Marrying My Ex [MinSul]

By darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 31

6.1K 133 12
By darkkkAJ

Mabilis ang pangyayari dito. Para bang fast forward.

-----

CHAPTER 31 - Headlines

“AAAAAAAH! Bullshit!” sigaw ko sabay hampas sa foam na binagsakan ng likod ko kanina dahil sa pagtalon ko. Ilang araw ko ring ikinundisyon ang sarili ko bago ulit subukan talunin yung 2M and 30CM na latest record ko pero wala pa rin.

Hindi ko pa rin nagawa. Kinuyom ko ang palad ko at pinagsusuntok ang foam. Pawis na pawis na ako at nag-iinit na ang dugo ko. Naiinis ako sa sarili ko. Pesteng Yips Syndrome!

Tumigil ka Taejoon, wala kang mapapala sa ginagawa mong yan. Kumalma ako at marahang bumaba ng landing foam. Susubukam ko ulit. Kung hindi ko pa rin magagawa, edi sisimulan ko ulit sa pinaka-umpisa. Hardwork... Hardwork lang, Taejoon.

Dalawang buwan na din ang lumipas simula nang umalis si Jaehee. Sa dalawang buwan na yun, wala akong ibang pinagtuunan ng pansin kundi itong high jump. Bwisit nga kasi tinanggal talaga ako ni Coach sa list ng high jumpers sa school. Wala na akong sports kaya wala na akong ginagawa tuwing Wednesdays at Fridays na training days dapat sa school. Kumalat na nga din ang tungkol sa Yips Syndrome ko.

Instant HEADLINES agad ako sa lahat ng dyaryo nung kumalat ang tungkol sa kondisyon ko.

Nasa school ako noong araw na yun at halos ayaw pang ipakita nila Taemin sa akin yung laman ng dyaryo. Lahat kasi ng mga estudyante, may hawak na dyaryo noong araw na yun at malalagkit ang tingin na sa akin. May mga bulungan pang rinig na rinig ko naman.

“Ano bang nakalagay diyan? Tungkol ba sa akin?!” hindi ko na napigilang sumigaw. Nanginginig naman na iniabot ni Taemin sa akin ang dyaryo.

 

“High Jumper, Kang Taejoon, revealed to be suffering under Yips Syndrome...”

Unang basa ko palang, agad kong kinusot ang dyaryo. Tumakbo ako at umakyat sa roof top. Gusto kong mapag-isa. Alam ko naman na malalaman ng publiko ang tungkol sa sakit kong ito, pero hindi ko pa rin mapigilan ang masaktan ang ego ko. Hindi ko alam bakit sa dinami-dami ng athlete sa buong mundo, ako pa ang dinapuan ng hindi maipaliwanag na sakit na to.

Kakarating ko palang sa tuktok ng career ko, pero bigla nalang naputol ang mga pakpak ko at agad akong bumalik sa pinaka-mababa. Baka naman, karma yan, Taejoon? Karma? Karma saan? Dahil sa kagaguhan ko kay Jaehee noon? Iniwan ko siya dahil sa high jump, dahil sa pangarap ko, tapos ngayon wala rin pala akong mapapala sa high jump dahil sa sakit kong ito. Paano kaya kung hindi ko siya iniwan noon? May difference kaya?

“Wag mo ngang sisihin ang sarili mo. Hindi karma yan. Kung karma yan, sana pati ako wala na din sayo ngayon. Dapat, wala na lahat sa iyo ngayon. Pero hindi naman diba?” kausap ko si Jaehee ngayon sa Skype pagkatapos kong magpahinga after kong magtraining at wala ring napala sa gym namin. Sinabi ko sa kanya, na baka nakakarma ako dahil iniwan ko siya noon.

“Pero kahit na... Sana hindi kita iniwan noon. Sana... Ugh!”

“Ssssh... Stop acting like a kid, Taejoon. Walang may kasalanan kung bakit ganyan ka ngayon. I know, challenge lang yan sa iyo. Malalampasan mo yan!”

“Nakakabwisit pa itong mga tao dito. Noon, kung makapuri sila sa akin, wagas, kasi ang galing-galing ko daw. Tapos ngayon, wala na silang lahat. Laos na nga talaga ako. Pati mga fansites ko isa-isa nang nagsara. Naging inactive lang ako sa high jump, iniwan na nila ako.”

“Ano ka ba! Nandiyan pa sina Taemin, Kibum, Jonghyun, Jinki, Amber, Luna, Victoria, Hanna, Eungyeol at si K-Krystal... TAPOS AKO! Kung wala na lahat ng batalyon mong fans noon, nandito pa rin ako. Ako ang number one fan mo noh!”

“HAHAHA. Ano ba yang mukha mo kapag binabanggit mo si Krystal, nangingiwi na ewan.”

“Eh kasi naman...” tapos nag-pout siya. Ang cuuuute.

“Sige na, pumasok ka na sa school. May exam ka ngayon diba? Galingan mo ah. Perfect dapat!”

“Oo naman! Sige na, bye. Matulog ka na din. Goodnight.” Tapos nag-flying kiss ako sa camera, ganun din siya.

Ang hirap talaga ng sitwasyon namin ngayon, gusto ko siyang lagi kasama. Siya nalang kasi nagpapalakas ng loob ko ngayon. Grabe na rin kasi ang criticism ng mga tao sa akin. Simula nung nalaman ng buong bansa at buong mundo ang tungkol sa pansamantalang pagtigil ko sa competitions (pero hindi nila alam na nagttraining pa rin ako all by myself sa gym namin sa bahay), parang pinandidirian na ako ng lahat.

Halos i-kick out na nga ako sa Genie High School. Mga walang utang na loob! Nakalimutan na ba nila na ako ang unang nagdala ng pangalang Genie High School sa international scene? Ako ang unang nanalo sa World Junior Championship na galing sa Genie High, at Korea. Ako rin ang laging gold medalist sa Olympics. Psh. Pero kahit na ganun ang trato ng lahat sa akin, isang wala nang kwentang laos na athlete, hindi pa rin ako umalis sa school. Nandoon pa rin naman ang mga kaibigan ko na nagpapalakas din naman ng loob ko.

Anim na buwan. Pang-anim na buwan na ngayon na wala si Jaehee sa tabi ko. Medyo nag-iimprove na ulit ako sa high jump. Ang last record ko at 2M and 21 CM. Medyo malayo pa sa totoong record kong 2M and 30 CM. Dahil Friday naman ngayon, pumunta ako sa gym dito sa school. Wala naman sigurong masama kung panoorin ko sila sa pagttraining diba? Lalo na may competition si Min Hyeonjae next week. Siya na kasi ang bagong star high jumper ng Genie High.

2M and 29 CM ang latest record niya. Isang centimeter nalang at mapapantayan na niya yung 2M and 30CM ko. Siya nga din daw ang ilalaban sa World Junior Championship, next year. Ako dapat yun! Pero syempre, wala naman akong magagawa. Tinalikuran na ako ng Coach ko, ng sports agency ko, ng manager ko. Tinalikuran na ako ng lahat!

“Ayoko na. Itigil ko nalang ata ito.” Kausap ko na naman si Jaehee ngayon sa Skype. Medyo humahaba na ang buhok niya. Anim na buwan ba naman? Pero naka-cap at boyish pa rin. Maging babae ka na nga ulit!

Lumungkot ang mukha niya. “Bakit?”

“Nahihirapan na ako eh. Hindi ko na ata kaya.”

Napapikit siya at huminga ng malalim. "Pero Taejoon..." Napatakip naman siya ng mukha. "Kaya mo yan. Naniniwala akong kaya mo yan."

"Hindi. Kumbaga sa cancer kasi, terminal case na ang Yips Syndrome. Hihintayin mo nalang mamatay ka sa cancer... Parang ganun."

"Hihintayin mo nalang mamatay ang mga pangarap mo? Hindi. Naniniwala ako na kaya mo pa rin yan. Konting tiis pa. Please?"

Syempre, dahil sinabi ni Jaehee, sinunod ko. Ayaw ko kasing malungkot siya. At syempre, kapag itinigil ko yung personal training ko sa high jump, siguradong malulungkot yun, kahit na bitter siya sa high jump noon.

"Sige na nga..." sabi ko.

"May surprise pa naman ako sa iyo. Malapit na birthday mo, diba?"

"September palang ngayon. December pa birthday ko!" tapos napakamot naman ako sa ulo ko. Nakalimutan na ba nito birthday ko?

"Alam ko! Ber na kaya! Edi malapit na rin." Tapos ngumisi siya sabay taas-baba ng kilay.

"Hulaan ko! Uuwi ka dito sa birthday ko?!" masayang sabi ko.

Umiling siya pero nakangiti. "Ano ka ba! 2 years nga diba? Hindi ako pwedeng umuwi diyan."

"Ha? Eh yun lang naiisip kong regalo mo sa akin eh."

"Bastaaaaaaaaa."

Another 3 months passed. Sa three months na iyon, wala pa rin akong ginawa kundi ang sariling training ko ng high jump. Tumaas naman na sa 2M 26CM ang record ko! Sobrang saya ko nga noong ibinalita ko kay Jaehee yun, pati sa mga kaibigan namin at kina Mommy at Daddy. Nagpaparty pa nga sila Mommy noon eh. Pero syempre, kami-kami lang. Kami-kami naman ang may alam na nagttraining pa rin ako. Ang alam kasi ng mundo, nag-retire na ako kahit wala naman akong sinasabi. Nag-jump into conclusions agad sila.

First time ko ngang nakitang proud si Daddy sa high jump ko. Wala kasi siyang pakealam sa sports ko noon. Business-minded kasi siya eh. Wala siyang ibang pinangarap para sa akin kundi maging magaling na CEO ng Kang Empire. Pero ngayon, mukhang naaappreciate na ni Dad ang high jump.

Kung kelan naman ako nalaos sa high jump, saka siya susuporta. Dad talaga! Kinausap niya ang Director ng school namin na ibalik ako sa High Jump Club. Agad naman itong ginawa ng Director. Ang bwisit na coach pero, ayaw pa rin sa akin. Hindi ko ma-gets kung anong problema niya sa akin.

Nandito ako ngayon sa gym. Nagttraining si Hyeonjae. Ako ang taga-balik ng bar. Ako ang taga-ayos ng mga gamit. Yung totoo? Member ba ako ulit ng High Jump Club o alalay lang ako dito? Patuloy lang ako sa ginagawa ko. Nahihiya na nga ako eh. Ako yung star high jumper pero ngayon, nabaliktad ang mundo. Pero wala akong magagawa. Ganyan talaga ang buhay, minsan nasa ibabaw ka, minsan nasa ilalim. Sa ngayon, nasa ilalim ako.

"Osige, okay ka na, Hyeonjae. Ipagpatuloy mo lang yan, siguradong mananalo ka sa World Junior Competition." sabi ni Coach. 2M 29CM pa rin ang record ni Hyeonjae. Wala pa rin talagang tatalo sa record kong 2M and 30CM KUNDI AKO RIN LANG!

Akmang aalis na si Coach nang pigilan ko siya. "Teka Coach, aalis ka na? Paano na ako?"

"Bakit, kasama ka ba sa competition? Hindi diba? Mag-training ka mag-isa mo."

Tuluyang umalis si Coach. Naka-smirk naman na tumingin sa akin si Hyeonjae saka pumasok sa shower room. Lumabas na siya at lahat-lahat pero nandito pa rin ako sa kinatatayuan ko. Dahil bwisit na bwisit ako sa tanginang Coach na yan at kay Hyeonjae na mukhang yumayabang na... Inilagay ko ang bar sa 2M and 30CM.

Pumwesto ako. Saka ako tumakbo sa pathway at tumalon patalikod. Punong-puno na ng inis at galit ang puso ko ngayon dahil sa nangyayari. Minamaliit na ako ng buong mundo. Laos na kasi ako. Wala na akong kwenta. Dapat mag-retire na ako. May Yips Syndrome ako eh! Wala nang pag-asa ito. Pinapaasa ko nalang ang sarili ko at si Jaehee. Siguro, dapat ngang itigil ko na ito.

Tumalon ako patalikod at dumapo ulit ako sa landing foam. Ipinikit ko ang mga mata ko. Naalala ko yung huling competition ko sa America. Ganun din to. Nakapikit ako pag-landing ko sa foam. Tanging sigawan lang ng mga tao ang narinig ko dahil nagawa kong talunin ang 2M and 30CM na bar. Gold Medal ang inuwi ko noon.

Kaso ngayon, hindi eh, Hindi ko man tignan, alam ko namang hindi ko na naman natalon ang bar na yun. Asa lang ako. Psh.

"Kaya mo naman pala eh..." Automatic na bumukas ang mga mata ko nang may nagsalita. Agad kong tiningnan ang bar. Nanlaki ang mga mata ko.

NANDOON PA RIN ANG BAR. 2 METERS AND 30 CENTIMETERS ANG TAAS. HINDI SIYA NAGALAW. IBIG SABIHIN, NATALON KO YUN? NAGAWA KO?!!!! NAGAWA KO!!!!!


Tumayo ako at agad na lumapit sa bar. Hinawakan ko ito. Hindi ako nag-iimagine lang! Totoo nga! Nagawa ko! NATALON KO ULIT ANG 2 METER AND 30 CENTIMETERS NA ORIGINAL RECORD KO.


"Sabi ni Goo Jaehee, may Yips Syndrome ka raw at kailangan mo ng tulong ko..." Napatingin na naman ako sa nagsalita. May tao nga palang dumating. Sino naman kaya ito?

"...Pero mukhang hindi naman ah. Natalon mo nga yung bar oh. 2 meters and 30 centimeters diba?"

Tumango ako. Lumapit naman siya sa akin at naglahad ng kamay.

"Ako nga pala si Coach Johnny Lee. Isa akong High Jump Coach sa World Junior Championship. Narinig ko ang tungkol sa Yips Syndrome mo at honestly, nasayangan ako sa iyo..."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko pa rin tinatanggap ang shake hands na initiate niya. JOHNNY LEE? Familiar.

"...Kinulit din ako ng isang makulit ng babaeng nagngangalang Goo Jaehee who happens to be my cousin. Kailangan mo raw ng tulong ko. Pero sa nakikita ko ngayon, na-overcome mo na ang Yips Syndrome mo, Taejoon."

Nanlaki ang mga mata ko. At dahan-dahang nakipag-shake hands sa kanya. Si Jaehee? Siya ang nagpapunta ng lalaking ito dito, na COACH daw sa World Junior Championship? At na-overcome ko na ang sakit ko? Napatingin ulit ako sa bar. Hindi ako makapaniwala. Natalon ko nga talaga siya!

WAIT. SIYA SI COACH JOHNNY LEE. NGAYON LANG NAPROCESS NG UTAK KO KUNG SINO TALAGA SIYA. SIYA YUN... YUNG ORGANIZER NG WORLD JUNIOR CHAMPIONSHIP. BAKIT HINDI KO AGAD SIYA NAKILALA? MALAMANG AY DAHIL NAKA-HOOD AT CAP SIYA AT NAKA-GLASSES DIN. DISGUISE MALAMANG?

Sikat na sikat na Coach ito! Mabuti nalang walang nakakilala sa kanya, kung hindi sabog na naman sa press at reporters ang Genie High. At teka, paano siya naka-pasok dito?

"Sinamahan ako ng parents ni Goo Jaehee at ng parents mo kaya nakapasok ako dito sa school niyo." mind reader si Coach! Tapos naglakad-lakad siya sa gym. Chinecheck ata ang facilities.

Nalaglag ang panga ko.

"So ano, Kang Taejoon? Handa ka na bang bumalik sa World Junior Championship?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 75.7K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
831K 5.1K 8
R-18 SSPG Half-American Half-Filipino, Nerd, payat, lampa at tahimik lang si Jared Hoffman noong High school palang sila kaya naman hindi ito sinagot...
412K 151 1
"Sa susunod na makipag landian ka kung kane-kaneno diyan siguraduhin mo lang na wala ka sa teritoryo ko at lalong hindi sa harapan ko or else...pareh...
885K 30.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.