Chap. 28 RISK

1.4K 71 10
                                    

AN ; RUSHHH...

Nang dumating sina Niro sa Amerika; agad silang silubong ni Hyron. Gulat si Hyron at halos di makapaniwala nang makita ang pagbabago ng kapatid. Maging sya ay na habag sa ayos ni Niro.

"Kuya.." Garalgal na boses ni Niro.

Napahugot ng malalim na paghinga si Hyron at napayakap.

"Don't worry. The doctor will help you. It'll be okay."

Pinapalakas ni Hyron ang kapatid.

Nang gabing 'yon dinalaw sa pamamahay ni Hyron si Niro ng kaibigang doktor..si Dr. Jaime Johson.

"Tito, Tita..The condition of Niro is not severe unlike my other patients. Hindi agad ako nagrerekomenda ng operasyon kung hindi naman masyadong malala. Pwede namang nadadaan sa Theraphy at medications."

Sabi ng doktor.

"I insist. I'm tired with my condition. And I'm willing to try that treatment. Please, help me." Garalgal na boses ni Niro.

"Niro, kailangan ko pang ipaalam ito sa Head Doctor ng hospital. Magkakaroon pa ng mga pagsusuri sa 'yo."

"Kuya Jaime, iniwan na ako ng asawa ko dahil sa sakit na 'to. Pagod na ako. If this is the only way to change my life then why not?"

"Niro, naiintindihan kita. Depresyon ang kalaban mo. Pero ayaw kong ilagay ang buhay mo sa alanganin."

"Buhay ko ang pinag-uusapan natin dito. Nang dahil sa sakit na 'to nawala ang kalahati ng buhay ko. Ayaw ko na..pagod na pagod na ako." Tumulo ang luha ni Niro. Sinisisi ni Niro ang kalagayan nya dahil iniwan sya ni Nyx..

"Jaime, please give him a chance." Sabi ng ina ni Niro.

Nang biglang..

"Ahhh!ugggghhh..."

Biglang umiling si Niro at napahiga sa lupa. Muling sinaktan ang sarili at pilit agad pinigil ng kanyang ama't kapatid.

Natatamaan ng siko ni Niro si Hyron.

"Fuck! Shit!.."

Lumalabas na rin ang vocal tics nya.

"Arf!Arf!.."

Nangingisay pa si Niro.

Hindi matiis ni Julia ang nangyayari sa anak.

"Jaime, maawa ka sa anak ko. Hindi ko na kaya itong nakikita ko." Hinawakan ni Julia ang bisig ni Jaime. At nagmamakaawa.

"Fine."

Kinabukasan pinaalam ni Jaime ang tungkol sa kondisyon ni Niro sa hospital. Agad nagkaroon ng pag-uusap sina Jaime at ng mga magulang ni Niro. Muling sinuri si Niro.

"Next week, we will conduct the operation." Pinaalam ni Jaime kay Niro.

Nakadama si Niro ng pag-asa. Dinalaw si Niro ni Zeny.

"Niro, natatakot ako sa operasyon mo. Pero pinagdadasal ko na sana maayos ang lahat." Sabi ni Zeny habang hawak ang kamay ni Niro.

"I'll be fine." Pilit na ngiti ni Niro.

Hanggang sa dumating ang araw ng operasyon ni Niro. Inalis na ang buhok ni Niro. Bago pa man ipinasok sa loob ng Operating room..

"Be brave son. We'll wait for you." Sabi ng kanyang ama.

"Anak, mababago na ang lahat sa 'yo. Tutulungan ka ng Dios." Sabi ni Julia at hinagkan ang anak sa noo.

Pinanatag ni Niro ang sarili. Nakikita nya na ang mga nurse na hinahanda ang mga apparatus. Nakita nyang pumasok si Jaime at 2 doktor na Amerikano.

Ikaw Ang Lahat Sa AkinWhere stories live. Discover now