[Kabanata 12]
Ang Kaganapan sa Nakaraan
-Someone POV-
Nalalapit na ang anibersaryo ng aming Emperius Vampiruz kung kaya't ang lahat ng mga bampira ay abala sa paggawa ng kani-kanilang gawain na inatas ng mga pinuno.
"Hindi maaaring magkagusto ang prinsipe sa isang mortal!", sigaw yun ni Haring Virloño.Ang tinutukoy niyang prinsipe ay walang iba kundi ang anak niyang si Vin Diesel Eduard.
Marami kaming mga babaeng bampira ang humahanga sa angking kagwapuhan,kakisigan at kabaitan ng mahal na prinsipe pero dahil sa isang babaeng lubos ang pagnanasa sa prinsipe ay nagalit si Vin kung kaya't pumunta siya sa mundo ng mga mortal.
Hindi namin lubos na alam kung bakit hindi nasusunog ang prinsipe sa ilalim ng araw.
Hayaan niyong ikuwento ko sa inyo ang nangyari.
FLASHBACK
Ika-limangdaan at pitumpu't siyam na anibersaryo ng Emperius Vampiruz ang idinaraos sa ngayon.
Maraming mga bampira ang naghihintay sa bulwagan upang salubungin ang pagpapakilala sa bagong prinsipeng magiging susunod na hari ng imperyo.
Unang pumasok ang mahal na haring Virloño gamit ang isang karwaheng hila-hila ng isang kabayong may lahing pagkabampira.Kasama rin ni Haring Virloño ang kaniyang liyag na si Reyna Valeriana.
Sinalubong sila ng mga umuugong na instrumento at mga palakpakan naming mga bampira.
Ilang minuto lamang ay maypumasok na karwaheng mas maganda pa sa karwaheng sinakyan ng hari at reyna.Ang karwaheng ito ay nagluwa ng isang makisig na binatang nababalot ang mukha ng maskara.Mukhang siya na yata ang anak nila Hari at Reyna na sa wakas ay ipinakilala rin nila sa loob ng labing-limang taon.Ganoon talaga ang nakagawian namin dito na sa pagtungtong ng labing-limang taong gulang ng anak ng hari't reyna ay doon pa lamang ipakikilala ang kanilang anak,lalaki man o babae.
Nang tinanggal na ng binata ang maskarang nagtatakip sa kanyang mukha ay halos mapatili ang mga kababaihang bampira sa kagwapuhan nito.Agad namang lumapit ang binata kay Haring Virlono at Reyna Valeriana.
"Nais kong ipakilala ang aming anak na si Vin Diesel Eduard na siyang magiging prinsipe ng Emperius Vampiruz at magiging hari ng imperyo sa hinaharap",pagpapakilala ni Haring Ama sa kanyang anak.Dumagundong naman ang tugtog ng awit na may magandang melodiya at harmonya.Binigyan rin namin siya ng mainit na palakpakan.
Ininom nang prinsipe ang dugong inalay namin sa kanya na tatak ng pagiging bagong prinsipe niya sa kaharian.
Matapos ang ika-579 na anibersaryo ng kaharian ay marami na ang humahangang mga babaeng bampira kay Prinsipe Vin.
Isa na roon si Thea.Si Thea ay isang perzakias.Ang perzakias ay ang itinuturing na pinakamababang pangkat ng mga bampira sa aming imperyo.
Si Vin ay kahit prinsipe ay napakabait,napakamatulungin at napakasipag kung kaya't kahit sino ay nagiging kaibigan niya pero dumating sa puntong umabuso si Thea dahil masyado nitong inaakit ang prinsipe kung kaya't nainis at naalibadbaran si Vin at umalis ito sa mundo namin.
Pinarusahan naman si Thea pero hindi namin alam kung nasaan na siya ngayon.
Nagtungo siya sa mundo ng mga mortal pero hindi ko alam kung saan ang lagusang dinaanan ni Prinsipe papunta sa kabilang mundo.
***
"MAKINIG KAYONG LAHAT!",sigaw ni Haring Virlono na siyang nakaagaw ng pansin naming lahat.
"Lahat ng mga dalagang bampira kahit sino!", sigaw na naman niya kung kaya't ang mga lalaking bampira at matatandang babae ay nagsibalikan sa mga trabaho habang nakatingin kami kay Haring Mahal.Isa kasi akong dalagang bampira.
"Kung sino man sa inyo ang makakuha sa anak kong si Vin sa mundo ng mga tao ay ang kanyang mapapangasawa at magiging prinsesa ng imperyo at reyna sa hinaharap", anunsyo niya na siyang ikinatuwa namin.
"Bago ang ika-583 anibersaryo ay dapat niyo nang makuha ang prinsepe.Sa ngayon ay may natitira pa kayong dalawang linggo.Kinabukasan ay ipapadala na ang mga dalagang bampirang gustong subukin na kuhanin ang anak kong si Vin sa kabilang mundo.Sari-sariling estratehiya kung paano niyo siya makukuha at mas maganda kung mapapaibig niyo pa siya!", paliwanag niya at pumasok na sa kanyang silid.Agad namang nagkaroon ng bulung-bulungan saanman.
"Susubok ka ba?", tanong sa akin ng matalik kong kaibigan.
"Oo naman.Walang masama kung susubukan natin", nakangiting saad ko sakanya.
"Ahhmm.Ako rin", sabi niya at nagtrabaho na rin kami hanggang sa dumating ang kinabukasang aming hinihintay.
Dinala kami ng kawal ni Haring Virlono sa isang mabundok na lugar at nakakita ng isang portal.
"Ahhmm.Paano po kami makakaligtas sa mundo ng mortal tuwing may sikat ng araw", tanong ng isa naming kasamahan.
"Kapag pumasok kayo sa portal ng Zarwana Bampress ay magkakaroon kayo ng proteksyon sa balat tuwing may sikat ng araw", paliwanag kaagad ng alalay ng Hari.
Tumango naman kami at pumasok na kami sa portal na hangang hanga sa aming nakita ng iluwa kami nito.
Narito na ako sa mundo ng mga mortal Prinsipe Vin.Sisimulan ko na ang misyon ko at sisiguraduhin kong mapagtatagumpayan ko iyon.
***