Chap. 2

4.3K 123 9
                                    

Niro's POV

Pabalik kami sa aming bahay. Our house is located in an exclusive subdivision. Sa kabilang kalye, ang Brgy. Bakal.
Nadadaanan ang barangay na 'yon tuwing pauwi na ako sa bahay. Halos lahat ng mga tao sa lugar na 'yon ay kilala ako..Madalas kasi akong napapagawi doon.

Pinsan ko ang nagmamay-ari ng halos kalahati ng lupa ng Brgy. Bakal. Ang dating Barangay ay pag-aari ng pamilya ng aking ama. Ngunit ibinahagi ng Lolo namin ang kalahati ng lupa sa gobyerno. Kaya doon tumira ang mga tao.

At kami naman ay may malawak na lupain sa probinsya. Apat kaming magkakapatid; ako ang bunso. Lahat ng mga kapatid ko biniyayaan ng magandang pangangatawan; at maayos na trabaho. Pero ako ang pinagdamutan ng kalusugan. Hindi ako galit sa Dios dahil sa katayuan kong ibinigay nya. O sa mga magulang ko. Nadarama ko lang ang awa sa sarili tuwing may nakikita akong may nagmamahalan; bumubuo ng relasyon; 'yong parang Fairy Tales. Kasinungalingan ang matatawag sa isang taong di nangarap makaranas ng PAGMAMAHAL. Kahit bulag, sinto sinto, lumpo o bingi..We need love. A kind of love that we will cherish for the rest of our lives. Our very own LOVE Story..Na sana ganun din mangyari sa buhay ko..pero hindi.

Sana hindi ko sya nakilala..sana...

FLASHBACK

Sa isang hospital..

"Mr. Simone, your son has a neurological disorder. He cannot stop his tics. I can give him some medicines to control his tics but it doesn't mean he will be cured."

Umiyak ang ina ni Niro. At napayakap sa asawa.

"Oh God..my poor son." Sabi ng ama ni Niro.

"Umasa tayong hindi na lalala ang kalagayan nya. May mga kabataan na katulad nya ang nagkakaroon ng pagbabago sa kondisyon habang lumalaki sila. Meron namang nawawala." Dagdag na sinabi ng doktor.

"Masasabi bang sinto sinto ang anak namin?"

"Hindi. Nasa tamang pag-iisip ang anak ninyo. 'Yon nga lang ang mga taong tulad nya ay kailangan ng pang-unawa." Paliwanag pa ng doktor.

Nahabag ang ina ni Niro sa kanya. Umaasa na lamang sila na hindi madadagdagan ng problema ang kalagayan ng kanilang bunsong anak.

Pitong taong gulang lamang si Niro nang matuklasan ang kanyang kalagayan. Madalas nilang nakikita na napapangiwi ang mukha ni Niro; umiiling iling ang ulo; humuhuni na parang ibon, kumakahol at kinakagat nito ang kamay.
Lahat ng mga kilos na 'yon ay di kagustohan ng bata. Kusang kinikilos nya na parang may isip ang kanyang katawan.

Minsan nasasaktan si Niro sa di sinasadya.

Sa eskwelahan naman, iniiwasan sya ng kanyang mga kaklase.

"Niro, doon ka maupo sa sulok. Nakakadistorbo 'yong pangingiwi ng mukha mo sabay iling ng ulo.tsk..sabayan mo pa ng pagkahol kaya nakakakuha ka ng atensyon."

Utos ng kanyang kaklase. Ayaw ni Niro na makipagtalo sa kaklase kaya lilipat na lamang sya ng lugar.

Minsan iniiwasan sya ng kapwa bata. Ayaw nilang makipaglaro kay Niro..dahil minsan..

"Mga bata maglalaro tayo ng Statue Dance." Ang sabi ng kanilang guro. Lahat ng mga estudyante ay sabik na sabik ng simulan ang laro.

"Heto ang rules..sasayaw kayong lahat. Pag huminto ang music lahat kayo titigil. Walang kikilos. Ang sino mang mahuhuling kumilos ay maalis sa grupo."

"Opo." Sabay sabi ng mga bata.

Nagsimulang tumugtog at sumayaw ang mga bata. Nang biglang tumigil ang music at huminto ang lahat sa paggalaw. Maging si Niro at tumigil rin sa pag kilos subalit..

Ikaw Ang Lahat Sa AkinWhere stories live. Discover now