Say I Do (Completed/ under- e...

By RencessOray3

474K 6.7K 711

WHAT HAPPENS WHEN ONE PROPOSAL ENDS UP IN A DISASTER? Claud Azheyo Sy, isang kinikilalang pangalan sa mundo... More

Say I do
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Part II of Book 1
PartII-Prologue
PartII- Chapter 1
PartII-Chapter 3
PartII-Chapter 4
PartII- Chapter 5
PartII - Chapter 6
PartII- Chapter 7
PartII- Chapter 8
PartII - Chapter 9
PartII - Chapter 10
PartII- Chapter 11
PartII - Chapter 12
PartII - Chapter 13
PartII - Chapter 14
PartII - Chapter 15
PartII - Chapter 16
PartII- Chapter 17
PartII - Chapter 18
PartII - Chapter 19
PartII - Chapter 20
PartII - Chapter 21
Epilogue

PartII - Chapter 2

5.4K 72 1
By RencessOray3

Part II: Chapter 2




Moving on

🚗---------------------
**************
Pov of Aemie

"Here's your request my queen, dalandan for you and for this naughty baby," inabot ni Liejil sa akin ang nakabalat ng dalandan na nasa mangkok with salt. Hinaplos-haplos niya rin ang tiyan ko, hilig niya 'yan dahil naglilikot ang baby ko kapag hinahawakan nito ang tiyan ko.



"Inaasar mo talaga ako noh?" matalim ang tingin ko sa kanya."Sinabi ko nang huwag mo akong tatawagin na Queen eh, bakit ba ang kulit mo?" pag-iinarte ko.






"Oh edi, Panget na Reyna na lang, diba baby kulet?" ani nito na animo ay kinakausap ang baby ko sa tiyan ko. Pareho naman namin naramdaman ang pagsipa ng baby ko, ang kulet talaga. Ang lakas sumipa kahit hindi ganun ka-healthy, but I'm trying my self para maging healthy ang baby ko, para maging malakas ang heart bit nito.



"Kasi naman, hindi naman kasi ako ang Reyna mo! Kaya huwag mo akong tawagin na Reyna mo!" reklamo ko dito, hinahaplos ko ng kamay ko ang aking may kalakihan ng tiyan. Gustong-gusto ko talaga na hinahaplos ang tiyan ko dahil mas nararamdaman ko ang malilikot na kilos ng baby ko, dalawang buwan nalang makikita ko na ito. Masisilayan ko na kung magkamukha ba kami o mas kamukha nito ang ama, kung babae ba ito o lalaki. Hindi na ako makapag-hintay, sana nga lang kasama ko si Claud. But unfortunately, hindi siya ang makakasama ko. Sigurado ako na hindi ko rin siya makakasama kapag nanganak na ako.




"Sinong nagsabi na hindi ikaw ang Reyna ko?, kulet, sabihin mo nga sa mommy mo na siya ang reyna, ako ang hari at ikaw ang prinsipe o prinsesa," muli nitong kinausap ang baby na nasa tiyan ko. Napaka-active kaya minsan ay nabibigla pa ako kapag sumisipa ito. Hindi pa namin alam ang gender nito dahil madalas nitong tinatago ang sekswal nito, napaka-pilyo kaya palagay ko ay magiging lalaki ang anak namin ni Claud. Speaking of Claud, sana masaya siya ngayon dahil sinusubukan kong maging masaya para sa amin ng anak niya.




"Nagkakampihan nanaman kayo!" kunwari ay nalungkot ako, sumubo ako ng dalandan ng isinawsaw ko sa asin.




"Heto naman, hayaan mo nalang kasi ako, anong magagawa mo kung isang Reyna ang turing ko sayo? para sa akin, ikaw yung tipong pinaglilikuran at niluluhuran para bigyan ng respeto," ani niya, suot niya nanaman ang kanyang pamatay na killer smile. Sakto naman na nakaluhod siya sa akin, hinalikan niya ang tiyan ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, hindi ko alam kung bibigyan ko siya ng pag-asa bilang lalaki o ano. Liejil is one of a kind  walang dahilan para i-reject siya ng kung sino, pero sa sitwasyon ko ay ayaw kong paglaruan siya dahil mahal ko pa si Claud at walang nagbabago doon. Sinasabi ng puso ko na baka bumalik si Claud, na baka may pag-asa pa kami balang araw.



"Aem, I'm serious, kahit anong oras pwede kang maging Reyna ko, maghihintay lang ako sa'yo" ani niya, parang prinsipe siya na biglang hinalikan ang kamay ko. Mas lalo kong nakilala si  Liejil sa apat na buwan namin na magkasama, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang mahalin siya.

"Liejil, I'm sorry, I still can't move on. Mabait ka at maraming magkakagusto sa'yo, pero hindi ako kasama doon kaya please, 'wag kang umasa, hindi kita kayang saktan ng saktan," saad ko, nababasa ko ang kalungkutan sa mga mata ni Liejil. Naramdaman ko rin ang paninigas ng aking tiyan, nararamdaman din ba ng anak ko kung ano ang nararamdaman ni Liejil?. Tipid siyang ngumiti.

"Na—naiintindihan ko, it should be Claud  wala naman makakampantay kay Claud eh, sinaktan ka lang naman non, hindi ko kayang pantayan pati ang pananakit niya sa'yo" pahayag niya, bahagya niya pang pinisil ang kamay ko.


Katulad ko ay alam kong nahihirapan din siya.

-----------------------
"Ate Aemie, ituloy mo na po yung kwento mo, ano pong nangyari pagkatapos iwan nung mabait na katulong yung prinsipe?," tanong ng mga bata sa akin.


"Ate Aemie, hinanap po ba nung Prinsipe yung katulong niya?" tanong pa ng dalagita sa kanila na si Reychelle.



"Ano kaba Reychelle, sigurado ako hindi na hinanap nung prinsipe yung katulong kasi nga papakasalan niya na yung malditang prinsesa niya!" reklamo pa ni Lorna, bigla akong nalungkot sa pahayag nito sa kwento.


         Nagkukwento kasi ako tungkol sa mga bata, tungkol sa Prince and the Maid. Parang yung mga pinagdaanan ko lang, I'm the maid and the prince is Claud, alam niyo naman siguro kung sino ang malditang prinsesa hindi ba?, hindi ko na kailangan sabihin kung sino.




"Ate Aemie, nashaan yung happily ever after don? Sad si Maid kashi wala yung love niyang prinsipe, ano ng nangyari?" tanong ng isa sa mga bata.




"Para ipagpatuloy ang kwento ni Ate Aemie niyo, ako naman ang magtutuloy sa kwento, ok ba yon?" ani ni Liejil sa mga ito.

         Nagsipag-talunanan ang mga bata, natuwa sila. Samantalang tahimik naman sa tabi ko ang batang malapit sa puso ko.

"Ok! Umalis ang mabait na katulong sa kaharian!, ano kasi ang pangalan ng katulong?"


"Eysi!!!" naka-sigaw na sagot ng bata, alam na alam nila kung sino ang bida sa kwento ngunit hindi nila alam kung kanino pagmamay-ari ang kwento.





"Eysi! Si Eysi ay naglakbay, dala ang kanyang mga kagamitan. Lumuluhang iniwan niya ang kaharian kung nasaan ang pinakamamahal niyang prinsipe. Sa haba ng nilakbay niya ng naglalakad, napagod siya sa kalagitnaan ng daan ng kagubatan, magdidilim na!. Pagod na pagod siya at hinihingal, sumakit ang tiyan niya hanggang sa may sariwang dugong umagos sa mga binti niya, humingi siya ng tulong ngunit walang sumasaklolo!" that was when I almost lost my baby, kasi hindi ko alam na buntis ako. Ang akala ko noon ay may sakit ako, iyon pala dala-dala ko na ang anak namin ni Claud. Masaya ako pero nag-aalala dahil hindi daw ganon kalakas ang kapit ng bata at hindi ganon ka-healthy ang lagay ng matres ko.


"Bakit may dugo!? nasugat siya?" tanong ng batang nasa murang edad.



"Kawawa naman si Eysi! walang tumutulong sa kanya! maraming ware wolf sa gubat!" ani pa ng isang matalinong batang lalaki sa gilid.



"Dumadaing sa matinding sakit si Eysi!, walang prinsipe na dumating! Sumasaklolo siya ngunit walang tumutulong, malapit na siyang panawan ng ulirat kung hindi lamang dumating ang isang karwahe! Ngunit hindi iyon Karwahe ng Prinsipe, Karwahe iyon ng isang Hari mula sa malayong kaharian! Bumaba ang matipunong hari at nilapitan ang naghihingalong si Eysi, dinala niya ito sa Kaharian niya upang doon gamutin, nalaman ng Hari na si Eysi ay nagdadalangtao,"





"Kuya Liejil! Anu yung nagdadalangtao?" tanong ng inosenteng bata.



"Buntis, ayan! katulad ni Ate Aemie niyo, dala-dala niya yung baby ni Kuya Claud niyo!" tinuro ni Liejil ang sitwasyon kong pagbubuntis.


"Ibig sabihin magkaka-baby sila ng Prinsipe, ibig rin sabihin ay magiging prinsesa o kaya prinsipe yung baby nila!" ani ng bagitong bata sa kanila.





"Tama! Kaso nga lang! hindi alam ng prinsipe na magkakaanak siya sa katulong na si Eysi!, nagising si Eysi sa palasyo ng Haring nagligtas sa kanya, at nalaman niya ang na ang pangalan ng Haring tumulong sa kanya ay Haring Kasinungalingan!" natawa na lamang siya sa kumento ng mga bata, napaka-panget daw kasi ng pangalan nung Hari. Tinagalog niya lang naman kasi ang Lie sa pangalan niya, siya ang Hari sa kwento na tumulong kay Eysi which is ako.

         Nais niya pa sanang ituloy ang kwento sa mga bata kung hindi lamang tumunog ang call alert ng phone niya. Pinakita niya sa akin kung sino ang tumatawag, umiling-iling lamang ako ng may ngiti.



"Kukulitin ka nanaman niya tungkol sa akin, sige na sagutin mo na. Sabihin mo na ayos lang ako," ani ko.


        Pinagtuunan ko na lamang ng pansin ang mga batang nagtatanong sa akin kung nasaan si Claud, kilala nila si Claud kahit hindi pa nila ito nakikita ng personal. Knuwento ko kasi sa kanila na kaibigan rin namin si Claud simula noong bata, at hindi ko rin inilihim na si Claud ang daddy ng baby ko. Hinihintay nga lang nila kung kailan nila iti makikita, ako naman ay hindi sigurado kung makikita nila si Claud.





-------------------
Pov of Claud


"Mag-kita tayo, may sasabihin lang ako na mahalaga," buo ang desisyon ko na hindi ako makikipag-kita sa kanya hangga't hindi ko pa nakikita't nakaka-usap si Aemie. Dahil sa kanya kaya naging miserable ang buhay ko.

          Hindi ko siya binigyan ng sagot dahil pinatayan ko siya ng phone call. Bahala siya! wala na siyang lugar sa buhay ko kundi sa nakaraan nalang! sa nakaraan nalang. Zeeya is nothing but a dreams breaker!, wala siyang pakialam kung may masira man siya. Ni wala na akong balita tungkol sa kanya simula noong iwanan ko siya sa Condo niya kasama ang walang hiyang Ex niya!, sana masaya na siya ngayon samantalang ako, heto't nagdudusa dahil sa mga ginawa niyang pagpapa-ikot sa akin.









------------------------
To be continue
------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

15.2K 1.8K 52
At first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Ranki...
435K 6.2K 24
Dice and Madisson
864K 13.3K 46
You started your marriage well. All was well. You were happy. Your husband, your daughter and you were happy. But all of a sudden because of one big...
5.1K 257 51
Inspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student...