Chap. 36 HER HEART

1.7K 85 6
                                    

AN : RUSHHHHHHH...

-----------------------------------

Tumakbo si Jake at kinalong si Nyx.

"Nyx! Gising!!"

May tumakbo at lumapit kay Jake.

"Sir, ano po problema?"

Tanong ng guard.

"Ambulansya! Tumawag kayo ng ambulansya!" Lakas ng sigaw ni Jake.

Sa loob ng Party naghihiyawan ang mga bisita nina Niro at Zeny lalo na nang lumabas si Niro at maghihintay sa stage.

Habang si Marvin ay panay hanap sa kaibigan.

"Anak ng tokwa! Saan kaya pumunta si Jake? Kanina pa ako linga ng linga dito sumasakit na ang leeg ko." Napapareklamo na si Marvin. Nang may pumasok na guard at bumulong kay Marvin.

"Sir..wala po si Sir Jake sumakay po sa ambulansya. Dinala po sa hospital yong babae kanina na umiiyak sa labas."

Nabigla si Marvin sa sumbong ng guard. Agad syang napatayo. Hindi nya malaman kung dapat nyang ipaalam kay Niro. Mabuti nalang at nakita nya si Hyron ang nakakatandang kapatid ni Niro.

"Kuya, si Nyx po dinala sa hospital ni Jake."

"Si Nyx nandito?" Napatanong si Hyron.

"Oo Kuya. Hindi paman nagsimula ang party nasa labas sya kanina. Kinausap nga po sya ni Niro. Gusto nya po sana yatang pigilan si Niro sa engagement."

Kinabahan si Hyron.

"Sige halika kana.." Biglang napatayo si Hyron sa kinauupuan. Nagtataka naman sina Alea at Athena na tila pabigla biglang tayo ni Hyron at aalis.

"Kuya..saan ka pupunta?" Tanong ni Alea.

"Just stay here. Aalis ako."

"Bakit?" Habol na tanong ni Athena.

"Si Nyx, dinala sa hospital. Kinuha ng ambulansya kanina dito. Dito na lang kayo..h'wag muna ninyong ipaalam kay Niro."

Tamang tama at narinig ni Aling Diday ang sinabi ni Hyron.

"Hyron..anong nangyari ka Nyx?"

Humarap si Hyron.

"Di ko po alam dinala raw sya sa hospital."

Ang mga pag-uusap ng 4 ay agaw pansin kay Niro. Nakita nyang paalis si Hyron at tila nagmamadali habang nakabuntot si Aling Diday.

"Umalis sina Kuya at Yaya Diday."
Nakita naman ni Niro na bumalik sa kinauupuan ang dalawang kapatid na babae.
Hindi pinansin ni Niro ang kanyang nakita.
----------------------------------

Nagmadaling sinugod sa Emergency room si Nyx. Hindi malaman ni Jake kung anong nangyayari sa asawa ni Niro.

"Sir dito muna kayo. Bawal po ang pumasok sa loob." Sabi ng nurse.

Nang may lumabas na isang Nurse.

"Nagka- heart failure ang babae. Tatawagin ko si Dr. Saavedra."

Nabigla si Jake sa kanyang narinig.

"Oh Lord.." nasambit ni Jake.

Kasunod na noon ang pagdating ng ibang nurse at ng doktor. Lalong kinabahan si Jake.

"Dios ko, ano bang nangyayari?" Hindi mapakali si Jake.

Dumating sina Hyron, Marvin at Aling Diday.

"Jake, anong nangyayari kay Nyx?" Agad na tanong ni Hyron.

"Kuya, nagkaroon daw ng problema ang puso ni Nyx. Kanina kasi sa loob ng ambulansya napakahina ng kanyang heartbeat."

Ikaw Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon