Marrying My Ex [MinSul]

By darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 17

6K 122 8
By darkkkAJ

CHAPTER 17 - Wedding

 Taejoon's POV

Wednesday ngayon, first day sana ng training ko sa high jump after ng competition ko sa America. Pero dahil ngayon ang kasal nila Eungyeol at Hanna, umabsent kami ni Jaehee. Actully, mamayang hapon pa yun, pero nagpasya kaming wag na talagang pumasok.

Paglabas ko ng kwarto, rinig na rinig ko na ang boses ni Jaehee. May kaaway ba siya?

"Ma naman?! Ano ito?!" Nakita ko siyang pabalik balik na naglalakad sa sala, kausap ang Mommy niya sa phone. Nasa harap niya ang sandamakmak na damit, dress I should say.

"Hindi ko isusuot ang kahit na ano dito!" matigas na sabi niya. Nakatayo lang ako doon, pinapanood siya. Nakakatawa ang itsura niya eh, inis na inis.

"No, you can't do that." sabi na naman niya. "Uhhhh! Okay fine, fine, sige na po. I'll pick a dress at isusuot ko. Okay po? Isusuot ko."

Mukhang pakana ng Mommy ni Jaehee ang lahat ng ito, gusto niyang pagsuotin ng dress si Jaehee sa kasal nila Eungyeol. Ano naman kayang ipinam-blackmail nila? Mukhang pumayag na si siya eh.

Lumapit ako at tiningnan yung mga damit na nakakalat. Itinaas ko yung dress na kulay yellow na unang nakakuha ng attention ko. Cute siya.

"Picture?" What the?! Okay, okay. Just look at the wedding pictures nalang. Okay po, Ma. Bye." Napatingin ako sa kanya. Pagkababa niya ng phone at bumuntong-hininga siya.

"Akin na nga yan!" bigla niyang hinablot yung hawak kong dress. Sungit na naman. Hindi ko na siya kinausap, dahil alam ko namang hindi siya matino kausap ngayon, mainit ang ulo niyan eh.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng kape ng marinig kong tumunog ang doorbell. Sino naman kaya yun. Lumabas ako at nakita ko si Jaehee na nakatingin sa bintana.

"Ako na." sabi ko. Binuksan ko ang pinto at lumabas ng gate, wala namang tao. Tss. Umagang-umaga, may nantritrip na. Tumalikod na ako nang may yumakap sa likod ko...

"HI OPPA!" Napapikit ako. Oh no, Krystal. Napatingin ako sa bintana kung saan nakasilip si Jaehee, agad niya itong isinara.

Tinanggal ko yung pagkakayakap ni Krystal. "Bakit ka nandito? May pasok ngayon ah. Training pa."

"Eh bakit ka rin nandito? Bakit ka aabsent?" tanong nito sabay pout.

"May importante akong pupuntahan."

"Ahh... Di mo man lang ba ako papapasukin sa bagong bahay mo? Pumunta ako sa bahay niyo kanina, pero sabi ng katulong, dito ka na raw nakatira. Bakit?"

Aish. Ang daming tanong.

"Nandiyan ba siya?" tanong niya ulit. Di ko pa nasasagot yung tanong niya, may tanong na naman.

"Sino?"

"The lucky girl you're going to marry." sabi nito at agad na pumasok.

Hindi nga pala niya alam na si Jaehee na nakilala niya noong first day ng school ay ang Jaehee na papakasalan ko.

Bago ko pa man siya mapigilan, nakapasok na siya sa bahay.

"H-hi..." bati ni Jaehee habang nagmamadaling binuhat ang mga damit at umakyat papuntang kwarto.

Sinundan ng tingin ni Krystal si Jaehee saka humarap sa akin. "S-siya?"

Nag-nod ako.

"Yung tomboy na yun?! WHY oppa?!"

"Ssssh. Ang ingay mo, baka marinig ka niya."

"So what? I don't care kung marinig niya ako. She doesn't deserve you. Ang kapal ng mukha niya. Ayaw niyang magpakasal sa iyo?!" Nakwento ko na rin kasi sa kanya yung tungkol sa mission ko and everything, pati na rin sa pagiging hard ni Jaehee sa akin. Krystal is a very good friend, pari na rin sina Luna, Amber and Victoria. They were like my ate's and younger sisters.

"No..." Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano sasabihin.

"Noon palang, hindi ka na niya deserve!"

Hindi ako nakasagot. Napayuko nalang ako.

"Why don't you marry me instead, Taejoon?"

A-ano daw? O_O

***

Nakabihis na ako ngayon, ready to go na sa kasal nila Eungyeol, pero si Jaehee, hindi pa rin lumalabas ng kwarto. Tahimik lang siya, pati nung kumain kami ng lunch. Hindi kaya narinig niya yung pinagsasabi ni Krystal? Ugh. For sure, narinig niya lahat yun. Krystal kasi eh, walang preno ang bibig. Mainit na nga ang ulo niya dahil sa mga damit na padala ng Mommy niya, nadagdagan pa ni Krystal.

Dahil naiinip na ako, at baka ma-late kami, umakyat na ako sa kwarto. Kakatok na sana ako ng bumukas ang pinto at iniluwan nito ang isang napaka-gandang babae. Suot niya yung yellow dress na hawak ko kanina. Dahil doon, napangiti ako.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulala sa kanya doon.

"H-hindi pa ba tayo aalis?" Nakayukong sabi niya, may halong pagka-inis na inip ang boses niya.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Wag mo nga akong hawakan!" Pero hinawakan ko pa rin siya saka ko hinawakan ang baba niya at iniangat ang mukha niya para magtama ang aming mga mata. Kitang-kita ang galit sa mata niya. Bakit?

"You're so beautiful, Jaehee. Sigurado akong mas gaganda ka pa kapag ngumiti ka."

Lumambot ang expression niya.

"Can you smile for me?" seryoso kong tanong.

She smiled... Fake smile.

Agad niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa balikat niya at bumaba na siya. Tahimik lang kami sa kotse. Gusto ko sanang tanungin kung bakit siya nagkakaganyan, dahil ba sa narinig niya ang mga sinabi ni Krystal kanina? Pero hindi ako nakapagsalita.

Agad kaming nakarating sa venue ng kasal. Isang garden wedding ang kasal nila Eungyeol at Hanna. Hindi masyadong bongga, katulad ng inaasahan ng mga tao kapag dalawang kilala at mayayamang tao ang involved. Simple lang ang lahat, wala masyadong bisita. Gaya ng sabi ni Jaehee, pamilya at close friends lang ang imbitado.

May designated seats na para sa amin ni Jaehee. Nilapitan pa nga kami ng mga ikakasal at binati. Mukhang masaya sila. Hindi ata nahirapan sa pag-fix ng marriage nung dalawa, hindi katulad nila Daddy at Tito Minwoo.

♫♫♫♫♫ Ten ten tenen... Ten ten tenen... ♫♫♫♫♫

Nagsimula nang maglakad si Hanna, kasama ang mga magulang niya sa magkabilang sides. Ang ganda-ganda niya. Si Eungyeol naman ay nasa dulo na ng altar, nakatitig lang sa bride niya. Grabe ha, mukhang inlove ang itsura nilang dalawa. May something fishy bang naganap?

Naisip ko bigla yung sinabi ni Jaehee noong nasa Jeju Island kami, yung gusto niya si Eungyeol at gusto rin siya nito.

"Okay ka lang ba?" bulong ko.

"Oo naman!" nakangiting sabi niya. FAKE SMILE na naman! Tss. Ang labo naman. Kanina lang, galit na galit siya. Hashtag medyo bipolar.

"Di ka ba nagseselos?" bulong ko ulit.

"HA?!" tapos tumingin siya sa akin saka siya tumawa... "Ahh... Yung tungkol ba sa sinabi ko sa iyo sa Jeju?"

Itinaas ko ang mga kilay ko. Tumawa na naman siya, pero mahina lang.

"Joke lang yun."

O_____O J-joke... JOKE DAW? Samantalang nagselos ako noong panahong yun?! What the... Argh.

"Wag mo na ngang masyadong isipin yun. Magfocus ka nalang sa kasal." sabi niya.

Nakarating na si Hanna sa dulo ng altar at kinuha ni Eungyeol ang kamay niya saka sila naglakad palapit sa pari. Kahit garden wedding, pari pa rin ang nag-preside ng kasal nila.

Sinabi nila ang vows nila na hindi nila iiwan ang isa't-isa in good times and in bad, sickness and in health blablabla till death do us part. Oh basta ganun, di ko naman memorize yun. Tapos sinuot nila ang singsing sa isa't-isa. Ang sweet naman. Ano kayang itsura namin ni Jaehee pag kami na ang nasa ganyang position?

"You may kiss the bride na!" sabi ni Jaehee. Mukhang nageenjoy itong babaeng ito ah.

Dahan-dahang tinanggal ni Eungyeol ang vail ni Hanna saka niya ito hinalikan sa labi. Passionately.

***

"CONGRATULATIONS MR. AND MRS. CHA!" sabi ni Jaehee sabay yakap sa bestfriend niya at kay Hanna. Iniabot ko naman ang regalo sa kanila.

"Congrats, sa inyong dalawa." sabi ko. Ngumiti naman si Eungyeol.

"Salamat at nakapunta kayo!" sabi ni Hanna.

"Oo nga eh. Kayo na ang susunod." dagdag ni Eungyeol at biglang hinampas siya ni Jaehee. Tss. Ayaw pa rin talaga niyang magpakasal sa akin. Itali ko siya sa bewang ko eh!

"Oo nga eh. Punta rin kayo ha." sabi ko sabay akbay sa future wife ko na agad naman niyang tinanggal.

"Kailan ba?" tanong ni Hanna.

"Basta. Malapit na malapit. Diba Jaehee?"

"Ewan ko. Di ata matutuloy eh. Ay teka, picture muna!" sabi niya.

Lumapit sa amin ang mga photographers at pinicture-an kami. So far, masaya naman ang kasal. Masarap rin ang pagkain, tapos basta napaka-perfect ng lahat.


Sana perfect din ang kasal namin ni Jaehee.

Continue Reading

You'll Also Like

48K 1.3K 54
[HIS #1] Fatty Aiah Lauren is not your typical high school student. She desperately wants to get rid of high school. For some reason, she's older tha...
28.4K 634 51
πŸ‘‘CπŸ‘‘OπŸ‘‘MπŸ‘‘PπŸ‘‘LπŸ‘‘EπŸ‘‘TπŸ‘‘EπŸ‘‘ πŸ’–HπŸ’–OπŸ’–PπŸ’–EπŸ’– πŸ˜‡YπŸ˜‡UπŸ˜‡OπŸ˜‡ πŸ€”LπŸ€”IπŸ€”KπŸ€”EπŸ€” πŸ™„IπŸ™„TπŸ™„ New author Sorry for the error Author is not perfect 12th
75.6K 992 17
My roles in life, crying over my ex-boyfriend even though he left me and getting married to someone that I didn't even met before. Of course, people...
62.1K 1.3K 15
Tagalog /light Action /romance /comedy Police woman named tonie has given a mission by her superior to be a bodyguard for the president son. She didn...