Chap. 4 Nyx

2.5K 86 1
                                    

Sa kanto ng Brgy. Bakal merong isang maliit na tindahan.

"Nyx, mamaya kana pumunta sa labas. Tulungan mo muna akong ilagay ang mga ibibenta natin. Mamaya dadating na ang tatay mo. Kailangan ko pang magluto."

"Opo, Nay."

Agad namang tinulungan ng bata ang kanyang ina. Panganay na anak si Nyx. Ang kanyang mga kapatid ay sina Eric at Conrad.

"Nay, kilala mo po ba 'yong mga magulang ni Niro?"

"Oo. Sino ba naman dito sa Brgy. Bakal ang di nakakakilala sa pamilya Simone? Lahat ng tao dito kilala sila."

"Nay bakit po parating umiiling iling yong ulo ni Niro? Tapos kumakahol."

"Anak, may sakit si Niro."

"Sakit? Nakakahawa po ba 'yon?"

"Hindi."

"Kaya ikaw, unawain mo si Niro. H'wag mo syang pagtawanan. Kasi mabait sya sa inyo."

Tumango lang si Nyx.

--------------------------

Tuwing Sabado pag patak ng alas-tres ng hapon nakatambay na ang mga bata sa plaza. Samantala sa bahay naman nina Niro hindi na mapakali ang bata at gusto gusto nang pumunta sa Brgy. Bakal kasama si Mang Minoy.

"'Tay Minoy, dali na po kayo. Hinihintay na ako nina Abebet sa plaza. May palaro para sa mga kabataan. Sasali po ako."

"Naku naman dahan dahan lang sa paglalakad. Madadapa ka n'yan."

"Ayaw ko pong mahuli sa laro eh."

"Oo na. Sige bilisan na nga natin."

"Sumakay nalang po tayo ng bike."

"Naku, hindi pwede tatawid tayo ng kalsada."

Agad hinawakan na lamang ni Mang Minoy ang kamay ng bata.

Nang dumating sila sa plaza, tamang tama at magsisimulang maglaro ang mga bata.

"Ang daya naman ninyo wala akong partner. Paano ako makakasali sa laro?" Nagrereklamo si Nyx kina Abebet.

"Maghanap tayo ng iba para may kapareha ka." Sagot ni Chai.

Nang..

"Ayan na pala si Niro." Sabi ni Red.

"Niro, halika bilis maglalaro tayo ng Tomato Dance. Partner kami ni Chai."
Pinaalam ni Abebet.

Napangiti hanggang tenga si Niro at mabilis lumapit.

"Nyx, si Niro nalang ang maging kapareha mo." Sabi ni Abebet.

Napangiwi ng mukha si Nyx. Tila nag-aalangan na maging kapareha si Niro.

"Ayaw ko." Kusang nasabi ni Nyx.

Nagulat naman si Chai.

"Kung ayaw mo e di hindi ka makakasali." Nakapamaywang na sinabi ni Abebet. Sangayon din ang ibang bata. Ang totoo, nag-aalangan si Nyx dahil baka biglang iiling iling ni Niro at pagtawanan sila ng ibang bata.

"Sige na." Pinilit ni Red si Nyx.

Hinawakan din ni Abebet ang kamay ni Niro. At pinagharap sila ni Nyx.

"Niro, ilagay ninyo itong kamatis sa noo ninyo ni Nyx. Tapos sasayaw kayong sabay. Dapat hindi mahuhulog itong kamatis. Kundi talo kayo." Pinaliwanag ng isang bata.

"Okay."

Nag-aalangan na ng husto si Nyx. Tila ayaw nyang sumali. Ngunit napilitan narin.

Nilagay ni Niro ang kamatis sa kanilang noo ni Nyx at nagsimula silang gumalaw.

Ikaw Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon