Meeting Cecille

By ainoDyei

117K 4K 764

This is a story of a rich teenager who was thrown by her mother in the province to fix and change her messed... More

Meeting Cecille Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4.
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26: Summer Ends
Book Two Preview

Chapter 19

3.4K 118 9
By ainoDyei

Chapter 19


Rae's POV


Hindi natapos sa isang beses ang pag-takas ko twing gabi, sa katotohanan nga ay naging gabi gabi ito. Dun na lamang kami nagkikita ni Cecille. Sa gabi, dun kami nagiging Malaya. Pangit mang tingnan pero yun lang ang tanging paraan para magkasama kami. Pag sigurado na akong tulog na ang kuya nya, dun na ako pupunta. Nagpapasalamat na lang ako at maagang matulog ang kuya nya. I can hear Raf saying "who the hell sleeps at 9 pm? What are you? A kid?!" napatawa ako sa isiping yon.

Nagkukwentuhan kami tungkol sa kung ano anong bagay. Basta kung ano yung maisipan namin. At nakakagulat lang na hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. I'm not much of a talker if I'm not with my gang. But when I'm with Cecille? I felt like I had so much to tell her, that I need her to know me more. Nakaka-awa tuloy si Cecille, palagi na lang syang puyat. Alam nyang hinihintay ko syang makatulog, akala nya umaalis ako agad pero ang totoo, madaling araw na rin ako umaalis. Tinititigan ko sya habang natutulog, kinakabisado ang bawat sulok ng maganda nyang muka. Nakabisado ko na rin tuloy ang sleeping habbit nya. Nakakatawa kasi kumukunot pa yung noo nya minsan, siguro sa panaginip nya may hindi sya nagugustuhan.

Gusto ko sanang makasamang mamasyal ulit si Ces, yung pupunta kami ulit dun sa ilog at maliligo. O kaya sa bayan, saka sa kung saan saan pang lugar dito sa Saj Juaquin na hindi ko pa napupuntahan. Kaya lang kailangan kong pagtyagaan yun ganitong sitwasyon naming. Ayoko naman kasing biglain si Cecille kung pupunta na lang ako sa kanila at magsasabi na kami na. Hindi naman namin mahingan ng tulong ang bestfriend ni Cecille dahil hindi pa rin nya alam ang tungkol sa amin. Hindi pa daw handa si Cecille at ginagalang ko naman yun.

Mas madali sana ang lahat kung lalake ako.

Simula nung malaman ko kung ano ang preference ko, kailanman di ko ginustong palitan ang kasarian ko. Para sakin babae pa rin naman ako, iba nga lang ang preference ko. Kaya lang sa mga ganitong pagkakataon, I wish I wasn't born in a wrong body. Pero siguro kung nagging lalake ako? Hindi kami magkakakilala ni Cecille. Ayos na rin.

Twing gabi pag tinititigan ko sya naaalala ko na malapit ng matapos ang bakasyon. Hindi ko maiwasang matakot sa pwedeng kahinatnan ng pagbalik ko sa manila. Nakakatakot at nakakasira ng ulo kung iisipin. Kung dito nga na ang lapit lapit lang naming nahihirapan pa kaming magkita at magka-usap, pano pa kaya kung isang dagat na pagitan namin.

Ayokong mag-isip ng kung ano, pero nakakapanghina talaga. Kaya kahit hindi ako paladasal, talagang sobra ang pagdadasal ko sa Diyos na pagtibayin pa kami ni Cecille.

Mali man ito sa paningin ng lahat, naniniwala ako na naiintindihan kami ng Diyos. Sabi nga diba, "God is Love". So as long as we have love inside our hearts, we have God on our side.

Sinubukan kong pumunta sa kanila ng araw pero wala, hindi kami nagkita. Nasa gate pa lang nila ako ay hinarang na ako ng kuya nya. Finally, he said it in front of my face.

"Ayokong nagpupunta punta ka dito o kaya naman ay nilalapitan mo ang kapatid ko. Naiintindihan mo?"

Hindi ko alam kung bakit galit na galit sya sa mga tulad ko. I can understand that he's raised to what bible teaches pero sobra naman ata yung galit nya. Parang may pinanggagalingan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka may masama syang nakaraan kaya ganun na lang ang galit nya. Ah ewan!

Pauwi na ko ngayon galing kila Cecille. Inabot na naman ako ng madaling araw sa pagtambay sa kanila. Ang kulit din kasi ni Cecille eh, ayaw pa matulog. Sigruro nararamdaman nya na rin talaga na papalapit na matapos ang bakasyon. And we both want it not to end.

"Insan ikaw na ba yan?" nagulat ako ng may magsalita sa dilim. Muntik pa akong mahulog dito sa bintana. Malalaki kasi ang mga bintana dito sa bahay. Yung pwede mong upuan.

"Grabe ka Erica! Tinakot mo ako!" sabi ko. Dahan dahan akong bumaba ng bintana. May gamit akong hagdan na kawayan, sinadya namin ni Erica na itapat yun sa bintana ko para pag aalis ako dito na ko dadaan. Maingay kasi ang pito sa harap, pag binukas mo maririnig nila tita. Mabilis pa naman magising yun. Sinubukan ko na kasi, ayun nakita nya ako. Buti na lang nakapagpalusot pa ako.

"Bakit ang tagal mo naman umuwi. Anong oras na ba?" sabi nito na pupungas pungas pa. naka-adjust na sa dilim yung mata ko kaya nakita ko ng nasa higaan ko pala sya.

"Madaling araw na. bakit ba dito ka natutulog?" tanong ko habang kumukuha ng pamalit na t shirt sa aparador.

"Ano madaling araw na? kala ko ba di ka magtatagal dun?" gulat na sabi nito.

"Sshh! Ano ba insan, baka marinig ka nila tita. Magigising pa yun" saway ko sa kanya. Nung makapagbihis na ako ay nagpunta na rin ako sa higaan at agad na sumampa dito saka humiga sa tabi ng pader. Nasa gilid kasi sya at nakaupo.

"Diba sabi ko sayo wag ka ng magpaabot ulit ng madaling araw. Nakakahalata na si nanay. Kanina nga nagtataka si Tatay kung bakit di daw sa balong balong ilagay yung hagdan, eh dun naman kasi talaga nakalagay yun" sabi pa ni Erica.

Ang ginawa ko, bumangon ako at niyakap ko sya. Pinilit ko sya inihiga.

"Hayaan mo na insan. Kaya mo na yan, magaling ka naman magpalusot kila tita e" sabi ko sa kanya.

"Ano ba Rae! Ang init init. Kadiri ka ha. Bakit ka nangyayakap!" sabi nya habang pilit inaalis yung pagkakayakap ko sa kanya. Pilit ko pa nga syang hinahalikan para asarin pa sya lalo.

Sorry na lang sya, nasa good mood ako ngayon dahil galing ako kila Cecille kaya wala akong panahon para intindihin yung mga sinasabi nya.

"Pagbigyan mo na ko Insan. Malapit na kayang matapos ang bakasyon" sabi ko habang papahina yung boses ko. Tila nanghina rin ako kaya naman nakawala sya sakin.

"Insan anong plano mo pag natapos na ang bakasyon? Pano na si Cecille?"

"Hindi ko pa nga rin alam insan e. ayokong matapos tong bakasyon na ito. Lahat na ata ng magagandang lugar dito sa pinas napuntahan ko pero walang maikukumpara sa saying naramdaman ko dito. Yung simpleng pamumuhay dito, simple pero masaya. Saka ang babait lahat ng tao, kahit bago lang ako dito lahat sila nginingitian ako. Gusto ko na dito. Sana nga dito na lang ako" sagot ko sa kanya. Nakatitig ako bubong ng bahay na para bang dun ko makikita yung mga sagot sa mga tanong sa isip ko.

"Eh bakit hindi mo sabihin kay tita na dumito ka na lang. may malaking college din naman kami dito. Maganda rin ang mga program nila dito"

"Meron ba silang automotive Engineering dito?" tanong ko.

"Yun lang. wala ata. Nung nagpunta kami dun parang hindi ko nakita yun" napabuntung hininga ako.

"Pangarap ko yun insan e. Di ko pwedeng isuko yun dahil pinaghirapan ko yun. Di bale, magagawan naman naming to ng paraan ni Cecille. Mag-uusap kami ng mabuti." Sabi ko na lang. Siguro naman magiging maayos din ang lahat pag nakapag-usap na kami ng dapat naming gawin.

"Good luck sa inyo Insan. Mahirap yung magkalayo tapos nagtatago pa kayo" sabi ni Erica.

Tapos napatakip na lang ako ng mata ng kumalat sa buong kwarto ang nakakabulag na liwanag.

"Ano ba kayong dalawa. Madaling araw na hindi pa kayo natutulog. Erica pumunta ka na sa kwarto mo"

Si tita pala. Buti na lang hindi sya nagpunta kanina kung hindi huli ako.

"Tita sinusulit lang namin yung bakasyon, diba insan?" palusot ko kay Tita.

"Hay nako. May bukas pa kayo. Sige na't magsitulog na kayo. Bukas ang hihirap nyo na naming gisingin!" tinapik muna ako ni Erica sa balikat bago lumabas. Pinatay na rin ni Tita yung ilaw at pinilit ko na rin matulog.

----

Tinanghali nga ako ng gising gaya ng sabi ni tita. Pagbangon ko, diretso na agad ako sa kusina para makapagkape. Medyo magaan kasi yung ulo ko. Siguro dahil na rin sa sunod sunod na puyat.

"O Rae, tinanghali ka na. pinapagising kita kay Itoy kanina pero di ka daw magising kahit anong gising sayo" I look at Tita. Inaayos nya yung mga gulay galing sa basket. Muakng nakapamalengke na si Tita. Ganun na ba ako katanghali gumising?

"Nagkasarapan lang po ng kwentuhan kagabi tita" sabi ko habang humihikab pa. halos nakapikit pa ko habang nagtitimpla ng kape.

"Nako, kayo talagang mag pinsan. Buti nga si Erica maaga nagising kaso ang batang yun, an gaga aga na naming umalis."

"San daw nagpunta tita?" tanong ko. Kinuha ko yung kapeng tinimpla ko at umupo sa lamesa. Inangat ko yung pantakip ng ulam para tingnan kung ano ang nilutong pang-agahan. Nakita ko na may dilis, kamatis at nilagang talong sa lamesa.

Wow sarap naman!

"Ewan ko ba dun, madaling madali pa nga. Minsan talaga ang batang yun di mapigilan" sabi ni tita.

"hanapin ko na lang mamaya tita" sabi ko tapos humigop na ako ng kape.

"wag na. uuwi din yun. Kumain ka na dyan. Nalipasan ka na ng gutom, sige na't mag-agahan ka na"

"Opo tita" sabi ko na lang.

"Ate Rae! Ate Rae!" naibuga ko yung kepeng iniinom ko dahil sa sigaw na yun.

Humahangos si Itoy papunta sa kusina. Binaba ko yung baso at pinunasan ko yung baba ko na napuno ng kape.

"Oh Ito'y bakit?" tanung ni Tita.

"Ano ba yan? Bakit nagkakagulo kayo dyan?" napasugod din ulit si Inang sa kusina.

"bakit Itoy? May nangyari ba?" nilapitan ko sya. Hingal na hingal pa rin sya kaya hindi sya makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay syang kumalma.

"S-si Ate Ces" hinihingal pa rin nyang sabi.

"Si Ces? Ano si Cecille? May nangyari bas a kanya? Ano Itoy magsalita ka" may inabot sya saking maliit na papel.

"Ano to?" pero di sya sumagot kaya binuksan ko na lang. kabang kaba pa ako nung habang inaalis koi to sa pagkakatupi.

Rae, may sakit daw si Kathy at walang kasama sa bahay. Gusto ko sanang puntahan sya kaso ayaw akong paalisin ni Kuya. Kung pwede sana puntahan mo sya. Nag-aalala ako.

salamat

yan ang nakasulat sa maliit na papel. Akala ko naman kung ano na. masyado akong pinakaba ng bata na to.

"Ano daw sabi sa sulat apo?" tanong ni Inang.

"May sakit daw po si Kathy, kaya lang di mapuntahan ni Ces, pinapapuntahan nya sakin" sagot ko kay Inang.

"Aray!" sigaw naman ni Itoy. Pano binatukan sya ni Tita.

"Akala ko naman kung ano na. ikaw talagang bat aka. Pinakaba mo pa kami, napalabas pa tuloy si Inang sa kwarto nya." Sabi pa ni Tita.

"Eh pasensya na nay. Syempre nagmamadali lang ako dalin yan kay Ate Rae" pagdadahilan pa ni Itoy.

"Saan nya to binigay sayo Itoy?" tanong ko.

"Sa tindahan ate Rae. Mabilis nga lang eh, parang nagmamadali din sya" sagot ni Itoy. Mukang nagdahilan lang sya sa kuya nya na may bibilin kaya siguro ganun.

"Oh nasan na pala yung pinabili ko sayong paminta?" tanong naman ni Tita kay Itoy.

"Ay nakalimutan ko nay. Hehe" kamot ulong sabi nito.

"Balikan mon a dun. Ikaw talaga!" tumakbo na lang ulit si Itoy papunta sa tindahan.

"Sige na apo. Puntahan mo na. pero kumain ka muna, dalhan mo na lang din ng mainit na sabaw. Ipapagluto ng tita mo habang kumakain ka" sabi ni Inang sakin.

"Sige po Inang"

----

Pagkatapos kong kumain mabilis na rin akong naligo kasi hindi pa naman tapos magluto si Tita ng sabaw. Sakto naman na pagkatapos kong maligo ay tapos na si tita magluto.

"Ingatan mong maghawak ha, baka matapon yan sayo malalapnos ang balat mo. Mainit na mainit pa yan" paalala sakin ni Tita.

"Sige Ta, ako nang bahala" sabi ko tapos kinuha ko na yung baunan na naglalaman ng sabaw. Pinalagay ko n adito kay tita kasi magbabike ako.

Umalis na ako para pumunta kila Kathy. Sa pangalawang kanto sila nakatira, lagpas pa kila Cecille. Pero hindi naman kalayuan.

Pagdating ko sa harapan ng bahay nila, mukang walang tao. Tahimik kasi ang paligid. Bakit kaya walang naiwan na kasama ni Kathy eh may sakit nga sya.

Sinandal ko na lang yung bike ko sa nakabukas na tarangka nila Kathy.

"Kathy?" tawag ko. Nakasara kasi ang pintuan.

"Kathy nandyan ka ba?" tawag ko ulit. This time mas malakas. Pero wala akong nakuhang sagot. Baka tulog?

Naisipan ko na lang pumasok, baka mamaya rin kasi Malala na yung sakit nya kaya hindi sya sumasagot. Sa isiping iyon lalo ako nagmadali.

Papasok na ko ha. Paalam ko sa isip ko. Bungalow lang din itong bahay nila Kathy. Pagpasok mo, un among mapapansin ang kusina nila dahil pag dumiretso ka, dun ka na mapupunta. May maliit na tv na nakapatong sa kawayan na divider tapos may mga sofa rin na gawa sa kawayan. Marami ring mga nakadikit na pictures, mga dimploma at mga certificate sa dingding. Meron ding mga medals. May napansin akong dalawang pinto na may kurtinang kulay green. Siguro yun ang mga kwarto sa bahay nila. Una kong pinintahan yung sa kaliwa. Dahan dahan pa ako sa pagsilip pero wala si Kathy dun. Wala ng iba pang kwarto kaya malamang dun na sya sa kanan.

Lumapit na ako sa pintuan at hinawa yung kurtina.

Pagkahawi ko ng kurtina hindi lang si Kathy ang nakita ko.

"What the hell.." mahinang sabi ko. Agad na napalingon ang dalawang taong nasa harapan ko nung marinig nila ang pagbagsak ng baunang daladala ko.

"Insan.." nanlalaki ang mga bilugang mata ni Erica.

"Ano to Erica?" tanong ko sa kanya.

"Insan please wag mong sasabihin kay Nanay" sabi nya. Tumayo sya at nilapitan ako. Bahagya pa akong napaatras. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Napabangon rin si Kathy sa higaan nya kahit na hirap na hirap ito.

"Rae anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kathy sakin sa mahinang boses.

"Pinapunta ako dito ni Ces para tingnan ka dahil may sakit ka daw pero iba pala makikita ko dito" sabi ko. Lumabas ako ng kwarto, ramdam kong sinundan ako ni Erica.

Nakahawak ang isang kamay ko batok ko at ang isa naman ay sa bewang ko.

"Insan" lumingon ako sa kanya.

"bakit hindi mo sinabi sakin? Sa lahat ng tao akong makaka-intindi sayo!" mahina pero nanggigil na sabi ko sa kanya. Hindi ako galit. I'm more of disappointed.

"Dahil natakot ako" mabilis na sagot nya.

"kahit na. alam mo kung ano ako. Bakit kailangang mahuli pa kitang hinahalikan sya bago ko malaman kung ano ka?!" umupo ako sa kawayang upuan at napahilamos ako sa muka ko.

"Di ako kasing tapang mo okay? Hindi ko kayang magladlad at ipangalandakan sa lahat na babae rin ang gusto ko. Magkaiba tayo ng kinalakihan, sana naman naiintindihan mo yun diba?" hindi ako makapaniwala sa sinasabi nya sakin ngayon.

"anong magka-iba? Nakita mo naman diba kung ano ako tinanggap nila tita at tito diba? Maiintindihan ka nila. Siguradoa akong tatanggapin ka nila!"

"Di ko alam. Ako ang panganay kaya Malaki ang expectation nila sakin" sabi pa nya. Umupo na rin sya sa katapat kong upuan.

"Parents mo sila, kilala mo sila. Alam mong mabait sila Insan. Alam mo yan. Kailangan nila to malaman. Sasamahan pa kitang magsabi kung gusto mo" pangungumbinsi ko sa kanya.

"Insan, sinuportahan kita kay Cecille. Kaya ito lang ang paki-usap ko sayo. Hayaan mo akong diskartehan to. Pwede ba?" may diin sa bawat salita nya. Pra bang sinasabi nito na hindi na bukas para sa ano mang usapan ang topic na yun.

"Kaya nga. Nagpapasalamat ako sa mga tulong mo Insan. Utang na loob ko sayo yun. Hindi ko makakalimutan yon kaya nga gusto kong ibalik sayo yung tinulong mo" pamimilit ko pa sa kanya.

If for anyone in this world, she is the luckiest person. Mababait ang mga magulang nya araw araw nila naipapakita ang pagmamahal nila sa mga anak nila. If they were my parents I won't hesitate to tell them who I am.

"Hindi Insan, wala kang utang na loob sakin. Pero sige nga, sabihin mo nga sakin. Gusto mo bang matulad kami sa inyo ni Cecille?" parang nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya. Masama ang nagging dating nito sakin.
"Anong ibig mong iparating dun? Iniinsulto mo ba kami ha?" napatayo na ako sa kinakaupuan ko.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Wag kang magbulag bulagan insan. Kami lang ang umiintindi sayo dito, pag nalaman ng mga kapitbahay kung anong namamagitan sa inyo ni Cecille? Pag-uusapan kayo ng buong barangay. Gusto mo na tumulad ako sayo na tumatakas tuwing gabi para lang makasama mo si Cecille? Kinakasuklaman ka ng kuya nya! At pag nalaman yun ni Kuya Emman ganun din ang mararamdaman nya sayo at sa araw na dumating yon magkakahiwalay rin kayo!" sabi nya habang dinuduro pa ako. Nilapitan ko sya, nakakuyom ang mga kamao ko. Gusto ko syang sapakin sa mga sinabi nya.

"Hindi totoo yan. Hindi ako duwag na katulad mo! Kaya ko syang ipaglaban. At wala akong paki-alam kung ano ang sasabihin ng iba tungkol sa amin. Bumula na ang bibig nila sa kakasabi ng kung ano ano pero hinding hindi ko susukuan si Cecille tandaan mo yan" may diin sa bawat salitang sabi ko sa kanya.

Umiling iling sya sakin.

"Tawagin mo na akong duwag o kahit ano pang gusto mo. Pero ganito ako magmahal. Ito ang gusto namin ni Kathy. Aasahan kong wala kang sasabihin kila nanay" ako naman ang napailing dahil parang wala syang inintindi sa mga sinabi ko.

Tapos nakarinig kami ng isang malakas na kalabog galing sa kwarto. Nagkatinginan pa kami bago kami magkasunod na tumakbo sa kwarto.

Pagpasok naming nadatnan naming na nakahandusay sa sahig si Kathy at walang malay. Agad na lumuhod sa tabi nya si Erica at inangat ang ulo ni Kathy at ipinatong sa mga tuhod nya.

"Kathy gising. Anong nangyari sayo Kathy. Kathy!" tawag ni Erica dito habang tinatapik ang pisngi nya.

Natataranta na rin ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Paikot ikot lang ako.

"Insan tulong. Tumawag ka ng tulong" lingon ni Erica sakin.

"Sinong tatawagin ko?" tarantang tanong ko.

"di ko alam. Kahit sino! Tumaawag ka ng kahit sino!" sigaw nya sakin. Agad akong tumakbo palabas ng bahay nila Kathy. Unang pumasok sa isip ko si Ces kaya naman sa kanila ako dumiretso.

Pagdating ko sa tapat ng bahay nila tumakbo agad ako papasok ng bakuran nila.

"Ces! Cecille!" tawag ko. Agad naming lumabas si Cecille pero kasunod nya ang kuya niya.

"diba sabi ko wag kang pupuunta dito?" sabi ng kuya nya.

"Alam ko Kuya Alvin pero kailangan ko ng tulong"

"Anong sinasabi mo dyan?" kunot noong tanong nito.

"Si Kathy hinimatay. Kailangan nating syang dalin sa ospital tulungan nyo ko. Naiwan si Erica dun" mabilis na sabi ko.

"Ano?! Kuya tara na! baka mapano pa si Kathy pag di na natin nadala agad sa ospital" sabi ni Cecille.

"Wala yung owner, dala ni Tatay. Sige pumunta na kayo dun, hihiramin ko yung motor ni Patrick." Sabi ng kuya ni Cecille. Nilahad ko yung kamay ko sa kanya, kinuha nya ito at tumakbo na kami papunta sa bahay nila Kathy.

Pagdating naming dun umiiyak na si Erica.

"Ano insan. Nasan na yung tinawag mo?"

"Papunta na si Kuya. Nanghiram lang sya ng motor sa kaibigan nya." Sagot din ng natatarantang si Cecille.

"Buhatin na natin sya Insan" sabi ko. Nakarinig na kasi ako ng papalapit na motor.

"Sige na. kukuha lang ako ng sambra ni Kathy" sabi naman ni Cecille.

Binuhat na namin si Kathy palabas ng bahay. Sinalubong na kami ng kuya ni Cecille at ng isa pang lalake. Siguro si Patrick na yon.

Pinasok na namin sa loob si Kathy tapos sumunod na si Erica sa kanya.
"Sige pre. Dalhin na muna namin to. Ikaw na lang ang magsabi pag dumating na sila Ate Paning" yung nanay ni Kathy ang tinutukoy nila.

"Sige pre ako nang bahala dito" sabi nung lalake. Sumakay na rin kami ni Cecille sa likod ng motor at dinala na nga namin sa ospital ang nahimatay na si Kathy.



===


Okay we have some side story here. di ko na maalala kung sino yung nagrequest sakin na sana daw may story din si Kathy at Erica, eto na yun. nasa outline to, di ko lang sinabi sayo noon agad kasi syempre ayokong mag-spoil haha.

So how about that huh?

Have a good weekend mates!

see you sa arena on sunday! OBF!

P.S

to my love, valentines is not that important to me. In fact Idk how to celebrate it even if I've been into relationships. I just wanna say to you that everyday...  my heart is all yours. 

Happy hearts day sa lahat!

Continue Reading

You'll Also Like

194K 8.1K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
42.5K 1.2K 7
Virgo Castillo grew up in a environment that evolves on drugs and guns. Her father, an infamous business tycoon and a drug lord leaves everything on...
8.4K 77 20
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
24.2K 1.6K 33
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴