I Knew You Were Trouble (SOON...

By Chrispepper

3.1M 78.4K 6.6K

Hindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap a... More

I Knew You Were Trouble
1: Meeting the Bastard
2: The Kiss
3: Kidnap
4: New Neighbor
5: Axe Gang
6: Transferees
8: Bwisitors
9: Please and Sorry
10: Kissed Her Accidentally
11: Ruining The Date
12: Make-over
13: His Parents
14: The Broken Promise
15: Nag-alala lang
16: He likes you
17: Peace Offering
18: Thug of war
19: Drunk
20: I'm yours, you're mine
21: The moves
Mensahe ng Sumulat
22: Jollibee
23: The truth
24: Late night talk?
25: Mickey Mouse
26: Debut
27: Debut (Part II)
28: Daddy vs. Van
29: I'll court you
30: Jealous
31: The surprise
32: The note
33: Good bye, Van
34: Eliz
35: Ferris wheel
36: David
37: David (Part II)
38: Date
39: Guilty
40: Unworthy
41 : I didn't mean it!
42: Heartbreaks
43: Another trouble
44: The real David
45: Kiss or Slap?
46: You're my man, and I'm your lady
47: Pamamanhikan?
48: Mission Failed
Announcement
49: Vanessa
50: The Past
51: Wedding Proposal
52: First Christmas together
53: Christmas Date
54: Trouble again?
55: Let's cancel the wedding
56: Ashley San Roque
57: Ashley San Roque (Part II)
58: New home
59: Our demanding bwisita
60: Meagan is Missing
61: We finally saw her
62: Deep coma
63: Finally
64: Finale
A/N
Announcement!!
BOOK UPDATE

7: Tour Guide

48.1K 1.3K 27
By Chrispepper

MEAGAN'S POV

"As you can see, this is the library." Itinuro ko ang isang kwarto kung saan naroon ang mga libro ng school. "Siguro naman aware kayo sa kung anong nasa loob niyan, diba?" Tanong ko pa sa kanila.

"Oo naman, chiks—Ay este, libro. Oo, libro." Parang wala sa huwisyong sabi ni Fean. Mukha siyang amaze na amaze sa nakikita niya sa loob.

Tinignan ko kung saan siya nakatingin.

Sa mga babae palang nagbabasa sa loob ng library. >.>

Nasa dugo ba ng mga gangster ang pagiging babaero? *facepalm*

"Meagan, long time no see. Kumusta?"

Halos kuminang at nag-slow motion ang paligid nang lingunin ko ang nagsalita.

Si Drake Reyes.

Ang hinahangaan kong Varsity player ng basketball noong highschool ako.

"O-Okay lang naman. Ikaw?"

Ang gwapo niya, shitzu! *u*

"Okay ka e, okay na rin ako." Tapos ngumiti pa siya nang pagkatamis-tamis.

Drake, how to be yours? T_T

"Mambobola." Nasabi ko nalang kahit na deep inside e, kinikilig ako nang slight.

Nako, kung alam lang niya kung paano ko gustong ilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko *U*

Nagtitigan lang kami habang nakangiti sa isa't-isa.

Sana huminto yung oras para sa aming dal—

"Let's go, thickhead. We're not already done."

Napatingin ako sa nagsalita.

Psh! The most panira ng moment award goes to Van Alvarez. >.<

"Van Alvarez."

"Drake Reyes."

Nagbigay sila ng makahulugang titigan sa isa't-isa. Para bang nagpapasiklaban kung sinong unang bibitaw sa tinginan.

Magkakilala sila? (_>>)

Nag-iba ang aura ng paligid. Pati ang anim titig na titig din kay Drake.

I cleared my throat.

"Pwede na ba tayong magpatuloy sa paglilibot? Okay lang din naman kung gusto niyo munang magtitigan. I can wait." Sarcastic na sabi ko. Tch! Ako dapat ang nakikipagtitigan sa kanya Van. Ako dapat!

"Tumuloy na tayo, tara na." Inakay na ako ni Kurt. Sumunod na rin naman sila sa amin.

Hindi na tuloy ako nakapagpaalam kay Drake. *pout*

Naglakad na kami paalis sa library. Ang tahimik nila. Hindi katulad nung papunta kami sa library kanina na halos lahat ng madadaanang babae ay kinakawayan nila.

"Kilala mo siya?" Si Van yung nagtanong.

Hindi ko alam kung kanino siya nagtatanong kaya naman hindi nalang ako nagsalita. Baka sabihin pa niya, paepal ako kahit na siya naman talaga ang paepal kanina sa moment namin ni Drake.

"Meagan Perez, I am asking you. Do you know him?" Pag-uulit ni Van.

Ako pala ang kausap.

"Sinong kilala ko?"

"Yung lalake kanina."

"Oo. Si Drake Reyes. Bakit?"

"Wala." Nagdiretso na siya sa paglalakad. Ang labo din nito e, magtatanong tanong siya tapos kapag siya ang tinanong hindi naman ako sasagutin. Wala talagang kwentang kausap 'to.

Next stop namin ang music room.

"So, yeah. This is the music room." Sabi ko lang. Wala naman akong maisip na pangdescribe sa lugar na ito. Hindi naman ako na-orient.

"Pwede ba naming subukan ang mga instruments dito?" Excited na tanong ni Paul.

"Oo naman, sige lang."

At nangialam na nga sila. Mga may alam pala sila sa pagtugtog. Hindi kasi halata sa hitsura nila.

Naggitara si Carlo at Harry. Si Paul naman, pinakialaman ang drums. Si Fean, sa flute. Si Kurt, sa organ. Sound proof naman ang music room kaya free silang mag-ingay. Nagkasundo silang tumugtog ng iisang piyesa. Glory of love ang napag-usapang tugtugin. Si Gian ang vocalist at si Van, audience.

Ang galing nila. Old song pala ang hilig nila. Hindi sila yung tipo ng gangster na breezy.

"Anong alam mo tugtugin, Babs?" Pag-oopen ni Harry ng topic.

"Wala e. Wala akong talent sa ganyang bagay. Bakit ba Babs kayo nang Babs sa akin? Tawagin niyo nga ako sa pangalan ko."

Para kasing sounds like Baboy yung Babs. E hindi naman ako mataba =___=

"Okay na yung gano'n, Babs. Ang cute nga e." Sabi naman ni Gian.

"Oo nga. Saka, Babs talaga ang itinatawag namin sa mga babae naming kaibigan." Si Carlo naman ang nagsalita.

"Kaibigan as in Friend? You consider me as your friend?" Gulat na tanong ko sa kanila.

"Oo. Bakit hindi ba? Masasaktan kami kapag sinabi mong hindi." Si Fean naman iyon.

"Friend. Okay, friends tayo." Wala sa sariling sabi ko.

Hindi ako nainform na friends na pala kami. Ganon pala sila makipagkaibigan. Inilalagay nila sa peligro >.>

"Thickhead, let's go to the field." Utos ng mahal na haring si Van.

"Okay, tara." Binitiwan na nila ang mga instrumentong ginamit nila at sunod naming pinuntahan ang field.

Pagkarating namin don, humanap sila ng pwesto na pwedeng paghigaan. Mga walanghiyang ito, gusto lang palang matulog. Hindi nalang magsiuwi.

Nakahiga silang lahat tapos nakaunan ang ulo nila sa dalawa nilang palad.

"Babs, kaano ano mo si Drake?" Binuksan na naman nila ang usapan tungkol kay Drake, tapos kapag ako na ang magtatanong, hindi na nila sasagutin.

"Schoolmate ko siya noong highschool." Umupo ako sa bermuda grass.

"Malapit kayo sa isa't-isa?" Sunod na tanong ni Kurt.

"Hindi, pero nagbabatian kami. Nagkukumustahan, mga ganong bagay."

"Kilalang-kilala mo na ba siya?" Si Harry naman 'yon.

"Hindi? Bakit?"

"Wala." Tapos lahat sila tumahimik. Sabi na e. -_-

Limang minuto rin kaming binalot ng katahimikan. Ang sarap ng hangin dito sa field. Nakakarelax.

"Makinig ka Babs, ang totoo niyan, nandito kami para—" Naputol ang pagsasalita ni Carlo nang may isang babae ang sumigaw mula sa hindi kalayuan.

"Vanny! Vanny myloves!" Tumatakbo papunta sa amin yung babae.

Habang tumatakbo siya, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa hinaharap niya. Nagbabounce kasi e. Masyadong nakakakuha ng atensyon. At kung ako nga na babae ay napansin 'yon, ano pa kaya itong pito? >.>

Sabay-sabay na napaangat ng sarili mula sa pagkakahiga yung pito. Yung babae, dumiretso kay Van at saka ito mahigpit na niyakap at pinaghahalikan sa pisngi.

"Oh my ghad, I missed you so much, Vanny. Nakakatampo ka dahil iniwan mo ako noon kay Carlo. Kami ni Anna." Nagpout pa siya sa harap ni Van.

"Who the hell are you?" Tanong naman ni Van.

Hindi niya kilala 'yan?

Yan yung babaeng kasama niya nung nakidnap ako. Yung babaeng naka-red two piece. Yung gorgeous from neck to toe.

"Aww, I am Sarah, darling. Nakalimutan mo na kaagad ako? Don't worry, ipaaalala 'ko sayo kung sino ako. Let's have a kiss." Sabi niya in super mega malanding way.

Wtf?!

Inilapit na ni Sarah yung mukha niya kay Van. Seryoso, dito sila maghahalikan?! O_o

"Hep hep hep! Hwag niyo masubok subukang mag-live show dito sa harap ko. Binabalaan ko kayo kundi, irereport ko kayo sa Dean's Office."

Humarap sa akin yung babae at tinaasan ako ng kilay. Tumitig pa siya sa akin. Siguradong inaalala niya kung sino ako.

"So, it's you again, flatchested. Are you jealous? I already told you that he's not going to fuck you, right?"

"Sino ba ang nagsabi sa 'yong gusto kong bastusin ako ni Van? Excuse me Miss, hindi tayo magkalevel. Malandi ka ipinapaalala ko lang sa 'yo."

Iniinis ako e.

"Excuse me? Anong sinabi mo?!" Nararamdaman kong umuusok ngayon ang ilong niya sa galit.

Raging. Raging. May pikon sa paligid.

"Stop it, Meagan." Sabi ni Van. Pero hindi siya sa akin nakatingin kundi doon kay Sarah.

"She's Sarah, stupid. Hwag mo siyang matawag-tawag sa pangalan ko!"

"Uno naman, hwag palaging si Babs ang iniisip mo." Pang-aasar pa ni Carlo sa kanya.

"Shut up." Sabi niyang ganon kay Carlo tapos ibinalik niya ang atensyon sa babae. "You'll better go, whatever your name is. Just forget all about me." Parang wala sa mood na sabi niya saka ulit bumalik sa pagkakahiga.

"What?! No! Akala ko ba mahal mo 'ko?!" — Sarah

"I'd never told you that I love you. Just go."

"I can't believe this! You're a jerk!" Tapos tumakbo papaalis yung Sarah.

Hindi ba siya na-inform na gago itong si Van? Hindi niya ba na-iready ang sarili niya?

Napailing nalang ako. Masyado kasing uto-uto at easy to get.

Hindi ko nalang inisip ang Sarah na iyon. Choice niya naman ang maniwala sa manyak na ito e. Kasalanan niya naman iyan kung bakit siya iiyak ngayon.

Ibinaling ko nalang ang sarili ko kay Carlo. "Ano nga ulit yung sasabihin mo kanina?"

"Wala. Nakalimutan ko na." Sagot niya. Ang bata-bata pa, may memory gap na.

Nagdesisyon na silang magsitayo at muling libutin ang campus. Dinala ko sila sa iba't-ibang College building. Pagkatapos ay inihinatid nila ako sa room ko.

"Pumasok kana ulit, Babs. Salamat sa pagsama." — Gian

Tumango nalang ako at saka pumasok sa room namin.

Oo nga pala, mga mukhang tao sila ngayon. Mga walang dumi sa katawan like piercing and whatsoever. Pwera nalang sa iilang may ahit sa kilay. Magpapakahipokrita ako kung sasabihin kong hindi sila mga gwapo ngayong araw na 'to. Si Van nga yata ang pinaka mahitsura sa kanila e. Pero pinakamanyak din kaya no thanks, lamon ang kagwapuhan. Boo!

Natapos ang klase nang wala akong natutunan. Napagod kasi ako kalalakad kasama ang mga lalakeng iyon kaya naman wala na sa mood magfunction ang utak ko nang maayos.

Mag-isa akong pumunta sa locker room. May pupuntahan pa raw kasi si Abbi kaya nauna na siya. Ipinasok ko na ang bag ko sa loob. Iniiwanan ko na ito rito para wala na akong bitbitin kapag pumapasok ako. Ang bigat kasi.

Naramdaman kong may pumasok din sa locker room at binuksan ang katabi kong locker. Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil natatakpan na ito ngayon ng pinto ng locker niya na nakabukas. Akala ko hindi na magagamit ang locker na iyan, nasira kasi yan ng unang may-ari noong unang linggo palang ng pasukan.

Napasinghap ako nang marinig kong malakas na isinara ng taong katabi ko ang pinto ng locker niya.

"Uso pong mag-ingat hindi po sa 'tin ang locker na 'yan. Binabayaran lang po natin." I said that in a nice way. Baka kasi masira na naman tapos katulad ng nauna, hindi ipapaayos.

"And who are you to—" Napahinto siya sa pagsasalita nang makilala niya ako. Nagulat din naman ako nang malaman kong siya na pala ang gumagamit ng locker katabi ng sa akin.

"Lahat talaga ng bagay na maayos at nananahimik, ginugulo mo, ano? Parang yung ginawa mo sa buhay ko." Umiirap pang sabi ko sa kanya.

"Hindi ko kasalanan kung pinagtagpo tayo. Sino ba ang nagsabi sa iyong pumunta ka sa lugar na iyon kung saan tayo unang nagkita noong araw na 'yon? Ako ba?" Masungit pa na sabi niya.

"Yung Mommy ko. So, siya ang may kasalanan, ganon?"

"My point is—Tch, nevermind. Tumabi ka nga, nakaharang ka sa daanan ko."

"Daanan mo—Ano ba?!" Hinawakan niya ako sa ulo ko at p'wersahang hinawi para makadaan siya. Sa nilawak-lawak ng daanan, doon pa niya talagang gustong dumaan sa kinatatayuan ko! >_<

Nilampasan na niya ako at lumabas na ng locker room. Epal talaga! Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita ko.

Lumabas na din ako ron para makauwi na. At dahil nauna lang sa akin nang kaunti si Van, hayun! Kitang kita ko kung paano siya pagkaguluhan ng mga babae.

Malakas talaga ang dating niya sa mga kababaihan dito. Feel na feel niya naman na pinagkakaguluhan siya. Tss, edi siya na gwapo! -_-

Continue Reading

You'll Also Like

350K 23.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
12.5K 824 108
COLLECTION OF THOUGHTS Here are the poems and prose about love and life. Read, understand, imagine and enjoy! Language: Taglish
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...