Chapter Twenty Two

14.2K 565 19
                                    

PASADO alas otso na ng gabi nang matanggap ni Boris ang tawag ni Mayette. Wala pa raw sa bahay si Ayesha. Bagama't hindi siya sigurado kung sasagutin ni Ayesha ang tawag niya ay sinubukan niya pa ring tawagan ito. Subalit iba ang tinig na sumagot sa tawag niya.

"Who is this?"

"Hindi nakapagtatakang hindi mo na ako natatandaan."

"Wala akong panahong makipagbiruan. Who are you? Nasaan si Ayesha?"

Mataginting na humalakhak ang kausap niya. Mahigpit niyang nakuyom ang hawak na mekanismo.

"Sino ka? Ano ang ginawa mo kay Ayesha?"

"Was it fear I hinted in your voice, Sir Boris?"

Sir Boris? Hindi niya maipaliwanag ang takot na bigla niyang naramdaman. Sino ang taong ito? Ito ba ang taong nagtatangka sa buhay niya? Nadoble ang takot sa dibdib niya. Hindi niya pinangambahan ang buhay niya sa nakalipas na mga araw. Subalit ngayong buhay ni Ayesha ang namimiligro sa mga kamay ng hindi niya nakikilalang kaaway ay hindi mapapantayan ang takot na kanyang nadarama.

"Kung anuman ang kailangan mo, nakahanda akong ibigay. Huwag mo lang siyang sasaktan."

"I'd like to hear you beg."

Tila may bumara sa lalamunan niya. "Please."

"Good dog. Puwede mo na siyang makita. Pero bago ko makalimutan, no police. Ikaw lang. At wala ring ibang dapat makaalam, maliwanag? Hindi ko na siguro kailangang sabihin sa'yo na kapag may nakita akong pulis ay mapapadali ang buhay ni Ayesha."

"Naiintindihan ko."

Ibinigay ng babae ang pangalan ng isang beach resort sa Cavite.

He grabbed his car keys at paalis na sana nang magkasunurang pumasok sa kanyang opisina sina Pilo at Luke.

"Nakilala na namin kung sino ang babaing kasama ni Ayesha. Si Rita," ani Luke. Sinabi rin nito na ang babae ang empleyadang ipinatanggal niya kamakailan dahil sa misconduct.

"Ni-review namin ang mga security camera kung saan huling nakita si Ma'am Ayesha," dagdag na imporma ni Pilo.

"At may isang bagay pa akong natuklasan. May kinalaman din sa lahat ng ito ang dati mong padrasto."

"That bastard."

"I used your father's underground network para imbestigahan ang nangyari sa'yong aksidente. Pasensya ka na kung hindi ko kaagad naisip gawin iyon."

"Alam nating pareho na delikado 'yon para sa'yo," aniya kay Luke. Hindi sila nakatitiyak na wala na ito sa wanted list ng mga taong pinaghahanap ng batas. Ngunit sa sandaling matunugan ang pakikipag-ugnayan nito sa mga dating koneksyon ng kanyang ama ay maaari itong mapahamak.

"Nag-aalala lamang ako para sa kaligtasan mo."

"Salamat. Pero mas natatakot ako ngayon para sa buhay ni Ayesha. I have a feeling that we are dealing with a lunatic. Hawak niya ngayon si Ayesha."

"Sir, may isa-suggest ho sana ako," saad ni Pilo.

"I'm listening."

***

"TAAS ang kamay. Huwag kang magkakamaling kumilos kung ayaw mong mapadali ang buhay mo," naudlot ang balak na pagkatok ni Boris sa pinto sa pagsasalita ng isang lalaki mula sa kanyang likuran. Naramdaman niya ang pagtutok ng baril sa kanyang likod habang siya'y kinakapkapan.

Nakuha nito ang kanyang baril.

"Ayos 'tong bakal mo, a. Lisensyado ba 'to?"

Hindi siya sumagot. Natatandaan niya ang boses nito. Isa ito sa dalawang lalaking binayaran upang itumba siya. Itinulak siya nito.

"Pasok na."

Puno ng agam-agam ang dibdib na binuksan niya ang pinto.

"Ma'am, naririto na ang ating panauhing pandangal," anunsyo ng lalaki pagpasok nila.

"Patuluyin mo," mula sa isang panig ng silid ay tugon ng tinig ng isang babae.

Muli siyang itinulak ng lalaki sa direksyong pinanggalingan ng tinig. Napatiim-bagang siya. Nais na niya itong harapin at bigwasan ng mga kamao. Nagtitimpi lamang siya dahil hindi niya pa alam ang sitwasyon ni Ayesha.

"Kumusta ka na, Boris?"

Saglit lamang na dumapo ang tingin niya sa babaing prenteng nakaupo bago mabilis na hinagilap ng kanyang mga mata si Ayesha. Tila biglang nanlaki ang ulo niya nang makita ang ayos nito. Nakatuntong ito sa silya habang may nakabiting tali sa leeg nito! Nakatali ang mga kamay nito sa likuran habang may busal ang bibig. Isang maling kilos nito ay mabibigti ito!

Jesus. Parang mabibiyak ang puso niya sa takot. "Let her go. Kung ako ang kailangan mo ay naririto na ako."

Nakikita niya ang takot sa mga mata ni Ayesha habang tahimik na bumubukal ang mga luha nito. Ibig man niyang ipanatag ito sa pagsasabing magiging maayos din ang lahat pero alam niyang walang silbi ang salita ng mga sandaling iyon. Kailangan niyang umisip ng paraan kung paano maililigtas si Ayesha. Hindi baleng masakripisyo ang buhay niya, makaligtas lamang ito.

"Hindi gano'n kasimple ang hinihingi mo."

Nilingon niya ang babae.

"Pagmasdan mo akong mabuti."

He did what he was told.

"Natatandaan mo na ako?"

Nagtiim ang kanyang mga labi. "Ikaw ang anak ni Amado."

"Ako nga. And it's payback time."

"Hindi nakapagtatakang nagkaroon siya ng anak na katulad mo. Pareho kayong maluwag ang turnilyo."

Galit na galit na sinugod siya ng babae! Pinagbabayo nito ang kanyang dibdib. "Hayop ka! Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo!"

"Your father was a very sick man. He couldn't perform in bed nang hindi sinasaktan ang kanyang kapareha. He was a sadist."

"Liar! Pinatay niyo siya! Kayong dalawa ni Rhonda ang nagtulak sa kanya upang magpatiwakal."

"Pinili niyang magpatiwakal kaysa mabunyag ang pinakatatago niyang sikreto. Siya ang pumatay sa Mama mo."

"Nooo!" wari'y tuluyang bumigay ang katinuan ng babae. Nagwala ito. At bago pa niya ito napigilan ay sinipa nito ang silyang tinutuntungan ni Ayesha!

"Ayesha!" mabilis niyang dinaluhan ang dalaga. Sinuportahan niya ang katawan nito upang hindi ito tuluyang mabigti. "Hang on, just hang on, sweetheart. You're going to be okay."

Pumuno sa silid ang mga halakhak ni Rita.

"Okay? Walang sino man sa inyong dalawa ang makakaalis dito nang buhay!"

Narinig niya ang pagkakasa nito ng baril. Nakita niya ang sindak sa mga mata ni Ayesha bago ang dalawang magkasunod na putok. Naramdaman niya ang sakit ng bumaong tingga sa kanyang katawan ngunit hindi niya binitiwan si Ayesha. Panay ang iling at palag nito na parang sinasabing bitiwan na niya ito subalit ngumiti lamang siya.

"I love you...and I am so sorry for making you cry."

Muli siyang nakarinig ng putok. Bago tuluyang nagdilim ang paningin niya ay nakita niya sina Pilo, Alex at Luke.

"It's okay, buddy. You can let her go now. Ligtas na siya, ligtas na kayo."


Boris Javier (Forever and Always)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon