I Knew You Were Trouble (SOON...

By Chrispepper

3.1M 78.4K 6.6K

Hindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap a... More

I Knew You Were Trouble
1: Meeting the Bastard
2: The Kiss
3: Kidnap
4: New Neighbor
5: Axe Gang
6: Transferees
7: Tour Guide
8: Bwisitors
9: Please and Sorry
10: Kissed Her Accidentally
11: Ruining The Date
12: Make-over
13: His Parents
14: The Broken Promise
16: He likes you
17: Peace Offering
18: Thug of war
19: Drunk
20: I'm yours, you're mine
21: The moves
Mensahe ng Sumulat
22: Jollibee
23: The truth
24: Late night talk?
25: Mickey Mouse
26: Debut
27: Debut (Part II)
28: Daddy vs. Van
29: I'll court you
30: Jealous
31: The surprise
32: The note
33: Good bye, Van
34: Eliz
35: Ferris wheel
36: David
37: David (Part II)
38: Date
39: Guilty
40: Unworthy
41 : I didn't mean it!
42: Heartbreaks
43: Another trouble
44: The real David
45: Kiss or Slap?
46: You're my man, and I'm your lady
47: Pamamanhikan?
48: Mission Failed
Announcement
49: Vanessa
50: The Past
51: Wedding Proposal
52: First Christmas together
53: Christmas Date
54: Trouble again?
55: Let's cancel the wedding
56: Ashley San Roque
57: Ashley San Roque (Part II)
58: New home
59: Our demanding bwisita
60: Meagan is Missing
61: We finally saw her
62: Deep coma
63: Finally
64: Finale
A/N
Announcement!!
BOOK UPDATE

15: Nag-alala lang

45.5K 1.2K 53
By Chrispepper

A/N:

Update para sa ekonomiya. Pak!


CARLO SANTIAGO'S POV

"Mga gago! Magsilabas kayo!" Sigaw ko.

Nasa tapat kami ngayon ng teritoryo ng BGS. Dito kasi dumiretso si Uno nang malaman niyang nabaril si Meagan. Kutob niya sigurong ang mga 'to ang may kagagawan. Wala na namang ibang may gagawa nito kundi sila lang lalo pa't sila na mismo ang nagsabi kay Van na kung hindi pa kami iiwas kay Meagan, mas lalo lang siyang mapapahamak.

Hindi marunong sumunod sa usapan ang mga gagong 'to!

Isa-isang nagsilabas ang mga miyembro ng kaaway naming grupo. Pinalibutan nila kami nang may kasamang ngisi sa mga labi nila.

Huling lumabas sa kuta nila ang leader ng Black Gang. Suot pa nito ang leather jacket ng grupo niya na may hitsura ng lion sa likuran.

"Van Alvarez, ikinagagalak kong makita ka rito. Hindi ko inaasahan ang pagbisita mo. Nagustuhan mo ba ang pinagawa ko para sa girlfriend mo, ha?" Mahahalata ang kayabangan ng lalake sa tono niya ng pagsasalita.

"Sinasabi ko na nga ba! Putangina ka, marumi ka talagang maglaro." Kalmado lang ang pagkakasabi ni Van pero, mababakas mo sa kanya ang galit.

Isang maling salita lang ang sabihin ng kabilang gang, hindi maganda ang mangyayari.

"E kasi naman, pare, dapat hindi mo siya iniwasan. Mas lalo tuloy kami nagkaron ng pagkakatao-Ack!"

Nagulat kami sa sobrang bilis ng pagkilos ni Van. Nakahiga na sa sahig ang leader ng Black Gang hawak-hawak ang tiyan niya.

Malakas siyang sinikmuraan ni Van.

"You're a coward! Bakit hindi ka lumaban ng patas?!" Sigaw ni Van habang pinagsususuntok ang leader ng Black Gang sa mukha nito.

Ngayon ko lang nakitang magalit nang ganito kagrabe si Uno. Malamang ay sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Meagan.

Naramdaman kong nagsimula nang magsisugod ang mga miyembro nila. Naghanda na kaming anim para sa pagsisimula ng laban ng dalawang magkaibang gang.

ABIGAIL MENDOZA'S POV

Nandito ako ngayon sa ospital kung saan isinugod si Mei. Umiiyak kasing tumawag sa 'kin si Luke at sinabing nabaril daw ang Ate niya kaya naman kaagad akong pumunta rito.

"Luke, may alam ka ba kung sinong may gawa nito sa Ate mo?" Tanong ko sa nakatulalang si Luke.

Maski naman kasi ako, walang kaide-ideya sa kung sino mang pwedeng gumawa nito. Wala namang kinukwento si Meg na may kaaway siya o kaya nakagalit.

"Wala po, Ate Abbi. Hindi naman po nagsasabi si Ate sa 'kin kung may kaaway siya."

Jeez, pareho lang pala kami.

"Sila Van, alam ba nila ang nangyari?"

Tumango siya.

Hindi kaya may kinalaman sila Van dito? Nasaan na nga ba sila ngayon? Ilang linggo ko na silang hindi nakikita a. Wala na rin namang ikinukwento si Mei tungkol sa kanila.

"Abbi!"

Napalingon ako sa tumawag sa 'kin.

"Mom, Dad!" Yumakap ako sa kanila. "Ano na pong balita? Natawagan mo na po ba sila Tita Olivia at Tito Daniel?"

"Oo, uuwi raw sila rito agad-agad para makita ng personal si Mei. Ano na bang lagay niya ngayon?" May pag-aalalang tanong ni Mommy.

"Hindi pa po lumalabas sa loob ang doctor." Sagot ko.

Lumapit si Mommy kay Luke. "Hijo, gusto mo bang kumain muna?" Hinaplos pa ni Mommy ang likod nito.

"Hindi na po, Tita. Hihintayin ko po munang lumabas ang doctor ni Ate." - Luke

"Baka matagalan pa 'yon, Luke. Halika, sasamahan muna kita para makakain ka." Si Daddy ang nagsalita.

"Wala po akong gan-" Naputol ang sinasabi niya nang may lumabas na lalakeng doctor sa kwarto kung saan ipinasok si Mei.

"Doc, kumusta na po ang Ate ko?" Lumapit pa si Luke at hinawakan ang magkabilang kamay ng doctor.

"She's fine now. Maswerte ang pasyente dahil naihatid kaagad siya rito dahil kung hindi, baka mamatay siya. Dalawang tama ng baril ang natamo niya. Isa sa tagiliran at isa sa likod. I suggest, na pagpahingahin niyo muna ang pasyente ngayon."

"Bawal pa po namin siya puntahan?" Tanong ulit ni Luke.

"She's now sleeping. Hayaan niyo muna siyang mag-isa r'on. Excuse me, may mga gagawin pa 'ko."

Umalis na ang doctor.

"Mamaya na natin pasukin ang Ate mo, Luke. Ayos na naman siya sabi ng doctor kaya, kumain na muna tayo tapos pagbalik natin, saka nalang natin siya puntahan." Sabi ni Mommy.

"Paano po si Ate?"

"Hindi naman tumatakbo ang tulog Luke." Biro ko pa. Ngumuso naman siya. Itong batang 'to, mahal na mahal ang ate niya.

Sumama na rin naman sa 'min si Luke. Kumain muna kami sa Mang Inasal. Ito kasi ang pinaka malapit na fastfood chain dito sa ospital. Wala raw siyang gana pero nakakaanim na rice na siya. Paano pa kaya kung may gana siya? Hahahahaha.

MEAGAN PEREZ' POV

Pagmulat ko ng mata ko, nasilaw ako sa liwanag. Wala na kasi 'kong ibang nakikita kundi kulay puti.

Nasaan ba 'ko? Anong bang nangyari, bakit amoy ospital dito?

"Ate, Good morning!"

Kay Luke ang boses na 'yon. Medyo malabo pa ang paningin ko.

"Ate! Ate, okay ka lang? May masakit ba sa 'yo? May gusto ka bang kainin? Ano ate, anong gusto mo?"

"Gusto ko ng katahimikan, Luke." Sabi ko sa kanya habang kinukusot ang mga mata ko.

"Ate Abbi, gusto yata ni Ate na pumunta sa sementeryo." Rinig ko pang sabi ni Luke.

Nandito si Abbi?

Pinilit kong alamin kung nasaan ako. Nilabanan ko ang nakakasilaw na liwanag hanggang sa masanay ulit ang mga mata ko. At, kaya pala amoy ospital dahil nandoon ako.

"How's your feeling, Baby?" Napalingon ako sa nagtanong.

"D-Dad? Y-You're here?" Pinilit kong makatayo mula sa pagkakahiga. Inalalayan naman ako ni Daddy.

"Daddy, I missed you so much!" Niyakap ko si Daddy at saka napaiyak. It's been two years since I last saw and hug him.

"I missed you too, Baby." Ibinalik ni Daddy ang mahigpit na yakap sa 'kin na sinamahan pa niya ng marahang paghaplos sa buhok ko.

"Are you fine now? Ano bang nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Daddy.

"Okay na naman po ako. Medyo kumikirot nalang po ang likod at tagiliran ko." Sagot ko sa kanya.

"Bakit ka ba kasi nabaril, anak? May nakaaway ka ba? Kilala mo ba ang may gawa sayo nito?" Si Mommy na ang nagtanong.

Inalala ko ang mga nangyari.

"Hindi ko po alam Mom, Dad. Hindi ko po sila kilala. Basta po, nakakatanggap ako ng threats araw araw sa locker ko."

Narinig ko silang napasinghap.

"Bakit hindi ka nagkukwento sa 'kin, Meagan? Naitago mo ba ang mga 'yon?" Tanong pa ni Abbi.

"Bakit ko naman itatago, Abbi? Para remembrance ganon? Kaloka." Sagot ko sa kanya.

"Paano na natin malalaman kung kanino galing ang mga 'yon?" Si Mommy ulit ang nagsalita.

"Sila Kuya Van na ang bahala r'on, Mommy at Daddy." Singit ni Luke.

Napatingin ako sa kanya. Sinabi niya ba kanila Van ang nangyari sa 'kin? Bumisita kaya sila rito? Nag-aalala kaya sila sa 'kin?

"Ano ka ba, Luke?! Paanong sila ang bahala e hindi nga sila pumunta rito. Ni anino nga wala. Hello?" Sabi ni Abbi na umiirap-irap pa.

Hindi pala sila pumunta. Kung sabagay, ano nga naman palang paki pa nila sa 'kin? E wala na naman pala silang kailangan.

"Sino si Van?" Tanong ni Daddy.

"Wala po 'yon, Dad." Sabi ko nalang pero, nakisingit pa si Abbi.

"Nako Tito Daniel. Gangster 'yon. Siya ang palaging dahilan kung bakit palaging napapahamak itong si Meagan. Siguro nga po, dahil din sa kanya kaya nabaril 'yang bestfriend ko e."

Tinitigan ko si Abbi na para bang sinasabi na dapat di na niya sinabi kay Dad 'yon.

"At bakit hindi, besh? Totoo naman diba?" Sabi pa ni Abbi. Ang daldal talaga.

"Totoo ba 'yon, baby?"

"No, Dad. Hindi po siya ang dahilan. Siguro, nagkataon lang po na may mga siraulong gangster na nantitrip non noong oras na pauwi ako. Ginabi na rin po kasi ako ng uwi dahil sa mga gawain sa school." Pagpapalusot ko pa. Baka kasi magalit 'tong si Dad at magkagulo lang lalo. Okay na sa 'kin ang lahat basta hindi ko na ulit makita sila Van.

"Hindi ako makakapayag na ipagsawalang bahala lang 'tong nangyari sayo."

"Dad-"

"It's okay, Baby. Leave it to me." - Daddy

Tumahimik nalang ako. Hindi ko naman mapipigilan si Daddy kung gusto niya talagang gawin 'yon. Sana lang, maging maayos.

Kinahapunan lang din non, iniuwi na rin ako sa bahay nila Mommy. Kailangan ko nalang naman daw magpahinga sabi ng doctor kaya pumayag na sila na maiuwi na 'ko. Ayaw pa 'kong papasukin ni Daddy bukas. Pangatlong araw ko nang absent bukas. Baka maapektuhan na ang mga grades ko.

"Ate, sila Kuya Van ba talaga ang dahilan ng mga 'to?" Tanong sa 'kin ni Luke habang inaayos ang bedsheet sa kama ko.

"Ewan ko."

"Ts, kung sila Kuya Van nga ang may kasalanan, ayoko na silang maging Kuya." Sabi pa ni Luke.

"Hwag mo nalang isipin pa ang nangyari sa 'kin."

"Okay." Nakangusong sabi niya. "Pupunta na 'ko sa kwarto ko. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka."

"Sige. Magpahinga kana rin."

Kinuha ko ang laptop ko at saka ako nagbukas ng facebook account.

Ang dami kong notification, messages, at friend requests. Dalawang araw lang naman akong hindi nagbukas.

Pinindot ko ang icon ng earth. Yung icon para sa notification.

Sarah Singson updated her status.

3 hrs ago

Camille Palomares tagged you and 39 others on a photo.

4 hrs ago

Xandra Lei and 356 others commented on a post that you are tagged in.

8 hrs ago

Van Alvarez tagged you on a post.

1 day ago

At kung ano-ano pa. Bakit na naman kaya ako naitag sa mga post ng hindi ko naman kilala?

Pinindot ko ang notification na ipinost sa page ni Van.

Van Alvarez was feeling unbelievable

- with Meagan Perez

Did you already heard the news about her? Nabaril daw siya because of Axe Gang. I hope she'll be fine.

17,003 likes 357 comments

Like | Comment | Share

Tinignan ko ang mga comments. Yung iba, concerned. Karamihan, nakikitsismis lang. May iilan ding natutuwa. E kung, sila kaya ang barilin ko?!

In-exit ko na ang page na 'yon. Nagscroll down nalang ako sa Newsfeed ko tapos tumingin sa mga messages na nareceived ko. Halos galing pala lahat sa mga kaklase ko. They're all concerned about me. Nakaka-touch. Nag-message rin pala si Abbi ng malanobela. Akala naman nito mamamatay na 'ko.

Nireply-an ko sila at saka nagpasalamat isa-isa. Sila ang mga totoong kaibigan, hindi lang ako lalapitan kapag kailangan nila 'ko. Hindi mga manggagamit, hindi namemeste ng buhay ng may buhay.

"Welcome back to our school, besh. I'm glad to see you here!" Niyakap pa 'ko ni Abbi.

"Salamat. Marami ba 'kong namissed na lessons?"

"Medyo pero, don't worry yakang-yaka mo habulin."

"Mabuti naman. Pahiram nalang ng lectures mo."

"Papasahan nalang kita ng files sa phone."

"Okay, sige."

Nagklase na kami. Medyo nahirapan akong makahabol sa lessons. Hindi kasi ako nakapagbasa. Ngangabels tuloy.

After class, diretso kami sa cafeteria. Bumili kami ng hamburger at pepsi. Habang umiinom ng,

"Babs!"

Dahan-dahan kong nilingon ang tumawag na 'yon.

Si Kurt. Ts.

Inirapan ko siya.

Hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Sumipat ako kay Kurt. May katawagan na siya ngayon sa cellphone. Nang maramdaman kong patingin siya sa 'kin, nag-iwas ako ng tingin.

"Tara na, besh. Bumalik na tayo sa room."

Tumango ako kay Abbi.

Tumayo na kami at saka lumabas sa lugar na 'yon. Sakto namang pagdating nila Gian at Carlo.

"K-Kumusta?" Tanong pa ni Carlo.

"Ayos naman. Tahimik na. Wala na sanang manggulo." Sabi ko sa kanya.

"Pwede ka ba naming makausap mamaya?" Sabi naman ni Gian.

"Hindi pwede!" Si Abbi na ang sumagot. "Hindi niyo na siya pwedeng kausapin o lapitan. Kundi, humanda kayo sa 'kin." Banta pa niya.

Hinila na 'ko ni Abbi papaalis.

"Si Van, apat na araw nang nasa ospital." rinig kong sabi ni Carlo kaya pinigilan ko si Abbi sa paglalakad at saka ulit nilingon ang dalawa na ngayon ay tatlo na dahil lumapit na rin si Kurt.

"Wala pa rin siyang malay." - Carlo.

Continue Reading

You'll Also Like

858 94 69
~•~•~ A typical diary of a typical high school girl. A typical school, a typical life, a typical-well... crush life? But this... isn't your typical t...
2.4K 484 90
❝ pwede ba ako maging ama ng mga anak mo at maging asawa mo? ❞ ━ in which a guy fills up the form to be the husband of the founder in a fam...
1.8K 94 29
PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE ~•~•~ Wicked Writers Series ~•~•~ Athanasia, a thriller writer, is known under the pen name "Infinite Ink,"...
Dream High By ry

General Fiction

64K 1.1K 24
Tourism Girl's Series#1