Marrying My Ex [MinSul]

By darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 32

5.9K 140 22
By darkkkAJ

CHAPTER 32 - Tumalon Ako

"Hi Taejoon!" Ito na naman kami ni Jaehee, magka-Skype na naman. Kakauwi ko lang sa bahay kasi inihatid ko si Coach Johnny sa tutuluyan niyang hotel. Hindi ko talaga ineexpect na ang isang sobrang sikat na coach na tulad niya ay pupunta pa talaga dito sa Korea para lang i-train ako.

"Jaehee, bakit nandito si Coach Johnny?" seryoso kong tanong. Bigla din namang sumeryoso ang mukha niya.

"A-ahh... Kasi Taejoon, alam kong makakatulong siya sa iyo. Hindi mo ba nagustuhan? Hindi ka ba natuwa na may new coach ka na? Diba sabi mo parang itinakwil ka na ng coach mo... Kaya ayan, kinulit ko si Kuya Johnny para puntahan ka diyan at--"

"Hindi mo ba naisip na baka busy yung tao? Next year na yung World Junior Championship. Busy yun sa paghahanda!" napahilamos ako sa mukha ko. Nahihiya kasi talaga ako kay Coach Johnny. Hindi naman ako ganun ka-importante para puntahan pa talaga dito sa Korea samantalang naka-base na siya sa US.

"Yun nga eh. Tinulungan ko na nga rin siya eh. Kailangan niya rin ng athlete niya na ilalaban sa WJC. Tapos qualified ka, kaya sinabi ko na ikaw nalang pero kailangan mo ng tulong niya sa Yips Syndrome mo..." Napayuko siya. "Hindi mo ba gusto yung ginawa ko? Galita ka ba, Taejoon? Akala ko matutuwa ka kapag nagkaroon ka na nag new Coach. Ayan pa naman sana yung birthday gift ko..." Tapos parang naiiyak na siya.

OH FUDGE! NATATARANTA NA AKO. "H-hindi naman sa ganun. Nag-aalala lang kasi ako. At nahihiya dahil hindi naman ako ganun kagali--"

"Magaling ka kayaaaaaaaa!" Sigaw niya. "Nanalo ka last year. Ikaw ang title holder ng World Junior Championship 2011! Di mo magagawa yun kung di ka magaling."

"Sige na nga..." sagot ko.

"Galit ka pa ba?" sabi niya sabay pout. Leche talaga tong babaeng ito. Namumula pa yung cheeks niya at ang labi, mukhang masarap halikan mahit nasa monitor ko lang siya. Kainis naman.

"Hindi. Hindi ako galit. Ano ka ba." sabi ko. Bigla nalang siyang tumayo at bumalik na hawak ang phone niya. May kausap siya kaso di ko na masyadong maintindihan dahil medyo malayo siya sa mic ng laptop niya. Ilang sandali ay kinausap niya ulit ako.

"Sorry, tumawag si Kuya Daniel." sabi niya pero nakatingin pa rin siya sa phone niya. Teka, parang familiar yung case niya.

"Yan ba yung case na bigay ko sayo noon?" tanong ko.

"Huh?" Tapos iniharap niya sa cam yung phone niya. "Oo, ito nga." Masayang sabi niya. Grabe, itinago pala niya talaga. Akala ko itinapon niya yun noon dahil sa sobrang kabwisitan sa akin. Ayan, kahit papaano naman pala may couple thing kami. Couple iPhone cases. Pwede na. :D

Nakangisi lang ako sa camera. Ewan ko, alam ko na simpleng bagay lang yun pero hindi ko mapigilang matuwa ng sobra. Ibig sabihin, kahit galit siya sa akin noon, pinapahalagahan niya pa rin yung bigay ko.

"Bat nakatawa ka lang diyan, ha?" sabi niya.

"Wala. Ang ganda mo kasi. Ang sarap mong titigan nalang lagi." Nakita ko namang nag-blush agad siya at ngumisi rin.

"Ikaw, bolero ka talaga!"

"Nagsasabi ako ng totoo noh!" sagot ko naman.

Nagtakip siya ng mukha niya pero halata namang nakangiti at kinikilig siya. Ang sarap talaga pakiligin tong babaeng ito. Hahaha.

"Jaehee~ Jaehee?" sabi ko with my husky sweet voice. Naalala ko tuloy yung sa ospital. Ganyan rin siya, nakapikit at ayaw pa ring tumingin sa akin. Tapos hinalikan ko siya noon.

"Ano?"

"Stop covering your beautiful face, di ko makita." sabi ko. Dahan dahan naman niyang ibinaba ang mga kamay niya at biglang akong benelatan sa camera at tinakpan ulit ang mukha niya.

"Bolero!"

"Eh totoo naman eh! Sige na. Ibaba mo na yang mga kamay mo. O baka ako pa ang magtanggal niyan tapos hahalikan kita!"

"Psh. Di mo naman magagawa yun. HAHAHAHA." Tumawa pa talaga. Ibinaba na niya ang mga kamay niya kaya nakita ko ang pulang pulang mukha niya. Mansanas ang peg.

"Gusto kitang halikan. Pwede bang umuwi ka dito?" seryoso kong tanong. Ngumuso naman siya sa camera.

Ngumuso din ako sa camera. Ayun na. Virtual Kiss sent!

***

Kinabukasan ay nagsimula na kaming magtraining na Coach Johnny. Syempre nandito kami ngayon sa home gym ko. Kung ano-anong klase ng warm ups at exercises ang ipinagawa niya sa akin. Out of this world at weird na mga actions pero aaminin ko, malaki ang tulong.

Tama si Jaehee. Malaki nga ang maitutulong ni Coach Johnny sa akin. Marami siyang alam sa Yips Sydrome. Sobrang dami niyang tips na ibinibigay.

After ng three hours na warm up... Oo! Warm up palang, three hours na. Nakakapagod talaga. "Ayokong dito ka tumalon." sabi niya.

"Coach?"

"Maliit yung space eh. Tara sa Genie." Kinuha niya ang backpack niya at lumabas ng gym. Syempre sumunod naman ako sa kanya. Hinihingal pa akong nagpatakbo ng kotse. Agad din kaming nakarating sa Genie nang safe at hindi nadidisgrasya. Pero bumulaga sa amin ang nasa 30 na mga tao sa tapat ng gate. Hindi lang pala sila pangkaraniwang mga tao dahil mga reporters at media sila.

"Anong meron dito?" tanong ko habang pilit na bumubusina para makadaan kami. Rinig ko naman ang mga malulutong na mura ni Coach.

"Mukhang wrong move ata ang pagpunta dito. Mukhang alam na ng media na nandito ako." Sabi niya habang kinakamot ang ulo. Coach talaga oh.

"Gusto niyo bang bumalik Coach?"

"Wag na. Nandito na tayo eh. At mukhang kilala nila itong kotse mo. Alam naman na siguro nilang tayo ang nandito."

Ibinaba ko ang bintana sa side ko para sabihan ang mga reporters na padaanin kami dahil kung hindi, hindi kami magpapainterview. Agad naman silang nagbigay daan. Nahati ang mga reporters na parang Red Sea at ang kotse ko si Moses.

Bago kami bumaba ay may nagsidatingan nang guards and security. Mabuti naman, baka magkastampede tong mga media na nandito.

Paglabas ko ng kotse ay narinig ko na ang ingay ingay pala nila. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat gawin pag ganito. Nasanay kasi ako na laging nasa tabi si Manager. Ngayon, wala na. Buti nalang at biglang dumating si Seungri.

"Magsitahimik po tayo. Be professional naman po sana." sabi nito sa mga reporters. "If you want to have an interview with Mr. Kang Taejoon and Coach Johnny Lee, please do it accordingly. Nasa school po tayo."

Tama nga naman. Parang wala nang manners tong mga reporters na ito. Ganun ba sila kauhaw na mainterview kami ni Coach?

"You can all ask questions. One at a time please." sabi ulit ni Seungri.

Natahimik ang media at saka naman nagsimulang magtanong ang unang reporter. "Mr. Johnny Lee, how long have you been here in Seoul? And are you really helping Kang Taejoon to recover from Yips?"

"This is just my second day here. And no..." sagot ni Coach. "He has already overcome his Yips Syndrome. I'm just here to prepare him for World Junior Championship 2013 since his original coach and sports management agency left him on air."

Napalunok ako at napatingin kay Coach. Nagsimula na namang magbulung-bulungan ang mga reporters. Tumango-tango naman yung unang nagtanong.

"The whole world knew that you're already retired, Mr. Kang. What can you say?"

"I didn't say that I'm retiring. People jumped into conclusions. Wala na akong magagawa doon. Basta for now, alam niyo nang hindi pa talaga ako magreretire because I'm still fighting for World Junior Championship."

"Pero Yips Syndrome is a very rare psychological disorder and 1 out of 10 people with that disorder makes it to regain his lost abilities. At ngayon, it is said na na-overcome mo na nga ang Yips Syndrome mo--" I cut him off.

"Basta naniniwala akong Miracle is another name for Hardwork. Yun ang itinatak ko sa isip ko. And as you can see, it worked."

Nagpalakpakan naman silang lahat.

Aalis na sana kami ni Coach nang may pahabol pa. "How about your marriage with Goo Jaehee, the heiress of Jaehee Group of Companies... Hindi ito natuloy because of the things that happened. Hindi na nga ba talaga iyon matutuloy? And we heard na bumalik na siya sa America. What can you say?"

Ngumiti ako. "We're both okay now. And don't worry...

Tuloy ang kasal."

Pagkasabi ko nun, pumasok na kami sa gym at nagsimula sa training. Laglag ang panga ni Coach Jung (yung bwisit kong coach noon) at ni Min Hyeonjae nang makita nila kung sino ang Coach na kasama ko ngayon. Nalaman na rin nila na kasama ako sa World Junior Championship 2013. At alam na rin nilang wala na akong Yips Syndrome. 9 months palang, na-overcome ko na. Edi nganga silang lahat ngayon!

Nagrequest ang media na panoorin ang training ko. Pumayag naman ang school kaya heto ako, pinapalibutan ng mga nagliliwanag na flashes ng camera.

Inilagay ni Coach ang bar sa 2M and 31 CM. Nagulat ako. Paano kung di ko matalon? Pinanlakihan ko siya ng mata pero humalakhak lang siya. Kinabahan tuloy ako. Hinipan na niya ang pito kaya tumakbo na ako saka tumalon patalikod. Kitang kita ko ang mga camera na humahanol sa bawat galaw ko.

Pagkalanding ko sa foam ay agad kong narinig ang palakpak ng lahat. Kahit sina Coach Jung at Min Hyeonjae at mga kaibigan ko (yung apat na baliw + hanna and eungyeol + yung girls) ay puamlakapak na rin. Nagsigawan nga sina Taemin eh.

"2M AND 31 CM DIBA?!!" sigaw ni Jonghyun.

"NEW RECOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOORD!" sabay sabay na sigaw nang lahat. Nakangiti lang ako sa lahat at sa bawat camera na haharap sa akin. Grabe, pakiramdam ko nasa taas na naman ako kahit wala pa man ako ngayon sa mismong competition.

Yung fact na nalabanan ko ang Yips Syndrome ko, isang malaking tagumpay na.

After ng training ko ay agad na nagparty ang lahat dahil sa bagong record ko. Ang dami na namang nagpapapicture samantalang noong kasagsagan ng Yips Syndrome ko, halos walang tumitingin sa akin. Mga tao talaga oh.

Agad ko namang tinawagan si Jaehee at masayang ibinalita ang nangyari. Hindi ko nga pala nabanggit na natalon ko yung bar kahapon kaya ayun siya. Tili ng tili. Mga 5 minutes na.

"Huuy baka wala ka nang boses niyan!" sabi ko.

"Grabe sabi ko na nga ba eh. Kayang-kaya mo! Grabe Taejoon, I'm so prouuuuuuuuuuuud of you." sabi niya.

"Oo nga eh. Thank you ha. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko magagawa ito." sabi ko. "Akala ko noon, nung iniwan kita dahil sa high jump, mas makakapagfocus ako dito pero it turns out na kailangan kita. Ikaw na itinapon ko noon para marating yung pinapangarap ko ay siya ring kailangan ko ngayon para manatili dito sa tuktok."

Hindi siya sumagot.

"I'm really really sorry sa ginawa ko noon, Jaehee. Hinding-hindi na ulit kita iiwan."

Biglang narinig ko nalang na umiiyak na siya. "Kalimutan na natin yun, Taejoon. Matagal na kitang napatawad. Ano ka ba.... Wag mo nang isipin yan. Magsaya ka ngayon dahil wala na ang Yips mo."

Ngumiti ako. "Jaehee?"

"Hmm?"

"Mahal kita." Ngumiti ako sa sarili ko. Nasabi ko na din sa wakas ang matagal ko nang nais sabihin sa kanya. "Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Mula noon hanggang ngayon, mahal kita. Words are not enough basta ang alam ko tumalon ako para talunin yung bar...

...pero doon ako bumagsak sa puso mo. Malakas ang impact. Di na ako makakarecover sa sobrang lakas ng pagmamahal ko sa iyo. I love you so much, Jaehee. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala ka ulit."

Continue Reading

You'll Also Like

28.4K 634 51
👑C👑O👑M👑P👑L👑E👑T👑E👑 💖H💖O💖P💖E💖 😇Y😇U😇O😇 🤔L🤔I🤔K🤔E🤔 🙄I🙄T🙄 New author Sorry for the error Author is not perfect 12th
758K 26.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
101K 1.9K 32
Even though we've been separated for how many years, we'll always be reunited and back into each other's arms. Because we are connected by an invinsi...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...