Marrying My Ex [MinSul]

By darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 26

5.8K 121 23
By darkkkAJ

CHAPTER 26 - Diretso Lang

Humahagulgol akong bumaba nang building at tumakbo palabas ng school. Pinagtitinginan na nga ako ng ibang mga estudyante. May mga na-bunggo pa ako pero wala akong pakialam. Ang tanging bagay na gusto kong gawin ay umalis sa lugar na ito.

Sumakay ako sa bus. Wala na akong maisip na ibang lugar kundi sa condo ni Eungyeol. Pero agad ko rin namang naisip na umalis na pala siya sa condo at may bagong bahay na sila Hanna. Kinuha ko ang phone ko, buti nalang naitext ni Eungyeol yung address nila sa akin. Sakto naman at madali lang puntahan. Pinunasan ko yung luha ko pero tumulo na naman nang may tumawag sa akin…

Si Taejoon. Hinayaan ko lang mag-ring nang mag-ring. Saktong pagbaba ko naman ng bus, tumigil na rin sa pag-ring yung phone ko. Nagsawa na rin siguro. Namumugto ang mga mata pa rin akong naglakad papunta sa bahay nila Eungyeol. Hindi pa man ako masyadong nakakalapit, tanaw na tanaw ko na si Hanna na nagi-stretching sa may garden nila.

“H-Hanna!” hindi ko napigilan. Nabasag yung boses ko. Agad binuksan ni Hanna ang gate sabay sigaw ng, “Cha Eungyeol! Si Jaehee, nandito! Cha Eungyeol!”

“Hanna…” Tumulo na naman ang mga luha ko na agad ko namang pinunasan.

“Anong nangyari sa iyo?!” nag-aalalang tanong niya, sabay yakap sa akin. Hindi kami masyadong close nitong si Hanna. Pero tingnan niyo ngayon, siya yung nandito. At niyakap pa niya ako. Hindi ko akalain na gagawin niya ito.

“Bakit ka umiiyak? Tara, pasok tayo.” I just shrugged. Pumasok kami sa bahay nila at pinaupo niya ako sa sofa.

“CHA EUNGYEOL!!!!!!!!!” sigaw ng sigaw si Hanna.

“Yes?” biglang sumulpot si Eungyeol na naka-apron pa. “GOO JAEHEE, ANONG NANGYARI BAKIT UMIIYAK KA NA NAMAN?!” Agad lumapit sa akin si Eungyeol at inalog-alog ako.

Pinalo siya ni Hanna sa braso. “Itigil mo nga yan, kita among umiiyak na yung tao eh.” Sumibangot naman si Eungyeol.

“Anong nangyari? Nasaan si Taejoon?” tanong ni Eungyeol.

Si Taejoon? Si Taejoon, andoon sa rooftop. Nakikipaghalikan kay Krystal.

“Aish! Mas pinaiyak mo si Jaehee!” sabi ni Hanna. “Kumuha ka na nga lang ng tubig!” Agad namang tumayo si Eungyeol at pumunta sa kusina. “Kung ano man yang iniiyakan mo, Jaehee, alam kong mabigat ang nararamdaman mo ngayon. Ilabas mo lang yan. Nandito lang kami ni Eungyeol.” Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti ng pilit kay Hanna.

“S-salamat.” Hinawakan ni Hanna ang kamay ko saka siya ngumiti na parang naaawa.

Ilang sandali lang ay bumalik na si Eungyeol na may dalang baso ng tubig. Ang isang kamay naman niya ay nasa cellphone niyang nakatapat sa tenga niya. May kausap ata.

“P-pero… Nasaan nga ba si T-Taejoon?” tanong ni Hanna.

“ANO?!!!!!” biglang sigaw ni Eungyeol sa kausap niya sa telepono. Kukunin ko na sana ang baso ng tubig, pero bago ko pa man magawa yun ay naubos na ni Eungyeol ang laman nito. Mukhang intense ang usapan nila nang kausap niya sa kabilang linya.

“Ano ba yan, Cha Eungyeol. Bakit ka ba sumisigaw?! Pati ininom mo naman yung tubig ni Jaehee!” sabi ni Hanna.

Hindi pinansin ni Eungyeol si Hanna saka tumingin sa akin nang diretso at…

“Si Taejoon, naaksidente daw!”

Nanlaki ang mata ako. Si Hanna naman, hindi nakagalaw at natigilan sa pagsesermon kay Eungyeol.

“What?” tanong ni Hanna.

“Na-ak-si-den-te si Taejoon!” sagot ni Eungyeol.

Hindi ako makapagreact. Bakit naaksidente? Eh ano… Nasa rooftop lang naman siya kanina. Wag niyong sabihing hinabol niya ako?

“Saang ospital?” tanong ko. Ito lang ata ang matinong sentence na nasabi ko simula pa kanina.

***

The next thing I know, nandito na ako sa sasakyan ni Eungyeol at katabi ko si Hanna sa backseat. Nagmukha tuloy driver si Eungyeol. Patuloy pa rin akong kinocomfort ni Hanna kahit na hindi naman na ako umiiyak, tulala nga lang. Shocks! Ano bang nangyayari? Simula 5PM ng araw na ito, windang na windang na ako!

“Pwede mo na bang ikwento kung anong nangyari?” tanong ni Eungyeol. “Traffic eh.”

Pinanlakihan naman siya ng mata ni Hanna doon sa salamain.

I cleared my throat bago nagsalita. Baka mabasag na naman boses ko eh. Huminga ako ng malalim at ikwinento ang papel na nakita ko sa locker ko.

“Kaninang umaga, nakita ko ito sa locker ko.” Ibinigay ko kay Hanna ang papel at binasa niya ito. Nakikitingin naman si Eungyeol pero syempre, di pinakita ni Hanna tapos dapat magfocus siya sa daan. Baka kami naman masunod na maaksidente.

“Maghapon kong hindi nakita si Taejoon, dahil nga sa training niya. Sinubukan ko siyang hanapin noong lunch break pero inabot na ako ng 1:00 at di ko siya nahanap kaya I decided na hintayin nalang ang 5PM total, may sasabihin naman daw siya sa rooftop.” Nakikinig lang ang dalawa, habang halos hindi naman gumagalaw ang trapiko. Busina nang busina si Eungyeol.

“Tapos pumunta ako sa rooftop after ng klase natin…” napayuko ako, hindi pwedeng maiyak na naman ako. Ugh! Ang weak ko talaga! Ganito ako dati eh, noong iniwan ako ni Taejoon. Iyak nang iyak. Halos mabaliw. Heto, bumabalik na naman dahil sa nangyari sa rooftop. Agad namang hinaplos ni Hanna ang likod ko, para pakalmahin ako. “…naabutan ko sa rooftop, si Krystal… k-kasama si Taejoon. Akala ko, may sasabihin siya sa akin pero mali ako. Pakiramdam ko, palabas lang yang note na yan para ipamukha nila sa akin yun ginagawa nila doon eh!” Hindi ko napigilan, naiyak na naman ako. Lecheng luha na ito! Unli na naman ata ang peg.

“N-niyakap ni Taejoon si Krystal eh. Inisip ko, baka friendly hug lang yun. Pero napaka-tago naman nila mag-friendly hug…” tulo na naman ng tulo ang luha ko. “…tapos ang pinakamatindi, hinalikan niya si Krystal. Sa labi.” At napahagulgol na naman ako, pero niyakap ako ni Hanna.

“Ibuhos mo lang yan, Jaehee.” Sabi nito. “Sigurado ka ba sa nakita mo? B-bakit naman gagawin ni Taejoon yun? Alam kong wala siyang nararamdaman sa babaeng yun. Kaibigan lang ang tingin niya kay Krystal. Ikaw lang ang babae sa puso ni Taejoon, Jaehee.”

“Baka naman ginayuma ni Krystal si Taejoon. Dinig ko, obsessed kay TJ yun eh. O baka naman may anting-anting siya na nagpapasunod kay Taejoon para gawin ang lahat ng gusto niyang gawin?”

*PAK* binatukan ni Hanna si Eungyeol.

“Magtigil ka diyan, Eungyeol. Baka tayo ang maderetso sa hukay kapag hindi mo inayos yang pag-ddrive mo!”

Hinaplos ni Eungyeol part na binatukan ni Hanna. “Sinusubukan ko lang namang magpatawa eh.”

“Pwes, di nakakatuwa!”

NALILITO NA AKO. Ano ba talagang nangyayari? Bakit ang gulo na naman? Ugh! Wala akong mapapala kakaisip dahil wala naman akong makukuhang sagot sa ganito. Kailangan kong makausap si Taejoon. Kung ano man ang dahilan niya kanina… Ah! Ano pa nga bang explanation sa ginawa niya kanina? HE KISSED THE GIRL! At hahalikan mo lang naman ang babae kung mahal mo siya diba? ><

Ngayon narealize ko na hindi talaga ako gusto ni Taejoon. Na talagang ginagawa nga niya lahat ng kabutihan, ang mission na bigay ni Dad, dahil ayaw niyang igive-up ang high jump. Napaniwala niya akong gusto o di kaya’y mahal niya pa rin ako! Teka… Napaniwala? Hindi naman niya pero sinabi sa akin. Ako lang ang nag-assume. Lecheng assuming!

“Nandito na tayo. Wag ka nang umiyak, Jaehee. Kung sakali man… Kung… may something nga kay Krystal at Taejoon, wag mong ipapakitang umiiyak ka.” Sabi ni Hanna.

“Matigas ka na diba, Jaehee? Diba sabi mo dati hindi mo na iiyakan si Taejoon?” dagdag naman ni Eungyeol.

Oo nga. Matigas na nga ako. Bato na ako. Pero shet, sobrang lakas ni Taejoon at kusang natunaw ang shield kong matagal kong itinayo laban mismo sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko. Inayos ko ang sarili ko saka lumabas ng sasakyan ni Eungyeol. I clenched my jaw. Tibayan mo ang sarili mo, Jaehee. You’ll know the truth now. Then Hanna held my hand.

Halos patakbo kaming pumasok sa ospital. Syempre, nag-aalala rin itong dalawa at gusto nilang malaman kung bakit nadisgrasya si Taejoon.

“Miss, nasaan yung naaksidente? Si Kang Taejoon?” tanong ni Eungyeol sa nurse.

“Nasa room 506 na po.” Sagot ng nurse.

“Wala na sa emergency room! Mukhang okay na! Tara!” hinila nila akong dalawa ni Hanna papunta sa elevator.

Agad na bumungad sa amin sina Taemin, Jonghyun, Jinki at Kibum na nasa labas ng kwarto ni Taejoon. Duguan ang mga damit nila. Biglang nagpapalpitate ang puso ko. Gusto kong makita si Taejoon. BUKSAN NIYO YANG PINTO!

“Nasaan si Taejoon?” Tanong ni Eungyeol.

“Malamang nasa loob.” Sagot ni Taemin.

“Leche naman, Taemin. Kamusta siya?”

“O-okay naman na ata.” Sagot ni Kibum.

“Okay ata?” tanong ni Hanna.

Patuloy pa sila sa usapan kaya binuksan ko na ang pinto. Parang sinapak ng limang tao ang puso ko sa nakita ko. Si Taejoon na may benda sa ulo, naka-cast ang paa pati ang isang braso niya. Pero buti naman at gising siya. Gising siya! Gusto kong tumalon-talon. Akala ko, coma siya o di kaya katulad ng mga nasa pelikula, hindi niya ako kilala pag nagising siya.

Napatingin naman ako sa humahagulgol na babae sa tabi niya at nakahawak sa kamay niya. Hindi man lang niya ito nililingon. Si Krystal.

Fudge. Awkward. Flashback ulit ng kissing scene nila sa rooftop plus yakapan moments pa. Aaaaah! Napatalikod ako at napasabunot sa buhok ko. Saktong nasa likuran ko na pala sila Hanna na laglag din ang panga sa nakita.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Hanna.

“Di ko kaya dito. Kayo nalang magtanong kung anong nangyari tapos sabihin niyo nalang sa akin. Sa labas nala---”

“Ikaw talagang babae ka, epal ka!” sabi ni Hanna habang hila-hila si Krystal palabas ng kwarto. Lumabas silang lahat at naiwan lang ako ditong nakatayo pero nakatalikod kay Taejoon. Parang di ko kayang humarap sa kanya, iiyak na naman ako eh. Kasawa na. Pinagsawahan ko na yan noon, hanggang ngayon pa rin?

“Jaehee…” napakagat ako sa labi ko, yumuko, pero hindi pa rin humaharap sa kanya.

“Kailan pa?” tanong ko.

“Ha? Anong kailan pa?”

I smirked. “Kayo ni Krystal.”

“Anong kami ni Krystal? Walang kami. Ano bang pinagsasabi mo?”

Lakas-loob akong humarap sa kanya. Buti nalang hindi ako naiyak. Heto na naman si Pusong Bato. “May hugs and kisses, tapos wala?”

“J-Jaehee… Wala lang yung nakita mo kani—“

“Wala lang? Ako ba niloloko mo?! Ha?!” namumuo na naman yung mga luha ko. Shet talaga, sa susunod di na ako iinom ng tubig para wala nang maging luha! “Alam mo Taejoon, naniniwala na ako eh. Tanggap ko na. Tanggap ko na, na sayo talaga ang bagsak ko kahit magpakalbo ako o magpa-sex change o kahit mag-rally pa ako sa kalsada. Akala ko…” tuluyan ng tumulo ang luha.

“Akala ko kasi mahal mo pa rin ako eh. Akala ko, ginagawa mo yung mission na bigay ni Dad kasi mahal mo ako at gusto mo talagang makasal sa akin.”

“Alam mo ang tungkol sa missio—“

“Pero hindi! Kung mahal mo ako, ano yung nakita ko sa rooftop?! May pa-note note ka pang nalalaman. Nag-iwan ka pa ng note sa locker ko, kunwari may sasabihin pa sa akin pero ano? Anong napala ko? NGANGA! Ano yun, sinadya mo para makita ko yung milagrong ginagawa niyo ni Krystal nang live? Pwede rin naman vinideo niyo nalang noh, para di na ako nag-effort umakyat dahil walang elevator ang pobreng building! Ako pa naman itong excited umakyat sa rooftop eh! Tapos makikita ko lang kayo doon ni Krystal na magkayakap tapos hinalikan mo pa siya?!”

“Note? Jaehee nama—”

“Wag mong sabihin pinilit ka ni Krystal na halikan siya ha! Eh kitang kita ko na ikaw mismo ang humalik. Subukan mong magdeny, madadagdagan yang pilay mo para di ka na talaga makatalon! Bakit bitter ako sa high jump? Siguro naisip mo na rin yang tanong na yan noh?” Nakita kong umiiyak na siya pero wapakels. Nasimulan ko na magtalak, tatapusin ko ito.

“ANG SAKIT SAKIT LANG KASI NA AKALA KO MAHAL MO PA RIN TALAGA AKO, PERO NGAYON ALAM KONG GINAWA MO LANG ANG MISSION MONG IBALIK ANG PAGKABABAE KO KASI AYAW MONG IWAN ANG HIGH JUMP. High jump na naman. High jump na noon, hanggang ngayon, high jump. Bakit hindi nalang high jump ang pakasalan mo?!”

Napayuko siya.

“Oh ano, guilty? Totoo ba lahat ng sinabi ko, ha?” Pinunasan ko ang mga luha ko saka ngumiti ng mapait.

“Ano, masaya ka na ba? Ako na naman ang talo. Talo na naman ako sa laro mo. Congrats, ha.” Tapos pinalakpakan ko siya. Sarcastic.

Iniwan ko siyang luhaan. Nakakaawa pa naman kasi naaksidente siya, pero mukhang wala lang naman sa kanya eh. Pilay at sugat lang yun. Gagaling din yun. Eh itong puso ko? Wala na, double dead na! Monster kill na! Lumabas ako at nakita ko si Hanna na umiiyak at yakap yakap na Eungyeol. Agad ring nakuha ng atendyon ko ang isa pang babaeng nandito.

“Dali, pasok ka na ulit. Tapos na ako.” Sabi ko sa kanya saka ako tumalikod at naglakad paalis.

Plano ko, alamin kung ano ba ang totoo. Pero walang kwenta, bugso ng damdamin eh. Hindi ko pa kayang marinig ang kasinungalingan niya. Magpapalamig muna siguro ako ng ulo tapos magpagaling muna siya.

Narinig ko naman ang bumukas na pintuan, pumasok nga ata talaga ulit ang bruha. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Diretso lang ang lakad, Jaehee.

Continue Reading

You'll Also Like

48K 1.3K 54
[HIS #1] Fatty Aiah Lauren is not your typical high school student. She desperately wants to get rid of high school. For some reason, she's older tha...
176K 4.2K 47
Ang story na ito ay tungkol sa dalawang tao. Ang babae ay isang pure France but she live in Philippines simula nang namatay Ang parents niya her dad...
759K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
249K 3.6K 44
I didn't expect that my parents will Arranged me on marriage to someone.I understand them,but i want to marry the man that i loved,i can't dictated m...