Chapter Twenty One

13.1K 526 11
                                    

"DID you find her?" nag-aalalang tanong ni Boris kay Pilo. Kausap niya ito sa cellphone at inutusan itong sundan si Ayesha.

"No, Sir. May palagay ho akong nakaalis na siya."

"Are you sure?"

"Why are you pestering the guy when it was your fault to begin with?" naiinis na sita sa kanya ni Princess.

Natutureteng nahagod niya ang batok. "She was crying when she left. Baka kung mapaano siya sa daan."

"Sinubukan mo na bang tawagan?"

"She's not answering her phone."

"Naturalmente. Give me her number, ako ang tatawag."

Ibinigay niya kay Princess ang sariling cellphone. Panay ang irap nito sa kanya habang hinihintay maka-connect sa kabilang linya. Pagkaraan ng ilang subok ay ibinaba nito ang cellphone.

"She's not picking up. I'll try again later. Baka nagpapalipas lang 'yon ng sama ng loob."

Iyon din ang piping dasal niya. Sapagkat hindi maalis sa dibdib niya ang takot na bigla niyang naramdaman.

Sana ay ligtas siyang makauwi. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama rito.

"She'll be fine," narinig niyang assurance ni Princess.

Napabuntong-hininga siya.

"What's with the attitude, anyway? Bakit kailangan mo siyang tratuhin ng ganoon samantalang nakikita ko naman kung paano mo siyang tingnan. You are so into her."

"We're not meant to be."

"Kalokohan. Bakit ayaw sa'yo ng parents niya?"

"She's an orphan. At ako ang may kasalanan kung bakit siya naulila. I killed her parents. Nabangga ko ang sinasakyan nila. Her parents died on the spot at...ang aksidente ring iyon ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng diprensya ang mga mata ni Ayesha."

"Oh."

***

NAGISING si Ayesha sa isang hindi pamilyar na silid.

"Hello. Mabuti naman at gising ka na."

"Rita," ang huling natatandaan niya ay kasama niya itong nagkakape sa isang kilalang coffee shop nang bigla siyang mahilo. Inalalayan siya nito at nagprisintang ihahatid na siyang pauwi. Subalit hustong makasakay na siya sa kotse nito ay nagdilim na sa kanya ang lahat.

"It's Margarita Rubio, actually. Iyon ang buo kong pangalan."

Her full name is the least of her concern. Pero siyempre'y isang kabastusan kung sasabihin niya iyon dito. Parang umaalon ang paligid niya. Tutop ang noong sinikap niyang bumangon sa kinahihigaan.

"P-pasensya ka na, ha? Nahirapan ka sigurong ihatid ako dito sa kuwarto mo. Nasaan tayo?"

"Somewhere in Cavite."

"Cavite?" naisip niyang tagaroon marahil ito. Ang kaso ay napalayo naman siya sa kanyang uuwian. Paano siyang uuwi sa ganoong kalagayan?

Patang-pata ang kanyang pakiramdam. Nasulyapan niya ang kanyang shoulder bag sa may paanan. Kailangan niyang tumawag. Si Boris ang una niyang naisip ngunit kasabay ng pag-iinit ng mga mata ay mabilis na umantak ang puso niya nang maalala ang huli nilang pag-uusap. Tinapos na nga pala nito ang lahat sa kanila. Si Mayette na lang marahil ang tatawagan niya upang magpasundo.

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Hawak ni Rita ang kanyang cellphone. Nang aabutin niya iyon ay sukat bigla itong ngumisi. Noon niya lamang napuna na may kakatwa rito. There was something sinister in her eyes when she grinned. Saka lang din niya napag-ukulan ng pansin ang pagkakahawig nito kay Princess. Sa buhok, taas at pangangatawan ay hindi nagkakalayo ang dalawa. Ngunit nang magtanggal ng wig ang babae ay lumabas ang malaking kaibahan ng mga ito. Rita was sporting a pixie hair cut. Tila sinadya lamang nitong kopyahin ang ayos at make-up ni Princess.

"Ano ang ibig sabihin nito, Rita?"

"Hmn, paano nga ba akong magsisimula? A, tama. Once upon a time, there lived a king and his beautiful daughter Princess Margarita. One day, the king decided to remarry. Doon nagsimulang magulo ang perpektong buhay ng mag-amang hari at prinsesa. Malanding babae kasi ang pinakasalan niya. Hindi lang ito nagpakasasa sa kayamanan ng hari, dinumihan pa nito ang pangalan niya. The king became a laughing stock, in the end he hang himself and died."

"Ano ang kinalaman ko sa lahat ng ito?"

"Ikaw? Wala. Pero ang boyfriend mo, malaki ang atraso niya sa akin. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang Papa ko—sila ni Rhonda!"

"Si Boris?"

"Yes. When I learned about his association with Rhonda, I hired someone to dig his past. And his past is quite interesting. Alam mo ba kung sino ang mga magulang niya?"

Banayad siyang tumango.

"And you're okay with that?"

"Hindi makitid ang utak ko para sisihin siya sa mga pagkakamaling nagawa ng kanyang mga magulang."

Napaismid ito. "How romantic. Paano kung sabihin ko sa'yong siya ang responsable sa pagkamatay ng mga magulang mo?"

Hindi siya nakasagot. Mistulang bomba ang pinasabog nito na bigla siyang natulig. Tahimik na umagos ang kanyang mga luha.

"Here's the thing, though. It wasn't exactly his fault."

Natigilan siya.

"That caught your attention, huh? God, you are such a ditz. You'll hang on to every last thread of hope to take the blame off that bastard, aren't you? Because despite what you just heard, you're still in love him."

Hindi niya sinagot iyon. Her emotion was in turmoil. Nasa panganib ang buhay niya, natitiyak niya iyon. Tinapos ni Boris ang relasyon nila nang ganoon na lamang kabilis at hanggang sa mga sandaling iyon ay tila hinihiwa pa rin ang kanyang dibdib. Subalit pagkatapos ng sinabi ni Rita ay parang gusto niyang kuwestyonin ngayon kung iyon ang nagbunsod kay Boris upang tapusin ang kanilang relasyon. Imposibleng dayain ang maliligayang araw na sila ay magkasama. Nagsimula lamang itong umaktong kakatwa nang—napahikbi siya at dagling natutop ang bibig.

Bigla niyang naalala iyong araw na dumalaw siya sa puntod ng kanyang mga magulang. Masaganang bumukal ang kanyang mga luha. He was a bit strange that day. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit.

"Sabi mo...hindi kasalanan ni Boris ang lahat."

"Oh, yes. As I was saying, it wasn't entirely his fault since his brake was tampered."

Tampered? Ang huling natatandaan niya bago sila sumalpok sa kasalubong na sasakyan ay ang paekis-ekis niyong takbo. Dios ko. "Kung gano'n ay ikaw ang may kagagawan ng lahat?"

"Sa tulong ng dating stepfather ni Boris, yes. I did. I have the money, he had the connections. Pareho kaming matindi ang pagnanais na burahin na sa mundong ito si Boris. Pero may sa pusa yata ang hudas, lahat ng plano namin pumalpak. Ayos na sana 'yong huli, pumasok ka lang sa eksena. Nasagip mo ang buhay niya."

"Ikaw rin ang may pakana nang gabing masaksak si Boris?"

"Bingo."

Napakuyom ang mga palad niya. Maliit na babae lamang ito kumpara sa kanya. Kayang-kaya niya itong labanan. Subalit nanghihina siya. Hindi na siya magugulat kung sasabihin nitong may inilagay itong droga sa inumin niya nang ito ang magboluntaryong bumili ng kape nila.

"Why don't you rest a bit? Mayamaya lamang ay makakasama mo na ang pinakamamahal mong nobyo."

"H-hindi ko na siya nobyo. Kahihiwalay lang namin kanina."

"Really? In that case ay ganito ang magiging headline bukas: Babae, hindi nakayanan ang pakikipaghiwalay ng nobyo, nagpatiwakal. Perfect. Dala ng matinding guilt, dating nobyo ng babae nahulog ang minamanehong sasakyan sa bangin dahil sa kalasingan. Perfection. Sometimes I amazed myself with my own cleverness."

Pinagsamang takot at galit ang magkasabay na umahon sa dibdib ni Ayesha. Sa kabila ng hitsura ng babae ay walang duda na magagawa nito ang lahat ng sinabi. She looked deranged. At ang mga taong wala sa tamang katinuan ay kayang gawin ang kahit na ano.

Tumunog ang cellphone niya na hawak ni Rita. Waring nagtayuan ang mga balahibo niya nang unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ng babae.

"Hello, Boris. Kanina ko pa hinihintay ang tawag mo."



Boris Javier (Forever and Always)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon