Chapter Fifteen

14.4K 546 6
                                    

"DITO ka lang. Hindi naman ako magtatagal kaya hindi mo na kailangang lumabas sa deck," masuyong saad ni Boris sa nag-aagaw tulog pang si Ayesha. Masuyo niyang sinuklay ng mga daliri ang buhok nito.

Nasa loob sila ng cabin. They were still in bed and cuddling. 

Madaling-araw na nang buhatin niya si Ayesha patungo roon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Madaling-araw na nang buhatin niya si Ayesha patungo roon. At kung hindi lamang kailangang mamili ng karagdagang food supply ay mas nais niyang manatili lamang sa tabi nito. Holding her, loving her.

"Ho-hmn," ang inaantok pa nitong tugon.

Hinagkan niya ito sa balikat. Natuklasan niyang marami itong pekas doon. At natutuwa siyang hagkan iyon parati. Para iyong kulumpon ng mga mumunting bituin.

"You are my Polaris," bigla niyang nasabi.

"Hmn," namumungay ang mga mata nitong tumingin sa kanya.

Natatawang siniil niya ito ng halik. At bago tuluyang bumaba sa higaan ay muli niyang hinagkan ang mga pekas nito sa balikat. He showered at saka mabilis na nagbihis ng puting kamiseta at kupasing maong. Bago umalis ay ipinaghanda niya ito ng makakain at ipinasok niya sa cabin.

Habang natutulog ito ay idinaong niya ang yate malapit sa Pasacao Port. Taal na tagaroon ang kanyang ina. Madalas nitong ikuwento na laking-lansangan ito. Nang may kakayahan na siyang ipagpundar ito ng magandang tirahan ay ibinili niya ito ng bahay sa Dalupaon at ng mga bangkang pangisda.

Simple lamang ang pamumuhay nilang mag-ina kumpara sa inaakala ng marami. At siya naman ay kuntento na roon. He had several investment maliban sa Polaris. At kahit hindi siya magtrabaho kung nanaisin niya ay maalwan pa rin silang makakapamuhay kahit hanggang sa kaapo-apohan niya sa tuhod. Sa kabila ng maraming kamalasan sa buhay niya ay tila isinilang siyang may kakambal na suwerte sa stock market. At dahil sa suwerteng iyon kung kayat't marami siyang naipundar na kabuhayan. Habang ang kinikita ng Polaris ay nakalaang lamang sa iba't ibang foundation na kanyang naitatag.

Lulan ng rubber boat ay dumaong siya sa port. May pamilihan doon. Dala ang isang malaking canvass duffel bag ay nagtungo na siya sa palengke. Isang oras lamang ang ibinigay niyang taning sa sarili upang makumpleto ang mga nakalistang bibilhin.

Sa kanyang pagmamadali ay kamuntik na niyang mabangga ang isang batang lalaking tumatakbo. May hinahabol iyong bola. 

Na sa kasamaang palad ay diretsong gumulong patungo sa kanal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Na sa kasamaang palad ay diretsong gumulong patungo sa kanal.

Sa dami ng taong paroo't parito ay tila siya lamang ang nakapansin sa bata. Nang malukot ang mga labi niyon na parang maiiyak ay bigla siyang naawa. The boy reminded him of someone he knew. Bagay na mabilis niyang itinaboy sa isipan sapagkat naghahatid iyon ng mabigat na pakiramdam.

Kinuha niya mula sa kanal ang bola. Nang may makitang maliit na poso ay hinugasan niya roon ang laruan bago ibinigay sa bata.

"Harvey, and'yan ka lang pala."

Mula sa nakangiting bata ay tumaas ang tingin ni Boris sa lalaking papalapit sa kanila. Tila siya ipinako sa kinatatayuan. May palagay rin siyang tinakasan ng kulay ang kanyang mukha habang nakatingin siya sa lalaki.

"Victor?"

"Kilala mo ang Daddy ko?" inosenteng tanong ng paslit na bahagya na lamang nakaabot sa pandinig ni Boris.

"Anak, what did Lola tell you about talking to strangers?"

His voice. Sa isip niya ay wala ni isang hibla ng pagdududa na ang taong kaharap niya ay walang iba kundi si Victor.

"You're alive," halos bulong lamang na sabi niya. Halos nangangamba siyang magsalita o kumurap sa pangambang ilusyon lamang ang nakikita niya. Or worst, isa lamang iyong panaginip.

"Pasensya na, Mister. Naaksidente ako five years ago at marami sa aking mga dating kakilala ang hindi ko na matandaan. And yes, my name is Victor. Victor Meneses."

"Anak, nasaan na si—"

Kung sino sa kanila ni Mrs. Loren Meneses ang higit na nagulat ay hindi niya tiyak. Tingin niya ay bahagya pa itong gumiray nang makita siya.

***

"SOMETIMES the best hiding place is in plain sight. Not that I'm actually hiding Victor. But after everything that happened, mas minabuti kong ilayo siya sa lugar na magpapaalala sa kanya ng masasakit na pangyayari," ang simpleng paliwanag ni Loren.

Nang imbitahin si Boris ni Victor na sumama sa mga ito ay walang nagawa ang ginang. Sa Caranan lamang pala naninirahan ang mga ito, halos kanugnog lamang ng Dalupaon at bundok lamang ang nakapagitan. Diumano'y isang mangingisda ang nakatagpo kay Victor na walang malay sa dalampasigan. Mabuti na lamang at may natagpuang ID sa pitaka nito kung kaya't agad-agad na naabisuhan ang pamilya ng binata.

"May mga bugbog siya sa katawan, galos at bukol sa ulo. Nang magkamalay siya sa ospital ay wala siyang matandaan na kahit na ano tungkol sa kanyang sarili. Meron siyang amnesia. At ayon sa doctor, posibleng biglang bumalik ang kanyang alaala o...maaaring hindi na."

"The latter is to your advantage, of course," hindi naawat ni Boris ang sarili na pauyam na sabihin sa kausap ang naiisip. It all seemed surreal. Subalit ngayong unti-unti ng nagbabalik sa normal ang kanyang paghinga ay normal na ring gumagana ang utak niya.

"Huwag kang magsalita sa akin na para bang ako ang may kagagawan sa nangyari kay Victor."

"Perhaps you didn't pull the trigger but you're the one who loaded it," makahulugang tugon niya. "Pagkatapos ng inakala niyang pagtataksil sa kanya ni Princess ay pinuntahan niya ako at pinagtangkaang patayin."

"Liar. Wala iyon sa karakter ng anak ko."

"How well do you know your son ganoong halos buong buhay niya ay parati kang wala?"

Naningkit ang mga mata ng babae sa poot. "Huwag mong baliktarin ang mga pangyayari. You're the one who tried to kill him. At magpasalamat ka na lang na hindi ako nagpa-imbestiga sa mga pulis."

"Duda akong gagawin mo 'yon," sarkastikong turan niya. "Dahil kung ginawa mo 'yon ay mapipilitan kang ilantad si Victor. So you kept quiet and let me suffer for years thinking I killed my bestfriend."

"Serves you right."

Naisip ni Boris na wala ng dahilan upang magtagal pa siya roon. Ang malamang buhay si Victor at may sarili na rin itong pamilya ay sapat na sa kanya. May isang bagay lamang na sumisingit sa isipan niya. Alam kaya ni Princess ang nangyari kay Victor?

"Natatandaan na kita."

Natigilan si Boris bago dahan-dahang nilingon si Victor. Wari'y biglang bumara ang daluyan ng hangin sa baga niya habang hinihintay itong magsalita.

"Iniligtas mo ako noon sa dalawang maton na parating nangingikil sa akin bago pumasok ng campus."

Tila sumikip ang kanyang paghinga sa emosyon. May tuwang hatid sa kalooban niya ang kaalamang nakaukit sa isipan nito kung paanong nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Malungkot siyang ngumiti rito. Labag man sa kalooban niya ay kailangan na nilang magpaalam sa isa't isa. Marahil balang-araw ay magkikita silang muli. Maaaring sa mga panahong iyon ay nakakaalala na ito. It will be a day of reckoning, no doubt. Gayunpaman ay hihintayin niya ang araw na iyon.

Habang naglalakad palayo ay nahiling niyang sana ay naroroon si Ayesha upang hawakan ang kanyang kamay. Relief and something akin to happiness made his knees weak. And Ayesha by his side will definitely make him feel better.

Victor is alive. Nagkaroon ng nginig ang kanyang paghinga. Nang maalala si Ayesha ay nagmadali siyang makabalik dito. Nasasabik siyang ibalita rito ang natuklasan niya.

Boris Javier (Forever and Always)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon