I Knew You Were Trouble (SOON...

By Chrispepper

3.1M 78.4K 6.6K

Hindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap a... More

I Knew You Were Trouble
1: Meeting the Bastard
2: The Kiss
3: Kidnap
4: New Neighbor
5: Axe Gang
6: Transferees
7: Tour Guide
8: Bwisitors
9: Please and Sorry
10: Kissed Her Accidentally
11: Ruining The Date
12: Make-over
13: His Parents
14: The Broken Promise
15: Nag-alala lang
17: Peace Offering
18: Thug of war
19: Drunk
20: I'm yours, you're mine
21: The moves
Mensahe ng Sumulat
22: Jollibee
23: The truth
24: Late night talk?
25: Mickey Mouse
26: Debut
27: Debut (Part II)
28: Daddy vs. Van
29: I'll court you
30: Jealous
31: The surprise
32: The note
33: Good bye, Van
34: Eliz
35: Ferris wheel
36: David
37: David (Part II)
38: Date
39: Guilty
40: Unworthy
41 : I didn't mean it!
42: Heartbreaks
43: Another trouble
44: The real David
45: Kiss or Slap?
46: You're my man, and I'm your lady
47: Pamamanhikan?
48: Mission Failed
Announcement
49: Vanessa
50: The Past
51: Wedding Proposal
52: First Christmas together
53: Christmas Date
54: Trouble again?
55: Let's cancel the wedding
56: Ashley San Roque
57: Ashley San Roque (Part II)
58: New home
59: Our demanding bwisita
60: Meagan is Missing
61: We finally saw her
62: Deep coma
63: Finally
64: Finale
A/N
Announcement!!
BOOK UPDATE

16: He likes you

43.2K 1.2K 98
By Chrispepper

MEAGAN PEREZ' POV

"Si Van, apat na araw nang nasa ospital. Wala pa rin siyang malay."

Anong paki ko kung nasa ospital siya? Ano naman ngayon kung apat na araw na rin siyang walang malay? Anong paki ko sa kanya? Wala! Wala! Wala! >.<

Pero...ano nga ba ang rason kung bakit siya nandon? Nakipag-away na naman ba siya? Ano na kayang lagay niya? Kailan ba siya gigising? Kailan siya magiging okay? Kailan—No! Stop. O(>_<)O

Wala akong paki sa kanya. Wala talaga, as in!

Kung...dalawin ko kaya siya r'on? Tapos dalhan ko siya ng makakain at—Hindi nga sabi, ano ba! Ang kulit a. Grr!

Bwisit >_< Hindi ko nalang siya iisipin. Magpo-focus nalang ako sa assignment ko. Tama, tatapusin ko nalang 'to.

"Si Van, apat na araw nang nasa ospital. Wala pa rin siyang malay."

Seriously?! Anong problema ng utak ko ngayon? O_o Bakit paulit-ulit kong naririnig 'yon? Tama na, last na 'yon, ayoko naaaa!

"Si Van, apat na araw nang nasa ospital. Wala pa rin siyang malay."

"Ugh, peste! Nakakaasar na, sobraaaaa >_<" Sigaw ko.

"Anong problema mo, Besh? Ang dali-dali lang ng assignment, sinusukuan mo na? Mangopya kana nga lang sa 'kin." Sabi naman ni Abbi. Kasama ko kasi siya ngayon dito sa bahay. Dito niya raw gustong gumawa ng assignment namin.

"Hindi naman ako sa assignment naaasar kundi sa sinabi ni Carlo."

"Yung tungkol kay Van? Hoy, Meagan, don't tell me nag-aalala ka r'on sa lalakeng 'yon?" Taas-kilay na tanong niya. Tinutukan pa niya 'ko ng ballpen sa mukha.

"Syempre naman...hindi. Syempre hindi. Bakit naman ako mag-aalala r'on?" Hinarap ko nalang ulit ang notebook ko para maiwasan ang mapag-usig na mata ni Abbi.

"Kilala na kitang bruha ka e. Subukan mo lang pumunta r'on. Makakatikim ka sa 'kin." Banta pa niya.

"Ng ano? >.>"

"Ng kahit ano! Basta, hwag na hwag kang pupunta r'on. Malas sa buhay ang Van na 'yon. Baka kung mapaano ka pa ulit nang dahil sa kanya. At saka, nakita mo ba ang hitsura ng Carlo na 'yon? Parang gangster!"

"E kasi, gangster talaga siya. Para namang hindi ka na-informed -_-"

Umirap lang siya sa 'kin.

"Uuwi na 'ko." Pagpapaalam niya nang matapos namin ang mga takdang-aralin.

"Sige. Ingat." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Inililigpit ko na kasi sa bag ko ang mga gamit ko.

Tumayo na siya at saka inayos ang sarili niya. "Basta Meagan, sinasabi ko sayo, wag kang pupunta sa Van na 'yon a!"

"Oo na nga, hindi nga sabi e. Bakit ko naman pupuntahan 'yon, tss."

"Promise?"

"Cross my heart. Umuwi kana nga, ang kulit mo." Pagtataboy ko sa kanya.

Mabuti naman at umuwi na siya.

Hindi naman talaga ko pupunta sa Van na 'yon e. Wala namang mawawala sa 'kin kung hindi ko siya mapupuntahan don. At, tama si Abbi, baka mapahamak lang ako r'on kaya mas mabuti nang ako na mismo ang umiwas sa gulo.

"Ate, anong ginagawa mo rito sa tapat ng bahay ni Kuya Van? (_>>)"

Bagsak balikat akong humarap kay Luke.

"Hindi ko din alam. T_T Hindi naman ako nag-aalala sa kanya e. Hindi talaga!"

Jusme! Ano bang ginagawa ko rito? ~(ToT)~

"Hindi ko naman tinatanong kung nag-aalala ka sa kanya. Ang defensive mo naman."

"Pumasok kana nga sa bahay!" Utos ko sa kanya. Bakit ba kasi nandito siya?

"Bahala ka nga r'yan, Ate. Ang weird mo." Sabi niya bago ako talikuran.

Humarap naman ako ulit sa bahay ni Van. Bakit nga ba ako nandito?! (>_<)

"Siya nga pala Ate, kung saang ospital ka dinala, nandoon din si Kuya Van." Pahuling salita pa ni Luke.

"Hindi ko tinatanong! Hindi ko naman siya pupuntahan e."

Ts, feeling ba niya gusto kong malaman kung nasaang ospital naroon ang lalakeng 'yon? Ha! Hindi kaya~ nyenyenye.

"Nasa room 205 po si Mr. Van Alvarez, Maam." Nakangiti pang sabi sa 'kin ng Nurse.

Sabi ko hindi ako pupunta rito e T_T Bakit ako nandito? Parang tanga naman, hindi ko makontrol ang sarili kooooooo!

"Sige po, salamat."

So, ano na ang sunod kong gagawin ngayon? Nganga na >.>

Ano namang sasabihin ko kapag nandoon na 'ko sa kwarto niya? Paano kapag nandoon sila Carlo? Baka sabihin pa nila, concern citizen ako. Pero, sayang naman ang ipinamasahe ko rito kung hindi ako pupunta r'on, maski silip lang diba? Sige, sisilipin ko lang siya.

Pumunta ako sa room 205. Actually, nandito na nga ako sa tapat non. Nagdadalawang isip pa 'ko kung papasok ba 'ko sa loob o hindi, kaya heto muna ako at nakikipagtitigan nalang ako sa pinto.

"Miss, hindi po automatic ang pintong 'yan. Pinipihit po 'yan, hwag mong antaying magbukas ng kusa." Rinig kong sabi ng isang babaeng nurse.

"Alam ko po 'yon. Masama bang bumwelo muna bago pumasok? -_^" Mataray na sabi ko pa sa kanya. Nangingialam pa kasi tss.

Huminga muna ako nang malalim bago ko pinihit ang knob. Dahan-dahan pa 'kong sumilip sa loob para tignan kung may nagbabantay ba sa kanya o wala. Buti nalang, wala. Kaya nagdire-diretso na 'ko at lumapit na sa kinahihigaan niyang kama.

Totoo nga, wala pa ring malay si Van. Ang dami niyang pasa sa mukha. Madami ring mga sugat sa katawan. May benda siya sa ulo. Ang laki ng black eye niya sa kaliwang mata. Ano bang ginawa ng lalakeng 'to sa buhay niya? >O<

"H-Hoy Van Alvarez, ano na naman bang kagaguhan ang ginawa mo sa buhay mo, ha? Nakipagrambulan ka na naman siguro tapos sa huli, ikaw ang bugbog sarado no? Tignan mo nga 'yang sarili mo, ilang araw nang tulog. Nacomatose kana dahil sa pakikipagbasag ulo mo." Pagsesermon ko pa sa kanya. Sa tingin ko naman, okay lang na magsalita ako rito. Tutal naman, walang makakarinig sa 'kin.

"Hoy Van, hwag mo isiping kaya ako nandito ay dahil sa sobrang nag-aalala ako sayo ha! Konti lang. Kahit na ang sama niyo sa 'kin, kahit papaano, kayo ang nagpathrill sa buhay ko. Kahit na ginamit niyo lang ako, okay lang 'yon! Kahit na nagpromise pa kayo ni Carlo na ililigtas niyo ko sa Black Gang kung madawit man ako, na hindi niyo naman tinupad, okay lang din 'yon. Kahit na ilang beses na 'kong nalagay sa panganib nang dahil sa inyo, okay lang din 'yon! Okay lang lahat kahit na ginago niyo ko. Kahit na di niyo ko inorient! Okay lang talaga." Napasinghot ako.

Ano ba naman 'to, naiyak pa pala ko. Kasi naman e!

"S-Sor-ry."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong magsalita si Van.

"Oh my gosh! Narinig mo 'yon?! O_O No way!" Sigaw ko sa kanyang ganon.

"Babs?"

Napatalon ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Anak ng tokwa, walang katok katok? Wala man lang sign na papasok siya? O_o

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong pa ni Kurt.

"A, e, kasi... Ano lang, a..."

Ano bang magandang dahilan, wala akong maisip shemay! (>_<)

"Binibisita mo ba si Uno?"

"Ha?! Hindi a. Ay, oo—No! Hindi pala. Oo, hindi. Tama."

Napakunot naman ang noo niya.

"Kung hindi mo siya binibisita, bakit ka nandito?" Tanong pa niya ulit.

"Inutusan kasi ako ni Daddy na gumawa ng assignment. Tapos, nagkwentuhan kami ni Abbi. Naglakad lakad ako tapos nakarating ako rito. Nanghingi ako ng number ng room sa nurse dahil naboboring ako. Ito yung binigay niya. Ang galing no, coincidence. He-he-he."

Kalabaw! Pati tawa ko, made in china. Mukhang hindi siya nasatisfy sa sinabi ko. Sino ba namang oo, e wala namang kakonek konek sa isat isa ang kwentong inimbento ko!

"Ang labo."

"Binisita ko talaga siya! Masaya kana?" Biglang sabi ko.

"Seriously?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kurt.

"Hindi, joke lang =___= Makauwi na nga, gising na 'yang Uno niyo."

Naglakad na 'ko palabas. Ang kaso, pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, mukha kaagad nung lima pang kasamahan niya ang nakita ko.

"Babs! / Meagan!" Sabay-sabay pa nilang sabi sa hindi makapaniwalang tono.

"Oo na, binisita ko siya! Hwag na kayong magtanong! >__<" Nakangusong sabi ko saka sila nilampasan. Bakit ko pa ba kasi siya pinuntahan?! Nakakabwisit!

Tumakbo na 'ko. Nakakahiya! Psh, narinig pa ni Van ang pagtatantrums ko r'on. Ano ba naman kasing klaseng drama 'yon ha Meagan? Siraulo ka talaga, letse ka.

"Meagan!"

Hindi ko na pinansin pa yung tumawag. Alam kong si Carlo 'yon.

"Meagan, sandali lang!"

"Hayaan mo na 'ko, Carlo. Bumalik kana r'on sa loob. Gising na ang pinuno niyo!" Sabi ko nang hindi lumilingon.

"But I know, he needs you there."

Napahinto ako at napalingon sa kanya.

"At bakit naman?" Takang tanong ko pa. "Kung kailangan niya 'ko dahil lang sa naguguilty siya, sabihin mo nalang sa kanya na okay lang 'yon. Sa tingin ko naman alam niya na 'yon kasi narinig niya nam—"

"He likes you."

Nanlaki na naman ang mga mata ko pero this time, may kasama pang pagnganga ng bibig ko.

"He likes you, Meagan. I know that he likes you."

"Nasisiraan kana ba ng ulo, Carlo? Paano naman ako magugustuhan ng gangster na 'yon? Hindi pa nga kami lubusang magkakilala!"

"Dahil 'yon ang alam ko. Yun ang nakita ko habang nakikipag-away siya." Sabi pa ni Carlo.

Napailing ako.

"That's impossible. Kung sinasabi mo 'yan para lang mapasama mo 'ko sayo don sa loob, hindi. Okay lang na niloko niyo ko ng isang beses. Pero hindi ibig sabihin non, pwede nang maulit. Aalis na 'ko." Tinalikuran ko na siya. Nagpara na 'ko ng taxi para makauwi.

Si Van may gusto sa 'kin? Ha! Imposible. Bakamay kailangan na naman sila kaya ganon.    

Continue Reading

You'll Also Like

134K 8.4K 34
PUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING.
3.4K 894 47
POETRY COLLECTION ••• Kind words are like HONEY-- sweet to the soul and healthy for the body. -Proverbs 16:24 (NLT) These are the ways how I combat...
1.3K 87 9
[Rainbow Series #2: Color Orange] Paano kung mamulat ka sa isang pamilyang may magkakaibang paniniwala at pamanaw dahil sa kanilang piniling propisyo...
8K 719 16
Duology #1 Kahit nasaan man ako. Kahit nasaan ka man. Tandaan mo, laging may iisang kalawakang mag-uugnay sa'ting dalawa. Meet Justine Villanueva ang...