Chap. 8

1.2K 78 7
                                    

NYX'S POV

Bakit ba tuwing may magagandang pangyayari sa buhay ko; umeksena talaga ang mokong na 'to?
Hindi kaya naiplano na nina Abebet at Red na dalhin dito si Niro?
Talagang pinagloloko nila ako. Pinagkakaisahan.
Balak ko pa naman sanang tumagal dito sa prom; eh kung ieksena naman 'tong mokong na 'to uuwi nalang ako.
Ayaw kong kakahol kahol sya at ngingiwi ng mukha habang nasa tabi ko.

NIRO'S POV

Hindi na naman maipinta ang mukha ni Nyx. Sa akin lang yata sya galit. Bakit kasi naisipan din nina Abebet at Red ang ganitong set-up? Lalo akong napapasama kay Nyx.
Pero nakakagulat lang, tuwing nakafocus ang atensyon ko sa kanya wala akong nararamdaman na sensasyon sa sarili upang kumilos ng biglaan. Maliban nalang kung ililipat ko ang atensyon sa ibang bagay.
Ano ba talagang nangyayari sa akin?"

-----------------------------------

Kapwa nagkatitigan ang dalawa habang sumasayaw. Inaabangan ni Nyx kung sakaling kakahol si Niro.
Habang si Niro naman ay nakatuon ang mga mata kay Nyx.

"I need to focus myself. Hindi dapat ako kakahol. Though it's hard for me to suppress my tics. But I have to try. Ayaw kong mapahiya si Nyx. Alam kong mabait s'ya, kulang lang sya ng pag-uunawa sa katulad ko. Pero sigurado ako kung maging magkalapit kami maaayos din ang lahat."

"Niro, h'wag mo nga akong titigan ng ganyan." Utos ni Nyx.

"Bakit naman?"

"Basta ayaw ko." Pabagsak pang tono na sinabi ni Nyx.

"Pag hindi kita tititigan baka kakahol ako. I'm trying to focus my mind to you."

"Hoy, anong koneksyon ko sa utak mo? Wala. Pwede ba, bumalik kana kay Red. Doon sa harapan ka nya kumahol at kahit umalulong ka pa. Baliin mo pa ang leeg mo sa kakailing o kaya humuni ka pa na parang uwak..basta h'wag mong gawin sa harapan ko."

Sa sinabi ni Nyx bumitaw si Niro sa paghawak sa kanya. Pakiramdam ni Niro tumagos ang mga salita ni Nyx sa buong pagkatao nya.

Naitulak nya ng bahagya si Nyx.

"Eng! Anong nangyari?" Nakita ni Red ang pagtulak ng bahagya ni Niro kay Nyx. Dahilan napatingin ang ibang estudyante.

Umalis ng biglaan si Niro. Hinabol naman ni Abebet. Iniwan ni Red ang kasayaw at sinundan ang dalawa.

"Ginoo ko niandar na sad ang pagkamaldita ni Nyx. Unsa na sad kaha ang gipangsulti ka Niro kay nag-walk out na gyud intawon."
( Dios ko, umandar na naman ang pagkamaldita ni Nyx. Ano naman kaya ang pinagsasabi kay Niro; at talagang nag-walk out na. )

Habol ng habol si Abebet. Inabutan nya si Niro sa hallway.

"Niro, anong nangyari?"

Hindi sumagot si Niro tuloy parin ang paglakad.

"Niro.."

Tamang tama at na pahinto si Niro sa isang standee; biglang sinuntok ni Niro. Lumusot ang kamao ni Niro sa standee.

KRAAKK

"Ekkk!" Nagulat si Abebet. Agad nyang pinigilan ang kaibigan. Hinila nya sa tabi. Mabuti at dumating si Red.

"Hoy! Anong nangyayari?" Pati si Red ay biglang kinabahan.

"Niro, huminahon ka. Sabihin mo sa amin kung bakit ka nagagalit? Anong sinabi ni Nyx sa 'yo?" Sunod sunod na tanong ni Abebet.

"She's so mean." Diretsang sinabi ni Niro.

Nagkatinginan ang dalawa. Yumuko si Niro.

"Walang ibang tao ang nakapagsalita sa akin ng ganun. Oo, pinagtatawanan ako..iniiwasan..dahil sa kalagayan ko. Pero kayo, inunawa nyo ako. Akala ko lahat ng tao masama na..walang makikipagkaibigan sa akin. Mabuti nalang nakilala ko kayo at nabago ang pananaw ko."

Ikaw Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon