Boris Javier (Forever and Alw...

Od Bb_Anastacia

396K 14K 383

A strange turn of fate brought them together... Nailigtas ni Ayesha ang buhay ng casino owner na si Boris Ja... Více

Prologue
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three

Chapter Two

19.1K 655 12
Od Bb_Anastacia

BORIS drifted into a deep slumber. It was filled with images of Princess, her eyes were glistening with unshed tears. In her arms was the lifeless body of his bestfriend—Victor Meneses. They were surrounded by a pool of blood.

"You killed him. You killed the only man I have ever loved."

Bigla siyang napabalikwas ng bangon. Upang dagli ring mapahiga nang parang mahahati ang katawan niya sa sobrang sakit. Nang iangat niya ang isang kamay upang damahin ang tagiliran ay bigla siyang natigilan. May taong nakayupyop sa gilid ng kanyang kama at hawak-hawak ang kanyang kamay. At base sa mahaba at alun-along buhok ay isa iyong babae.

"Princess?" aabutin niya sana ito nang magsalita ang isang tinig.

"I'm afraid that's not Princess Faith."

"Alex," mahina at paos ang kanyang tinig nang i-acknowledge ang presensya ng kaibigang doctor na si Alexander Palomares. Nang iikot niya ang tingin sa kinaroroonang silid ay saka lamang niya napuna kung saan siya naroroon. Nasa loob na siya ng kanyang private suite.

"You were almost a goner. Thanks to your guardian angel here, hindi ka lang niya ligtas na inihatid pauwi, dinugtungan niya pa ang buhay mo."

"What do you mean?"

"Kinailangan mong masalinan ng dugo ora mismo. Mabuti na lamang at magkatipo kayo. Siya na ang nagboluntaryong maging blood donor mo."

Muli niyang sinulyapan ang nakayupyop na babae sa kanyang tabi.

Ayesha. Naalala niya ang pangalang ibinigay nito. "Napakaraming available na silid, bakit dito siya natulog?"

Natawa si Alex.

"What?"

"You refused to let go of her hand. So the poor girl had no choice but to stay beside you. And well, I guess she had no choice either but to sleep there."

Diskumpiyado ang tinging ibinigay niya sa kaibigan.

"I am not pulling your leg, Boris."

"Shouldn't we wake her?"

Sinilip pagdaka ni Alex ang nahihimbing na babae. "Nah, she's sleeping like a child. Hmn, isn't she quite pretty? Too bad she is partially blind."

"Get out."

Ikinagulat wari ng doctor ang biglang pag-alsa ng kanyang tinig. Gayunma'y nagkibit-balikat lamang ito.

"I'll send someone to check on your wound."

"A tray of food will be much appreciated."

"'Got it."

Wala siyang ideya kung anong oras na o kung gaano katagal na siyang walang malay. Ngunit base sa mataas na sikat ng araw na naglalagos sa makapal na glass wall paneling ng kanyang suite ay lampas ng alas dose marahil. Inut-inot siyang bumangon. Maingat niyang binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Ayesha. Himbing na himbing pa rin ito.

Nang mapansin niya ang IV tube na nakakabit sa kanyang braso ay mabilis niya iyong tinanggal. He hated that stuff. Ramdam niya ang panginginig ng mga kalamnan nang bumaba ng kama at sikaping tumayo. Mariin niyang napaglapat ang mga ngipin nang gumuhit ang sakit mula sa kanyang tagiliran.

"Damn it."

"Dapat kasi pumirmi ka muna sa kama," tinig ni Luke, ang kanyang assistant. Ngunit sa ilang taon na rin nilang pinagsamahan ay mas na parang tatay na niya ito keysa overall right hand man.

Nasa mid-fifties na si Luke. Ngunit sa likod ng mga kaswal nitong kasuotan ay ang maskuladong katawan na kayang-kaya pang magpatumba ng kahit sampung kalaban. Luke was his late father's right hand guy. Ito rin ang taong pinagkatiwalaan ng kanyang ama na idispatsa ang mga naipundar na ari-arian bago pa iyon ma-embargo ng gobyerno. Matagal din itong nawala sa bansa. Kinailangan nitong magpalit ng bagong identity upang hindi ito masundan ng Interpol. Nang maaari na itong humantad ay nakipagkita ito sa kanya. That was the time they decided to put up Polaris.

"Para kang si Russ," ani Luke na inalalayan siya at tinulungang makaupo. Ang tinukoy nitong 'Russ' ay ang kanyang amang si Rusty Chen. Madalas nitong sabihin na marami silang pagkakatulad na mag-ama sa ugali. "Galit 'yon kapag sinasabihan ng doctor ng complete bed rest. Katwiran niya, sa patay lamang daw bagay sabihin ang salitang complete bed rest sapagkat hindi na iyon maaari pang bumangon."

Mapait siyang napangiti. Hindi na halos niya matandaan ang hitsura ni Rusty Chen. Bagama't may isip na siya nang mamatay ito ay bihira naman nila itong makasama ng kanyang Mama noong ito ay nabubuhay pa. Kay Luke na lamang niya nalaman ang rason kung bakit gayon ang kanilang sitwasyon. Kaipala'y ayaw lamang nitong masangkot silang mag-ina sa masalimuot nitong buhay.

Taliwas ng mga haka-haka tungkol sa nangyari kay Rusty Chen may dalawampung taon na ang nakakaraan, hindi ito nahuli sa isang drug bust. Kusa itong sumuko sa mga alagad ng batas kapalit ng isang deal: tetestigo ito laban sa drug cartel na siyang humahawak sa buong ka-Maynilaaan.

Ayon pa kay Luke, ginawa iyon ng kanyang ama para malaya na itong makasama silang mag-ina. Subalit may naghudas dito. Bago pa man ito makaharap sa korte ay pinatahimik na ito sa loob ng bilangguan.

When he learned about his death he didn't even bother shed a tear. Gaya ng paniniwala ng nakararami ay naniwala rin siya na napakasama nitong tao. Why, he was a drug lord for Pete's sake. Tanging isang taong walang kunsensya lamang ang masisikmurang maging instrumento sa pagsira ng buhay ng maraming kabataan.

Nadagdagan ang galit niya sa kanyang ama nang mapilitan ang Mama niyang makisama kay Romero. Ang hambog na hepe ng pulisya sa kanilang lalawigan. Ang negosyo ng Mama niya ay red house at tuwina'y suki ito ng mga raid at ng mga buwayang pulis na parating humihingi ng lagay. Romero was a constant visitor in his mother's club. Isang gabi'y may inilatag itong proposal sa kanyang ina. Romero asked Paulina Javier to become his paramour. At bilang kapalit, ibibigay nito ang proteksyon sa buong bahay-aliwan.

It was a fair bargain. Or so Paulina thought, until Romero started banging every available pussy at the club and making him his daily punching bag. He could only take as much. Subalit nang simulan na nitong saktan ang kanyang ina ay nagdilim wari ang kanyang paningin. He took his baseball bat and hit him hard on his knee cap. At kung hindi siya naagapang awatin ng kanyang ina ay baka binasag niya rin ang bungo nito.

Sa takot na makulong siya at sapitin ang nangyari sa kanyang ama sa loob ng bilangguan ay pinalayo muna siya ng kanyang Mama. Romero after all was a law enforcer. Pumayag siya sa suhestyon ng ina. Subalit bago iyon ay tiniyak niya munang hindi na ito makakanti ni Romero. Binali niya ang lahat ng buto sa kamay ni Romero kasabay ang bantang kapag may nangyaring masama sa kanyang Mama ay babalikan niya ito. It wasn't a mere threat. At tiniyak niyang mauunawaan ni Romero ang kanyang mensahe.

He was barely sixteen years old when he left his hometown and went to Manila. Pero dahil malaking bulas ay madali niyang napeke ang kanyang edad upang makahanap ng trabaho. Napasok siyang waiter sa isang A-list club. Doon niya nakilala si Sophie de Guia, isang babaing doble ng kanyang edad at asawa ng isang gobernador.

Sophie was a woman in her prime with an insatiable appetite in bed. He wasn't the first lover she took to satisfy her sexual urges. Ibinahay siya nito, binihisan at pinag-aral. Sa tuwing maiisip niya ang arrangement sa pagitan nila ni Sophie ay hindi niya maiwasang maalala ang kanyang ina. Tila pareho sila nito ng kinahantungang kapalaran. The only difference between them was, he was more ambitious, more driven to get to the top.

Sophie wasn't his first benefactress. There were more after her. At nang mangailangan siya ng karagdagang pondo para sa Polaris ay ginamit niya ang naging relasyon sa mga ito upang makalikom ng sapat na halaga. It was unfair dahil naging mabuti rin namang kaibigan ang mga ito sa kanya. Subalit sadyang ganoon ang kalakaran ng buhay. Ang kaibigan mo ngayon ay maaaring mortal mo ng kaaway bukas.

Naputol ang kanyang pagbabalik-tanaw nang makita niyang kumilos si Ayesha. Habang nakayupyop ito sa gilid ng kama ay nagsimulang mag-apuhap ang kamay nito na waring may hinahanap.

Dahan-dahan itong umunat sa pagkakaupo. A worried frown crossed her face. "Boris?"

Tama si Alex, ang unang isiping pumasok sa utak ni Boris nang mapagmasdang mabuti ang babae. Maganda nga pala ito. Gandang tila walang bahid-dungis.

Parang nasisilaw itong ipinayong ang dalawang kamay sa ibabaw ng mga mata habang kumukurap-kurap. Sa kung anong dahilan ay waring nasuspinde ang kanyang paghinga. Nakikita ba siya nito? Ano kaya ang masasabi nito sa hitsura niya? Will she finds him attractive?

He cursed silently when his heart raced like a frigging lunatic on the loose!

"Ikaw na ang bahala sa kanya, Luke. Give her whatever she needs and asked Pil to take her home afterwards."

Iniwasan niyang sulyapang muli ang babae nang hirap na tumayo at inut-inot na tinungo ang adjoining door patungo sa kanyang pribadong opisina.

"Boris—" tila may nais sabihin si Luke. Ngunit bago pa nito maisatinig iyon ay mabilis niyang itinaas ang isang kamay. Dahilan upang maudlot ang anumang sasabihin ng kanyang assistant.

***

MAY nadamang panliliit si Ayesha. Yumuko siya at nagkunwang inaayos ang kanyang buhok. Daig pa niya ang isang maruming insekto sa paraan ng pagsasalita ng walang-utang-na-loob na si Boris Javier. Puwes, kung ibig na nitong idispatsa siya ay walang problema. Kung magbibigay naman ito ng pabuya ay tatanggapin niya. Hindi siya magkukunwaring hindi kailangan ng pera dahil ang totoo, bawat sentimong kinikita niya ay kasing-halaga ng ginto. Para siyang langgam na pinaghahandaan na ang paparating na tag-ulan.

"A, hija. May ipinahanda akong pananghalian. Atsaka bihisan na rin dahil may palagay akong nanlalagkit ka na," wika ng butihing tinig na pamilyar na sa kanya. Si Luke.

Ito ang personal na sumalubong sa kanila nang dumating sila ni Boris lulan ng taxi. At habang ginagamot ng doctor si Boris ay kinausap siya nito. Nagtanong ito kung ano ang nangyari. Bagay na sinagot niya sa abot ng kanyang makakaya. Sapagkat wala naman talaga siyang alam sa totoong nangyari sa lalaki. Malibang sa palagay niya ay nabiktima ito ng hold-up.

"Tayo na," inabot ni Luke ang kanyang kamay atsaka ikinawit sa braso nito habang inaalalayan siyang tumayo. "Nasa kabilang silid ang bihisan mo. Doon ko na rin ipapahanda ang iyong pananghalian."

"Salamat ho," muntik na niyang idugtong na mabuti na lamang at hindi ito kasing sungit ng amo nito.

"Ang totoo, kami ang dapat na magpasalamat sa'yo," sabi ni Luke na tinapik-tapik ang kamay niya sa braso nito. "Dahil iniligtas mo sa isang tiyak na kamatayan ang isang napaka-importanteng tao para sa...aming lahat."

Naantig ang damdamin ni Ayesha sa nakapaloob na emosyon sa tinig ng nakatatandang lalaki. Marahil nga ay sadyang napakahalagang tao ni Boris Javier sa mga empleyado nito.

"Ako na rin ang humihingi ng dispensa sa inasal niya. Ganoon lamang siya magkaminsan. Pero ang totoo'y mabait siya."

Parang gusto niyang mapa-ows?

Natawa si Luke. Nahuhulaan marahil ang iniisip niya.

"Marahil kung iisa-isahin ko sa'yo ang lahat ng pinagdaanan niya ay mauunawaan mo rin siya."

"Totoo ho ba ang narinig ko—siya ang nagmamay-ari ng Polaris?"

"Oo."

"Wow. Ang yaman-yaman niya pala. Napapadaan lang ako dati dito noon. Hindi ko akalaing isang araw ay makakapasok ako dito. Balita ko ay bigatin ang mga performers na nagso-show rito. Vegas-style."

"A, oo," nagbanggit ito ng ilang kilalang showbiz personality.

"Ang galing. E, di lahat sila nakamayan niyo na?"

"Aba, oo. Mahilig din akong manood ng mga konsiyerto. At bilib ako sa talent ng mga local nating singer. Ang ayaw ko lang e, 'yong kakanta sila sa entablado ng mga awiting pinasikat ng mga foreign singer."

"Pareho ho pala tayo. Ako rin, e. Tuloy parang mas ang ipino-promote nilang kanta ay hindi kanila."

"Tama. Pero maiba ako. Ano ba ang nangyari sa mga mata mo?"tanong nito sa tila naninimbang na tono.

"A, ito ho ba? Naaksidente ho kasi ako. Kaso late na nang madiskubre ng mga doctor na nagkadiprensya sa aksidente ang mga mata ko."

"Ganoon ba? E, paano ka naman—sino ang umaalalay sa'yo? Napakahirap ng ganyan mong kalagayan. Tapos sa gabi pa 'ikamo ang trabaho mo. Napakadelikado. Tingnan mo na lamang ang nangyari ke Boris. Babae ka pa naman. Maganda. Baka kung mapaano ka."

May init na bumalot sa puso ni Ayesha sa nahimigang concern sa tinig ni Luke. Naalala niya tuloy ang Tatay niya. Ganoong-ganoon din ito. Noong nabubuhay pa ito, kapag masama ang panahon at nalaman nitong wala siyang dalang payong, ipinagpapaliban nito ang pamamasada para lang sunduin siya. Napaka-ulirang ama nito. Kahit ang Nanay niya ay walang mairereklamo rito. Kaya naman nang magdalaga siya ay ito ang naging sukatan niya sa pagpili ng magiging nobyo. Na sa kasamaang-palad ay wala ni isa man ang pumasa.

"May kaibigan ho ako. 'Yong kausap ko kagabi?" tugon niya pagdaka sa tanong ni Luke. Tinawagan niya kasi si Mayette upang ipaalam dito na kinabukasan na siya makakauwi. Batid niya kasing mag-aalala ito. Tiniyak niya rin dito na nasa mabuti siyang kalagayan at magpapaliwanag na lamang siya rito pagkauwi. "Siya ho ang kasa-kasama ko kapag tumutugtog ako sa Frazier's. Nagkataon lang ho kagabi na may emergency sa bahay nila kaya hindi niya ako nasamahan. Pero parati naman ho siyang nariyan para sa akin."

"Matanong ko lang, at huwag mo sanang mamasamain. Ikaw ba'y may nobyo?"

Ikinangiti niya ang tanong sa halip na ikailang. "Wala hong nagtiyaga no'ng normal pa ang paningin ko. Ngayon pa ho kayang may diprensya ang mga mata ko?"

Hindi na lamang niya binanggit ang tungkol kay Orlando Sia. May palagay siyang sa sandaling makahanap ng ibang prospect ang lalaking iyon ay magsasawa rin ito sa pangungulit sa kanya.

"Sa ganda mong 'yan?" tila hindi kumbinsidong dugtong pa ng nakatatandang lalaki. "Parang hindi kapani-paniwala."

"Maniwala ho kayo," aniyang binuntutan ng maikling tawa. Pagkuwa'y may naalala siyang itanong. "E, si...B-Boris ho—er, ibig kong sabihin si Mr. Javier. Nasaan ho ang girlfriend niya? O may asawa na ba siya? No'ng hindi niya bitiwan ang kamay ko kagabi habang parang nagdidiliryo siya ay naisip kong baka napagkamalan niya akong 'yong girlfriend niya kaya hinayaan ko na lang hanggang sa kumalma siya. Kaso nakatulog ho ako sa tabi niya."

"Wala siyang girlfriend. Ikakasal na sana siya kaya lang...hindi sumipot ang bride sa araw ng kanilang kasal."

Oh. May history pala si Mr. Grouchy, naisaloob niya. Hindi na siya magtataka kung natural na rito ang parating nakaangil que may dinaramdam man ito o wala. Sawi kasi sa pag-ibig.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

380K 11.1K 23
Walang pagdadalawang-isip na tinanggap ni Magdalena ang inaalok na kasal ni Taylor, isang beki na nangangailangan ng tagapagmana. Unang-una, kailanga...
43.3K 1.6K 22
All about the glitz and glam ang mundo ng beauty contestant turned VJ na si Aimee. Intellectual at very calculated naman ang mundo ng chess grandmast...
371K 9.6K 35
Si Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signa...
390K 9.3K 24
Walang pag-aalinlangang sinunod ni Agripina ang pakiusap ng kanyang kaibigan na i-deliver ang isang sulat sa Alvarossa Island. Pagdating sa isla, sak...