chap.15: SKKKS
Chap.16: Multo Dito, Multo Doon, Multo Kahit Saan
Chap.17: Ang Tinig ni Magayon
Chap.18: Ang Hiling ng Batang Multo
Chap.19: Ang Asul na Bola
Chap.20: Ang Itim na Usok
Katherine and Jun-Jun Drawing
Chap.21: Honor's Assembly
Daniel Solis and Mariella Luna Drawing
Chap.22: Ang Sekretong Mag-Bestfriends
Chap.23: Quiz Bee
Chap.24: Si Jenny O Si Regina?
Chap.25: Pangitain
Chap.26: Triathlon-Relay
Regina Co and Hero Salvanera Drawing
Chap.27: Ang Lumang Mansyon (Part 1)
Chap.27: Ang Lumang Mansyon (Part 2)
Chap.28: Ang Madugong Piging
Chap.29: Isang Red Lady (Part 1)
Chap.29: Isang Red Lady (Part 2)
Jun-Jun POV's Climax Drawing
Chap.30: Si Renzo Del Carmen
Chap.31: Pangarap
Chap.32: Talent Contest (Part 1)
Chap.32: Talent Contest (Part 2)
Ren and Clarissa Talent Contest Drawing
Gino and Jenny(?) Talent Contest Drawing
Hero and Regina Talent Contest Drawing
Jun-Jun and Katherine Talent Contest Drawing
Chap.33: Doll Exhibit
Chap.34: Owkward Academy Grand Ball
Chap.35: El Kantadia (Part 1)
Chap.35: El Kantadia (Part 2)
Chap.36: Si Kidlaon
Chap.37: Ang Kristal na Palasyo
Chap.38: Ang Dalaketnon
Chap.39: Ang Ganap na Pagiging Isa
Chap.40: Ang Pusong Napagod
Chap.41: Isang Patibong
Chap.42: Ang Seremonya (Part 1)
Chap.42: Ang Seremonya (Part 2)
Chap.43: Matakot sa Diyos
BUY ELEMENTO eBook!
Owkward Academy Grand ball Drawing
Clarissa Gutang and Kikay Drawing
Clarissa POV's Climax Drawing
Gino POV's Climax Drawing
ELEMENTO PART TWO [Summary]
[TWO] Chap.1: Makatotohanang Panaginip
[TWO] Chap.2: Second Chance
[TWO] Chap.3: Ang Multo sa may CR (Part 1)
[TWO] Chap.4: Si Abby Roque
[TWO] Chap.5: Ang Multo sa may CR (Part 2)
[TWO] Chap.6: Ang Bukod Tanging Boses
[TWO] Chap.7: Ang Batong Kanyon
[TWO] Chap.8: Ang Pagmamahal ng Magulang
[TWO] Chap.9: Ang Ganap na Pagiging isa
[TWO] Chap.10: Mga Unang Kaibigan
[TWO] Chap.11: Ang Hinirang ng Dyosa
[TWO] Chap.12: Para-paraan
[TWO] Chap.13: Sa Cocktail Party
[TWO] Chap.14: Laking Pagkagulat
[TWO] Chap.15: Ang Diamond Ring
[TWO] Chap.16: Gulo sa Party
[TWO] Chap.17: Uhaw sa Kapangyarihan
[TWO] Chap.18: Ang Sinisigaw ng Puso
[TWO] Chap.19: Ang Pagkabigo
[TWO] Chap.20: Ang Sikretong Pagpupulong
[TWO] Chap.21: Nagsusumamo
[TWO] Chap.22: Hindi Nag-iisa
[TWO] Chap.23: Pangitain
[TWO] Chap.24: Nagkatotoong Pangitain
[TWO] Chap.25: Ang Sulat ni Ren
[TWO] Chap.26: Di Inaasahang Bisita
[TWO] Chap.27: LIPAD NG DALAWANG MAGKAIBIGAN
[TWO] Chap.28: ANG SERMON NG PUSA
[TWO] Chap.29: OSPITAL DE SERRA ULOO
[TWO] Chap.30: SANIB
AUTHOR'S NOTE
ELEMENTO: Sa Loob ng Purgatoryo
Chap.1: KASALANANG HINDI MATAKASAN
Chap.2: KAKAIBANG NGITI
Chap.3: ESPIRITUNG-GABAY
Chap.4: ISANG OBLIGASYON
Chap.5: ANG PAGBUBUKAS NG PURGATORYO
Chap.6: ANG TORE NG PATAY
Chap.7: ALL GIRLS GROUP
Chap.8: ANG TORE NG BUHAY
Chap.9: ANG BAGONG KATAUHAN
Chap.10: HANGIN AT LIWANAG
Chap.11: KIDLAT
Chap.12: HANDANG MAGHINTAY
Chap.13: SNOW QUEEN
Chap.15: ANG BANGA NI GUNAW
Chap.16: HINDI MAKAPAGDESISYON
Chap.17: PERMANENTENG NGITI
Chap.18: PUMASOK SA LIWANAG
Chap.19: PAGGUHO NG TORE NG BUHAY
Chap.20: PAGKABUHAY NG SAMAHAN
Chap.21: PAGGISING SA BANGUNGOT
Chap.22: ISIP BATA
Chap.23: WALANG MAKAKAPIGIL
Chap.24: LA LIBERACIóN (ANG PAGPAPALAYA)
Chap.25: SA LOOB NG TORE
Chap.26: ANG PANGALAWANG PINTUAN
Chap.27: NASA HULI ANG PAGSISISI
Chap.28: SA IKATLONG SILID
Chap.29: ANG DATING KAIBIGAN
Chap.30: ANG MULING PAGTIBOK NG PUSO
Chap.31: ANG PAGIGING ISA SA KADILIMAN
Chap.32: ANG AWIT NG PAG-ASA
ELEMENTO: Sa El Kantadia
EL KANTADIA 1: ANG GABI NG PAG-ALIS
EL KANTADIA 2: ANG MGA MENSAHERO
MAPA NG EL KANTADIA
EL KANTADIA 3: ANG PAKIKIPAGLABAN SA KAPRE
EL KANTADIA 4: ANG MAGKAPATID NA DALAKETNON
EL KANTADIA 5: ANG PALASYONG BATO
EL KANTADIA 6: ANG PAGTAKAS
EL KANTADIA 7: ANG MGA DYOS AT DYOSA
EL KANTADIA 8: TEMPLO NG DYOSA NG KARAGATAN AT TUBIG
EL KANTADIA 9: ANG DALAKETNONG TUBIG
EL KANTADIA 10: ANG BAGONG DYOSA NG BUHAY AT PAGKALINGA
EL KANTADIA 11: ANG PAG-ALIS SA PUSO NG KALIKASAN
EL KANTADIA 12: SA DISERTO
EL KANTADIA 13: TEMPLO NG DYOS NG GUBAT AT LUPA
EL KANTADIA 14: ANG MUNTING ELEMENTONG HAYOP
EL KANTADIA 15: ANG TEMPLO NG DYOSA NG BUHAY AT PAGKALINGA
EL KANTADIA 16: SI ADLAWANA, ANG DATING HINIRANG
EL KANTADIA 17: MGA LIHIM NI ADLAWANA
EL KANTADIA 18: ANG TATLONG MAGKAIBIGAN
EL KANTADIA 19: ANG MAGKAPATID NA DYOSA
EL KANTADIA 20: SI ANINO, ANG DYOS NG POOT AT DILIM
EL KANTADIA 21: ANG PAGLALAYAG SA KARAGATAN NG TUBIG
EL KANTADIA 22: ANG PAGMAMAHAL SA PRINSIPE NG DALAKETNONG YELO
EL KANTADIA 23: ANG MAHIWAGANG SALAMIN NI DALOY
EL KANTADIA 24: ANG PAGPUPULONG NG MGA DALAKETNON
EL KANTADIA 25: ANG BAGONG DYOS NG INIT AT APOY
EL KANTADIA 26: ANG HALIK NG TUNAY NA PAG-IBIG
EL KANTADIA 27: ANG SIMULA NG LABANAN
EL KANTADIA 28: ANG BAGONG HARI AT ANG TOTOONG KATAUHAN NG SUPREMO
EL KANTADIA 29: ANG SUMPA NI ANINO
EL KANTADIA 30: BAGONG SIMULA
ELEMENTO GLOSSARY AND CHARACTER LIST

Chap.14: PINAGHALONG KABA AT PAGTANGI

3.9K 135 14
By GilLandicho

Woah! May update na!

And Abby's POV naman tayo! Maraming salamat sa pagbasa!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑PINAGHALONG KABA AT PAGTANGI๑۩۞۩

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++



Kahit anong gawin ko, hindi ko maitago ang pangamba sa aking mukha. Nakatayo ako sa isang tabi, malapit sa may pintuan ng chapel.

Nasa loob ang lahat para pag-usapan ang magiging hakbang nila para mapigilan ang tuluyang paglaganap ng kadiliman sa mga karatig-barangay at sa buong Bayan ng San Nicolas.

Naiwan naman sa labas ang guro na si Sir Daniel at ang tita ni Gino na si Dorina upang magbantay sa labas para sa mga halimaw na gustong lumapit sa chapel.

Si Father Daniel naman ay nasa tuktok ng Tore ng Buhay at patuloy sa pagdarasal para sa kaligtasan at proteksyon ng mga taong nakaligtas sa pagsakop ng Purgatoryo sa Barangay Sta. Cruz.

Lumunok ako at pinilit na magmukhang nakikinig sa kanilang usapan. Pero di ko magawang makinig ng mabuti. Makasarili man, iniisip ko ngayon ang aking pansariling kaligtasan. Kinakabahan ako sa presensya ni Hero!

Napatingin ako sa direksyon kung saan siya ay nakaupo katabi si Regina na nakasandal sa kanyang balikat. Ang cute nilang tingnan, animo'y mga maharlika sa isang kaharian. Bagay na bagay sila. Natutuwa ako para sa kanila.

Pero...

Kinakatakot ko na baka dahil kay Hero, mas madali akong matutunton ng mga dalaketnon na humahabol sa akin, lalo na ang nagpakilalang heneral ng dalametnong yelo na si Bidagulo.

Napaisip ako. Paano kung kasabwat si Hero dito? Paano kung may lihim na balak ito?

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Regina kung totoo ang iniisipReese's ko? Alam kong labis itong masasaktan. Kung ako man, masakit ito.

"Girl?" napansin ako ni Regina na malalim ang iniisip. "Are you alright?"

Tumango ako. "I'm okay."

"Come sit with us!" alok nito at tinapik ang bakanteng upuan na hollow block na malapit sa kanya.

"Oo nga, Abby. Bakit nag-iisa ka dyan? You seat here!."dagdag ni Katherine.

Syempre, ayaw ko naman isipin nila na di ko gustong tumabi sa kanila kaya tumabi ako sa gitna nina Regina at Katherine. Ngumiti naman si Clarissa na nakaupo sa harapan ako. Paikot kasi ang ayos ng upuan.

Nakapwesto kami malapit sa altar. Maingay sa loob ng chapel. May ilan na umiiyak dahil sa takot o trauma pero mas malakas ang sabay-sabay na pagdarasal ng katulad sa sinasambit ni Father Gilbert sa taas ng tore, dasal ng taos pusong pananalig sa Diyos at hiling na mawala ang kadilimang bumabalot sa buong barangay.

Napangiti ako.

Sa mga ganitong pagkakataon, nagiging isa ang mithiin ng tao at tuluyang nagkakaisa.

"Sobra na talaga ang kasamaan ng Supremo!" komento ni Mang Jose na tatay ni Clarissa nang makwento ni Ren ang tungkol sa Tore ng Patay at ang kagustuhan pa nitong mamuno sa mga patay at buhay!

"Ang di ring katanggap-tanggap ay may mga kabataang sangkot dito!" dismayadong hayag ni Nurse Ruby. Hindi mawala ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Isama pa natin ang pagnanakaw ng elementong kapangyarihan ng mga inosenteng engkanto at diwata! It's too much!" umiiling na sambit ni Ginang Violy.

"At may mga dalaketnong sangkot dito!" giit ni Ren at diretsong tumingin kay Hero.

Tumaas ang tensyon sa dalawa. Kanina pa kasing masama ang tingin ni Ren sa boyfriend ni Regina. Alam kong pansin ito ng lahat.

"Please stop glaring at my Snow Bear! I'm sure Hero has nothing to do with this!" tumingin siya, mata sa mata kay Hero. Saglit na natahimik at animo'y nag-uusap sila sa isipan. "Right? Am I correct, Hero?"

Ngumiti si Hero. "Syempre hindi!"

"See?!" tumingin si Regina sa lahat at kay Ren. "He can't be a part of this monstrosity! - You can't be!" tumingin siya muli kay Hero at niyakap ito.

Napapikit si Hero pero mabilis ang kanyang paghininga.

"Tama na yan, Ren." Sa wakas ay nagsalita na si Clarrisa. "Makinig kayo." kinuha niya ang atensyon ng lahat. "May paraan pa para mapigilan ang Supremo! Ang Aklat ng mga Dasal, ito ang sagot! May orasyon ito na sasalungat sa dasal ng kasamaan ng Supremo. Tama po ba, Tay Jose?"

Tumango si Mang Jose. "Tama, anak. Pasensya na kayo kung hindi ko ito agad na sabi pero oo, mayroon nga."

"Eh di, magaling!" sabi ni Jun-Jun. "Ayos po yan!"

"That's good news!" komento ni Ginang Violy.

"Ano pang hininitay natin, Jose?! Dapat matagal mo na itong nasabi! Simulan mo na ang orasyon!" giit ni Nurse Ruby.

Umiling si Mang Jose, may kalungkutan sa kanyang mukha. "Tama nga si Daniel, naging pabaya ako bilang punong kasapi ng SKKKS."

"Tay, naman!" saway ni Clarissa.

Humarap si Mang Jose sa anak na katabi lang nya.

"Pasensya ka na anak. Kung tutuusin, ito ay responsibilidad ko at dapat may gawin na akong aksyon tungkol dito pero hindi na ako ang karapat-dapat."

"Anong ibig nyong sabihin, tay?" tanong ni Clarissa.

"Tingnan mo ito anak..." nilahad ni Mang Jose ang kanyang mga palad.

"O, Libro que Mas en Todos,

La su Conocimiento y Poder ser Prestar a las en Mina.

Libro de la Oración!"

(O, Aklat na higit sa lahat,

Ang iyong kaalaman at kapangyarihan ay ipahiram sa akin.

Aklat ng mga Dasal!)

Dumaan ang ilang saglit pero walang nangyari.

"Lingid sa mga taong nagnanais na mapasakanila ang Aklat ng mga Dasal, pinipili nito ang makakagamit sa kanya. May pinapaboran ito. Kaya kung magtagumpay man makuha ni Romnick at ang ate niya ang aklat, puro mga mahihina at ordinaryong orasyon lang ang makikita nila, wala ang mga makapangarihan na orasyon. Simula pa doon sa ospital, tinatangka ko nang gamitin ang aklat pero bigo ako. Wala na akong pahintulot na makita ang totoong kapangyarihan nito... Clarissa, anak. Subukan mo."

"O, Libro que Mas en Todos,

La su Conocimiento y Poder ser Prestar a las en Mina.

Libro de la Oración!"

Namangha ang lahat ng may nabuong isang lumang pocket-size na libro sa mga palad ni Clarissa!

Simple lang ang itsura ng libro. Aakalain mo na ordinaryong akalat lang ito. Lumang leather ang pabalat nito.

"Ibigay mo sa akin ang aklat."

Ibinigay ni Clarissa sa ama ang aklat.

"Tingnan mo..." binuksan niya ang mga pahina ng aklat na naninilaw na sa kalumaan at magkamali ka lang ng pagbukas ay mapupunit ito kaagad. "May nga pahina na blangko, tama?"

Pinakita niya ito sa anak at sa lahat.

"He'to anak, ikaw naman."

Nang si Clarissa ang humawak at nagbukas ng mga pahina, nagliwanag ang aklat! At nakakagulat na ang mga blangkong pahina ay biglang napuno ng mga letra at mga dasal sa salitang banyaga!

"Perfect!" natutuwang sambit ni Katherine. "Go girl!"

Nagpalakpakan ang lahat.

"Ikaw na Clarissa ang napili ng aklat."

"Sa tingin nyo tay, karapat-dapat na ako?"

Tumango si Mang Jose. "Kita mo naman anak, di ba?"

"Nakakabilib ka talaga, Clarissa! Malayo na ang narating mo." puri ni Ren na tumayo at tinangkang yakapin ito pero hindi na itinuloy.

"So what are we waiting for!" tumayo si Regina. "Let's kick Supremo's butt!"

Nagtawanan ang lahat.

"Sa tingin mo ba magagawa mo?" concern na tanong ni Nurse Ruby.

"Kakayanin ko po. Hindi ko po tatakasan ang responsibilidad na ito. Di ko rin bibiguin ang tiwalang ibinigay ng aking Tay Jose at ng aklat sa akin."

"Very well said, iha." sabi Ginang Violy at niyakap ito.

"At huwag kayong mag-alala. Nadito po ako upang protektahan si Clarissa. Makakaasa po kayo!" giit ni Ren.

"I'm in!" dadag ni Katherine. "I'm so proud of you, girl! Ikaw ang pag-asa ng bayan!" puri ni Katherine.

"Hero and I will help." saad ni Regina.

"Ngayon, kailangan na nating pag-isipan ang pagsugod sa Tore ng Patay!" sabi ni Mang Jose.

Sumang-ayon ang lahat.

"Teka lang po. May nakakalimutan po kayo." biglang nagsalita si Jun-Jun. "Si Ginn... um, si Gino. Si Gino po ay nasa gitna pa rin ng Purgatoryo at hinahanap ang kanyang nanay. Hindi po ba natin siya tutulungan?"

"Naku! Si Gino nga pala!" sabi ni Nurse Ruby. "Nasa panganib ang bata!"

"Muntik na namin makalimutan si Cindy. Magagalit si Dorina kung nandito siya." Dagdag ni Ginang Violy.

"Oo, si Gino pa nga pala!" sabi ni Clarissa. "Tay, hanapin po muna namin si Gino at ang kanyang Nanay Cindy. Alam kong kailangan niya ang tulong namin."

"Oo naman, anak. Buo ang tiwala ko sa iyo." halos naluluha na sa tuwa at magmamalaki ang ama sa anak.

"Tutulong kayo, guys?" tanong ni Clarissa.

"You bet! We're in!? sagot ni Regina.

"Grabe, excited na ako!" sambit ni Katherine. " Ito ang unang adventure natin together!"

Ako? Oo, excited din ako...

Si Gino... Matagal ko na din siyang hindi nakikita simula nang ipagbawal ito ni Daddy Jethro. Kamusta na kaya siya? Sana'y nasa mabuti siyang kalagayan.

"Bakit ang tahi-tahimik mo dyan, Abby?" puna ni Clarissa.

"Ah, Sorry. Medyo pagod lang ako."

"Naku, okay lang. Pasensya ka na din. Siguro pagod ka na sa kakagamit ng kapangyarihan mong mangpagaling. Malaki din ang naitulong mo sa pag-recover ng mabilis ni Tay Jose!" niyakap ako ni Clarissa.

Ang sarap sa pakiramdam ang yakap ng isang kaibigan!

"Tutulong din ako sa paghahanap kay Gino."

"Yes!" natutuwang sambit ni Clarissa.

Sa totoo lang, excited na din ako! Excited na makita siya!

"Oh, bakit namumula ka. Abby?"

"Ah. W-Wala!"

"Gusto mo nang makita ang friend kong si Gino?"

"Naku. Hindi ah!" pagtanggi ko. "Si-Sige puntahan ko lang ang ibang may nararamdaman pang sakit." palusot ko.

Natawa si Clarissa.


Noong una ay tumutol si Sir Daniel na kami lang mga bata ang maghahanap kay Gino pero sa huli ay pumayag din kasi para daw matutunan naming ipagtanggol ang aming mga sarili.

Nais sanang sumama ng tita ni Gino na si Dorina pero kailangan daw niyang magtiwala sa aming mga bata, ang pangungumbinsi ni Mang Jose sa kanya. At kailangan din siya upang ipagtanggol ang chapel laban sa mga halimaw, dagdag pa ni Mang Jose. Sa huli ay sumang-ayon na din ito.

"What time is it? Adventure time!" panimula ni Regina nang pumasok na kami sa kadiliman ng Purgatoryo.

"Operation ligtas Gino ay opisyal nang nagsimula!" dagdag ni Jun-Jun.

WOOAAAAAHHHHHAARGGGGGG!

GGGGRRRRRRGGGGGGGGRRRRR!

Agad naman kaming sinalubong ng mga ligaw na kaluluwa na agad namang sinalakay nina Ren, Hero at Jun-Jun. Lahat ay nagpapakitang gilas.

Maingay namang nagchi-cheer sina Regina at Katherine.

"Abby, okay ka lang?"

Nagulat ako na si Clarissa ay nasa tabi ko na pala.

"Okay lang ako. Huwag kang mag-alala."

"Ang tahi-tahimik mo kasi. Kung may nais kang sabihin o may problema ka, nandito lang ako, kami para tulungan ka."

"Salamat, Clarissa. Napakamaalalahanin mo talaga pero okay lang ako. Si-Siguro hindi pa rin ako sanay na may mga kaibigan... Lagi lang kasi akong nag-iisa sa bahay at hindi ko din naman kasundo ang aking kakambal ba si Jenny."

"Iyan lang ba ang dahilan? May pangitain kasi ako."

"Pangitain?" tanong ko.

Natigilan si Clarissa. "Ah, basta. Nag-aalala talaga ako sa iyo..." tumahimik siya saglit. "Tanda ko na may nais kumuha sa iyo noong nasa bahay tayo nina Katherine. Naaalala ko na tinawag pa ikaw ng engkanto na hinirang ng dyosa. Ginugulo ka pa rin ba?"

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanya na nais pa rin ako kunin ng dalaketnon. Ang ayaw ko lang ay madamay sila sa aking problema...

Sabihin ko na kaya? O huwag na lang?

Pero...

Sabi nga ni Clarissa na magkaibigan na kami at tutulungan niya ako kahit ano man ang problema ko.

"Um... kasi..."

"UMAMIN KA NA KASI!"sigaw ni Ren.

"Guys, huwag kayong mag-away!" paki-usap ni Katherine

"Bakit?! Anong nangyayari?" tanong ni Clarissa at pumagitna kay Ren at Hero. "Ren?"

Pinilit ni Ren na huminahon para kay Clarissa.

"Hindi ko lang matiis na may kasama tayo ditong mapanglinlang, isang ahas... Isang kalaban!"

"Kuya, anong pinagsasabi mo?" tanong ni Katherine.

"Hindi ko lang sinabi kanina dahil ayaw ko magkagulo... Ayaw kong masaktan si Regina. Ngayon lang kita nakita sobrang saya."

"Me?! Why?"

"Bakit hindi mo tanungin ang dalaketnong kasama mo?"

"Hah? Hero, what is he talking about?!"

Masama ang tingin ni Hero kay Ren at halos makita mo na ang kanyang pangil ngunit nang humarap siya kay Regina, naging mahinahon ang kanyang mukha at di makatingin sa mga mata ng kanyang girlfriend.

"HERO, ANSWER ME!"

"Ice Ice Baby... S-Sana huwag magbago ang pagtingin mo sa akin... Mali ang iniisip nila..." lumapit si Hero kay Regina upang hawakan ang mga kamay niya pero lumayo ito.

Nagsimula nang umiyak si Regina. Naalarma si Clarissa. Ayaw niyang maging malungkot na naman ito.

"Ren! Ano ba ang puweba mo?!"

"Clarissa, di ba sumama ako sa mga kabataang may gamit na nakaw na elemento? May mga dalaketnon na alam ang kasamaan ng Supremo at sumusuporta pa dito. NAKITA ko si Hero. HINDI ano magkakamali! Kita-kita ko na kasama siya sa mga dalaketnong nagbunyi sa kasamaang nangyayari ngayon!"

"HERO, IS THAT TRUE?!"

"Regina, makinig ka sa akin..."

"Just YES or NO! Answer me!"

"Oo... pero ang aking ama..."

"ENOUGH!" hindi na hinayaang ni Regina na makapagsalita pa si Hero. "Have you been lying to me all the time, Hero?"

"HINDI! Regina, paki-usap pakinggan mo ako!" iniharap ni Hero si Regina sa kanya kahit nagpupumiglas ito para makalayo. "Regina, I love you! Yan ang totoo kaya sana makinig ka muna sa akin!" lumingon siya sa amin. "At pati na din kayonh lahat! Makinig kayo sa akin! HINDI ako kasabwat. Hindi ako kasama sa pagplano nito! Sana paniwalaan niyo ako... Lalo ka na... Regina."

Iniangat ni Regina ang kanyang mukha at timitig kay Hero.

"Maniwala ka sana, aking mahal na reyna..." pinunasan ni Hero ang luha sa pisngi nito.

"Tama, bigyan mo ng pagkakataon si Hero." giit ni Clarissa. "Hayaan natin siyang magpaliwanag."

Bibigay na sana si Regina nang biglang nagyelo ang aming kapaligiran.

"Anong nangyayari!?" gulat na sambit ni Katherine.

Nagkaroon ng pagyanig sa lupa at bigla akong kinilabutan. May malamig na presensya sa aking likuran!

"Ang Hinirang ng dyosa..." rinig ko na sambit nito.

Hindi ko na kailangan pang lumingon para alamin kung sino ito.

Sumigaw ako at tumakbo papalayo.

Napalingon lahat sa direksyon ko at napanganga sa gulat.

"I-ikaw!? Anong ginagawa mo dito!" sambit ni Hero.

Mabilis na lumuhod ang dalaketnon sa harap nito.

"Prinsipe Agbayani! Maraming salamat at natunton ko na din ang hinirang ng dyosa. Tama ang naiisip kong sundan ka! Maasahan po kayo at lubos na matutuwa sa inyo si Hari Argamenodon!"

Di ko namalayan na may namuong mga kawal na yelo sa aking likuran at mabilis na hinawakan ako sa aking magkabilang braso.

"AHHHHHHH! Bitawan nyo ako!" sigaw ko.

"Abby!" sumugod si Clarissa gamit ang kanyang latigong tinik at kanyang binasag ang purong yelo na mga kawal.

Nakatakas ako at mabilis namang lumipad sina Jun-Jun at Katherine sa harapan ko upang ako ay protektahan.

Nanlaki ang mga mata ni Regina sa nasaksihan. Itinulak niya si Hero.

"LIAR!!!!!!!" galit na sigaw nito at mabilis na tumakbo papalayo. Pumasok siya sa kadiliman ng Purgatoryo.

"REGINA!" tawag ni Hero at sinundan ito.

Naisip ko ding tumakbo. "Hayaan nyo na siyang habulin ako. Tumakas na kayo!" giit ko

"Anong pinagsasabi mo, Abby!?" saway ni Katherine. "Proprotektahan ka namin, no matter what!"

Sumang-ayon si Jun-Jun.

Pero matigas ang ulo ko at tumakbo pa rin papasok sa Purgatoryo.

"ABBY!" tawag ni Katherine pero hindi ko pinansin.

Ang iniisip ko ay ilayo si Bidagulo sa lahat at kakalabanin ko ito mag-isa. Problema ko ito. Ako ang tatapos nito!

"Jun-Jun at Katherine, sundan nyo si Abby. Kami na ni Ren ang bahala dito!" sambit ni Clarissa.

"Hindi ka makakatakas, hinirang ng dyosa!" banta ni Bidagulo.

"Opppsss! Kami ang kalaban mo, halimaw!!" giit ni Ren.


Takbo... Takbo...

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal na tumatakbo o kung nasaan na ako.

Sa wakas ay tumigil na ako dahil sa pagod.

Tiningan ko ang aking kapaligiran. Puro mga sira-sirang bahay ang nakikita ko.

Malaki ang pasasalamat ko at wala pang mga kaluluwang ligaw ang nagpapakita sa akin. Pero maingat at dahan-dahan na ang aking paglalakad baka kasi di pa nila ako napapansin.

Sa aking paglalakad, di ako makapiniwala at nakakita ako ng isang lugar na pamilyar sa akin! Nagmadali akong pumunta dito. Isang malaking puno ng mangga na may duyan. Kahit patay na ang puno at walang mga dahon, natatandaan ko pa rin ang duyan.

"Gino." bulong ko sa aking sarili.

Dito kasi kami nagkita dati ni Gino. Hinawakan ko ang starfish na hairclip na ibinigay niya sa akin at sinariwa ang naganap dito.

Naalala ko pa ang sinabi niya na gustong-gusto niya ako at nais niya akong ligawan. Aaminin ko kinilig ako doon dahil gusto ko din naman siya.

Okay na nasa kung hindi lang sumunod si Jenny at nanggulo.

Pero...

Dito ko din nakita ang mapanganib na katauhan ni Gino nang masaktan niya ang aking kapatid.

Naalala ko din ang naganap dati sa meeting ng SKKKS. Dito ay nagwawala si Gino at wala sa sariling sumusugod kahit sa kanyang mga kaibigan na sina Clarissa at Jun-Jun.

Nakakatakot si Gino at mapanganib!

Ngunit...

Hindi rin mawala sa aking isipan ang kanyang pagmamakaawa na manatili para sa kanya, na kailangan niya ako...

Gusto ko... Gusto ko siyang damayan at tapusin kung ano mang sakit na kanyang nararamdaman sa abot bg aking makakaya.

"AHHHHRRGGGHHH!"

May narinig akong pag-ungol sa kabilang bahagi ng puno ng mangga.

Inihanda ko ang aking sarili kung sakali mang may magpakitang kaluluwang ligaw.

"ARRGGHHHAAAAAAHH!"

Hirap na hirap ang boses at para bang namimilipit ito sa sakit.

"Si-Sino yan?" tanong ko. Baka naman isa pang taga-barangay na kailangan ng tulong.

Mabilis akong pumunta sa likod. At tama ako! May isang lalaki na iniinda ang sakit sa kanyang ulo. Ang dalawang kamay niya ay pinilit na minamasahe ang kanyang ulo, umaasa na maibsan man lang nito ang sakit na nararamdaman.

"Ako ang bahala sa iyo." sambit ko at hinawakan ko ng aking palad ang noo ng lalaki. Siya ay nakayuko at nakaupo sa may ugat ng puno ng mangga.

Dumaloy ang enerhiya mula sa aking palad patubgo sa noo ng lalakk. May saglit na liwanag at sa wakas ay kumalma na ang lalaki.

Iniangat niya ang kanyang ulo para tingnan ako.

Laking pagkagulat ko dahil walang iba kundi si Gino mismo ang lalaking aking tinulungan!

"G-Gino!" bumilis ang tibok ng aking puso.

Ngumiti siya at bigla niya akong hinila papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"Abby, ang tagal din na hindi ko nasilayan ang iyong kagandahan." sabi niya.

"Ah... Teka, teka... Gino..." namumula ako kasi nakakandong ako sa kanya at napakalapit namin sa isa't isa.

"Sshhhhh... Relax lang, Abby di kita sasaktan. Huminga ka ng malalim at huminahon ka."

Huminga nga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili.

"Magaling. Masunuring bata." komento ni Gino.

"Hah?! Sinong bata!" reklamo ko.

"Hahaha, sorry. Ang cute mo talaga!" hinaplos niya ang aking mukha! Nanginig ako, para bang may static electricity ang dampi ng kanyang palad.

Pumikit siya at himinga ng malalim.

"Hhmmm... Gaya pa rin ng dati, napakabango mo. Nakakaadik ang iyong halimuyak."

Ano ba ang pinagsasabi nitong si Gino!? Na-conscious bigla ako sa aking sarili. Di pa kasi ako naliligo mula noong galing pa akong airport na papunta sana sa Amerika!

Tumayo ako bigla.

At syempre mali ito. Hindi pa kami ni Gino! Walang matinong babae ang kakandong sa isang lalaki na basta-basta lang!

Tumayo din si Gino.

Napaatras ako ng kaunti.

Para bang ibang tao itong nasa harapan ko... pero si Gino pa rin naman... Ang gulo!

Hindi ko alam kung mas tumangkad siya o mas naging maskulado ang katawan o mas naging matured ang mukha niya. Basta ibang-iba siya sa dating Gino na kilala ko.

"May mga tattoo ka na?" puna ko. Kapansin-pansin ang naglalakihang marka sa kanyang buong kaliwang braso.

"Oo. Okay lang ba?" animo'y nahihiyang sambit ni Gino at napakamot pa ito sa kanyang ulo.

Awww... di ko alam! Pero ang hot tingnan ni Gino!

Umiling ako. Ano bang nangyayari sa akin?! Hindi ako 'to. Disente akong babae!

Huminga ako ng malalim at dinako ang aking panigin sa ibang direksyon.

"Hinahanap ka pala namin. Nag-aalala na silang lahat para sa iyo." iniba ko ang usapan.

"Ah ganun ba? Okay lang ako. Dapat hindi na sila nag-alala." sagot ni Gino.

Napalingon na naman ako sa kanya. Sa isang saglit akala ko sa ibang tao ako nakikipag-usap.

"Gino, di ba may lagi kang kasamang pusa, si Itim? Nasaan na siya?"

"Nagkahiwalay kami pero dito lang sa lugar na ito kaya nga ako nandito kasi hinihintay ko siya. Alam naman niya kung saan ko gustong pumunta at dito ang pinakamadaling daan papunta doon."

"Papunta saan?"

May itinuro si Gino at sinundan ko naman ng tingin.

"Sa Tore ng Patay."

Nagulat ako. Bakit gusto kaagad pumunta ni Gino doon?!

"Naku, napakalas daw ng pwersa ng Supremo kaya napagdesisyonan na sama-sama tayong susugod doon. Pagnahap ka na namin ay mag-iisip na ng plano ang SKKKS upang sugurin ang tore." paliwanag ko.

"Hindi na kailangan. Kaya ko nang mag-isa."

Medyo nayayabangan na ako kay Gino. Sa tingin ko ibang tao na nga siya.

"Paano ang Nanay Cindy mo? Di ba siya ang unang dahilan kaya pumasok ka sa loob ng Purgatoryo?"

Natigilan si Gino. Nawala ang maangas niyang aura at nanginig ang mga labi, para bang may nais siyang sabihin.

"Oo, si Nanay Cindy!" kanyang sambit na para bang naluluha na. "Sa-Salamat sa pagpapaalala sa akin, Abby." ngumiti si Gino. "Isa ka talagang anghel sa buhay ko!" lumapit siya sa akin at mahigpit na naman niya akong niyakap.

"Ah, Gino... w-wait." biglang naging mas mahigpit ang pagyakap niya sa akin. Hindi na ako makahinga!

"Isa kang gamot na kakaadik na bawat paggamit lalong nakakabaliw! Napakasarap ng iyong amoy... At ang iyong leeg..." nagulat ako nang inihawi niya ang aking buhok upang makita niya ang akin leeg. "Hmm... Mabilis na dumadaloy ang iyong kapangyarihan... nakakauhaw..."

"GINO!" saway ko at ginamit ko ang aking buong lakas upang kumawala sa kanya upang bigyan ko siya ng isang malutong na sampal. "Sumosobra ka na!"

Napalakas siguro ang aking sampal dahil nawala sa balanse ang katawan ni Gino at natumba ito patalikod. Tumama ang kanyang ulo sa matigas na ugat ng puno ng mangga.

"ARRGGGHHH!" muling pag-ungol ni Gino dahil sa sakit ng kanyang ulo.

"G-Gino, Sorry. Di ko sinadaya." Mabilis akong lumapit sa kanya at tinulungang makaupo. "Okay ka lang?"

Tumingin sa akin si Gino, nanlilisik ang kanyang mga mata.

Napaatras ako sa takot.

"G-Gino?"

"Ikaw SIBOL! Akala mo nakalimutan ko na ang pagtraydor mo sa akin! Ngayon, di mo na ako malilinlang!"

Dalawang malalakas na palad ang humawak sa aking leeg.

"Gi- Argg – Gaahh!" pinilit kong makawala sa kanyang pagkakasakal.

Nauubusan na ako ng hininga at nanlalabo na ang aking paningin.

"Arrrggghhh! Giiiihhh." napapikit na ako. Ito na siguro ang aking kamatayan...

Pero biglang nawala ang pagkakasakal niya sa akin at parang uhaw ns uhaw ay huminga ako ng malalim at pinuno ang aking mga baga ng hangin!

Ilang minuto din akong nakaupo sa lupa, nahihilo at pagod na pagod.

Nang sa wakas ay kaya ko nang gumalaw ng maayos ay tumingin ako kung nasaan nakatayo si Gino.

Seryoso ang mukha at malayo ang kanyang tingin. Nakasandal siya sa may puno ng mangga.

Lumingon siya sa akin.

"Abby, sorry." Ang tanging niyang sambit.

Di ko alam kung gaano katagal kaming nasa ganitong ayos. Siya ay nakatayo at may malalim na iniisip habang ako ay tahimik na pinagmamasdan siya.

Naguguluhan ako sa mga pabago-bagong ginagawa ni Gino. Para bang iba't iba ang kanyang pagkatao.

Siya ay mapanganib. Kaya niyang manakit... Ang pumatay din siguro...

Dapat kanina pa akong tumakbo at lumayo sa kanya. Hindi ako ligtas 'pag kasama siya!

Pero...

Nakatatak na sa aking isipan ang tagpo noong nagmamakaawa siya nang malaman niyang babalik na ako sa Amerika. Nagsusumamo siya...

"Abby, kailangan kita... Dito ka lang..."

"Gino..." bulong ko pero marahil ay narinig niya ito.

Lumingon siya. "Hindi kita pipilitin sumama sa akin. Hahanapin ko muna si Itim. Pagnakita ko na siya ay magpapatuloy na ako sa paghahanap sa aking Nanay Cindy. Bumalik ka na sa grupo nina Clarissa at Jun-Jun. Paki-sabi na lang na kaya ko na ang aking sarili."

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa kamotehan kung saan kami unang nagkita.

Susunod ba ako? Sasama? Nagtatalo ang aking isip at puso. Ano ang gagawin ko?

Pwede namang takasan ko na ang lahat ng ito at bumalik na lang kay Daddy Jethro upang ituloy ang pag-alis namin patungong Amerika...

Pero paano sina Clarissa?

Inaasahan nila ako na tutulong upang mailigtas at maibalik sa dati ang Barangay Sta. Cruz...

Paano si Gino?

Kinakatakutan ko siya at walang matinong babae ang nanaising sumama sa taong kinatatakutan niya! Sabihin na nilang nababaliw na ako pero... Gustong-gusto ko siya! 

Pinaghalong kaba at pagtangi ang nadarama ng aking puso para sa kanya. 

At malinaw sa akin na kailangan niya ako...

Huminga ako ng malalim. Nakapagdesisyon na ako...

Tumayo ako at humabol kay Gino.

Nagulat siya sa aking pagsunod.

"Abby, bakit –"

"Huwag mo akong pigilan, Gino. Sasama ako sa iyo! Desisyon ko ito at hindi mo ako pinilit."

Tumigil siya sa paglalakad at humarap siya sa akin.

Inihanda ko na ang sarili ko kung ano mang gagawin niya. Hindi ako magpapatalo at hindi magpapasindak!

"Kung sasama ka sa akin, Abigail Roque... Huwag mo na akong tatawaging Gino, tawagin mo na lang akong Ginn."

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 04/20/2016

Bakit ba ang mga good girls lagi na lang nagkakagusto sa mga bad boys! Pano na lang ang mga good boys na gaya ko?! Hahahah!

Well anyway... Naku, nagkahiwalay-hiwalay na naman ang grupo PERO at least by partner na! Hehehe!

Abangan ang mga susunod pang kabanata! Nasaan na nga ba ang Nanay Cindy ni Gino!?

Paki-comment ng inyong thoughts about this chapter, Vote at share na din para mas maraming magbasa.

Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 45.9K 37
If you have read The Savage Casanova, you would meet Pavlo Vera-Perez, and this is his side story. Annoyed at his grandmother’s medieval scheme to cl...
142K 3.1K 30
DEATH GAME SERIES (NO REVISIONS) Featured under Mystery/Thriller Category Watty's 2016 - HQ Love Category Winner ___ (A FAST PACED, HUNGER GAMES INSP...
19.6K 1.7K 25
Book 3 of Fate of Darkness Ako si Nolymer Del Moire, isa sa mga Sources of Death at Water User mula sa House of Nacht. Noon, isa ko sa mga kalaban...
21.2M 787K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...