Ikaw Ang Lahat Sa Akin

By PurpleSwallow

87.6K 3.5K 493

NIRO ♡ NYX More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4 Nyx
Chap. 5 ESCORT
Chap. 6 SAGALA
Chap. 7 JS PROM
Chap. 8
Chap. 9 SPECIAL 1
Chap. 10 TRIAL
Chap. 11 BAR
Chap. 12 CUSTOMER
Chap. 13 PROPOSAL
Chap. 14
Chap. 15 Alex
Chap. 16 ALALAY
Chap.18 CLAIM
Chap. 19 FORCE
Chap. 20
Chap. 21 Caught
Chap. 22 Wife
Chap. 23
Chap. 24 1st Anniv.
Chap. 25 Escape
Chap. 26 BROKEN
Chap. 27 CONCEIVE
Chap. 28 RISK
Chap. 29 NEW LIFE
Chap. 30 GUN HO
Chap. 31 NEWS
Chap. 32 HOME
Chap. 33 Accuse
Chap. 34 Deal
Chap. 35 PARTY
Chap. 36 HER HEART
Chap. 37 NICO
Chap. 38 LANGGA
Nyx♡Niro
THE LAST PART

Chap. 17 JEALOUSY

1.4K 68 5
By PurpleSwallow

AN : Sa lahat ng readers h'wag masyadong seryosohin ang kwento.
Tawa na lang para masaya.

-------------------------------

Araw ng Lingo..

Dinalaw nina Marvin, Jake at ilan sa mga kaibigan nila si Niro sa bahay nito. May dala dalang pagkain ang tropa. Palibhasa madalas nilang ginagawa ang group study sa bahay ni Niro.

Pinagbuksan sila ni Nyx. Gulat si Nyx sa pagdalaw ng grupo. Napansin ni Nyx na masaya si Niro na kasama ang mga kaibigan.

"Niro, nakakaloka ka. Para kayong newly wed couple ng kasambahay mo. Walang halong biro, magsyota ba kayo?"

Umiling si Niro.

"He he he he..kinilig kami ng husto nung nagda moves ka nung unang araw na dinala mo si Nyx sa skul. Mabuti hindi ka sinapak." Biro ni Marvin.

"Wala 'yon. Hindi naman makitid ang utak ni Nyx."

"Mmmm..palangiti kana ngayon ah." Patuloy binibiro si Niro ng mga kaibigan. Pumunta ng kusina si Niro. Nakita nyang nakaayos si Nyx. Simple lamang manamit si Nyx ngunit hindi mapagkaila ang kaseksihan nito. Sinong mag-aakalang katulong lamang sya.

Nang..

"Ahmmm..Niro, day off ko ngayon. Pupunta ako sa mall. Magkikita kami ng boypren ko." Paalam ni Nyx.

Tamang tama at sumunod sina Jake at Marvin. Narinig nila ang sinabi ni Nyx.

"Sa...saan..kayo..magkikita?" Muling nauutal si Niro.

"Sa mall. Tapos mamasyal ng kunti. Babalik rin agad ako."

Gustong pigilan ni Niro ang dalaga pero pinili nyang payagan ito.

"Bumalik ka kaagad." Tanging sagot nya.

"Sige." At umalis si Nyx. Nanatiling nakatalikod si Niro. Narinig pa nya na nagpaalam ang dalaga sa mga kaibigan nya.

Lumapit agad sina Jake at Marvin.

"Hoy, bakit mo pinayagan si Nyx na umalis?"

"Oo nga. Paano kung tatanan sila ng boypren nya? Gayung nakuha na ni Nyx ang pera. Niro, ito ang sasabihin namin sa 'yo..maiisahan ka nila kung magkataon. Get her as soon as possible. Don't trust her." Pangungumbinsi ni Marvin.

"I trust her."

"Ulol! May tiwala kapang nalalaman. You will be sorry at the end. C'mon Niro, don't be such a fool."

"Ano bang dahilan kung bakit hindi mo agad ginawa ang dapat mong gawin sa kanya?" Tanong ni Jake.

"Ayaw kong isipin nyang atat ako sa kanya. Maayos naman ang lahat sa amin." Sagot ni Niro.

"Pero may syota sya. H'wag kang magpakasigurado. " -si Marvin.

"Anong gusto nyong gawin ko? Gahasain ko sya? She's not a whore."

"Bakit kung hindi ikaw ang nakakuha sa kanya; sa tingin mo anong mangyayari? She will be one of them too." Sagot ni Jake.

"Damn!"

BLAG

Tinumba ni Niro ang isang upuan.

"Okay. Bahala ka." Naiinis narin si Jake.

Biglang umalis si Niro.

"Hoy saan ka pupunta?" Tawag ni Marvin.

Tila walang marinig si Niro tuloy na umalis. Inabutan pa nyang sumakay si Nyx ng taxi. Kaya dali dali syang sumakay ng kanyang kotse at sinundan ang dalaga.

---------------------------------

Sa mall..

Nagkita sina Nyx at si Alex. Sa publiko maayos ang kilos ni Alex. Nang makita nya si Nyx na papalapit agad syang lumapit at nakipag-beso sa dalaga.

Doon nakilala ni Niro ang kasintahan ni Nyx.

"ALEX."

Nakadama ng inggit si Niro. Muli nyang naalala ang noong sumali ng Santa Cruzan. Si Alex dapat ang kapareha ni Nyx. Ngunit sya ang ipinalit. Ngayon, kasintahan na ni Nyx si Alex; nakadama ng kaba sa dibdib si Niro.

Napaisip din sya sa mga sinabi ng mga kaibigan.

"Oo nga..hindi batayan ang virginity ang pagbuo ng relasyon. Handa ako Nyx, hindi man ako ang unang aakin sa 'yo..pero sisiguraduhin kong may patutunguhan ang lahat..kahit tumakas ka pa..BABALIK KA PARIN SA AKIN."
---------------------------------

"Bakla ang daming gwapo doon sa eskwelahan nina Niro. Pero hindi patatalo si Niro ha hahaha.. pwera lang iiling sya, kakahol at ngingiwi ng mukha..pramis palaban ang CARA."

"Hahahaha..hindi ako makapaniwala makakasama mo sya sa iisang bubong. Tapos kahit anong oras gagapangin ka nya. Wow, dapat alert ka anytime."
Tawa ng tawa si Alex.

"Sabi ko naman sa 'yo lagi akong fresh kasi baka mamaya gugulatin nya ako. Syempre ayaw kong may masabi 'yong mokong na 'yon ha ha ha ha.."

Walang humpay ang tawanan ng dalawa.

"Pero ano okay lang talaga sa 'yo si Niro ang makakuha ng v card mo?"

Napaisip si Nyx.

"Wala akong magawa eh." Tanging sagot na lamang nya.

"Naku, mahirap nyan eh kung may mabuo." Biglang nasabi ni Alex.

"Malabo. Iinum agad ako ng contraceptive. Sisiguraduhin ko talaga." -si Nyx.

"Good luck nalang." Sabay inum ni Alex ng juice.

"Alex, marami pa akong pangarap. Ayaw kong maubos ang panahon kong kasama si Niro. Balak ko nga, pag nakuha nya na ang gusto nya sa akin..TATAKAS NA AKO. Yon lang naman ang pinaka punto sa kalagayan ko."

"Tanga! E kung ayaw nya. Hahanapin ka nya."

"E di habulin nya ako sa tambol mayor. Hahahaha malabo 'yang iniisip mo. Hindi si Niro ang tipo ng lalaki na magpakamatay dahil sa isang babae..lalo na sa tulad kong dukha. Pwede syang maireto sa iba. O di ba? Kahit ganun sya may magkakagusto sa kanya; kasi mapera sya at may pinag-aralan." Paliwanag ni Nyx.

"Ewan ko sa 'yo." Muling tumawa si Alex.

Sa di kalayuan patuloy nakamasid si Niro sa dalawa. Sa bawat halakhak ni Alex gusto nya sya ang nasa posisyon na 'yon. Sa bawat halakhak ni Nyx gusto ni Niro na sya ang nakakagawa ng bagay na 'yon para sa dalaga.

Hindi nya natagalan ang lahat kaya umuwi na lamang sya.
--------------------------------------

Nang dumating si Niro sa kanyang bahay wala na ang kanyang mga kaibigan. Maayos na ang lahat. Alam nyang lilinisan ng mga kaibigan nya ang kalat bago aalis.

Napaupo si Niro sa sofa at tila sumakit ang ulo nya. Naglalaro ang kanyang isipan.

"Meoww..meoww.."

Lumapit ang kuting at umupo sa kandungan ni Niro.

"Hi, sorry ha. Gagabihin siguro si Nyx. Just wait. I'm here with you anyway." Kinausap ni Niro ang munting hayop.

Gayun paman nag-aalala sya. Binabagabag ang kanyang isipan. Hindi man nya aminin..natatakot sya na baka biglaang mawala si Nyx.
Lumundag ang pusa at tumakbo patungo sa silid ni Nyx. Sinundan ni Niro.

"Sunshine come here." Tawag nya.

Lumapit si Niro upang kunin ang pusa nang makita nya ang isang ID picture ni Nyx sa side table.

Kinuha ni Niro ang larawan. Tamang tama at kasya ang larawan ni Nyx sa kanyang pitaka.

Pagkalipas ng ilang oras..

DING DONG DING DONG

"Nyx.."

"Good evening. Wala na sila?"

"Kanina pa sila umalis." Malamig na boses ang narinig ni Nyx kay Niro.

"Kumain kana ba?"

Tumango lang ang binata.

"Nyx, alam kong may karelasyon ka. I hope you won't change your mind."

Napatingin si Nyx kay Niro. Alam nyang may tinutumbok ito.

"Hindi magbabago Niro."

-----------------------

Isang araw, muling isinama ni Niro si Nyx sa eskwelahan. Tinulungan ni Nyx si Niro na bitbitin ang ilang aklat na hiniram ni Niro sa library.

Nakasalubong pa nila ang ilang mga kaklase ni Niro.

Pero hindi inaasahan ni Nyx..

"Niro.."

Sabay napalingon sina Nyx at Niro. Isang matangkad at balingkinitang babae ang papalapit sa kanila. Tsinita ang mata at may mapupulang labi.

"Zeny.."

Agad ibinigay ni Niro ang mga aklat na dala kay Nyx. Lalong nabigatan si Nyx. Nakita nyang nagyakapan ang dalawa.

"I miss you." Sabay nilang nasabi.

"You're so lovely." Sabi ni Niro.

"Nagkita kami ng Ate Athena mo. SHe told me that you're studying here. Bakasyon namin sa eskwelahan. Kaya naisipan kong dalawin ka dito." Sabi ni Zeny.

"Sorry, hindi na kita nadalaw sa inyo."

"Okay lang. Ako naman ang dadalaw sa 'yo." Kasabay ng paglupot ng kamay ni Zeny sa braso ni Niro.

"By the way, this is Nyx. My energetic MAID."

Parang may kumurot sa dibdib ni Nyx nang sabihin ni Niro ang salitang MAID sa harap ni Zeny.

"Nyx, s'ya si Zeny. Kaibigan ko."

Ngumiti sa isa't isa ang dalawang babae.

"Ahmm, Nyx pakihatid nalang sa library. Alam na ng librarian tungkol dyan sa mga aklat." Utos ni Niro. Walang nagawa si Nyx kundi ang tumalima.

Binalik ni Nyx ang mga aklat. At nang pabalik na sya..

"Nyx mauna kanang umuwi. Heto ang pamasahe mo sa taxi. May lalakaran kami ni Zeny."

"Ah..ah.." Walang masabi si Nyx. Umuwi syang mag-isa. At tumunganga sa loob ng bahay buong maghapon.

"Saan kaya pumunta ang ulol na 'yon? Anak ng tokwa! Parang nakakababa 'yong sinabi nya kanina. Totoo naman. Pero bakit ganun? Iba 'yong dating para sa akin. "

Inabot ng gabi hindi pa umuuwi si Niro.

"Naku naman saan dinala ng babaeng 'yon si Niro?"

Pabalik balik na si Nyx sa paglakad.

DING DONG DING DONG

Agad binuksan ni Nyx ang pinto.

Nakita nyang nakatayo si Niro sa harapan.

Biglang ngumiti si Niro at..

Niyakap si Nyx.

"I want it now Nyx..Gusto ko na.." Sabi ni Niro.

"Ha?" Nagulat si Nyx at tila di nya alam ang gagawin. Napansin nyang lasing si Niro. Bigla syang kinabahan.

"Lasing ka Niro..magpahinga kana."

Inalalayan nya si Niro na dalhin sa silid nito. Pinahiga nya sa kama.

"Anak ng tokwa! Kinabahan ako sa sinabi nya kanina." Napalunok ng laway si Nyx.
Tatalikod na si Nyx nang..

Hinila sya ni Niro. Dahilan napadapa sya sa binata. Yapos ng binata ang baywang ni Nyx.

"Don't go. Sleep with me." Bulong ni Niro.

Akmang babangon si Nyx ngunit sadyang mahigpit ang yakap ni Niro kaya nanatili syang nakadapa sa dibdib ng binata. Inangat ni Nyx ang ulo nya at di nya inaasahang nilapit ni Niro ang labi nito sa kanya.

Ramdam nya ang paglapat ng labi ni Niro..kinakagat ng bahagya ang kanyang labi. Nararamdaman ni Nyx ang tukso ng halik na 'yon.

Nang..biglang bumitaw si Niro dahil..

Zzzzzzzz

Nakahinga ng maluwag si Nyx at agad bumangon. Dali dali syang pumasok sa kanyang silid.

"Hay salamat. Akala ko gagawin na namin. Dios ko, grabeng kaba ko."

Agad sumampa si Nyx sa kama.




Continue Reading

You'll Also Like

110K 123 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
181K 3K 13
Highest rank #129 in Romance Alison Diaz wants new and fresh working environment. She resigns from her old job and is lucky enough to be accepted at...
129K 2.6K 22
Ibinalya siya nito ng malakas sa dingding saka hinapit sa baywang ng sobrang higpit. Halos pangapusan naman siya ng hininga dahil sa sobrang lapit ng...
241K 5.3K 29
Alexander Singson is too tough when it comes to woman. Ayaw niya ng commitment dahil para sa kanya ay sakit lang yun ng ulo pero paano kung may darat...