Beauty and the Beast

By hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... More

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#41: Totoo

2.6K 75 6
By hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 41

Totoo

-Saerin Gail's POV-

Pagdating ko ng bahay namin ay kaagad akong sinalubong ng mga katulong namin at ni Mama at Papa. Mabilis na lumapit sa akin si Mama at kaagad akong niyakap. Matagal ko rin silang hindi nakita. Simula nung magpakasal kami ni Jared ay hindi ko na sila ulit nakausap.

"Gail..." mahinang tawag sa akin ni Mama. Niyakap ko naman siya pabalik.

I remember those times that how I wish that I am not born in this family. Gusto ko mamuhay ng simple at tahimik, yung nasa isang normal na pamilya lang ako. Yung pamilyang kayang suportahan ang mga pangarap ko. Yung pamilyang hahayaan akong magdesisyon para sa sarili ko. Yung pamilyang malalapitan ko kaagad kapag kailangan ko sila.

How I hoped for that kind of family.

Tinignan ko si Papa na ngayon ay tahimik na nakatingin sa amin ni Mama. Pilit akong ngumiti sa kanya. Humiwalay ako kay Mama at tumingin din sa mga kasambahay namin na tuwang-tuwa na nakita ulit nila ako.

"Naku! Namiss talaga namin ang alaga namin!" masayang sabi ni Nanay Ising at sandali akong niyakap.

"Namiss ko rin po kayo!" ngumiti ako sa kanila.

"O siya pumasok muna tayo sa bahay para naman makakain ka na. Alam mo maagang nagising ang Mama mo kanina. Siya yung nagluto ng mga pagkain ngayon." masayang sabi ni Nanay Ising.

Napatingin ako kina Mama at bahagya silang ngumiti sa akin. Hinawakan naman ni Mama iyong kamay ko.

"Tara na?" aniya. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.

Lahat sila ay kinamusta ako habang kumakain kami. Tinatanong nila kung kung may problema ba kami ni Jared ngayon kaya ako umuwi dito. Hindi ko naman sinabi sa kanila ang totoo. Hindi ko alam kung maiintindihan ba nila ako kapag sinabi ko ang problema namin ni Jared ngayon.

I miss this kind of life. Yung mga panahong hindi pa kumplikado ang lahat. Yes, I've dreamed for my freedom. But I never thought that my simple dream will become complicated. Pero ganun nga siguro ang buhay, unexpected.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo?" natigilan kaming lahat sa tanong ni Papa. Napatingin ako sa kanya at ganun din naman si Mama.

"Uhm, ayos lang naman po..." bahagya akong ngumiti. "Naghahabol pa po ako sa ibang mga namiss ko sa school pero kaya ko naman po. Magfi-finals na rin po kami next week."

"Ganun ba?"

"Opo..."

Bahagya namang ngumiti sa akin si Papa. "Huwag.ka ng mag-enroll next term"

Bahagya akong nagulat sa sinabing iyon ni Papa. I'm expecting him to say something good but it turns out that it will just break my heart.

"Pa naman, nag-aaral naman po akong mabuti." mahina kong sabi. Natahimik naman ang ibang nasa paligid namin dahil sa usapan namin ni Papa.

"Alam ko, pero para ito sa ikabubuti mo."

"Pa..." huminto ako ng hawakan ni Mama yung kamay ko.

Siguro nga hindi ko gusto yung course na kinukuha ko ngayon. Siguro nga hindi ako matalino, hindi tulad ni Jared. Siguro nga walang mapapala ang mga magulang ko sa akin kahit na makapagtapos ako. Pero sinusubukan ko naman na mag-aral ng mabuti. Gusto kong may marating sa buhay. Gusto ko na kahit ganito ang buhay ko ay masasabi ko na sinubukan ko. I did my best.

"Kakausapin ka namin anak pagkatapos kumain..." si Mama na ang nagsabi.

Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kwarto ko. Wala naman akong nakitang pagbabago dito. It is still my room. Nasa ayos pa rin ang mga gamit ko. Umupo ako sa kama at bahagya itong hinaplos. Kusa ng tumulo ang luha sa mata ko. Bakit ang sakit?

Kailangan ko na ngang isakripisyo si Jared pati ba naman mga pangarap ko? Sa huli ba wala pa ring matitira para sa akin?

Napatigil ako sa pag-iyak at agad kong pinunasan ang luha sa mata ko ng bumukas ang pinto at pumasok si Mama. Agad akong tumalikod sa kanya.

"Gail, anak..." tawag sa akin ni Mama. Umupo siya sa may tabi ko. "Kakausapin ka namin ng Papa mo..." malumanay na wika niya.

"Ma, bakit?" basag na tanong ko. Tumingin ako kay Mama at kaagad niya akong niyakap. Muli na naman akong umiyak habang tahimik akong inaalo ni Mama. "Hanggang kailan po ba ako magiging ganito ka miserable? Masaya po ba kayo sa nangyayari sa akin ngayon?"

"Hindi..." marahang sambit ni Mama. "Hindi kami masaya na nakikita ka naming ganito ng Papa mo. Pinagsisihan namin ang mga nagawa namin sayo." ngumiti siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. Inayos niya rin ang buhok ko.

"Kaya halika ka na, kakausapin ka namin ng Papa mo..." aniya.

Sabay kaming pumunta ni Mama papunta sa opisina ni Papa. Madaming kinukwento si Mama habang naglalakad kami tungkol sa kanila ni Papa nung wala ako rito. Natutuwa ako na maayos ang kondisyon nila dito. Maayos din ang negosyo namin. Kinamusta din niya sa akin si Jared. Nabalitaan din nila ang nangyari sa kanya kaya nag-alala sila. Sabi ko naman na ayos lang si Jared at nag-u-undergo na ng therapy.

"Gail anak!" tawag sa akin ni Papa ng makita niya ako. Lumapit naman kami sa kanya at nagulat ako nung lumapit sa akin si Papa at niyakap ako ng mahigpit.

Napapikit naman ako at niyakap siya ng pabalik. I love them. I'm willing to do everything just for them to be happy. Kahit mahirap ay nagawa ko ang mga gusto nilang mangyari sa buhay ko. I became selfless because of them. Because I love them enough.

Pero gagawin ko pa rin ba yun ngayon?

Bahagya akong ngumiti ng humiwalay sa akin si Papa.

"Anak... mahal na mahal ka namin ng Mama mo." malungkot na ngumiti sa akin si Papa.

Tumango ako. Alam ko naman yun. Siguro kaya sila naging ganito sa akin ay dahil sa pagmamahal nila sa akin bilang anak nila. At malugod ko naman yung tinanggap. Hindi ako nagreklamo at hindi rin ako nagrebelde. Sumunod ako dahil tulad nila ay mahal ko din sila.

"Masaya po ba kayo ngayon na nakikita akong ganito?" hindi ko na naitago ang bigat na nararamdaman ko. Sobra akong nasasaktan sa nangyayari ngayon sa akin. Kailangan ko ng makakaramay, kailangan ko ng pamilya ngayon.

Ang hirap kasi kapag mag-isa ka lang. Ang hirap kapag wala kang napagsasabihan ng mga totoong nararamdaman mo.

Hindi sila nakasagot. Yumuko si Papa.

"Are you happy to see miserable?" tumulo ang mga luha ko. "Pa, heto na ako ngayon o? Pa, hindi ako masaya..." I cried. Nakita ko namang umiyak na rin si Mama.

"Pa ginawa ko naman lahat di ba? Kinuha ko yung course na gusto niyo para sa akin. Nagpakasal ako kay Jared. Ginawa ko naman po lahat di ba? Bakit hindi po ako masaya ngayon? Bakit kailangan ko pong mahirapan ngayon?"

Niyakap ako ni Mama. Tahimik lang akong umiiyak habang inaalo ako ni Mama.

"Alam namin anak, alam namin..." si Mama. Napayuko na rin si Papa at umiyak na rin.

"Patawarin mo kami, Gail. Natakot lang kami ng Mama mo na baka mawala ka sa amin ulit. Before, we gave you the freedom that you deserve. Hinayaan ka namin ng Mama mo na gawin ang gusto mo, maglaro sa kung saan ng hindi namin pinagbabawalan." tumigil si Papa at tumingin sa akin.

Napatingin ako sa kanila. Parang tumigil ang luha ko sa sinabi ni Papa. Tumingin si Papa kay Mama at sumenyas dito. Tumingin naman ako kay Mama.

"Ayaw na sana naming malaman mo ito pero siguro nga kailangan mo ring malaman kung bakit ganito kami ka-paranoid ng Papa mo sa'yo, Saerin." malungkot na ngumiti si Mama.

"Ma..."

"Muntik ka ng mawala sa amin, Gail. We thought fhat you'll leave us. We've waited for three years for you. Napuno kami ng takot nung mga taong yun kasi natatakot kami na baka isang araw mawala ka sa amin." niyakap ako ni Mama.

Doon bumalik sa isip ko ang matagal ng bumabagabag sa isipan ko. I can't remember anything from my childhood. Hanggang nung 8 years old lang ako ang naalala ko. Tapos yung naalala ko nung muntik na akong masagasaan ng truck.

"Patawaran mo kami, Gail. Hindi namin inakala na aabot sa ganito ang lahat..."

"Ano po bang nangyari sa akin noon?" naguguluhang tanong ko sa kanila. Nagpa-palit-palit ang tingin ko kay Mama af Papa.

"You were comatose for three years, anak. Nasagasaan ka ng truck nung limang taong gulang ka. Anak takot na takot kami ng Papa nung panahon na yun kasi halos mawalan na kami ng pag-asa nun kasi akala namjn mawawala ka na talaga sa amin ng tuluyan. We became so paranoid of you. At sobrang saya namin nung magising ka, Gail."

Napatango ko at doon ko napagtanto ang lahat. Kaya pala ganito sa akin sina Mama. Muntik na akong mamatay noon. Muntik na akong mawala. Kaya pala wala akong maalalang kahit ano nung bata pa ako.

"Naiintindihan ko po kayo... I'm so sorry po." I hugged them. Niyakap din nila ako.

"Hindi, Gail. Kami ang patawarin mo. Dahil sa masyado kaming natakot ay hindi ka na namin napakinggan. Sorry dahil nasasaktan ka na namin. We're really sorry because we controlled your life. Na kahit yung mapapangasawa mo na dapat ay ikaw ang pumili ay kinuha pa namin ang karapatang iyon sayo." sabi ni Papa at hinawakan niya ang kamay ko. "Patawarin mo kami anak."

"Pa, mahal ko si Jared. Mahal na mahal ko po siya..."

"Naiintindihan ko." ngumiti siya sa akin. "Kaya kung anong magiging pasya mo, kung ano ang desisyon susuportahan ka namin ng Mama mo. Namdito lang kami para sayo."

Tumingin ako sa kanila at ngumiti. Finally. I've been waiting for so long just to hear those words from them.

"Salamat po...." namumuo na ulit ang mga luha sa mata ko.

"Itatama na namin yung pagkakamali namin anak." Lumayo sa akin si Papa at may kinuha doon sa table niya. Pagkatapos ay bumalik siya at may inabot sa akin na envelope.

Kinuha ko naman ito at tinignan. Nung nakita ko iyon ay nagulat ako at napatingin ako kay Mama. Nakangiti siya sa akin at marahang tumango. Tinignan ko si Papa at nakangiti na rin siya sa akin.

Galing ang envelope sa isang sikat na university sa US.

"Napag-desisyunan namin ng Mama mo na hayaan ka na sa pagpili ng gusto mong abutin. Alam namin na iba na talaga ang gusto mong kuning course noon pa man. Pwede naman naming ibigay iyon sa'yo pero natakot lang talaga kami na baka mawala ka sa amin. Pero napagtanto talaga namin ng Mama mo na sa takot naming mawala ka, lalo namang lumalayo ang loob mo sa amin."

Binuksan ko yung envelope at nakita ko na Admission Form ito. Tumingin ulit ako kina Mama at Papa. Napangiti ako sa nakita ko at muli na namang namuo ang luha sa mga mata ko.

It's my dream course. Mass Communication.

"Kaya hindi mo na kailangan pang mag-enroll para sa susunod na school year, anak. Aasikasuhin natin ang mga papeles na kakailangan mo para diyan. You'll be staying there for five years." sabi sa akin ni Papa. "Sabi ng Tita Isa mo maganda daw talaga ang course na yan diyan. Talagang matuto ka." dagdag niya pa.

Gusto ko na sanang maging masaya sa nangyayari ngayon pero naisip ko si Jared. Ibig bang sabihin nito kailangan ko siyang iwanan? I want to stay beside him. Ayokong malayo ng tuluyan sa kanya.

Natatakot ako mawala na siya sa akin.

Our situation right now is fragile. One wrong decision might destroy everything. I'm scared that it's either I'll lost my dream or I'll lost him.

"Gail? Bakit parang hindi ka masaya?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mama.

Umiling naman ako kaagad at tumingin kay Mama. "Masaya po ako, Mama. Pero naisip ko po si Jared, paano po kami?" tanong ko.

"He'll understand for sure. Anak, bata ka pa marami pang pwedeng mangyari. Nagsisisi kami ng Mama mo na pinangunahan namin ang puso mo. We saw how hard it is for you to be with him. Kung alam lang namin ng Mama mo na ganito ang mangyayari sa inyo, hindi na sana kami pumayag na makasal ka sa kanya. If he really loves you, he'll understand you. He will let you go if he needs to."

Pagkasabi ni Papa nun ay parang lumubog ang puso ko. Paano kapag siya na ang bumitaw, kakayanin ko ba yun? Ganun na lang ba yun?

Madali sa aking bitawan siya kasi alam kong hindi niya ako bibitawan pero kapag iniisip ko na bibitawan niya ako ay natatakot ako. I'm selfish when it comes to him. I can let go of him but I don't want him to let go of me. Yun ang totoo.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 35.9K 61
Most Impressive Ranking: Rank 1 in #TeenFiction! (10/14/18) They are living under the same roof. But what's the twist? They are college classmates...
71.8K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
123K 2.4K 34
Angel With A Shotgun Series #5: Margaux, The Lost Smile Margaux is diagnosed of gelotophobia; the fear of smile and laughter. Since her childhood day...
697K 20.3K 67
(~WATTYS2018 WINNER~) Muntik nang himatayin si Dylan Eros dahil sa gulat pagkatapos niyang mag-over-the-bakod mula sa sarili nilang bakuran. He's sne...