Boris Javier (Forever and Alw...

By Bb_Anastacia

396K 14K 383

A strange turn of fate brought them together... Nailigtas ni Ayesha ang buhay ng casino owner na si Boris Ja... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three

Chapter Fourteen

15.2K 561 22
By Bb_Anastacia

"HINDI ko natagpuan ang bangkay niya."

Naramdaman ni Ayesha ang nagdaang tension sa katawan ni Boris nang yakapin niya ito.

"Self-defense ang ginawa mo," wika niya rito.

"Was it?" nagkaroon ng garalgal ang tinig nito.

Masuyo niyang nahagod ang likuran nito. Kaydaling sabihin na nauunawaan niya ito, na alam niya kung gaano kabigat ang dinadala nito. Subalit batid niyang walang salitang makapagpapagaan sa kalbaryong nagpapahirap dito.

"Pagkatapos ng nangyari kay Victor, hindi ba siya ipinahanap ng kanyang mga magulang?"

"That's what bugs me. Two weeks after the incident, Mrs. Loren Meneses left the country. Nang subukan kong kausapin si Mr. Meneses ay galit niya akong ipinagtabuyan. Mula rin noon ay hindi ko na sila tinangka pang kausapin. I kept myself busy. Bagay na hindi mahirap gawin dahil ng mga panahong 'yon ay fully operational na ang Polaris."

"You're not really a monster like you want everyone to believed."

"Ayesha—"

"Hindi mo sinikap maitayo ang Polaris dahil sa pansariling ambisyon. Itinayo mo ito as a sign of redemption. Tatlong foundation ang sinusuportahan ng Polaris na naglalayong maituwid ang landas ng lahat ng mga kabataang naging biktima ng droga. Hindi pa kabilang dito ang full-time scholarship program para sa mga mahihirap na mag-aaral, livelihood program for abused women, rehabilitasyon at tulong-pangkalusugan para sa mga mentally handicapped—the list is long. At lahat ng ito ay ginagawa mo sa tahimik na paraan."

"Sinabi sa'yo ni Luke?"

Umiling siya. "Napapakinggan ko lang ang pag-uusap nila ni Alex. At 'yong tungkol sa operasyon ko, I heard you asked for the best medical team to do the procedure."

"I owe it to you."

"Marahil. Pero simpleng medical assistance lamang ay malaking bagay na."

"Huwag kang magpinta ng imahe ng isang santo sa isipan mo, Ayesha. Baka ma-disappoint ka. I used and hurt so many people to achieve my goal."

"It's okay. Hindi ko naman pinangarap magka-boyfriend ng santo."

"N-nakapatay ako. Nakipagrelasyon ako sa mga babaing may-asawa para makapag-aral at makatikim ng ginhawa sa madaling paraan. At nang mangailangan ako ng karagdagang pondo para sa Polaris, ginamit ko ang naging relasyon ko sa kanila to extort some money."

"Sa magkakaparehong sitwasyon ay nagipit ka."

"Ayesha..."

"Hindi pa ba malinaw sa'yo? Mahal kita. Tanggap ko ang lahat-lahat sa'yo."

"Oh, God."

***

NABIBIKIG sa emosyong mahigpit na nayakap ni Boris si Ayesha. Noon ay nahiling niyang sana ay kayang hugasan ng ulan ang batik sa kanyang pagkatao upang maging karapat-dapat siya sa babaing minamahal. Ngunit hindi niya pala kailangan ng ulan, ang kailangan niya lamang ay isang taong tatanggap at magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang pangit na nakaraan.

Masuyo niyang ikinuwadro sa dalawang palad ang mukha nito at banayad itong hinagkan sa mga labi. "Thank you for loving me."

Mahigpit lang itong yumakap sa kanya.

May kakuntentohan siyang nadama...at kapanatagan. Over the past years, he had always been bone-weary and restless. At maliban kay Luke ay wala pa siyang ibang pinagkatiwalaan ng kanyang madilim na sikreto. At kahit pa marahil nakasal siya kay Princess ay duda siyang masasabi rito ang mga bagay na ipinagtapat niya kay Ayesha.

"Iniisip mo siya," mas na kumpirmasyon iyon kaysa tanong.

Napangiti siya at nahapit ito sa dibdib nang umihip ang malamig na hangin. Bilog ang buwan, mabituin ang langit at payapa ang dagat. Tila lamang sila inihehele ng banayad na paggalaw ng yate.

"Yes. Every once in a while, I think about her. Ngunit hindi sa paraang iniisip mo. I'm wondering now if what I felt for her was beyond physical attraction."

"N-nagdududa ka kung minahal mo siya?"

"Yes, or maybe I did. Hindi nga lang kasinglalim ng iniisip ko."

"Or maybe you saw her as a trophy wife. Isang asawang maipagmamalaki mo sa lahat."

Was that it?

Tumaas ang isang kamay nito sa kanyang mukha. At dahil hindi nakakakita, ibig nitong basahin ang kanyang ekspresyon sa pamamagitan ng pagdama sa kanyang mukha. Hinayaan niya lang ito. One of these days ay makakakita na ito. Nahahati ang damdamin niya sa pagkasabik at apprehension. Will she like him?

Sabi nga nila ang kagandahan daw ay nasa mata ng tumitingin. Sophie once told him that he was mysteriously handsome. Nakaka-intriga daw ang hiwagang ikinukubli ng kanyang mga mata. Estelle on the other hand said he was like a wild beast. She wants to tame him...but she couldn't. And there was Rhonda. She thinks he was one of the most beautiful creatures God ever put breath on. The fact that he was well-endowed and a skilled lover was just a bonus.

"Ako ang kasama mo pero kung sinu-sino ang iniisip mo."

Nagkaroon ng tunog ang kanyang tawa sa nahimigang selos sa tinig nito. Nang aktong ilalayo nito ang kamay ay maagap niyang pinigilan iyon at dinala sa kanyang mga labi. Hinagkan niya ang palad nito, pagkuwa'y ang mga daliri bago mariing siniil ang pulsuhan nito. Narinig niya ang pagsinghap nito.

"Before the mark fades, I'm going to buy you a ring."

Nang yumuko siya ay nakita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito.

"After tonight, kailangang panagutan mo ako," may himig-birong sabi niya bago yumuko at pinalis ng mga labi ang pamamalisbis ng mga luha nito. Nakulong sa bibig niya ang hikbi nito nang mainit niya itong hagkan.

Kasing-init niyon ang naging tugon nito. He kissed her chin, gently nipped it before his lips travelled down at the base of her throat. He undressed her slowly. Nang magkaroon ng nginig ang mga kamay niya ay parang ibig niyang matawa sa sarili. Daig pa niya ang isang bagito sa aktong iyon.

Sa liwanag ng buwan at mabituing kalangitan ay saglit siyang namangha nang mapagmasdan ang kabuuuan nito. She was more beautiful than he imagined. Her legs were long and shapely. Her breasts were proud and perfectly coned.

He took off his shirt and the rest of his clothing. 

Nang abutin siya nito at damahin ang kanyang katawan ay hinayaan niya lamang ito. She was hesitant but curious at the same time. She cupped his face and kissed him lightly on the lips, cheeks, jaws, down to his neck, behind his ear, his shoulder and chest. Her hands moved over his body in reverent forays.

Nang sa palagay niya ay ga-hibla na lamang ang nalalabi niyang control ay inawat niya ang mga kamay nito at siniil ito ng halik.

***

"BORIS..."

Marahang nahigit ni Ayesha ang paghinga nang muling maglandas ang mga labi ni Boris pababa sa kanyang leeg. Pinaghalong kilabot at kiliti ang kanyang nadama. At nang paglaanan nito ng mainit na atensyon ang kanyang dibdib ay boluntaryong umarko ang kanyang katawan kasabay ng nakaliliyo-nakababaliw na pakiramdam. Hindi niya alam na ganoon ang epekto ng aktong iyon.

Muli nitong inangkin ang kanyang mga labi habang marahan siyang inihihiga. Nang muli itong lumayo at hagkan pababa ang tiyan niya ay imboluntaryong napabangon siya. Kung itutulak ito o kakabigin ay hindi niya mapagpasyahan. Hanggang sa tila magsatubig ang kanyang mga buto nang matagpuan nito ang pakay.

Walang silbing tutulan niya ang ginagawa nito kaya hinayaan niya na lamang ang sariling magpatangay sa mga alon ng sensasyong ipinadarama nito. Mga along maliliit lamang noong una na naging dambuhala hanggang sa magmistula iyong buhawi na sinalpok ang kanyang kamalayan.

Paulit-ulit niyang nabigkas ang pangalan ni Boris kasunod ang mahabang pag-ungol. Inangkin nito ang kanyang mga labi. Kasabay noon ay naramdaman niya ang pag-iisa ng kanilang mga katawan.

It was painful. Subalit hindi nagtagal at napalitan iyon ng kakaibang sensasyon.

Marahang kumilos si Boris. Nang maunawaan niya kung ano ang ginagawa nito ay nagkapalit na sila ng posisyon, siya ang napaibabaw rito. With his hands on her hips, he gently guided her movements. Mariin niyang naipikit ang mga mata habang sinusundan ang saliw ng musika na ang mga katawan lamang nila ang nakakaunawa ng ritmo. Saglit pa at tila may sumabog na kuwitis sa kanyang kamalayan. Bigla siyang nabalot ng makulay na liwanag. Her body shook. Dalawang bisig ang mahigpit na yumakap sa kanya nang tila mawalan siya ng lakas.

May ibinulong sa kanya si Boris. Bagama't hindi niya masyadong nawawaan ay nakangiting inihilig niya ang ulo sa balikat nito. Sa ganoong posisyon na siya nakatulog.

'

A/N

Waah. First time kong naglagay ng ganitong sexy photo. Pasintabi sa minors, huwag masyadong pakatitigan. For adult's eyes only. Yay!!

Naughty, naughty  o_o

Bb_Anastacia/Doreen Gabriel

Continue Reading

You'll Also Like

21.6K 707 11
Hindi alam ni Pamela Nepomuceno kung bakit hindi siya pinapansin ng kaklase niyang si Timothy Razon nang makatabi niya ito ng upuan noong unang araw...
169K 7.5K 42
This is the story of Benj and Lucille. Yes, si Lucille ay kapatid ni Justin na bida sa "Escape with Me." (https://www.wattpad.com/217602952-escape-wi...
390K 9.3K 24
Walang pag-aalinlangang sinunod ni Agripina ang pakiusap ng kanyang kaibigan na i-deliver ang isang sulat sa Alvarossa Island. Pagdating sa isla, sak...
380K 11.1K 23
Walang pagdadalawang-isip na tinanggap ni Magdalena ang inaalok na kasal ni Taylor, isang beki na nangangailangan ng tagapagmana. Unang-una, kailanga...