Class 3-C Has A Secret 2 | co...

By enahguevarra

9M 155K 54.2K

"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 20... More

C3CHAS TRILOGY
C1: Moriendo Renascor.
C2: Pity on me, Death.
C3: She, who forgets.
C4: Honor the vanquished.
C5: Doomed Reality.
C6: The thread of Death.
C7: Embrace your iniquity.
C8: Ballad of Death.
C9: Dreadful past.
C10: Sleuth.
C11: Know thyself.
C12: Lies.
C13: Incognito.
C14: Nostalgia.
C15: Truth be told.
C16: Lifeless. (part 1)
C17. Lifeless (part 2)
C18: Missing.
C19: The liar.
C20: Rules of the jungle.
C21: Hidden agenda.
C22: Judas' kiss
C23: Lost Alice.
C24: A friend and a foe.
C25: The unspoken truth.
C26: Paranoia
C27: The first weakest rabbit.
C28: Behind those lies.
C29: Lifesaver.
C31: Ironic truth.
C32: Two black cats
C33: The white rabbit has the answer.
C34: The Prodigal son.
C35: Someone is back.
C36: The white rabbit.
C37: Friendship.
C38: Kill the Pillar.
C39: The clockmaker's daughter.
C40: Eliminate the wolves.
C41: Darkness
C42: Wolf's cry.
C43: Hunt the wolves.
C44: Alliances.
C45: Endgame
C46: Fade to black
C47: The Fall of the Pillar
C48: START
C49: Pitch Black
C50: Hide and Seek.
C51: Turncoat
C52: Trust no one
C53: Friends do kill
C54: Dangerous
C55: An hour to live
C56: Pillar's Trap
C57: The End
EPILOGUE
Special Chapter: HANAKO
Special Chapter: Balot ba o Penoy?
C3CHAS Spin-Off

C30: The catastrophe of life.

133K 2.3K 567
By enahguevarra



"The fear of death follows from the fear of life. A man who lives fully is prepared to die at any time." Mark Twain


--------------------------------------------x

KATHERINE'S POV


HINDI ko akalain na mapupunta ako sa sitwasyon na ito. Nagtiwala lang naman ako kay Austin. Akala ko, makukuha ko na ang gusto ko kapag ginawa ko ang gusto niya pero bakit ... niloko lang niya ako? Ang tangi ko lang naman na gusto ay makitang patay si Sapphire. Ang mapatay siya mismo sa harapan ko, ang makita siyang walang kalaban-laban habang inaalala ko lahat ng ginawa niya sa akin.


Tinuturing ko siyang kaibigan. Pinoprotektahan ko siya—kahit hanggang ngayon—ganun pa rin ang nadarama ko pero hindi naman siguro masama kung iisipin ko na mas magandang hindi na lang siya mabuhay diba? Mas mabuti kung mamatay na lang siya. Siya naman ang dahilan ng lahat ng ito. Ang sikreto niya ... ang sikreto ng klase, naungkat na. Ano pa bang saysay na pagprotekta sa kanya?

 

Para sa akin, hindi na importante ang buhay niya.


Itinali nila ulit ang mga kamay at paa ko ngunit hindi na nila nilagyan ng busal ang bibig ko. Para saan pa nga ba diba? Kilala ko ang dalawang tao na nasa gilid ko kani-kanina lang. Si Miaka at siya. Hindi na ko nagtaka kung ba't siya nandito at hindi na rin ako nagtaka kung bakit kumulo ang dugo ko noong nakita ko siya. Hindi dahil sa killer siya kung hindi dahil mismo sa kanya.


Biglang nawala lahat ng takot na nadarama ko, galit ang pumalit dito. Napatingin ako sa bintana kung saan ginamit na pantakas nila Cyrus. Nakaligtas kaya sila? Matutupad kaya ang sinabi ni Cyrus na papapuntahin niya ang mga pulis dito?


Sana nga.


Napunta ako sa kalagayan na to dahil sa mismong katangahan ko. Tama din na nagpaiwan na lang ako kaysa sa pare-pareho kaming mamatay dito nang walang laban. Kasalanan ko rin naman kung bakit nakuha si Paula at si Cyrus. Naging tau-tauhan ako ni Austin. At ngayon, alam kong kasama sa grupo niya ang nilalang na iyon. Nakakainis. Ginawan ko pa sila ng pabor.


"Kamusta na Katherine?" narinig kong tanong ni Miaka habang papunta sa akin n may hawak hawak na itim na pusa sa mga bisig niya. "Miss ka na ni Hanako. Pati na rin lahat ng ginawa nyo nila Sapphire sa kanya. Sa sobrang miss niya sa inyo, maari na siyang kumuha ng kutsilyo at saksakin kayo sa likuran habang binibigyan niya kayo ng isang mahigpit na yakap."


"B—Buhay pa si H—Hanako?" tanong ko sa kanya.


"Oo naman. Ilang beses niya nga akong nginitian eh." Tugon ni Miaka habang malapad ang ngiti. Pinakawalan niya ang pusang hawak niya na agad namang lumapit sa akin at pinagdidilaan ang paa ko. "Mukhang gusto ka ni Kuro. Mukhang ... gusto ka niyang mamatay." Agad kong nasipa ang pusa at kita kong nasaktan ito at tumakbo palayo. Hindi nagalit si Miaka bagkus ay narinig ko pa siyang tumawa. "Nakakatuwa ka talaga Katherine, anong pakiramdam ngayon? Wala ka na sa likod ng anino ni Sapphire. Nag-iisa ka na lang ngayon. Ay oo nga pala ano? Balak mo nga palang kalabanin si Sapphire. Balita ko, gusto mo siyang mamatay? Patawad Katherine..." Lumapit siya sa akin. Ramdam ko ang ilang hibla ng buhok niya sa tainga ko kasabay ng pagbulong niya rito. "Pero mukhang ikaw ang mauuna." 


Sa pagkabulong niya na iyon ay sakto ang pagpasok ng dalawa sa kanila habang hatak-hatak ang katawan ni ... Cyrus. PPatay na ba siya? Hindi maari. Sinigaw ko nang sinigaw ang pangalan ni Cyrus pero tuloy lang ang paghatak sa kanya hanggang sa masandal siya sa sulok ng kwarto.

 

"Pano ba yan? Diba, sabi ko sayo, nag-iisa ka na lang talaga ngayon?" narinig ko pang sabi ni Miaka. Sa pagsasalita niya, para bang ang laki ng pinagbago niya ngunit maaring hindi rin. Pwede rin namang nasasabi niya ang lahat ng ito dahil galit na galit siya sa akin—sa amin.


Si Miaka ... napakabait niya. Alalang-alala ko pa noong ako pa ang tinutukso ng lahat. Noong ako pa ang pinagti-tripan at inaasar, isa siya sa kumakausap sa akin, sila ni Hanako. Pero mula noong nasama na ko kay Sapphire, binalewala ko na lang sila. Ayaw kasi ni Sapphire na may kasama siyang nakikisalamuha sa mga 'losers' na tinatawag niya. Sinunod ko si Sapphire, palagi naman.


Mula noong nalaman ni Sapphire ang tungkol sa bagay na iyon, doon na niya sinimulan na pag-initan si Hanako. Bilang mabuting kaibigan, lagi siyang pinagtatanggol ni Miaka pero sa dulo, nagkagulo-gulo din pati silang dalawa. Siguro nang dahil doon, nangyari ang hindi dapat nanyari—ang pagpatay kay Miaka.


Hindi ako nagulat. Siguro kung si Hanako ang nakita kong buhay, magugulat ako pero medyo inaasahan kong buhay si Miaka kasi noong iniwan namin siya sa party na iyon, nang nagtakbuhan ang lahat dahil sa takot pati na rin ang pagsugod kay Sapphire sa Ospital. Alam kong humihinga pa siya noon. Pinabayaan ko. Hindi ko sinabi kala Cyrus. Siguro dahil gusto ko rin naman na hindi siya mamatay. Siguro dahil hanggang ngayon, nagpapasalamat pa rin ako sa kanila.


"Hoy, wala akong interes sayo kaya bilisan na lang natin ang pagtapos sayo ha? Kulang pa kami ng isa, maswerte ka." sabi pa niya nang tumabi siya kay Miaka. Nakapameywang siya sa harapan ko. Ibang-iba siya ngayon. Hindi tulad sa tuwing nasa school siya. Mukhang, ganito talaga ang tunay niyang ugali. "Ang boring mo. Hindi ka ba magpupumiglas diyan at sumigaw? Psh. Isa ka pa sa mga papansin sa school eh. Akala ko, hindi ko napapansin? Ayokong humaharang ka sa daan ko. Ayokong humaharang ang isang tulad mo sa kanya na para sa akin lang."


Hindi ko siya pinansin. Wala rin naman akong interes sa kanya lalo na sa mga sinasabi niya. Hindi naman ako kasing desperada niya. Kung papatayin nila ako, sige, ayos na sa akin. Habang mas iniisip ko kasi, mas mabuti na rin ang ganito. Ngayon ko lang napag-isip isip na kung hindi nanyari ito, kung hindi ako na dito sa kinalalagyan ko at hindi ako trinaydor ni Austin baka ... maging katulad na din ako ni Sapphire. Baka halos hindi ko na masikmura ang mga susunod kong gagawin.


Tama.

Patayin na nila ako.


"Tara na. Tapusin na natin ito." Narinig kong sabi ng nasa kanan ni Austin. Isa pa to. Sino bang mag-aakala na isang tulad niya ay sasali sa ganitong klaseng laro? Isang matalino at mataas na tao. Ginagalang ng karamihan. "Nagulat ka ba?" tanong niya habang tinatanggal ang kulay asul na polo niya  na puro dugo at tumambad sa amin ang kulay puti niyang sando sa loob. Inilapag niya ang polo niya sa malapit na lamesa at lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok ko saka ngumiti. "Nice to see you here." Ganun pa rin ang aura niya, akala mo napakabait ... akala mo napakabuti. Kung hindi ko lang alam.


"Kailan nyo ba ako papatayin? Ang tagal naman." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Desidido na ako ngayon. Tutal, wala naman akong laban. Walang-wala.


"Bigla ka atang tumapang?" biglang sabi ni Austin na inaayos ang suot niya na puro dugo din. Tumapang? Hindi rin. Sumusuko na ako. Sinusuko ko na ang lahat.


Nakatingin lang ako kay Austin nang masama habang hindi nagsasalita. Isa siyang traydor. Isa siyang malaking traydor. Kung titignan ang klase, si Austin ang isa sa mga tao na hindi ko akalain na kasama sa kanila. B—Bakit ba kasi ako nagpaloko sa isang lobong nagpapanggap bilang sa kuneho?


Ngayon, alam ko na. Parang alam ko na ang larong ito.


"Hindi ako tumapang. Tanggap ko lang na wala na akong laban. Takot akong mamatay pero ano pa bang magagawa ko?" napatingin ako sa gilid upang maiwasan ang tingin ni Austin. Naramdaman kong nagsilapitan silang apat sa akin. Saka ako muling tumingin sa kanila nang natapos sabihin ni Austin ang mga katagang iyon.


"May magagawa ka pa. May paraan pa para hindi ka mamatay." Nanlaki ang mga mata ko habang tuloy pa rin na pag-intindi sa sinabi niya.


"M—May paraan pa?" pag-ulit ko.


"Oo." Sabi niya habang nakasandal sa pader kalapit ni Austin. "May gusto lang kaming makuha at alam naming meron ka nito." Wika niya habang nakangiti sa akin pero alam kong peke naman iyon. Tulad ng mga ngiti at kaplastikan niya sa tuwing nasa Laketon siya. Sabi ko na nga ba, tama ako sa iniisip ko sa kanya.


"Ano naman yon?" tanong ko.


Ang problema sa akin, mabilis akong magtiwala pero sa pagkakataon na ito parang hindi na kapani-paniwala ang lahat ng sinasabi nila. Tama si Abigail, hindi dapat kami basta nagtiwala sa picture na iyon. Hindi dapat kami basta nagtiwala sa kalaban. Nagbulag-bulagan ako at ang tanging dahilan lang nun ay ang tungkol kay Sapphire.


"Ebidensiya na magkapatid si Sapphire at Hanako." Tuloy-tuloy niya sinabi.


Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol doon. E—Ebidensiya? Hindi ko magagawa iyon. Hindi ko kayang gawin iyon. Wala na sa akin ang ebidensiya. N-Nasa kanya na.


Bakit nila kinukuha sa akin ang ebidensiyang iyon kung hawak iyon ng isa sa kanila?


Napayuko ako.


"P—Patayin nyo na lang ako."


Ngumisi siya. 


"Ano ba tong kinuha mo Austin, napaka-KJ. Pero ayos na rin, kanina ko pa naman siyang gustong patayin eh." Umupo siya sa harapan ko. Umirap siya pagkalingon niya sa may parte ng tagiliran niya at may binunot na kutsilyong nakabulsa sa pantalon niya. "Simulan ko na ba?" tanong niya sa mga kasama niya.


Napasandal ako sa pader nang mabilis akong umatras habang tinitignan ang makintab na kustilyo sa harapan ko.


"Sus. Ikaw lang ba?" tanong niya sa kanya. Narinig kong tumawa si Austin sa sinabi nun.

 

"Sobra na kayo ha?! Napatay nyo na nga yang Cyrus na yan eh." Cyrus. Ngayon lang niya tinawag si Cyrus nang ganyan. "Ako naman diba, Miaka?" sabi niya nang lumingon siya kay Miaka. Walang kibo namang may inilabas si Miaka sa bulsa niya na isang blade.


"Sige, tapusin mo siya tapos ako ang aayos ng pagpresenta sa kanya sa mga kuneho." Sabi ni Miaka ng tumaayo at pumunta sa sulok kung saan naroroon si Cyrus.Nakita kong nilapitan niya ang nakahigang katawan ni Cyrus at ilang beses na pinadaan ang blade sa mukha nito habang malapad ang ngiti.


Lumabas ang dalawa sa kanila kasabay ng pag-lock ng pintuan. Ang tanging natitira sa loob ng kinalalagyan ko ay si Miaka at siya. Ngumiti siya sa akin bago niya padaanan ang talim ng kutsilyo sa mukha ko. Kilabot ang tangi kong nadarama sa buong katawan ko na unti-unting napapalitan ng takot.


"Nanginginig ka. Anyare? Diba, gusto mo ng mamatay?" sabi pa niya.


Lumunok ako ng laway ngunit para bang mas lalo pang nanuyo ang bibig ko. Wala akong masabi. Wala akong maisip kung hindi ang pumikit at damhin na lamang ang sakit sa mga susunod na sandali hanggang sa malagutan ang hininga ko.


Napapikit ako at napakagat nang matindi sa labi ng dahan dahan niya ginuhit nang madiin ang kutsilyo sa noo ko pakaliwa na para bang binabalatan ang kalahati ng mukha ko. Nagpumiglas ako sa pagkakatali dahil sa hapdi na nadarama ko. Ramdam ko din ang dugo na umaagos mula sa noo hanggang sa baba ko. Napakalagkit. Malansa.


A-Ang sakit..


Ilang segundo ay napabuka ako ng bibig dahil sa sakit. Naramdaman kong napunta lahat ng dugo sa bibig ko dahil sa ginawa kong iyon. Isang tawa naman ang tugon niya sa ginawa ko. Nasa may parte ng pisngi na ang kanyang kutsilyo nang biglaan siyang tumigil at nagsalita.


"Gusto ko ng sumisigaw ang pinapatay ko. Hindi ako mahilig sa mga nagtatapang-tapangan. Naiirita na ko sayo." Hinawakan niya ang mukha ko na puro dugo. Hindi ko man lubusang makita ang mukha niya dahil sa halos buong mukha ko ay puro dugo na pero malinaw pa rin ang parte ng mga mata niya. Ang maliit at makikislap na mga matang iyon.


D-Dapat ko siyang makausap. Dapat ko siyang balaan sa nilalang na nasa harapan ko. Kung hindi niya malalaman ang lahat ... baka isunod siya nitong demonyong nasa harapan ko. Hindi ako makakapayag na patuloy lang siya nagpapaloko sa inosenteng mukha nito. Kaso mukhang impossible ng mabalaan ko pa siya.


"Kung ayaw mong sumigaw. Sige, gagawa ako ng paraan." Lumabas siya ng kwarto. Iniyuko ko ang mukha ko upang maipunas sa suot kong damit na mas lalong nagpahapdi ng nararamdaman ko. Hiniwa niya ang halos kalahati ng mukha ko na para bang nagpipinta lang. Hindi ko alam na ganito pala siya kasama.


Isang hagikgik galing kay Miaka na nakaupo lang sa sulok ang narinig ko kasabay ng muling pagbukas ng pintuan. Saka ko siya nakita na may hawak na takure na paniguradong punong-puno ang laman dahil may tumutulo pang mainit na tubig mula rito.


"Ready ka na ba?" isa pang tawa ang ginawa niya bago niya ibuhos ang mainit na tubig sa mismong mukha ko na nagdulot ng isang napakalakas na sigaw mula sa akin. Ramdam ko ang paglapnos ng balat ko lalo na ang dila ko. Tuloy-tuloy na pagtawa ang ginawa niya. "Ang saya naman nito." Sambit pa niya bago muling ibuhos ang mainit ng tubig sa paanan ko.


Hanggang sa hindi na ako nakasigaw.


Hindi ko maipaliwanag ang sobra-sobrang hapdi at sakit na nadarama ko ngunit ang tangi ko lang gusto ay matapos na ito.


Napatingin siya sa hawak niyang takure ng maubos ang laman nito. Hingal na hingal naman ako habang halos na nakahandusay na sa sahig dahil sa nararamdaman kong lubhang sakit. Nakalawit ang dila ko na para bang isang asong ulol. Pakiramdam ko, laman na mismo ng katawan ko ang nakadikit sa malamig na sahig na kinalalagyan ko.


Ilang minuto ang nakaraan at nakahiga lang ako rito. Hindi ko alam kung nasaan na siya o kung nandito pa rin ba siya sa loob ng kwarto. Halos hindi na ako makaaninag, humina na rin ang pandinig ko at ang pakiramdam ko. Basta ang alam ko, napakasakit ng nadarama ko.


Ginamit ko ang natitira kong lakas upang itaas ang ulo ko at bahagyang umupo nang biglaan kong naramdamn ang pagpalo ng isang napakabigat ng bagay sa may tuhod ko ... isang bakal. Ramdam ng mga laman sa mukha ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Wala na kong magawa ... kung hindi maiyak na lang sa sakit.


Tinanggap ko lahat ng palo ng bakal na ginawa niya ... sa tagiliran, sa balikat at kung saan pa. Hanggang sa walang na akong kalakas-lakas na nakahiga na lamang talaga doon.


May sinabi siya ngunit hindi ko ito naintindihan dahil sa sobrang kahinaan ko pero alam kong importante ito, nararamdaman ko. Isang malakas na palo sa lalamunan ang naramdaman ko hanggang sa nawalan na ko ng hininga.


Pagkamulat ko ng mata, may nakita akong apat na tao sa harapan ko. Si Raphael, Sapphire, Spade at si Clyde. Hawak ni Clyde ang kamay ni Sapphire habang blanko silang nakatingin sa akin. Si Spade naman ay nakatayo lamang at nakangiti sa akin habang si Raphael ay ganun din. Sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang pagluha ni Sapphire.


"Sapphire." Sambit ko sa kanya habang lumalapit ngunit sa bawat paglapit ko ay ang paglayo naman nila. "Sapphire..." Sabi ko pa ulit.


Anong ibig sabihin ng nasa harapan ko?


Hanggang sa unti-unti silang naglalaho ngunit bago sila tuluyang mawala ay malinaw kong nakita ang paghugot niya ng kutsilyo mula sa likuran niya at isang ngisi sa labi niya.


Tuluyan silang nawala sa harapan ko. Saka ko nakita ang isang malaking tao na puting-puti sa gilid ko. Nakatingin lang siya sa akin at walang anu-ano ay naglakad siya paabante.

 

Sumunod ako sa kanya.

  

 

RAPHAEL'S POV


Sinarado ko ang pintuan palabas nitong restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Bago ako makaalis nang tuluyan ay nasalalubong ko ang isa kong katrabaho, mas matanda siya sa akin at nasa kolehiyo na.


"Ingat Raph." Ang sabi niya. Isang ngiti lang ang tugon ko.


Naglakad na ko palayo. Kailangan ko ng makauwi, hinihintay na ako panigrurado ni nanay. Medyo maaga pa naman kaysa sa mga uwi ko dati pero ayos na rin to, titignan ko din kung nakauwi na si Gabriel sa amin, ang kapatid ko. Palagi kasing gumagala yon. Hindi ko naman sinasadya ang pagrerebelde niya. Pero siguro kailangan lang niya ng panahon para maintindihan ang lahat.


"Raphael." Napalingon ako at bumungad sa akin ang taong ayaw na ayaw ko ng makita. "Anak ko, kamusta na kayo?" Ang tatay ko. "May pera pa ba kayong panggastos? Teka, meron ako dito." Sambit niya habang kumukuha ng pera sa bulsa niya.


"Hindi namin kailangan ng pera mo." Tumalikod na ako ngunit narinig ko ulit ang boses niya.

 

"Anak! Bumalik na kayo sa akin. Nahihirapan ka na diba? Anak, nabayaran ko na ang lahat ng utang ko. Ayos na ang pamumuhay ko. Hindi na kayo mahihirapan. Hindi na magiging delikado ang buhay nyo." Napatigil ako. "Anak, patawarin mo na ako."


Napangiti ako. Ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya pero hindi ko na kayang maniwala sa kanya. Napakalaki ng kasalanan niya sa amin. Ako lang at si nana yang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon. Wala akong balak na sabihin pa sa kapatid ko. Mas mabuting ako ang lumabas na masama sa kanya kaysa masira ang pagtingin niya sa tatay namin. Kahit yun lang.


"Ayokong bumalik ang pamilya namin sa isang tao na muntikan na kaming ibenta."


Tuluyan na kong naglakad palayo. Alam kong hindi na niya ako muling susundan. Mula sa paglakad ay naging takbo na ang ginawa. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa napagod ako. Hingal na hingal akong tumigil.


"Ba't ka tumaktakbo?" isang malamig na boses ang narinig ko.


Lumingon ako kay Luna na nakaupo sa bench dito sa gilid ng isang gusali. May hawak siyang tali na nakakabit sa aso. Mukhang ginagala niya ang alaga niyang aso. Nakatingin lang siya sa akin gamit ang mga malalamig niyang mga mata.


"WWala. NNagjo-jogging lang." Nagulat ako sa sagot ko at inaasahan ko sanang tumawa si Luna ngunit patuloy lang ang pagtingin niya sa akin na para bang wala siyang narinig na maling sagot.


"Kakaiba naman yang gawain mo. Minsan, masubukan ko." Ang tanging sinabi niya. Tumayo siya habang hawak-hawak sa kanan niyang kamay ang tali ng aso niya. Maglalakad na sana siya palayo nang napatigil siya sa sinabi ko.


"Mag-ingat ka kay Spade. Kung may pagkakatiwalaan ka, huwag na huwag siya." Pero ang sagot niya ang mas nakapagpagulat sa akin.


"Alam ko. Ikaw rin naman, diba?"


At naglakad na siya palayo.


Kakaiba talaga si Luna. Alam din ba niya ang sikreto ni Spade? Alam din ba niya ang totoong katauhan ni Spade? Nilabas ko ang dyaryo sa loob ng bag ko at kahit ilang beses kong basahin ang parte na iyon, pangalan pa rin ni Spade ang nakikita ko isama pa ang litrato niya roon. Alam kong siya ito.


Lalakad na sana ako palayo upang makauwi na nang biglang nahagip ng mga mata ko ang dalawang tao sa kabilang kanto.


Si Sapphire at si Clyde.

 --------------------------------------------x


 - A U T H O R ' S   N O T  E  -

 

DEDICATED KAY AMCPortales. Dahil sa kanyang walang tigil na suporta, hindi lang dito sa storya na ito kung hindi sa iba ko pang kabaliwan haha. Maraming maraming salamat! *punas ng luha* 

CATASTROPHE.Means a sudden, extensive, or notable disaster or misfortune

SI KATHERINE PO ANG NASA .GIF SA GILID.



Salamat sa pagbabasa. <3333 Voice out your opinion guys. 


Continue Reading

You'll Also Like

21.2K 635 42
Sa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
917K 20.6K 87
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- Sinong hindi nakakakilala sa BLUE ORIONS? Sila lang naman ang maloloko at mayayabang na g...