Chapter Thirteen

13.5K 520 2
                                    

"ANO ang nangyari kay Victor?" tanong ni Ayesha sa tonong banayad at nananantiya.

Kasalukuyan silang nasa laot, lulan ng malaking bangkang pangisda ng mga ito. Isang segunda manong yate diumano iyon, ayon kay Boris. Nabili ng Mama nito sa isang bakasyunistang Hapon. At sa tuwing bibisitahin ang ina ay ginagamit iyon ni Boris. Pumapalaot ito ng ilang araw upang magnilay. Kaparis ngayon.

Nakahiga sila sa malapad na reclining chair. Payapa ang dagat at ayon dito ay latag na ang dilim. Nakabilanggo siya sa mga bisig nito at kuntentong pinakikinggan ang tibok ng puso nito. Doon na sila magpapalipas ng magdamag. Ang plano ni Boris ay tatlong araw sila sa laot. May baon na silang mga pagkain. Ang iba pa nilang pangangailangan ay bibilhin na lamang nila sa susunod na bayan.

Nang hindi ito sumagot kaagad sa kanyang tanong ay ipinasya niyang huwag na itong pilitin.

"I killed him."

Dama ni Ayesha, literal na tumigil ang pintig ng kanyang puso.

Marahan itong lumayo sa kanya at naupo.

"I killed him. Here. Sa mismong bangkang ito.

May lamig na naglandas sa mga gulugod ni Ayesha. He spoke in a flat voice na tila ba ito nagkukuwento lamang ng isang pangyayari na hindi ito mismo ang sangkot.

"Binayaran ako ni Mrs. Loren Meneses—ang Mama ni Victor—para sirain ang relasyon nila ni Princess."

Bumangon siya at naupo. Hindi niya tiyak kung ano ang kanyang nararamdaman.

"One night, Princess came to me. She needed someone to comfort her dahil nag-away sila ni Victor. But instead, I took advantage of the situation. Nilasing ko siya. I hired a professional photographer to take our pictures in a very compromising situation. You can already guess what happened next."

"I-ibinigay mo kay Mrs. Meneses ang mga pictures?"

"No, I sent them anonymously to Victor. Hinintay ko kung ano ang gagawin niya. Inaasahan ko na ang magiging galit niya. Pero lumipas ang mga araw na wala akong narinig na balita o natanggap na mensahe mula sa kanya. I had no idea that he was just biding his time. Palihim niya akong sinundan hanggang sa umuwi ako rito kay Mama."

***

ANG nangyari'y nangyari na, wala ng silbing pagnilayan pa. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Boris sa sarili nang patayin ang makina ng yate pagdating sa laot. 

He was about to get his diving gears when out of the corner of his eye he saw a figure emerged from the shadows

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

He was about to get his diving gears when out of the corner of his eye he saw a figure emerged from the shadows.

"Kumusta, kaibigan kong traidor?"

"Vic," paglingon niya ay nakita niya itong may hawak na baril, nakatutok sa kanya.

Takipsilim na. Ngunit sa pagitan ng nag-aagaw na liwanag at dilim ay waring kumislap ang mga mata nito sa nag-aapoy na galit.

"I should have trusted my instinct. Isang napakalaking pagkakamali na pinahintulutan kitang makapasok sa buhay ko. Ahas ka, Boris! Ahas!"

Batid niyang anuman ang sabihin niya rito ay hindi niyon mababago ang kanilang sitwasyon. Subalit hindi pa siya puwedeng mamatay. Napakarami pa niyang kailangang gawin. Ngunit paano niya ito malalansi gayong sa tingin niya ay buo na sa loob nitong patayin siya?

Habang pinagmamasdan ito ay saka niya lamang napuna na kaylaki ng ipinagbago nito mula sa mabiro, mahinahon at very soft-spoken niyang kaibigan. Hindi niya maiwasang isipin na malaki ang naging kontribusyon niya sa pagbabago nito.

"Suddenly lost for words, buddy? Sa akala mo ba ay hindi ko malalaman ang ginawa mo kay Princess? Alam kong matagal ka ng may gusto sa kanya; but I never thought you would stoop that low to have her."

"Ikaw, e. Masyado kang mabagal. Do you know how sweet and incredibly willing she was that night?"

"You son of a bitch!"

Iyon ang pagkakataong hinihintay niya. Ang mapikon ito upang daluhungin siya, which he did. He was always predictable. Madalas iniisip pa lamang nito ay alam niya na.

Panay salag at iwas lamang ang ginawa niya nang atakehin siya nito ng suntok. Bukod sa limitado at hindi kumbinyente ang espasyong ginagalawan nila, ay batid niyang hindi ito kasinghusay niya sa pakikipaglaban.

Mabilis niyang nahuli ang dalawang kamay nito at mahigpit iyong pinaghugpong sa likuran nito bago ito isinubsob sa sahig ng deck. Diniinan niya ito ng tuhod sa likod upang hindi ito makakilos.

"Give it up. You know you can't beat me."

"No doubt about it. Having a drug lord for a father, I'm sure his underlings trained you well."

He didn't take the gibe.

"How's your mother for a whore? I hope you won't mind if I come and visit her sometime. Perhaps she can teach me a thing or two on how to please a woman in bed."

Anyone can badmouth his father and he's okay with that. Ngunit ibang usapan na kapag ang sangkot ay ang kanyang ina. Mabilis niya itong itinihaya at inundayan ng sunud-sunod na suntok. Hindi niya ito tinantanan hanggang sa mamanhid na ang kanyang mga kamao.

"How does it feel to be the butt of your own joke, huh?"nakangising tanong nito sa kabila ng busargo at duguang bibig.

Lupaypay na ibinagsak niya ang sarili sa tabi nito.

May ilang sandaling nagsaliw ang kanilang sabay na paghingal.

"Puwede kitang patayin ngayon para tuluyan ng mapasaakin si Princess," wika niya na hindi tumitingin dito. "Napakalawak ng dagat. Puwedeng-puwede kong itapon dito ang bangkay mo at walang sinuman ang makakakita sa'yo."

Inut-inot itong kumilos at bumangon. "That was a brilliant idea, thank you."

May nagdaang kilabot sa kanyang batok nang marinig niya ang pagkakasa nito ng baril.

Oh, shit. Muli ay natagpuan niyang nakatutok sa kanya ang baril nito. Naghagilap siya ng anumang bagay na maipangdedepensa sa sarili. Nakuha niya ang kanyang spear gun. Kasabay ng pagtutok niya kay Victor ay umalingawngaw ang isang putok.

Narinig niya ang pagbagsak ng katawan ni Victor sa tubig kasabay ng hapding gumuhit sa kaliwang balikat niya.


Boris Javier (Forever and Always)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon