Chap. 11 BAR

1.3K 71 2
                                    

Assuncion..

"Congrats Niro! Mataas ang nakuha mo sa exam. Kailangan meron tayong celebration."

"Oo nga. Let's celebrate outside. Anyway, it's Friday Night."

Niyaya si Niro ng kanyang mga kaibigan. Magmula na pumasok sa koliheyo si Niro ay naging abala sa pag-aaral at kinalimutan nya ang mga kaibigan sa Brgy. Bakal.
Para kay Niro, kailangan nyang ituon ang sarili sa kanyang edukasyon.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Niro sa kaibigan nyang si Marvin.

"Sa bar."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Niro.

"Ha? Anong meron doon?"

"Niro, ano ka ba naman. Napaka inosente mo pa. Syempre mga bebot ang hahanapin natin doon." Sagot ng isa pang kaibigan ni Niro na si Jake.

"Pwede sa iba nalang tayo pumunta?" Nag-aalangang sinabi ni Niro.

"Wow, Niro parang hindi kana man lalaki at aatras ka na pumunta sa lugar na 'yon." Ani ni Marvin

"Okay lang sa inyo dahil sanay na kayo ." Sagot ni Niro at halatang nagdadalawang isip.

"Hey, ayaw mo ba ng bagong experience. Ayaw mo bang may makilalang mga bebot. Teka, magkaaminan nga tayo dito..IKAW BA VIRGIN PA?" Tanong ni Marvin.

Hindi agad sumagot si Niro.

"Pare, sa Bar na pupuntahan natin; naglilipana ang mga bebot..eh kahit nga 'yong mga katulad mong kalagayan nakiki-enjoy. Tsaka hindi kana man nakasaklay o nakawheel chair. You can enjoy everything." Dagdag ni Marvin.

"Hindi maiwasang makipag-usap sa mga girls. Eh di kung ayaw nila sa 'yo iwan mo. Just make fun and celebrate with us." Pag-uudyok ni Jake.

"Niro, gusto mo hanapan ka pa namin ng partner? Niro, wala namang mawawala sa 'yo if you sleep with girls. Kailangan mo lang madama na buo na ang pagkalalaki mo. At pwede mong gawin ang mga ginagawa ng mga normal na lalaki. Wala kang PAGKAKAIBA." -si Jake.

"Tsaka kung ayaw mo, marami pang pagkakataon. Ang importante meron kanang idea kung saan ka makakapaghanap ng magugustohan mong babae." Sabi ni Marvin.

Nag-aalangan man si Niro pero napilitan naring sumama. Tumawag pa sila ng iba pang kaibigan.
---------------------------

GLAMOUR UNDERGROUND BAR

Binasa ni Niro ang karatola ng bar na papasukan nila.

"Okay ngayong gabi. Madaming bebot ang maglilipana. Yong iba naghahanap ng sugar Daddy..he he he akala mo mga hindi nakakabasag ng pinggan yong ibang bebot na nakikita natin sa skul. Sa gabi pala may milagrong ginagawa." Salaysay ni Jake.

"Ang dami n'yong alam. Marami na yata kayong nadali." Sabi ni Niro.

"Pare, I lost my virginity when I was 15. Tinuruan pa ako ng mismong Maid namin. Damn! That was a good experience for me." Tawa pa ng tawa si Jake.

"I lost my virginity with my childhood friend. We're both 14 then. We watched a pornographic video." Pag-aamin ni Marvin.

"Hindi ba kayo natakot na baka..?" Tanong ni Niro.

"No." Sabay sagot ng dalawa.

Sabay nagtawanan silang tatlo.

Pagkapasok palang nina Niro sa loob ng bar, naiinganyo na s'yang makipaghalubilo. Kahit nag-aalala syang baka biglang magugulat ang ibang taong makasalamuha nya.

"Pare, h'wag kang mag-alala sanay na kami sa mga biglaang kilos mo." Paalala ni Jake.

"At kahit kumahol ka hindi ka mapapansin. Sa ingay ng music walang makakarinig sa 'yo." Sabi din ni Marvin.

Ikaw Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon