I Knew You Were Trouble (SOON...

By Chrispepper

3.1M 78.4K 6.6K

Hindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap a... More

I Knew You Were Trouble
2: The Kiss
3: Kidnap
4: New Neighbor
5: Axe Gang
6: Transferees
7: Tour Guide
8: Bwisitors
9: Please and Sorry
10: Kissed Her Accidentally
11: Ruining The Date
12: Make-over
13: His Parents
14: The Broken Promise
15: Nag-alala lang
16: He likes you
17: Peace Offering
18: Thug of war
19: Drunk
20: I'm yours, you're mine
21: The moves
Mensahe ng Sumulat
22: Jollibee
23: The truth
24: Late night talk?
25: Mickey Mouse
26: Debut
27: Debut (Part II)
28: Daddy vs. Van
29: I'll court you
30: Jealous
31: The surprise
32: The note
33: Good bye, Van
34: Eliz
35: Ferris wheel
36: David
37: David (Part II)
38: Date
39: Guilty
40: Unworthy
41 : I didn't mean it!
42: Heartbreaks
43: Another trouble
44: The real David
45: Kiss or Slap?
46: You're my man, and I'm your lady
47: Pamamanhikan?
48: Mission Failed
Announcement
49: Vanessa
50: The Past
51: Wedding Proposal
52: First Christmas together
53: Christmas Date
54: Trouble again?
55: Let's cancel the wedding
56: Ashley San Roque
57: Ashley San Roque (Part II)
58: New home
59: Our demanding bwisita
60: Meagan is Missing
61: We finally saw her
62: Deep coma
63: Finally
64: Finale
A/N
Announcement!!
BOOK UPDATE

1: Meeting the Bastard

133K 2.3K 571
By Chrispepper

Part 1: Meeting That Bastard!

Ang kuwentong ito ay rated SPG. Maaaring may maseselang tema, lengguwahe, karahasan, seksuwal, horror, o droga na hindi angkop sa mga hindi ganon ka openminded. Pagpipigil sa sariling bumasa ang kinakailangan para oks tayo. Dejk! Pero maraming bad words so, there's no space for the saint one. Lol.

Meagan's Point of View

Hayaan mo po sana kami~ na magsama at magsalo sa pag-ibig, sa pag-ibig, at magtabi...ng pagmamahal

"Lucas, stop that! Nakakainis naman 'yang mga pinatutugtog mo! Gangster ka ba, ha? Gangster ka ba?!" Sigaw kong ganon sa kapatid ko. Nakakadiring mga kanta naman kasi ang ipini-play! Hindi na nahiya sa mga taong makaririnig lalo na sa mga kalapit na bahay. Subdivision kaya 'to at hindi squatter area, jeez!

"Bakit ba, Ate, ano bang problema mo? Ang ganda-ganda kaya nito!" Sagot pa sa 'kin ni Luke. Sinasabayan pa talaga niya yung lyrics ng kanta. Para bang lamon na lamon siya sa binuo niyang sariling sistema.

Nagulo ko nang wala sa oras ang buhok ko at napahilot na lang sa aking sintido. I rolled my eyes on him. Saang lupalop ng mundo niya ba nakuha ang mga ganyang klase ng kanta? Anakngtinapangbasa, bukod sa ang bilis-bilis ng pagkakabigkas sa mga lyrics, napakana-nonsense pa ng mga ito. Kung bakit ba kasi nauso-uso pa 'yang breezy-breezy na 'yan. Don't blame me if you're a fan, but seriously, nakakairita ang kajejehan nila. I know that we're on a jeje era, but it is too much! Dati, Curse one at ngayon naman ay iyan!

Haybuhay, ano pa kaya ang mauuso sa susunod? Baka hindi ko na talaga kayanin at maisumpa ko na ang gumagawa ng mga ganyang klase ng kanta!

"Ihinto mo nga 'yan, i-play mo yung CD ko!" Utos ko sa kaniya. Naggugupit kasi ako ngayon ng kuko ko sa kamay, masyado na kasing mahaba.

Kunot-noo siyang tumingin sa 'kin at sinamaan pa ako ng tingin. "Ayoko nga," pagtutol niya. "Ipapatugtog mo na naman ang mga kanta ng Taylor Swift na 'yan. Luma na 'yan, eh! Badblood, Badblood, pwe!" At umarte pa siya na tila ba'y diring-diri na dumura. Gross!

Nakataas ang isang kilay kong humarap sa kaniya. Nagpanting ang tainga ko sa totoo lang. Ayoko sa lahat ay yung binabalahura ang mga gusto't paborito ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka nakipag-face-to-face sa kaniya. As in, kulang na lang ay magkapalitan na kami ng hininga sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Pinisil ko ang magkabila niyang pisngi saka ito hinila sa magkabilang direksyon na ikinapangit naman ng kaniyang hitsura.

"For your information, my dear Luke Perez, hindi luma ang mga kanta ni Taylor Swift. Sikat 'yon! Yung album no'n palaging sold out dahil libo-libo ang bumibili. E 'yang 187 Mobstazz eme-eme eclavu mo, mga kapwa mo lang gangster ang bumibili. Take note, yung mga CDs niyo pa, reject! Mukhang tigbebente, kadiri." Nag-makeface pa ako na parang nandidiri talaga-para makatotohanan.

Hinila niya ang buhok ko dahil sa kaniyang pagkapikon. Ts, totoo naman ang sinabi ko, truth hurts talaga.

At dahil nga sa napikon si Luke, hayun, nilakasan pa lalo ang volume ng pinatutugtog niya. Arg!

Umakyat nalang ako sa kwarto ko. May sarili naman akong DVD player at TV sa kwarto kaya dito nalang ako magpapatugtog...nang malakas.

Ha! Tatalbugan ko 'yang volume ng sa 'yo, Luke. Watch and listen!

Napapa-flips hair ako habang naiisip ko ang magandang plano.

Pagkasalang na pagkasalang ko ng CD, humiga kaagad ako sa kama at pinagmamasdan ang mga nakadikit na posters ni Taylor Swift ng iba't-ibang cover niya sa kaniyang mga album.

"Ate, hinaan mo naman 'yan!" Sigaw ni Luke mula sa ibaba. Nai-imagine ko pa ang pagkalukot ng mukha niya. Paniguradong nakanguso pa ang isang 'yon.

Oh, sorry little braduh, ayokong marinig 'yang kabaduyan mo, eh.

Ilang oras rin ang pinalipas ko sa kwarto ko kapapakinig sa mga album ni Taylor Swift. Wala na nga sana akong balak lumabas ng kwarto kaso, bigla akong tinawag ni Mommy para lang utusan.

"Mei, bumili ka na nga ng grocery natin, nauubos na ang stock sa ref." Sabi niyang ganon.

"Opo, Mommy."

Pinatay ko na ang tugtog at humarap sa salamin. Nagpulbo, at saka sinuklay ang hanggang ibaba ng balikat kong buhok.

Tumingin muna ako sa orasan bago lumabas ng kwarto. 7:45 na pala ng gabi. May maabutan pa kaya akong bukas na grocery store? Alam ko kasi hanggang 8:00PM lang 'yon, eh.

Kinuha ko kay Mommy ang listahan ng mga bibilhin at saka na tumakbo papunta sa likod ng pintuan ng kwarto ni Mom. Kinuha ko ang susi ng sasakyan saka dali-daling itinakas yung kotse. Siguradong kapag nalaman 'to ni Mommy, pagagalitan niya ako. Wala pa akong driver's license kaya kapag nahuli ako ng mga nagchecheckpoint sa labas ng subdivision, doble ang pagiging yari ko.

Huwag naman sana mahuli!

Habang nagmamaneho, may nakasalubong akong mga kaedaran kong kabataan na naglalakad at nakasuot ng sobrang napakajejeje-ng mga damit.

Yung mga lalake, nakasuot ng malalaking checkered na polo tapos nakamaluwag na maong na shorts na lagpas tuhod. Nakahighsocks pa at nakasuot ng rubber shoes na parang barko sa laki. May mga panyo pa sila sa ulo.

Akala ba nila kamukha nila si Dao ming si ng Meteor Garden? Tch! Nagmukha lang silang mga albularyo. Mukhang mas worst pa nga, eh.

Pati yung mga babae nakaparang pambasketball na shorts na may bulls sa gilid at mga naka-strapless. Hindi ba sila aware sa kalamigan ng gabi? Aba't mga naka-cap pa na may nakasulat na 'swagger'. Susmiyo, I can't imagine myself wearing those stuffs. I really can't, argh!

Pinaandar ko nang mabilis ang sasakyan para malagpasan sila kaagad. Sino ba'ng nagpauso ng mga pormahang ganon at bakit kumakalat dito sa lugar namin? Like, DUH kung ako presidente, ipagbabawal ko 'yan.

Ang kaso hindi eh, kaya 'yan, tiis-tiis muna sa view, Meagan.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na rin ako sa dapat kong patunguhan. Nag-park na ako sa parking area ng puregold. Nag-ikot-ikot na ako sa loob para isa-isahin ang mga pinapabili ni Mommy. Nakumpleto ko naman kaagad ang nasa listahan.

Pumila ako sa counter at pina-compute ang mga pinamili ko.

"Three thousand eight hundred forty three and fifty centavos po, Ma'am." Nakangiti niyang sabi.

Nakatingin ako sa kaniya-sa mukha niya to be specific.

Bakit kaya lahat ng saleslady naka-super pak ganern na blush on? Rumo-rosy cheeks parati.

Nag-abot ako sa kaniya ng apat na libo.

Ngumiti siya sa 'kin habang kinukuha ang pera. Itinaas pa niya ito at mukhang tiningnan kung peke ba 'yon o hindi. Nang mukhang nakumpirma niyang totoo ang mga iyon, binilang niya ito sa harap ko. "I received four thousand." Sabi niya bago buksan ang pinaglalagyan ng pera.

Curious lang, bakit kaya palagi nilang ibinubulong sa cashier kung magkano ang natatanggap nilang pera? Nirerecord ba 'yon?

Napapakamot nalang ako sa kaiisip.

Bakit ang echosera mo, Meagan Perez? Ikaw na kaya ang mag-cashier?

Inayos na ng lalake niyang assistant ang mga pinamili ko, maayos na inilagay sa plastic, saka nilagay sa push cart tapos, iniabot na ng babae ang sukli ko sa akin.

Nakangiti kong inabot 'yon. Itinaas ang pera at pagkunwa'y tiningnan kung peke o hindi saka ko binilang sa harapan niya. "I received one hundred fifty six and fifty centavos." Sabi ko. Ginaya ko pa ang tono niya kanina. Halatang nagulat siya. Ginaya ko lang naman siya, eh. Para naman malaman niya kung anong hitsura niya kanina.

Nagpatulong ako sa isang lalakeng staff ng puregold para dalhin ang mga pinamili ko sa kotse ko.

"Doon po yung sasakyan k-Fuck!!" Naitakip ko nang wala sa oras ang magkabila kong palad sa bibig ko dahil sa sobrang gulat nang makita ko ang nangyari sa kotse ni Mommy.

Wasak na yung likurang bahagi!

Awtomatikong kumulo ang dugo ko sa sobrang pagkainis.

Ang kapal ng mukha ng taong 'to, kung sino man siya. Sino siya para atras-atrasan ang kotseng dala ko ha?!

Galit akong lumapit sa sasakyang nambundol sa sasakyan ni Mom. Ohmighad! Mapapagalitan ako nito! Fuck.

"Hoy, lumabas ka riyan! Nakaka-badtrip ka, ah! Bakit mo inaatrasan ang sasakyan ko, ha? Bulag ka ba?!" Sigaw kong ganon.

Hindi siya lumalabas sa kotse niya. Ni pagbuksan nga lang ako ng bintana, hindi niya ginawa. At alam niyo kung anong nakakainis? Malakas ulit na inatrasan ng kotse niya yung sa 'kin. Putangina talaga 'to, sinusubukan niya talaga 'ko, ah! Makikita niya.

"Lumabas ka riyan, putangina ka!" Kinalampag ko nang kinalampag ang bintana ng sasakyan niya. Kung kinakailangan kong basagin 'to, gagawin ko!

"Ma'am, tama na po 'yan, kalma lang po." Pigil pa sa 'kin ng staff na kasama ko.

"Anong kalma? Walang kalma-kalma sa 'kin ngayon. Pino-provoke ako ng lalakeng 'to, makakatikim talaga siya!"

Bumukas ang bintana ng kotse ng walang hiya. Humanda talaga sa 'kin ang isang 'to, manghihiram talaga siya ng mukha sa aso!

"Any problem?" Bored pang sabi niya. Naka-shades pa siya at hinahaplos ng isang daliri niya ang lower lip niya. Binigyan pa niya ako ng tingin na parang ako itong nakakaistorbo sa kaniya.

Aba! Kung hindi ka nga naman talaga maiinis oo!

I clapped my hands three times. Grabe, ang galing niya. Parang wala siyang ginawa! Playing innocent ang gago!

"What?" Sabi pa niya ulit. Bahagya pa akong tinaasan ng kilay.

Sa sobrang inis ko, hinawakan ko siya sa kwelyo at hinatak ko ang ulo niya palabas sa bintana ng sasakyan. Marahas kong tinanggal ang shades niya pagkatapos ay itinapon ito sa kung saanman saka nakipag-eye to eye sa kaniya.

"Are you fuckin' blind? Matapos mong atras-atrasan ang kotse ko, 'what' lang ang sasabihin mo?!" Inis na sabi ko sa kaniya.

Napaka kapal niya, sobra! Umuusok na ang ilong ko sa inis. Peste itong lalakeng 'to, sobrang nakakakulo ng dugo! Sarap ipayakap sa lubid yung leeg, sa totoo lang. Tangina talaga!

"Take your hands off me or else..." Banta pa niya.

"Or else what?" Inis na inis na putol ko sa sinasabi niya. Hindi niya ako masisindak sa mga or else or else niyang nalalaman. "Akala mo ba natatakot ako sa 'yo?!" Pinanlalakihan ko siya ng mata.

"Hahalikan kita riyan." He said. Parang bored pa ang way ng pagkakasabi niya non. "Pero mukhang pabor sa 'yo 'yon." Ngumisi pa siya sa akin.

Yuck! Anong akala niya sa kiss, papremyo?! Ang landi ng hayop na 'to, ah.

"Halik pala, ah. Ito halikan mo!" And then, I punched him in his face, very hard. Yung tipong sureness overload na masasaktan siya.

Binitiwan ko na siya nang makita kong nagdugo ang ilong niya at saka ako agad-agad na pumasok sa sasakyan ko. Medyo sir-No, hindi pala medyo kundi sobrang sira na ang likurang bahagi ng sasakyan dahil sa walang kwentang lalakeng 'to. Mukha siyang adik na punyeta siya.

Sumakay ako sa sasakyan at marahas ko ring inatrasan ang kotse niya. Nakakabadtrip talaga! Lagot talaga ako nito sa Mommy ko. Mabundol sana ng ten wheeler truck ang lalakeng 'yon! Swear, ikatutuwa ko 'yon nang sobra.

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa sobrang kainisan. Kung kailan naman gabi na, saka ako nai-stress nang bongga!

Kabadong-kabado akong umuwi sa bahay. Hinihiling na sana, tulog na si Mommy.

Pero umasa lang ako sa wala.

Nag-aabang sa 'kin si Mommy sa gate nang nakapameywang. Alam kong galit na siya nang malaman niya pa lang na wala ang kotse niya sa garahe at, madadagdagan pa ngayon ang galit niya dahil sa nasira ko pa 'yon.

"Mei, anong ginawa mo sa sasakyan ko?!" Bulyaw niyang ganon sa 'kin pagkababang-pagkababa ko palang ng sasakyan.

"I-Its not my fault, Mommy. Believe me, may siraulong walang manners na ilang ulit na inatrasan 'tong kotse mo. Sorry po." Sabi ko nang nakayuko. Napapakagat pa ako sa labi ko at napapapikit dahil alam kong hindi naman ako kaagad mapapatawad ni Mommy nang ganon-ganon na lang.

"Kung bakit ba kasi itinakas-takas mo pa ang sasakyan ko, pwede ka namang mag-commute nalang." Sermon niya habang tinitingnan ang sira ng sasakyan. Damang-dama ko ang pagpipigil niya ng galit sa 'kin.

"Hindi ko naman po alam na ganito ang mangyayari." Pabulong kong sabi. Nagsisisi na akong dinala ko pa ang sasakyan niya.

"Ipaayos mo 'yan kung hindi, isusumbong kita sa Daddy mo dahil sa pagiging pasaway mo." Pananakot pa sa 'kin ni Mommy.

Hindi pwede! Siguradong madi-disappoint sa 'kin si Dad.

"Opo. Dadalhin ko po sa talyer bukas. Pasensya na po talaga, Mommy."

Umiikot ang matang tumalikod sa 'kin si Mommy. Argh! Sabi na, eh. Ginagamit pa naman ni Mommy 'tong kotse niya sa trabaho. Peste kasing kurimaw 'yon, eh!

His' Point of View

"Uno, anong nangyari sa mukha mo?" Patawa-tawa pang tanong sa 'kin ni Dos.

"May gagong sumapak sa 'kin sa puregold, tsk." Sagot ko sa kaniya habang hawak-hawak ang ilong ko na kanina lang ay nagdugo. If I saw her again, she's really dead! Mukha siyang elementary student pero ang lakas niyang sumuntok.

Fuck that girl with an iron fist!

Umupo ako sa isang mahabang sofa, at kaagad akong tinabihan ng dalawang naggagandahang mga babae, suot ang pinaka paborito kong damit nila-two piece. Sabay pa silang pumulupot at halos idikit na ang sarili sa 'kin.

Another flavor of the day? Tsk, I am not in a mood.

"Ano ba naman kasing ginawa mo para suntukin ka niya? Binastos mo, 'no?" Tanong naman ni Tres.

"Hindi agad mahahalikan ang mga ganong klaseng babae. Inatrasan ko lang yung bulok niyang sasakyan, tapos 'yon, galit na galit na siya." Nagsindi ako ng sigarilyo. Hinithit, at saka ibinuga ang usok.

"Woah, hindi siya natakot sa 'yo? First time 'yon." Saad naman ni Siyete na kasalukuyang inaayos ang pagbabrush-up ng buhok niya.

"Yes, she did not get scared of me. Mukhang war freak. Dinungisan pa niya ang magandang mukha ko."

Hinaplos ng babae sa kanan ko ang mukha ko at saka ko naramdaman ang dahan-dahan niyang paghalik dito.

"I'll give you an aid for that pain, Vannybaby." She whispered in a seductive way.

Ang isa namang nasa kaliwa ko ay sumiksik sa may leegan ko at saka yumakap nang mahigpit. "Ipakita mo sa 'min iyang babaeng 'yan at pakikitaan namin siya ng dapat niyang kalagyan. Hindi ka dapat niya sinaktan."

"Thanks, but no thanks," I refused. "I can handle her."

Hinalikan ko ang babaeng nasa kanan ko. Her kisses was just simple. Wala man lang thrill. Hinalikan ko naman yung nasa kaliwa pero mukhang wala ako sa mood ngayon. Agaran akong tumayo sa sofa at iniwanan ang dalawang babae. Sila Dos at Tres na ang bahala sa kanila.

Pumasok ako sa isang kwarto at saka humiga. Napatingin ako sa kisame at inalala ang mukha ng babae kanina.

Humanda ka sa 'king babae ka, sisiguraduhin kong makikita ulit kita!

Meagan's Point of View

"Abbi, pakisabi kay Tito Garry na dadalhin ko ang kotse ni Mom diyan bukas, okay?" Sabi ko sa bestfriend kong si Abigail na ngayon ay kausap ko sa telepono.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong niya. Naririnig ko pa ang tunog ng blower. Malamang sa malamang, nagpapa-beauty na naman ang bruhang 'to.

"Basta, ikukuwento ko nalang sa 'yo bukas. Byebye na."

"Sige, see you bukas, ha?"

"Okay."

I ended the call. Mababawasan tuloy ang allowance ko this month para sa pampaayos ng sasakyan ni Mommy. Makita ko lang talaga ang lalakeng 'yon, sasapakin ko siya ulit! Hindi talaga ako magdadalawang isip.

***

Edited: October 17, 2017; 12:31AM

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 834 59
𝑻𝒉𝒆 π‘«π’“π’†π’‚π’Žπ’†π’“π’” : π‘©π’π’π’Œ 𝑢𝒏𝒆 Luna and Elijah, two close friends, find themselves inexplicably sharing the same dream one night. In this...
7.3M 105K 43
[NO SOFTCOPIES] He's the King of the school. She's the Queen of Cosplay. He's the rule setter. She's the rule breaker. Rigid Razor Montez, the imposi...
12.5K 824 108
COLLECTION OF THOUGHTS Here are the poems and prose about love and life. Read, understand, imagine and enjoy! Language: Taglish
10.4M 225K 64
He's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong...