Chap. 17 JEALOUSY

1.4K 68 5
                                    

AN : Sa lahat ng readers h'wag masyadong seryosohin ang kwento.
Tawa na lang para masaya.

-------------------------------

Araw ng Lingo..

Dinalaw nina Marvin, Jake at ilan sa mga kaibigan nila si Niro sa bahay nito. May dala dalang pagkain ang tropa. Palibhasa madalas nilang ginagawa ang group study sa bahay ni Niro.

Pinagbuksan sila ni Nyx. Gulat si Nyx sa pagdalaw ng grupo. Napansin ni Nyx na masaya si Niro na kasama ang mga kaibigan.

"Niro, nakakaloka ka. Para kayong newly wed couple ng kasambahay mo. Walang halong biro, magsyota ba kayo?"

Umiling si Niro.

"He he he he..kinilig kami ng husto nung nagda moves ka nung unang araw na dinala mo si Nyx sa skul. Mabuti hindi ka sinapak." Biro ni Marvin.

"Wala 'yon. Hindi naman makitid ang utak ni Nyx."

"Mmmm..palangiti kana ngayon ah." Patuloy binibiro si Niro ng mga kaibigan. Pumunta ng kusina si Niro. Nakita nyang nakaayos si Nyx. Simple lamang manamit si Nyx ngunit hindi mapagkaila ang kaseksihan nito. Sinong mag-aakalang katulong lamang sya.

Nang..

"Ahmmm..Niro, day off ko ngayon. Pupunta ako sa mall. Magkikita kami ng boypren ko." Paalam ni Nyx.

Tamang tama at sumunod sina Jake at Marvin. Narinig nila ang sinabi ni Nyx.

"Sa...saan..kayo..magkikita?" Muling nauutal si Niro.

"Sa mall. Tapos mamasyal ng kunti. Babalik rin agad ako."

Gustong pigilan ni Niro ang dalaga pero pinili nyang payagan ito.

"Bumalik ka kaagad." Tanging sagot nya.

"Sige." At umalis si Nyx. Nanatiling nakatalikod si Niro. Narinig pa nya na nagpaalam ang dalaga sa mga kaibigan nya.

Lumapit agad sina Jake at Marvin.

"Hoy, bakit mo pinayagan si Nyx na umalis?"

"Oo nga. Paano kung tatanan sila ng boypren nya? Gayung nakuha na ni Nyx ang pera. Niro, ito ang sasabihin namin sa 'yo..maiisahan ka nila kung magkataon. Get her as soon as possible. Don't trust her." Pangungumbinsi ni Marvin.

"I trust her."

"Ulol! May tiwala kapang nalalaman. You will be sorry at the end. C'mon Niro, don't be such a fool."

"Ano bang dahilan kung bakit hindi mo agad ginawa ang dapat mong gawin sa kanya?" Tanong ni Jake.

"Ayaw kong isipin nyang atat ako sa kanya. Maayos naman ang lahat sa amin." Sagot ni Niro.

"Pero may syota sya. H'wag kang magpakasigurado. " -si Marvin.

"Anong gusto nyong gawin ko? Gahasain ko sya? She's not a whore."

"Bakit kung hindi ikaw ang nakakuha sa kanya; sa tingin mo anong mangyayari? She will be one of them too." Sagot ni Jake.

"Damn!"

BLAG

Tinumba ni Niro ang isang upuan.

"Okay. Bahala ka." Naiinis narin si Jake.

Biglang umalis si Niro.

"Hoy saan ka pupunta?" Tawag ni Marvin.

Tila walang marinig si Niro tuloy na umalis. Inabutan pa nyang sumakay si Nyx ng taxi. Kaya dali dali syang sumakay ng kanyang kotse at sinundan ang dalaga.

Ikaw Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon