Marrying My Ex [MinSul]

By darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 19

6.4K 129 14
By darkkkAJ

CHAPTER 19 - Sorry

Jaehee's POV

Andito ako ngayon sa rooftop. Namimiss ko na si Eungyeol. Wala akong kadaldalan. Walang ka-tsismisan. Walang punching bag. Siguro nag-eenjoy yun ngayon sa honeymoon nila ni Hanna. Kailan kaya babalik yun?

"Nandito ka lang pala."

Ay anak ng baklang palaka! May nagsalita! Pagtingin ko… Si Taejoon lang pala. DUG-DUG-DUG-DUG. Hala? Anyare sa iyo, heart? 

"Bakit ka mag-isa dito?" tanong niya.

"Kasi... wala akong kasama? Kaya siguro ako mag-isa diba?" pilosopong sagot ko. Very good, Goo Jaehee.

"Dorm 2 ka rin pala noh? Ibig sabihin magkasama tayo." sabi niya sabay sandal sa railings.

"Kailan ba yung event?"

"Di ko alam eh."

I shrugged. Tapos natahimik kami pareho. Paghinga ko lang naririnig ko eh. Nakatingin lang ako sa buong campus, kitang-kita kasi dito sa rooftop. Nagfflashback na naman sa utak ko yung pinagsasabi ni Krystal. Ewan ko ba, pero BV talaga ako sa babaeng yun! Di ko naman siya inaano eh. Kung gusto niya si Taejoon, edi magsama sila! Bakit kailangan pa akong pagsalitaan ng kung ano-ano.

"Taejo--"

"Jae--"

Sabay naming sabi.

"Ikaw muna." sabi niya.

"Hindi, ikaw muna. Please." sabi ko naman.

He sighed. "I'm sorry." Then he looked down. "I'm sorry sa mga nasabi ni Krystal." sabi niya tapos tumingin siya sa akin. Mind reader ba siya? Like seriously? Kanina lang yun yung naiisip ko eh.

"H-ha?" inosente daw ako kunwari.

"Wag mo nang i-deny. Alam ko namang narinig mo yun." Malungkot niyang sabi.

“Tss. Tama naman siya! Hindi naman talaga kita deserve. Hindi deserve ng isang tulad ko ang iwan…” Whoa. Bakit ko sinabi yun? Kahit ako nagulat pagkasabi ko nun. Pero wala naman tayong magagawa, gustong lumabas eh.

Kita ko sa peripheral view ko ang lungkot sa mga mata niya... Jaehee, wag kang bibigay! Wag kang maaawa diyan! Pa-effect lang yan. Ginagawa niya lang lahat yan dahil sa high jump!

“I-I’m so sorry, Jaehee. I’m so sorry.”

Pumikit ako. Parang may kung anong nagsasabi sa akin na humarap sa kanya at yakapin siya kasi sincere naman siya sa paghingi niya ng tawad. Pero may nagsasabi rin sa akin na magmatigas at huwag ibababa ang pride ko. Dahil kung bibigay ako, ako na naman ang kawawa. Hindi ako masokista.

“Jaehee~~” Hindi ako lumingon.

“I’m sorry.” Yung boses niya para bang naiiyak na. Alam niyo yun. NO TAEJOON STOP. BAKA BUMIGAY AKO. NO.

“Jaehee. Please. ” Wag kang lilingon,  Jaehee. Pabayaan mo siya diyan parang sirang plaka. Bakit ba biglang nag-sorry itong taong ito? Ano na naman bang pumasok sa kokote niya at biglang naisip niya ang salitang sorry. Nagsisisi na ba talaga siya? Nagsisisi na siya na iniwan niya ako noon? Bakit? Kasi ako nalang ang pag-asa niya para manatili diyan sa pangarap niya? Oh sorry.

“I’m sor---“

“STOP! Ano ba, Taejoon?! Hindi ka ba titigil?!” napasigaw ako. Nakita kong nagulat siya. Ako rin naman nagulat, pero bugso ng damdamin yun eh. Hindi ko na napigilan, katulad ng naunang sinabi ko sa kanya kanina.

“Jaehee…”

“Wag ka nang magsalita! Ayoko nang marinig ang boses mo! Ayaw na kitang makausap kahit kailan! Taejoon, pwede ba? Pabayaan mo na ako!” pagkasabi ko nun ay iniwan  ko siya, bumaba na ako at dumeretso sa CR at doon ko ibinuhos lahat ng sakit dito, dito sa puso ko. Umiyak ako nang umiyak. Pinagtitinginan nga ako ng ibang babae na pumasok sa CR eh, pero wala akong pakialam. Umiyak din sila kung gusto nila. Mga tsismosa.

Luhaan pa rin akong lumabas ng CR kasi dumating yung janitress na maglilinis, panira ng moment eh. Nag-eemo ako.

“Ah miss, pwede ba lumabas ka muna kasi maglilinis ako?”

Tiningnan ko lang siya at lumabas na. Pumunta ako sa field at umupo sa damuhan. Wala naman sigurong janitor na dadating dito at paaalisin na naman ako diba? Bakit ba kasi kailangan kong mahirapan ng ganito? Bakit kasi kay Taejoon pa ako ikakasal? Pwede namang sa ibang lalaki nalang ah. Yung hindi ako iiwan. Tulo pa rin ng tulo yung luha ko. Hindi ko alam kung bakit, siguro kasi hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.

At bakit ba umiiyak na naman ako? Pesteng luha naman oh. Diba sabi ko sa sarili ko, hindi ko na iiyakan ang Kang Taejoon na yan? Matigas na ako ngayon pero bakit lumalambot na naman?

“Panyo oh.”


“Meron ako niyan. Salamat.” Pag-angat ko ng tingin… O_O

“CHA EUNGYEOL!” sa sobrang tuwa ko, napatayo ako at napayakap sa kanya. “Andito ka na *sniff* na-miss kitang unggoy ka. *sniff*”

Tumawa si Eungyeol at niyakap rin ako. “Na-miss kita, Jaehee.”

Bumitaw na ako sa yakap. Sa wakas, may GV na! Nandito na ulit si bestfriend. May punching bag na ulit ako!

“Ano bang problema mo at umiiyak ka? Naalala ko tuloy noong una tayong nagkakilala." Tapos tumawa ako. "Teka, may nagpaiyak ba sa iyo?!”

“Si Taejoon.” Malungkot kong sagot.

“Kang Taejoon na naman?! Siya nalang lagi…” He sighed. “Sana sa akin ka nalang ikakasal. Sana sa iyo nalang ako ikinasal. Siguro wala tayong problema.” Tapos yumuko siya.

“Anong pinagsasabi mo? Ha? Teka, don’t tell me may problema rin kayo ni Hanna?” Oh no… My poor bestfriend.

“Sinabi ko sa kanya na… ikaw ang gusto ko, Jaehee.

O_____O

HAAAAAAAAAA?!

So you’re telling me na nagkakatotoo yung joke ko kay Taejoon na gusto ako ni Eungyeol? Uy joke ko lang yun!


"Wag ka ngang magbiro diyan, Eunggoy!" Nawala na yung mga luha ko.

"Ayan, wala na yung mga luha mo." Tapos ngumit siya.

Whoa. Nakahinga ako doon, akala ko, seryoso siya. Pero effective ha, nawala nga yung mga luha ko!

***

Taejoon’s POV

Naiwan akong naka-tanga dito. Grabe, ayaw niya na daw marinig ang boses ko at ayaw niya na daw akong makausap kahit kailang. Ang sakit. Siguro nagtataka na rin kayo kung bakit bigla akong nag-sorry kay Jaehee…

FLASHBACK

 

Kasama ko ngayon ang apat na baliw kong kaibigan. Kanina ko pa hinahanap si Jaehee eh. Saan naman kaya nagpunta yun? Mag-isa lang siya eh. Nag-aalala rin naman ako.

 

“Ano bang dapat kong gawin?” Ang topic kasi namin ay itong walang kamatayang problema ko kay Jaehee.

 

“Nasagot mo na ba yung tanong namin sa iyo dati? Kung mahal mo pa rin si Jaehee?” tanong ni Jonghyun.

 

 

“O-oo…” sabi ko. “…mahal ko siya, yun na yun.”

 

 

Ngumiti naman silang apat.

 

 

“Nag-sorry ka na ba sa kanya?” tanong ni Kibum.

 

 

Napaisip ako. Oo nga noh? Hindi pa ako nakakapag-sorry.Baka naman kapag nag-sorry na ako, mapatawad niya na ako diba? Tapos magiging masaya na kami ulit. And we lived happily ever after!

 

 

“Hindi pa.” sagot ko.

 

 

“Ayun naman pala! Edi mag-sorry ka na!” sabi ni Jinki.

 

 

“Ngayon na?”

 

 

“Kung kaya mong gawin ngayon, bakit hindi? Ipagpapabukas mo pa ba?” sabi naman ni Taemin.

 

 

Ngumiti ako at hinanap si Jaehee. Nagpunta ako sa cafeteria, pero sina Krystal ang nandoon. Aalis na sana ako nang tawagin ako ni Krystal. Ano na naman kayang kailangan niya?

 

 

“Oh bakit?” tanong ko paglapit sa table  nila.

 

 

“Have you eaten? Come, join us.” Sabi niya, sabay ayos ng upuan sa tabi niya.

 

 

“No, thanks. Kailangan ko pa kasing makausap si Jaehee.Do you know where she is?” Krystal rolled her eyes.

 

 

“Nasa rooftop siya!” sabi ni Amber.

 

 

“Really? Thank you, Amber. Excuse me girls, I have to go.” Ngumiti ako at tumalikod na. Halos tumakbo na ako papunta sa rooftop. Hindi ko ininda ang pagod at taas ng aakyatin. Basta, dapat kong makausap si Jaehee ngayon.

 

 

 

Hindi naman ako nabigo… Pagkarating ko sa rooftop, nandoon si Jaehee.

 

 

 

 

 

 

At alam niyo na kung anong nangyari </3

 

 

END OF FLASHBACK

 

Nandito pa rin ako sa rooftop. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Napako ako dito sa kinatatayuan ko at nakatingin sa hagdan, hagdan kung saan tumakbo si Jaehee pagkatapos niyang sabihing ayaw na niya akong makausap kahit kailan. Parang sinabi na rin niyang wala nang pag-asang magkaayos pa kami. Wala na.

Paano na ngayon yan, Jaehee?

Paano ko sasabihin sa iyong mahal kita kung ayaw mo na akong makausap kahit kailan?

 

***

 

Eungyeol’s POV

Himala mula sa kalangitan! Nagkaroon din ako ng POV!

Kailangan ko pa bang magpakilala? Ako si Cha Eungyeol, isang soccer player at bestfriend ni Goo Jaehee. Bakit ako nandito sa Korea? Katulad ng sinabi ko kay Jaehee noong pag-dating ko dito, nandito ang puso ko...  (Chapter 6)

...at siya yun, si Jaehee yun.

Oo. Tama ang nabasa ninyo. Kaya ako nagbalik dito sa Korea ay dahil kay Jaehee. Gusto ko kasi siya. Ay mali pala... Mahal ko siya.

Gulat kayo noh?

Una ko siyang nakilala sa America. Naattract ako kasi sporty rin pala siya. Nagprapractice sila ng Athletics noon at saktong napadaan ako dahil may match kami sa soccer field. Na-amaze ako kasi kahit ang payat niya tingnan, ang bilis niya tumakbo! Lumipas ang araw at nakita ko na naman siya sa lugar na iyon, ang kaibahan lang – nakaupo lang siya sa may bleachers at umiiyak.

Hindi ko alam kung bakit pero nilapitan ko siya at binigyan ng panyo.

“S-salamat.” Sabi niya pagka-kuha ng panyo at pinunasan niya ang luha niya. Ngayon ko lang narealize na ang ganda pala niya lalo kapag malapitan. Ang haba ng buhok niya at ang kinis ng balat. Whoa. Ang puso ko, tumitibok-tibok!

 

“Athletics ka diba?” tanong ko.

 

“Oo.” Sagot niya.

 

“Bakit ka umiiyak?”

 

Tumingin siya sa akin. “Hindi kita kilala. Bakit ko sasabihin sa iyo?” sabi naman niya. Napangiti naman ako doon. Ang cute niya eh.

 

 

“Okay sige. Ako si Cha Eungyeol.” Sabay lahad ng kamay. “Eh ikaw? Dapat kilala din kita.”

 

 

Ngumiti siya… “Goo Jaehee. Nice meeting you, Eungyeol.” Tapos nag-shake hands kami.

Hindi pa niya agad ikwinento sa akin kung bakit siya umiiyak nun, ang sabi lang niya, dahil daw sa pag-ibig. Napaka-walang hiya naman ng lalaking nanakit sa kanya. Pero simula noon, lagi na kaming magkasama. Nalaman ko rin kasi na schoolmate ko pala siya! Oh diba! Destiny. :”>

 

 

Nagulat nalang ako isang araw kasi nag-iba ang itsura niya. Ginupit niya yung mahaba niyang buhok. Ang sabi niya, lalaki na rin daw siya. Gusto kong tumawa nun kasi ang cute at ang lambot niya namang lalaki. Hahaha. Pero hindi, sobrang nasaktan siya dahil sa pag-ibig kaya ayan, nagbago siya. Ang laki ng epekto ng lalaking yun kay Jaehee, kung sino man siya.

 

 

Dumating yung araw na nalaman ko na rin ang tunay na dahilan kung bakit siya umiiyak noong una kaming nagkausap, at kung bakit binago niya ang sarili niya…

 

 

Nasa bahay nila kami nun, wala ang Kuya Daniel niya kaya kaming dalawa lang ang nandito. Nanonood kami ng TV nun, si Jaehee, may hawak ng plato kasi kumakain kami, nang biglang may news flash.

 

 

“Korean High Jumper, Kang Taejoon arrives on LAX airport… blablabla.” Nagulat ako kasi biglang nalaglag yung plato na hawak ni Jaehee.

 

 

“Huuuy. Anyare?!” Parang wala siyang pakialam kahit nahulog at nabasag yung plato, nakatingin lang siya sa TV, kung saan pinakita yung Kang Taejoon na yun. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

 

“Jaehee~ Anong problema?” humarap siya sa akin at niyakap ako. Okay?

 

 

“Nandito siya, Eungyeol. Nandito siya…”

 

 

“...Yung lalaking dahilan kung bakit ako ganito ngayon… Kung bakit ako umiiyak noong nagkakilala tayo.” Sabi niya tapos bumuhos na naman ang mga luha niya.

 

 

Doon ko narealize na ang walang hiyang lalaking iyon ay si Kang Taejoon.

 

 

 

 

Simula sa araw na iyon, isinumpa ko sa sarili ko na aalagaan ko si Jaehee. Maliwanag naman sa akin na mahal na mahal pa rin niya si Kang Taejoon kahit sabihin pa niya na galit na galit siya doon. Yun yung bagay na hindi niya maamin sa sarili niya. At dahil doon, nasasaktan ako.

 

 

 

Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na hahayaang saktan pa ulit ng Kang Taejoon na yan si Jaehee. Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Isang araw, kailangang umuwi ni Jaehee sa Korea. Dahil daw ikakasal siya. Hindi niya sinabi kung kanino. Fixed marriage daw. Pero nung malaman ko kay Kuya Daniel ang totoo, agad akong nagempake at nag-book ng flight pabalik sa Korea. Isinakripisyo ko ang pangarap kong soccer.

Andun na ako eh, player na ako ng American Team.

Pero isinuko ko iyon dahil kay Jaehee. Pinili ko si Jaehee. Hindi katulad ng Kang Taejoon na yun...

 

 

 

 

 

 

 

Pero ang mas nakakainis pa. Hindi lang pala sila ang naka-fixed marriage. Ako rin…

Kay Seol Hanna. At ngayon, kasal na kami. Ugh! Anong gagawin ko?! Paano na ito?

-----

AUTHOR'S NOTE:

Hi! Gusto ko lang po sabihing ANG NEXT UPDATE AY NEXT WEEK NA. Midterms na kasi namin. Kailangan kong mag-aral. Hindi pwede bumagsak =__= Sana po maintindihan ninyo. Babawi talaga ako after ng midterms. Huhuhu.

Continue Reading

You'll Also Like

556K 7.8K 40
Nagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex...
28.4K 634 51
👑C👑O👑M👑P👑L👑E👑T👑E👑 💖H💖O💖P💖E💖 😇Y😇U😇O😇 🤔L🤔I🤔K🤔E🤔 🙄I🙄T🙄 New author Sorry for the error Author is not perfect 12th
695K 2.7K 5
Arranged Marriage, uso 'yan ngayon. Eh paano kung ikasal ka sa taong hindi mo naman mahal at isa pa playboy sya. Laging may inu uwing babae sa bahay...
56K 1.4K 61
We don't meet people by accident they are meant to cross our path for a reason... Either it lasts forever or for a meantime happiness.