Chap. 7 JS PROM

1.4K 76 3
                                    

Lumabas si Nyx sa gusali ng Gymnasium. Sinalubong sya ng kanyang mga kapatid. Pinupunasan ni Nyx ang kanyang luha.

"Ate anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Eric.

Umiling si Nyx.

"Umuwi na tayo. Ayaw ko na dito." Diinang sinabi ni Nyx.

"Bakit nga?"

"Tumigil ka nga! Gusto ko nang umuwi." Singhal ni Nyx.

Kaya nauna syang naglakad.

"Nyx, anak ba't ka nandito? Saan ka pupunta?" Tanong ng ina ni Nyx.

"Nay, uuwi na po ako." Napayuko si Nyx. Ayaw nyang makita ng mga magulang nya na namumula ang kanyang mga mata.

"Nyx, tumingin ka nga sa amin ng nanay mo." Ang sabi ng kanyang ama.

Inangat ni Nyx ang kanyang mukha.

"Anak bakit ka umiiyak?"

"Nay..kasi po..napahiya ako sa loob ng gym. Bakit kasi si Niro pa ang ginawang maging kapareha ko? Alam naman nilang may problema si Niro eh. Hindi ba nila nakikita kahit anong oras kakahol si Niro..iiling iling..napapangiwi ng mukha?"

"Nyx, unawain mo si Niro. Hindi naman nya kagustohan." Paliwanag ng ama.

"Hindi nga. Pero sana inisip din nila yong nararamdaman ng ibang tao." Sagot ni Nyx.

"Bakit ba? Anong nangyari?" Muling tanong ng ina.

Sinalaysay ni Nyx ang nangyari sa loob ng gym.

"Sinampal mo si Niro? Bakit mo naman ginawa yon? Dapat pinigilan mo ang yong sarili." Pinagsabihan pa si Nyx ng ama.

"Nyx, ang babaw ng dahilan para saktan mo sya ng ganyan. Ikaw ang kahiya hiya sa nangyari. Iba ang implikasyon sa mata ng mga tao ang ginawa mo." Sabi pa ng ina ni Nyx.

"Nay..Tay..kung sa inyo okay lang. Sa akin HINDI PO." Diinang sinabi pa ni Nyx.

PAK

Mahinang sampal din ang tinanggap ni Nyx mula sa ama nito.

Nagkataong may mga taong paparating at nakita ang lahat. Mabuti nalang at mga kaibigan lamang ni Nyx. Kasama si Niro.

Hinila si Nyx ng kanyang ama.

"Sumusobra kana Nyx. Umuwi na tayo." Galit na ang boses ng ama ng dalagita.

"Nakakahiya ang ginawa mo sa anak ng Simone." Dagdag na sinabi ng ama ni Nyx.

Nakita ni Niro at akma sanang lalapitan ang mag-anak. Pinigilan ni Abebet.

"H'wag Niro. Hayaan mo syang mabigyan ng leksyon." -si Oliver.

----------------------------------

Sa bahay nina Nyx..

"Ano? Sumusobra kana Nyx. Hindi ka namin pinalaking ganyan."tuloy parin ang sermon ng ama.

Hindi magawang sumagot ni Nyx.

"Bakit ba ang sama sama ng pinapakita mo sa anak ng Simone?" Tanong ni Tessa.

Yumuko lamang si Nyx at di sinagot ang tanong ng ina.

"H'wag mo nang ulitin Nyx. Bukas na bukas humingi ka ng despensa kay Niro." Utos ng ama ni Nyx.

Napakuyom ng kamay si Nyx.

Kahit sa oras ng pagtulog ni Nyx tumutulo ang luha nya.

"Huli na talaga 'to. Ayaw ko nang makalapit pa si Niro sa akin. Ayaw ko na."

Ikaw Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon