Marrying My Ex [MinSul]

By darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 27

5.8K 138 17
By darkkkAJ

CHAPTER 27 - Di Ka Titigil

Pangatlong araw. Pangatlong araw na ni Taejoon sa ospital. Hindi ko na siya binisita after ng madamdaming sermon ko noong Lunes. Hindi rin naman ako bwinibwisit ng nga kaibigan ko sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa amin ni Taejoon. Nakakapikon kaya. At lalong hindi ako kinakausap ni Krystal.

Kasama ko lagi si Hanna. Kung hindi siya, sina AmVicLu. Pero ngayon, silang apat ang kasama ko. Ewan ko pero parang kanina pa sila may gustong sabihin. Panay ang tinginan nila tapos ang tahimik. Lunch break ngayon at sarap na sarap ako sa pagkain nang magsalita si Victoria. At last!

"Jaehee, hindi mo ba talaga bibisitahin sa ospital si Taejoon?" Natigilan ako sa pagsubo.

Gaya nga ng sabi ko kanina, di ko siya binibisita. Sina Yaya lang ang matiyagang nagpupunta doon para bantayan siya sandali. Pagkatapos ng nangyari, tingin niya pupuntahan ko siya doon? Nek nek niya! Masama na kung masama. Mainis na kayong lahat sa akin pero masakit pa rin talaga sa akin yung nageffort ako umakyat sa rooftop tapos walang napala.

"K-kasi... Jaehee, galing kami sa ospital kahapon." Patuloy lang ako sa pagkain, pero nakatingin kay Victoria at nakikinig rin naman. Di ako bastos. "At... Sobrang naaawa na kami kay Taejoon."

"Bakit naman? Di ba siya inaalagaan nang mabuti ni Krystal?" tanong ko, sabay higop ng sabaw. Sarap!

"Lagi kasing umiiyak. Grabe, ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganun umiyak. Sobrang depressed siya."

"Bakit? Kasi hindi siya makakatalon sa City Fest? Edi magpagaling siya saka siya sumali sa susunod. Marami pa namang events."

Napahilamos naman sa mukha si Victoria. Nagiwas ng tingin si Luna at napayuko si Amber. Si Hanna, nakatanga lang. Seriously, anong problema nitong mga ito?

"Puntahan mo na, Jaehee. Kami ang nagmamakaawa."

Kumunot ang noo ko. Binubwisit ba talaga ako ng mga ito? Tatayo na sana ako nang magsalita si Hanna kaya napaupo ulit ako.

"Hinayaan mo ba siya magexplain noong kinausap mo siya?" Huminga ako ng malalim.

"Ano pa bang dapat niyang iexplain, eh kitang-kita ko na yung buong pangyayari! Kitang-kita ng dalawang singkit kong mata!" sagot ko.

"Jaehee, hindi lahat ng nakikita mo, totoo." sabi ni Amber. I know right. Hindi naman talaga! Tingan ninyo, napaniwala na ako na mahal niya pa rin ako dahil sa pinakita niyang kilos, pero hindi naman pala! Kaya kahit pinapakita niyang nag-aalala siya para sa akin o mahalaga ako sa kanya, di rin naman totoo yun.

"Sana hinayaan mo siyang mag-explain. Sobrang nakakaawa siya. Promise." sabi ni Luna.

"T-teka. So pinapalabas ninyo na ako ang mali dito? Tapos si Taejoon yung nakawawa sa lahat? Ganun ba?" Saka ako tumingin kay Hanna. Hanna, come on! Ikaw ang nakakaalam ng lahat.

"Hindi sa ganun, Jaehee!" sabay silang apat na nagsabi. "Oo, nasaktan ka ng sobra. Syempre, malaking pagtataksil yung ginawa ni Taejoon sa iyo...kung nag-taksil ba siya talaga. On the process pa nga lang siya sa pagbawi sa ginawa niyang pag-iwan sa iyo noon tapos ganun agad? Nahuli mo agad na may kiss sa iba? Kumbaga, hindi pa nakakarating, nag-U turn agad? Pero sana hinayaan mo siya magexplain. Jaehee, baka may dahilan siya." sabi ni Hanna.

Sandali akong hindi nakasagot. Hindi kaya...

"May alam ba kayong hindi ko alam?" tanong ko. Nakakahalata na ako sa mga ito eh.

Hinawakan ni Hanna ang kamay ko. "Puntahan mo siya."

Psh. Meron ngang hindi sinasabi itong mga ito.

***

Sa sumunod na apat na oras, lutang ako sa klase. Pinagdedebatehan ko sa utak ko kung pupuntahan ko ba si Taejoon o hindi. Nakakaintriga rin kasi yung pinagsasabi nung apat kanina. Oh well...

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING* Ayan na naman ang bell.

Agad kong inayos ang gamit ko at naglakad palabas ng school. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung pupuntahan ko ba o hindi. Paano nalang kung nandoon si Krystal pagdating ko edi AWKWARD LEVEL 99 na naman.

"Goo Jaehee!!!" narinig kong may tumawag sa akin. Napalingon ako ang kotse ni Dad sa parking lot. Kotse lang pala ni Dad…

Teka kotse ni Dad?! Ay lintik. Bakit nandito ito? May nang-carnap ba?! Tumakbo ako papalapit nang makita ko ang lalaking naka-sandal sa kotse.

"Dad?!” gulat kong tawag.. “Dad!!!!" Tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya. "Why are you here?" tanong ko.

"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, bakit hindi mo binabantayan si Taejoon sa ospital?"

Oh fvck fvck fvck! They knew about Taejoon? Agad naman akong kumalas sa yakap at…

“Bakit kayo nandito? Kailan pa kayo dumating? Bakit di naman kayo nagpasabi?” tanong ko para maiba ang usapan.

“Kaninang 10AM kami dumating dito. Paanong hindi kami nagpasabi, eh we’re calling you and you’re out of coverage area or something.” Naka-kunot ang noo nitong sabi. Uh-oh…

Saka ko naman naalala ang phone ko na pinatay ko at inilagay sa loob ng drawer pagkatapos ng pangyayari sa ospital dahil tawag ng tawag sina Eungyeol, Hanna, Taemin, Jonghyun, Jinki, Kibum, Amber, Luna at Victoria. One after the other!

“Ahh.. Eh… Kasi Dad, nalowbat pala.”

Hindi na siya sumagot at pinasakay na ako sa kotse. Agad namang nag-drive si Dad palabas ng school.

“Ah… Saan po si Mom?” tanong ko.

“Nasa ospital. Nandoon din ang parents ni Taejoon. Doon agad kami dumeretso pagdating namin. Now, tell me Jaehee, tatlong araw na pala si Taejoon sa ospital, bakit hindi mo man lang kami tinawagan?” seryosong tanong ni Dad na naka-focus sa daan.

“K-kasi po…”  Oo nga! Fudge. Nakalimutan kong silang tawagan! Masyado kasi akong broken noon… medyo hanggang ngayon.

“Kasi?”

“Kasi po… Dad, nag-away po kami ni Taejoon.” Sabi ko sabay iwas ng tingin.

Hindi na ako inusisa ni Daddy hanggang sa makarating kami sa ospital. Kinakabahan ako sa bawat hakbang ko papunta sa kwarto ni Taejoon. Naiinis pa rin kasi ako sa nakita ko sa rooftop. Sa sobrang inis ko, nawalan ng space ang awa at concern kay Taejoon dahil naaksidente siya, at hindi ko rin alam kung bakit naaksidente siya.

“Pero, paano niyo po nalaman na… naaksidente at na-ospital si T-Taejoon?” tanong ko, pagdating namin sa harap ng pinto ng room 506.

“Tinawagan ni Krystal Jung ang Daddy ni Taejoon.” Sagot ni Dad sabay bukas ng pinto.

Hindi pa man din ako nakakapasok ay hinila na agad ako ni Mommy palabas at niyakap. Aww… Mom :”>

“Kamusta ka, princess? Are you okay? Mom missed you so much!” sabi nito.

“Okay lang po ako, Ma. Na-miss ko din kayo.” Na-miss ko ang yakap ni Mommy. Parang bigla akong nakaramdam ng kapanatagan. Lately kasi, wala sila. Wala akong makausap, kahit si Kuya Daniel man lang. Buti naman at nandito na sila.

“Now, tell me. Ano ba talagang nangyari, Jaehee? Paano naaksidente si Taejoon?”

Napayuko ako. “H-honestly, Mom… Kasi, hindi ko po alam kung anong nangyari sa kanya. Kung paano at bakit siya naaksidente.”

“Ha? Pero ikaw ang kasama niya, bakit hindi mo alam?”

“Hindi naman po ako ang kasama niya noong oras na nangyari yung aksidente. Nag… Nag-away po kasi kami, M-ma.” Tumulo na naman ang mga luha ko na agad ko namang pinahid para mawala.

“Kaya hindi mo siya binisita, kasi nag-away kayo? Ano na naman bang pinag-awayan ninyo? Lagi nalang kayong magka-away.” Sabi ni Mom habang pinupunasan ang mga kasunod na luhang tumulo mula sa mga mata ko.

“Iba ngayon, Ma. Sinaktan niya ako…” tapos nag-iwas ako ng tingin.

“Goo Jaehee, marami kang kailangan ikwento sa akin.”

***

“I’m sorry, Mr. and Mrs. Kang, pero hindi makakapag-high jump si Taejoon.”

Pagkabalik na pagkabalik namin ni Mom sa kwarto ay yan ang narinig namin. Nandito ang doktor na mukhang nag-rounds ata. Ano daw? Hindi na makakapag-high jump si Taejoon? Tss. Ang exaggerated naman ng doktor na ito. Akala mo naman kung habambuhay nang di makakatalon si Taejoon. Malamang hindi siya makakapag-high jump, may pilay kaya siya!

“I mean… hindi makakapag-high jump… Hindi na makakapag-high jump si Taejoon. Hindi na.”

Napasinghap ang Daddy ni Taejoon at ang Mommy naman niya ay napayakap kay Taejoon na tulala at namumugto ang mga mata. Ito ba? Ito ba yung di masabi nila Hanna sa akin? Kaya depressed si Taejoon?

High jump na naman, syempre.

“P-pero… Bakit?” tanong ng Mommy ni Taejoon.

“Mild na pilay lang naman ang natamo niya sa aksidente pero, nalaman naming may Yips Syndrome siya…” pagpapaliwanag ng doktor.

Yips? Yips Syndrome?

“…nasabi na rin ni Taejoon sa amin na madalas sumasakit yung paa niya. Tingin ko, epekto na rin yung ng Yips.”

Nakita ko na may lumabas ng luha sa mga mata ni Taejoon. Fvck! He’s crying. I wanna hug him so tight pero duh?! Patuloy sa pagdadaldal ang doktor pero hindi ko na naririnig. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko. Ngayon ko naiintindihan kung gaano ka-wasak si Taejoon ngayon.

Wala na ang pinakamahal niyang high jump tapos ako pa, whether he really still loves me or what, wala ako sa tabi niya. Kaya pala… Kaya pala depressed talaga siya. Ito na nga ang sinasabi nila Hanna. Gosh! Masyado akong nabulag ng galit ko, kaya hindi ko siya binisita dito pero ngayon, para unti-unti na namang namumulat yung mata ko tapos lumambot na naman yung puso ko.

Ano ba talagang nangyari?! I suddenly wanted to hear his explanations.

Napa-upo nalang ako sa sofa, pero lutang pa rin. Naka-alis na pala ang doktor, hindi ko man lang namalayan. Pinatahan ni Tita si Taejoon sa pag-iyak, huminto naman ito, pero kita pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Nakatitig lang siya sa paa niyang naka-cast pa rin.

“Jaehee, ikaw muna ang maiwan dito. Kailangan naming umuwi. Pagod kaming apat at… We think, kailangan niyong mag-usap ni Taejoon. Please Jaehee…” sabi ni Mom sa akin. Tumango naman ako. “Padadalhan ka nalang namin dito ng mga gamit mo.”

Lumapit din ang parents ni Taejoon sa akin at niyakap ako, saka sila nagpaalam at lumabas.

Pagka-alis nila, katahimikan lang ang bumalot sa buong kwarto. Ang lamig ng atmosphere. Sobra. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit kay Taejoon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero ugh!

“Bakit nandito ka pa?”

Natigilan ako sa sinabi ni Taejoon.

“U-uhmm… Walang magbabantay sa iyo.” Sagot ko.

“Tatlong araw na akong walang bantay. Okay lang. Hindi ko kailangan.” Sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.

Hindi ako nakasagot, napako lang ako sa kinatatayuan ko. Ilang hakbang ang layo kay Taejoon.

“Hindi na kita papakasalan, Jaehee.” Bumukas ang bibig ko pero hangin lang ang lumabas. “Hihinto nalang ako sa h-high jump… at haharapin ang k-kumpanya namin. Wala naman na akong ibang magagawa. Hihinto at hihinto ako sa high jump dahil sa pesteng sakit na ito!” sumigaw siya sa dulo.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero naunang pumatak ang luha ko. Heto na naman ang faucet ng mata ko…

“Bakit ka umiiyak? Diba ito naman ang gusto mo? Ayaw mo akong pakasalan diba? Tapos bitter ka pa sa high jump, sabi mo. Ito na yun. Natupad na yung gusto mo. Magpa-party ka na!”

Pero hindi ko naman gustong magkasakit siya. Hindi ko naman gustong mahirapan siya ng ganito. Hindi ito ang ginusto ko!

Ilang sandali kaming natahimik bago ako tuluyang nakapagsalita…

“H-hindi ka na ba talaga pwedeng mag-high jump?”

Kumunot ang noo niya at tumingin siya sa akin. Sa mga mata ko.

“M-malabo na… Milagro na siguro ang kailangan ko.” sabi niya saka siya nag-iwas ng tingin. Tinitigan na naman niya ang paa niya.

“P-pero diba… Diba… lagi mong sinasabi na… ano…”

“Ano?”

Miracle is another name for hardwork...” Saka ako yumuko. Pero nakita ko pa ang paglaglag ng panga niya sa sinabi ko. Bakit ko ba sinasabi ito? Ineencourage ko siyang hindi tumigil sa high jump? Ako ba talaga ito? O___O Basta bigla ko nalang gustong huwag siyang tumigil sa high jump.

Para bang pakiramdam ko, okay lang kahit huwag na niya akong pakasalan basta huwag niyang igive-up ang high jump.

 

 

 

Bumalik na ako sa sofang inupuan ko kanina at umupo ulit. Dumating ang ipinadalang gamit nila Mom, nagpalit ako ng damit at bumalik ulit sa sofa pagkatapos. Hindi na ulit kami nag-usap ni Taejoon. Hindi ko na siya tiningnan. Dumating na rin ang dinner ni Taejoon.

Syempre, hindi niya kayang kumain mag-isa. Kaya sinubuan ko siya. Napapapikit naman ako lagi kapag naaalala ko noong nagka-sugat ako dahil sa marathon at nilutuan niya ako ng sopas at sinubuan pa. Pati noong siya ang naghilamos ng mukha ko. Pati na din lahat ng bagay na pinaggagagawa ni Taejoon sa akin, lahat nag-flash back na.

Fak memories! He cared for me kahit na ipinagtatabuyan ko siya noon. Pero ngayon naman, naaksidente na siya at lahat-lahat pero wala ako sa tabi niya. Binulag talaga ako ng galit ko at selos, maybe. Ang sama sama ko talaga! Humigpit ang hawak ko sa kutsara at napabilis ang pagsubo ko sa kanya.

“Dahan-dahan naman! Mabibilaukan na ako!” Nagising naman ako sa katotohanan sa sinabi niya.

“U-Uh… Sorry.” Agad kong kinuha ang baso at pinainom siya.

Pagkatapos niyang kumain, sandali siyang nanood ng TV.

“Taejoon, kung may kailangan ka, nandito lang ako.” Sabi ko habang pinapahiga siya. Matutulog na daw kasi siya.

Nanlaki naman ang mata niya na medyo namumugto pa rin.

“Ahh… A-ang ibig kong sabihin, nandoon lang ako sa sofa. Tawagin mo lang ako kung may ano, kailangan ka. Ganun.”

Tumango naman siya saka pumikit at natulog. Sandali muna akong umupo sa tabi niya at binantayan siya. Hanggang sa makaramdam na rin ako ng pagod at antok. Tumayo na ako at hinalikan si Taejoon sa noo na may benda naman.

“Di ka hihinto sa high jump. Hindi ka pwedeng tumigil. Kahit malabo man, may pag-asa pa rin. Hindi ka titigil, Kang Taejoon.”

 

 

 

 

Umupo ako sa sofa at dinampot ang phone kong nagchacharge. Pinadala rin ito nila Mommy sa akin. Nakita siguro nila sa drawer ko.

Agad kong idinial ang number niya.

“Hello, Kuya? Kailangan kong bumalik sa US…”

Napasulyap ako sa natutulog na si Taejoon. Ito nalang na naiisip kong gawin eh. Basta, hindi hihinto si Taejoon sa high jump.

“…kailangan kong matutunan kung paano magpatakbo ng kumpanya.”

---------------------------------------------------------------------------------------------

Next update will be on Thursday or Friday. Midterms week namin, nadelay dahil kay Maring. Sana maintindihan ninyo.

-AJ

Continue Reading

You'll Also Like

24.9K 422 69
Im an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng hig...
249K 3.6K 44
I didn't expect that my parents will Arranged me on marriage to someone.I understand them,but i want to marry the man that i loved,i can't dictated m...
48K 1.3K 54
[HIS #1] Fatty Aiah Lauren is not your typical high school student. She desperately wants to get rid of high school. For some reason, she's older tha...
762K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.