Chap. 38 LANGGA

2.3K 94 11
                                    

AN : Ang kwentong ito ay walang katotohanan..kathang isip lahat at h'wag paniwalaan.

------------------------------------

Nagmadaling tinawagan ni Hyron si Niro.

"Nasaan ka? Pumunta ka dito sa hospital ngayon mismo. Importante."

( Nandito ako sa bahay. Bakit anong nangyari kay Nyx? )

"She is fine. You have to be here right now. Set aside your works. I found something."

( What? )

Napapikit ng mga mata si Hyron. Hindi man sya sigurado sa kanyang nasa isip walang masama na sabihin sa kapatid. Dahil ang posibilidad ang kanyang iniisip.

" May nangyari ba sa inyo ni Nyx bago ka nya iniwan?"

( Why are you asking such question?)

"Answer me, Niro."

( Of course. We're...wait..anong nakita mo? )

"May bata akong nakita..tinatawag si Nyx na nanay. Kung bibilangin natin ang mga taong nawala si Nyx..masasabi kong tamang tama sa edad ng batang nakita ko."

( Hintayin mo ako. )

Nagmadaling umalis si Niro. Tumatambol ang kaba sa kanyang dibdib. Naghintay si Hyron sa labas ng silid ni Nyx.

Ilang sandali lang..

"Kuya.."

"Halika pumasok tayo. Alamin mo ang totoo."

Muli na namang tumambol ang dibdib ni Niro.

TOK TOK TOK

Bumukas ang pinto.

"Niro.." gulat si Tessa nang makita sina Niro at Hyron.

"Nay papasukin nyo kami." Mababang boses ni Niro.

Biglang umiba ang reaksyon ni Tessa.

Lalo pa't..

"Nanay, i love you po. Ikaw ang best nanay in the world." Lakas ng boses ni Nico. Sabay yakap kay Nyx. Nakita yon ni Niro.

"Ang galing mong mambola manang mana ka sa Papa Alex mo. Yon nga lang hindi ka malandi." Sabi ni Joyce. Sa pilitang pumasok si Niro.

"Nyx.."

Napatingin ang lahat kay Niro. Nagulat sina Nyx at Joyce.

Tumingin si Niro sa batang lalaki na nakaupo sa tabi ni Nyx.

"Nanay sino sya?"

Hindi pinakinggan ni Nyx ang tanong ng anak.

"Bakit ka nandito?" Biglang tumapang ang boses ni Nyx.

"Sino ang batang 'yan?" Tanong ni Niro.

"Nico po ang pangalan ko." Singit na sagot ng bata.

"Anak, sumama ka muna kina Lola..lumabas muna kayo."

"Bakit sila lalabas Nyx? Itatakas ba nila ang bata."

Walang may naglakas loob na sagutin si Niro.

"Bakit inakala mo bang anak mo si Nico?"

Napakuyom ng kamay si Niro.

"Lumabas kayo." Utos ni Nyx. Walang nagawa si Niro kay Nyx. Bago lumabas si Joyce may inabot na papel si Joyce sa ina ng bata. Makahulugan ang mga titig nina Joyce at Nyx.

Nang makalabas ang lahat.

"Ilang taon kang nawala Nyx. May nangyari sa atin noong gabing bago mo ako iniwan. Kaya nandito ako upang malaman ang totoo."

Ikaw Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon