Marrying My Ex [MinSul]

By darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 30

6.6K 141 20
By darkkkAJ

CHAPTER 30 - Magkabilang Mundo

Kinabukasan, naghanda na ako sa pagpasok sa school. Sabi nila Mommy, magpahinga pa raw ako kasi hindi pa ako masyadong magaling, pero ayoko naman tumunganga lang dito sa bahay. Mas lalo ko lang namimiss at hinahanap si Jaehee.

 Sa kama niya na nga pala ako natulog at hindi na sa sofa. Naiwan yung amoy niya dito. Nakakabaliw! Miss na miss ko na siya agad. Kapag ako, hindi nakapagpigil, susundan ko yun sa US.

Inayos ko ang necktie ko sa harap ng salamin. Naalala ko na naman noong first day of school, inayos ni Jaehee yung necktie ko. Sana nandito pa rin siya, para siya ulit mag-aayos ng necktie ko. Ilang taon ko nang suot suot ito, hindi ko pa rin maayos ng tama. Kaasar.

Tiningnan ko ang orasan, 7AM na. Siguro naman, pwede nang tawagan si Jaehee diba? Kinuha ko ang phone ko idinial ang number niya.

Isang ring pala, sinagot na niya agad! Siguro kanina pa ito naghihintay ng tawag ko. :”>

“Hi Jaehee!” nakangiti kong bati.

(Hello! Good morning.)

“Hapon na diyan ngayon diba?”

(Oo. 5PM na.)

“Eh... uhm, kamusta ka?” tanong ko. Sabihin mo lang na di ka okay at namimiss mo ako, magbobook na ako ng flight papunta diyan, Jaehee.

(Okay lang naman, nandito ako sa bahay namin. Wala si Kuya Daniel dito, nasa work pa, kaya mag-isa ako.)

“Bakit ka ba bumalik diyan?” malungkot kong tanong.

(Nabasa mo ba yung sulat ko?)

“Oo...” matamlay kong sagot.

(Wag mong sabihing gusto mo pang ulitin ko yung nakalagay doon.)

“Gaano ka ba kasi katagal diyan? Kailan ka babalik?”

(...)

“Huuy.”

(H-hindi ko kasi alam kung babalik pa ako eh.)

HAAAAAAA?! Napatayo ako sa sofa at napahaplos sa batok ko. Magbobook na talaga ako ng flight. As in.

“Well, kung hindi ka babalik, ako ang pupunta diyan. NGAYON MISMO.”

Tapos tumawa siya. Haaay, Jaehee. Napangiti naman ako sa tawa niya. Nakakakilit sa tenga.

(Joke lang yun, Taejoon. HAHAHAHA.)

“Pero, gaano katagal ka nga diyan? Seryoso.”

(Hindi ko alam. 2 years?)

“2 YEARS?! Hindi ka man lang babalik dito sa tagal niyan?”

(Depende sa mood ko.)

“Hindi mo man lang ba ako namimiss?!” Ay potek. Nakakainis! Baka nga hindi niya nga ata ako namimiss. Nakakaasar naman, Jaehee.

(Hindi, hindi kita namimiss. Eh lagi ka namang nasa puso ko eh.)

:”> BOOM! Kinilig ako doon. Ang bading ko naman. Author naman, wag mong lagyan ng :”> pam-babae lang yang malanding smiley na yan!

(Oh, bakit hindi ka na nagsasalita? Kinikilig ka noh? UYYYY HAHAHAHA)

“Lalo tuloy kitang namimiss.” *sigh*

(2 years lang, Taejoon. Basta, atupagin mo yung bilin ko sa iyo. Wag mong hihintuan ang high jump. Di mo mamamalayan, nandiyan na ako bigla. Basta wag kang hahanap ng iba! Baka naman patulan mo na si Krystal niyan! Wag ganun ha!)

“HAHAHA. Yes, ma’am! Wag kang mag-alala. Kung hahanap man ako ng iba, sana noon pa. Pero kita moa namang wala diba? Kahit hinalikan ko man si Krystal, wala rin yun. Ikaw ang wag humanap ng iba diyan!”

(Paano ako hahanap ng iba dito, eh mukha akong lalaki. HAHAHA. Babae ang maiinlove sa akin dito!)

“Wag kang papatol sa babae!”

(Oo naman, duh! Sa bading lang ako pumapatol noh. SAYO. HAHAHA)

“Ah ganun? Halikan kita diyan eh!”

(Sige nga!! Try mo nga!!)

“MMMMMMMMMMMMMMMMWWWWWWWWUUUUUUUUAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!” sabi ko habang nakapikit pa. Kahit hangin lang naman hinalikan ko. “Flying kiss yun! Dadating yun diyan, maya-maya.”

(Nandito na! HAHAHA. Osya, pumasok ka na. Wag mo muna masyadong i-stress sarili mo ha. Di ka pa daw fully recovered eh.)

“Oo. Mag-ingat ka diyan ha.”

(Yes. Ikaw din. Bye.)

“Bye.”

**END OF CALL**

“I love you, Jaehee.” Sabi ko kahit na-end na yung call. Okay lang naman, kahit hindi na sabihin yang three magical words na yan. Ramdam ko naman eh. Feel na feel ko na mahal na mahal naming ang isa’t-isa.

Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa ko at lumabas ng bahay. Syempre, nilock ko yun. Baka manakawan!

Sumakay ako sa bagong kotse ko. Masyadong nawasak yung dati kong kotse eh, walang pag-asang maayos pa. Kaya heto, new car.

Mabagal akong nagdrive papuntang school. Medyo nagka-phobia ako sa pagpapatakbo ng mabilis eh. Pag naaksidente na naman ako ngayon, siguradong patay na ang abot ko.

Safe naman akong nakarating sa school. Pagbaba ko ng kotse at pagpasok ko sa building namin,  sobrang daming bumati, nangamusta at nag-welcome back. At pagdating ko sa classroom namin...

“WELCOME BACK, KANG TAEJOOOOOOOOOOOOOOOOOOOON!” sabay-sabay na sigaw ng mga classmates ko. May party poppers pa at balloons. Mga baliw na kaibigan ko talaga. Napangiti ako pero agad ding nawala kasi narealize kong wala si Jaehee. Pero hindi dapat ako malungkot diba? Ngiti lang. 2 years lang yun. Lang.

“Grabe, salamat. Hindi ko ineexpect na mageeffort kayo ng ganito.” Sabi ko sa kanila.

“Syempre naman. Miss na miss ka na namin, Kang-Kong!” sabi ni Taemin.

“Group hug tayo, Group hug!” sigaw ni Kibum. Lumapit naman ako sa kanila at nag-group hug kaming lahat ng mga classmate ko. Lahat kami. Dumating si Mr. Lee at naki-group hug din. Hindi rin naman pala KJ ang taong ito. Hahaha.

Pero syempre, noong time na namin, nag-proceed na kami sa lessons. Medyo marami rin akong na-miss. Buti nalang binigyan ako ng time ng teachers para makapag-habol. Nagawa ko naman lahat yun in one week. Matalino kaya ako.

Isang lingo na ang lumipas at medyo okay naman na ako. Syempre, namimiss ko pa rin si Jaehee. Pero lagi naman kaming magka-usap sa phone, Yun nga lang, simula noong nag-start na ang klase niya, hindi na masyong matagal yung mga conversations namin. Busy kasi siya. Syempre, yung apat na taong kurso, kukunin niya lang ng dalawang taon. Tapos hindi pa niya tinapos ang high school. Minagic nalang nila. Si Kuya Daniel talaga...

After ng klase, pumunta ako sa opisina ng manager ko. Pumunta rin doon si Coach. Sasabihin kasi naming kay Coach ang tungkol sa Yips Syndrome ko. Sa ngayon, ako, si Jaehee, ang mga magulang namin at ang manager ko lang ang may alam ng tungkol dito. Hindi pa agad ako pinabalik sa training ni Coach, dahil alam niyang may pilay pa ako dahil sa aksidente. Pero ngayon, magaling na ako. Pwede na ulit tumalon.

“Hi Taejoon! Kamusta ka?”

Humalik ako sa pisngi ni Manager at umupo sa sofa.

“Okay naman na po. Magaling na ang pilay ko. Pwede na ulit timalon.” Bigla namang nawala ang ngiti sa mukha ni Manager. Bakit? Ilang sandali lang at dumating na din si Coach.

“Actually, Taejoon, alam na ni Coach ang tungkol sa Yips Syndrome mo.”

“Po?”

“Sinabi ko sa kanya agad noong nalaman ko. Sorry...”

“Uh... okay lang po, malalaman rin naman po nila eh.” Sagot ko.

“Taejoon... We have to tell you something.” Sabi ni Manager. “We believe na dapat ka nang mag-retire.”

Napatayo ako sa kinauupuan ko. “Po? Hindi. Kaya ko po. Magttraining po ulit ako. Kung kailangan kong magsimula ulit sa pinaka-basics ng high jump, gagawin ko po.” Determindo ako. Alam kong kaya ko ito. At naniniwala si Jaehee sa akin. Hindi ko siya pwedeng biguin.

“Alam mo namang parang magic ang Yips Syndrome diba? Bigla-bigla nalang nawawala ang galing mo sa isang sports. Bigla-bigla ka nalang malalaos... Kailangan mo rin ng magic, para bumalik ang galing mo.”

Sumingkit ang mata ko. Minamaliit ba ako ng dalawang ito? Tangina. Hahanap ako ng bagong manager at coach. Bullshit.

“Magic? Magic ba? Nakalimutan mo na ata ang tagline kong Miracle is another name for hardwork, Manager?”

Hindi sila nakaimik. Umalis na agad ako. Badtrip! Pinagreretire nila ako? Kahit na medyo galit ako ngayon, kalmado pa rin akong nag-drive pagbalik sa bahay. Nagrereplay kasi sa utak ko yung aksidente, tignan niyo yung GIF sa gilid ---> Ganyan yun eh.

Pag-uwi ko, agad akong kumain at humiga sa kama. Naiinis talaga ako. Ang sarap sapakin ni Coach at Manager. Pumunta ako sa gym ng bahay naming ni Jaehee. Naalala niyo pa ba? May gym kami? Pwes kong hindi na, at least alam niyo, may gym kami. Hahaha.

May high jump set kami doon. Hindi ko pa nagagamit ito, pero mukhang magagamit ko na ngayon. Mabuti nalang at ibinilhan ako nito nila Mommy. Hindi ko naman kailangan ng Coach at Manager. Basta, magttraining pa rin ako. Siguro, hindi muna ako sasali sa competitions. Basta, sisimulan ko ulit mula sa pinaka-umpisa. Sa Basics ng high jump.

Pero dahil pagabi na, hindi na muna ako magttraining ngayon. Magsisimula ako pag humupa na yung galit ko kay Coach at Manager. Bumalik ako sa kwarto at nagshower at nagpalit ng damit.

7PM na. Ibig sabihin. 5 AM na kina Jaehee... Gising na kaya siya? May pasok yun ngayon eh... Matawagan nga.

*Riiiing Riiiiiing Riiiiiing*

(TAEJOON! Sorry ngayon ko lang nasagot, kumakain ako ng breakfast.)

“Ha? Naku, wrong timing ako, kain ka muna.”

(Okay lang, kaya ko namang kumain nang kausap ka eh.)

“Sige... So, kamusta? Kamusta sa school?”

(Stressful. Ang hirap, pero syempre, kakayanin! Ako pa, wala akong hindi kinakaya.)

“Oo nga. Ikaw pa!” sabi ko.

(Eh ikaw? Kamusta? Nagttraining ka na ba ulit?)

Napalunok ako. Sasabihin ko ba sa kanya ang sinabi nila Manager? *sigh*

(Hey? Okay ka lang?)

“Uhm... Oo. Kasi ano... Nag-usap kami nila Manager kanina.”

“Oh? May competition ka agad?!” excited ang boses niya. Natigil nga yung pag-nguya niya eh. Rinig ko.

“Hindi ganun, Jaehee... Kasi...”

(Ha? Eh ano?)

“Pinag-reretire nila ako. Dahil sa Yips Syndrome ko.”

(...)

“...”

Ilang sandali kaming natahimik.

(Uh... Paano yan, a-anong gagawin mo? P-pwede ka pa naman magtraining nang hindi kasama yung masungit na Coach diba? Tapos ano, ako nalang manager mo! HAHAHAHA.)

Napatawa naman ako. Jaehee, talaga. She never fails to make me smile. “Syempre naman! Magttraining ako mag-isa. Or... hahanap ng ibang Coach.”

(Ako nalang din Coach mo!) HAHAHAHAHA Leche, Jaehee.


“Sige ba, uwi ka dito. Ngayon na. Mismo.”

(HAHAHAHA.)

“Kumain ka na nga. Papakinggan lang kita mag-nguya o huminga.”

(Sige... *nguya* Uhm, Taejoon, kantahan mo ako.)

O___O WHAT?

“Ha?”

(Sige na, kantahan mo ako. Please?)

Ugh. Naiimagine ko yung nagmamakaawang mukha niya. “Sige na nga. Ehem... Ehemm....”

(Play video sa gilid para ma-feel.) “Magkalayong agwat. Gagawin ang lahat. Mapasa'yo lang ang pag-ibig na alay sa'yo...” Nagsimula na akong kumanta. Hehe. Pangit ng boses ko, nakakahiya. Pero dahil request ni Jaehee, sige nalang.


“Ang awit na to ay awit ko sa'yo. Sana ay madama, magkabila man ang ating mundo...”

Shocks. Naiiyak ako. Napapikit ako habang kumakanta. Sakto sa amin yung lyrics eh, magkabilang mundo.


“Kahit nasan ka man, hindi ka papalitan. Nag iisa ka lang kahit na langit ka at lupa ako... Ang bituin ay aking dadamhin. Pag naiisip ka sabay kayong nagniningning...”

Oo. Nag-iisa ka lang, Jaehee. Ikaw lang. Ikaw lang ang babaeng minahal, minamahal at mamahalin ko. Ikaw lang talaga.


“Dito ay umaga at dyan ay gabi. Ang oras natin ay magkasalungat. Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan ngunit kahit na anong mangyari. Balang araw ay makakapiling ka...”



Bigla ko siyang narinig na humikbi kaya huminto ko sa pagkanta..



“U-umiiyak ka ba?”

(H-hindi... Hindi a-ah.) Halata naman sa boses niya eh.

“Wag ka nga umiyak, naiiyak na din tuloy ako.” Sabi ko.

(I miss you, Taejoon. *sob*)

Napapikit ako... Jaehee, wag mo kong iyakan. Baka di ko mapigilan at puntahan ka diyan.

“I miss you more... I miss you soooo much more.”

(Ano ba yan, drama natin. Ano ba yan! HAHAHA.) Ang babaeng ito talaga. Magdradrama tapos biglang tatawa. Lalo tuloy akong naiinlove. Leche.

“Ikaw kasi eh, pinakanta mo ako.”

(Pero ang ganda ng boses mo. Hihi. At bagay na bagay sa atin yung song. Tagos sa buto.)

“Syempre naman. Relate. HAHAHA.”

(Oh, basta ha, wag kang gigive-up sa high jump. Sasapakin kita. Ito ang tandaan mo, hindi ako papayag na basta mo nalang isuko ang high jump. Ipinagpalit mo nga ako diyan noon eh, di pwedeng isuko mo yun, ha?)

SHET. NAKOKONSENSYA NA NAMAN AKO. POTEK. “O-oo. Hindi ako susuko. Hindi tayo susuko. Kahit nasa magkabilang mundo tayo ngayon.”

(Oo. Magkabilang mundo... *sigh* Sige, maliligo na ako. May klase ako ng 7AM eh. Matulog ka na ha.)

“Sige. Mag-ingat ka. At mag-aral ng mabuti.”

(Goodnight, Taejoon.)

Good morning, Jaehee.”

Continue Reading

You'll Also Like

87.9K 2.4K 65
"Arranged Marriage?" Pinagkakasundo ng mga magulang para sa ikakabuti nila. Para nga ba sa ikakabuti nila o para sa negosyo? Ganyan ang nangyari kay...
75.6K 992 17
My roles in life, crying over my ex-boyfriend even though he left me and getting married to someone that I didn't even met before. Of course, people...
62.1K 1.3K 15
Tagalog /light Action /romance /comedy Police woman named tonie has given a mission by her superior to be a bodyguard for the president son. She didn...
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...