Chap. 20

1.3K 72 4
                                    

AN : Ito ang FLASHBACK ng makahulugang ngiti ni Niro kay Magda.

--------------------------

FLASHBACK

Nang marinig ni Niro na kinausap ni Nyx si Alex at humihingi ang dalaga ng tulong kung paano makalaya kay Niro..agad umalis ang binata.

Alam nyang may binabalak sina Nyx at Alex. Kailangan maunahan nya si Alex kay Nyx bago mahuli ang lahat.
Susubukan nya na mapigil ang ano mang plano ng dalawa.

Ayaw nyang patalo sa kahit sino na gustong agawin si Nyx sa kanya..HINDI NGAYON..

Tinungo ni Niro ang bar na dating pinagtatrabahuan ni Nyx.

"Hi, pwede ba kitang makausap?" Kaharap ni Niro si Magda.

"Ikaw na naman? Wala dito si Nyx. Matagal na syang wala. Matapos kong ibinigay ang komisyon nya hindi na sya bumalik at wala na akong balita." Inunahan agad ni Magda.

"Hindi sya ang gusto kong pag-usapan dito."

"Anong gusto mo?"

"Kailangan ko ang tulong mo."

"Ha ha ha ha..bakit? Ipapahanap mo si Nyx sa akin? Eh hindi ko nga alam kung nasaan ang bruhang 'yon!"

"Nasa bahay ko."

"Ano?!"

"Makinig ka..tulungan mo ako na mapasa akin si Nyx."

"Teka ibig mong sabihin; iniuwi lamang ng lalaking kumuha dito si Nyx para ihatid sa bahay mo?"

Tumango si Niro.

"Walastik kang bata ka!" Sabay tawa ni Magda.

"Tulungan mo akong mapasa akin sya." Inulit ni Niro. Sabay pangingiwi ni Niro at pag-iling ng ulo.

"Anong maititulong ko? Tsaka bakit pa kita tutulungan para sa kanya; eh magkasama na nga kayo?"

"I love her. Gusto ko syang maging akin."

"Dios ko, madaming babae dyan. H'wag mo syang pag-aksayahan."

Umiling si Niro.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Gusto kong matuklasan ng magulang ni Nyx ang pagsasama namin."

"And so?"

"Aangkinin ko sya mamayang gabi. Bukas dalhin mo ang ina nya sa bahay ko. Heto ang 20k, paunang bayad ko sa 'yo."

"Tapos anong mangyayari kung makuha mo na gusto mo?"

"Yayayain ko syang magpakasal. "

"Eh kung ayaw nya?"

"Kakapit si Nyx sa patalim. Kaya kausapin mo rin ang ina ni Nyx. Baka sakaling makatulong sa akin na makunbinsi si Nyx na pakasalan ako."

"Hindi ko masisigurado 'yan. Paano kung magmamatigas si Nyx?"

"Maraming paraan na pwede syang kumapit sa patalim."

"Ohhh, gusto ko 'yan. May Dark side karin pala na tinatawag..kahit na ba may kapansanan ka sa katawan mo."

Uminit ang ulo ni Niro.

Biglang hinawakan ni Niro ang leeg ni Magda.

"Watch your mouth bitch! Kung ayaw mong maputol ang dalawang paa mo..at makakalakad ng matuwid sa gitna ng kalsada..dahil pag ako kinalaban mo..sisiguraduhin kong MAGIGING LUBAK ANG DAAN PARA SA 'YO."

Natakot naman si Magda.

"Obsess kana ba?" Tanong ni Magda matapos binitawan ni Niro leeg nito.

"Naniniguro ako na di masayang ang isang milyon ko. Hindi ako tanga na basta bastang itatapon ang salapi kapalit ng p*k*. Higit sa kama ang gusto kong gawin namin ni Nyx."

Ikaw Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon