Chap. 22 Wife

1.7K 71 13
                                    

AN : RUSH RUSH

Dahil sa malakas na boses ni Abebet at Oliver nagising ang ilan sa mga kamag-anak ni Nyx.

"Hoy lumabas kayo! Distorbo." Saway ng isang matandang natutulog. Kaya lumabas ang apat.

Tumalima sina Abebet. Dali dali silang lumabas ng bahay at doon bigla humalakhak.

"Hala, ayaw ko munang umuwi kailangan ng paliwanag ito." Tawa ng tawa si Abebet.

"Ha ha ha ha..putchax! Nagulat talaga ako ng husto." Tawa ng tawa si Oliver.

"Ayaw kong umuwi hihintayin kong magising yong dalawa." Sabi ni Red habang pinupunasan ang mga mata dahil naluluha sa tawa.

"Kaloka! Mahabang paliwanag ang isasalaysay sa atin ni Nyx. Paano kaya sya nabihag ni Niro?" Tawang muli si Chai.

Natulog ang magkakaibigan sa kabilang silid. Gayun paman ayaw dalawin ng antok ang 4 dahil naalala nila ang nung kabataan nila at ang mga ginawang panlalait ni Nyx kay Niro.

"Hala, biruin nyo 'yon..napangasawa ni Nyx si Niro. Grabeng rebelasyon ito. Pero teka, bakit parang walang alam ang mga kamag-anak ni Nyx?"

"Oo nga ano? Di kaya nilihim lang nila ang lahat?"

"Malalaman natin 'yan bukas."
--------------------------

Masarap parin ang tulog nina Nyx at Niro. Hindi man sila magkayakap na natutulog ngunit magkawak ang kanilang kamay.

"Nyx...Niro..gising na.." Mahinang boses ang narinig ng mag-asawa.

Dahan dahang napadilat ang mga mata ni Nyx. Nakita nyang nakaupo sa isang tabi ang ilang kamag-anak nila. Babangon sana si Nyx nang biglang napansin nyang may kahawak ang kanyang kanang kamay..napalingon syang bigla..

"Niro!"

"Mmmm.." napadilat naman si Niro at nakita agad sina Abebet na nakatingin sa kanila. Biglang napabangon si Niro.

"Good Morning Lovers!!" Sabay bati nina Oliver.

"Hoy, we need your explanation. H'wag mag-deny. AMININ."

"Tama." Sagot din ng mga kamag-anak ni Nyx.

"Dios ko, ang aga aga sumakit ang ulo ko." Nasabi ni Nyx.

Napabuntong hininga si Niro sabay ng lihim na ngiti.

"Ehem, sadyang marami tayo dito. Siguro po maganda kung si Aling Tessa ang magpapaliwanag sa inyo. At kami sina Nyx at Niro nalang po." Pakiusap ni Abebet sa lahat ng kamag-anak ni Nyx.

Nagkatinginan ang mga kamag-anak ni Nyx. Parang matutunaw si Nyx sa sobrang hiya. Sigurado syang isasalaysay ng kanyang ina sa kanyang mga kamag-anak ang buong detalye sa nangyaring pag-aasawa nya.

"Naman..." Napapasimangot ang mukha ni Nyx.

Nang lumabas ang mga kamag-anak, agad siniraduhan ni oliver ang pinto.

"Ngayon magsimula kayong magpaliwanag. Hindi kami galit dahil sa pagsisinungaling ninyo at pagkukunwari sa amin..Gusto naming malaman ang totoo..Dahil mamatay na kami sa excitement..wala na nga kaming tulog..kaya pwede ba, ikwento nyo na. Bilis!!"Utos ni Abebet.

Nagkatinginan sina Niro at Nyx. Pareho silang hindi alam saan magsisimula.

" Nagkita kami sa Bar ni Nyx. Kailangan nya ng trabaho. Kaya inalok ko syang maging kasama ko sa bahay, dahil abala ako sa eskwelahan. Ganun ang nangyari."
Kwento ni Niro.

Nagkatinginan ang 4. Mukhang hindi makapaniwalang ganun lang ang totoong nangyari. Batid naman nilang ayaw ni Nyx sa binata.

"Alam naman ninyong matagal ko nang gusto si Nyx. Kaya hindi ko na sya pinakawalan. Inalok ko sya ng kasal." Dugtong ni Niro.

Ikaw Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon