Class 3-C Has A Secret 2 | co...

By enahguevarra

9M 155K 54.2K

"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 20... More

C3CHAS TRILOGY
C1: Moriendo Renascor.
C2: Pity on me, Death.
C3: She, who forgets.
C4: Honor the vanquished.
C5: Doomed Reality.
C6: The thread of Death.
C7: Embrace your iniquity.
C8: Ballad of Death.
C9: Dreadful past.
C10: Sleuth.
C11: Know thyself.
C12: Lies.
C13: Incognito.
C14: Nostalgia.
C15: Truth be told.
C16: Lifeless. (part 1)
C17. Lifeless (part 2)
C18: Missing.
C19: The liar.
C20: Rules of the jungle.
C21: Hidden agenda.
C22: Judas' kiss
C23: Lost Alice.
C24: A friend and a foe.
C25: The unspoken truth.
C26: Paranoia
C28: Behind those lies.
C29: Lifesaver.
C30: The catastrophe of life.
C31: Ironic truth.
C32: Two black cats
C33: The white rabbit has the answer.
C34: The Prodigal son.
C35: Someone is back.
C36: The white rabbit.
C37: Friendship.
C38: Kill the Pillar.
C39: The clockmaker's daughter.
C40: Eliminate the wolves.
C41: Darkness
C42: Wolf's cry.
C43: Hunt the wolves.
C44: Alliances.
C45: Endgame
C46: Fade to black
C47: The Fall of the Pillar
C48: START
C49: Pitch Black
C50: Hide and Seek.
C51: Turncoat
C52: Trust no one
C53: Friends do kill
C54: Dangerous
C55: An hour to live
C56: Pillar's Trap
C57: The End
EPILOGUE
Special Chapter: HANAKO
Special Chapter: Balot ba o Penoy?
C3CHAS Spin-Off

C27: The first weakest rabbit.

142K 2.3K 789
By enahguevarra


"Her only way home was to betray her friend." ― Scott Westerfeld, Uglies.


--------------------------------------------x

RAPHAEL'S POV


"BAKIT pinabayaan mo lang na ganunin sila Cyrus at Sapphire kanina?" tumingin ako kay Sandria ng tinanong niya iyon. Bago pa man ako makatugon ay nagtanong na naman siya. "Hindi ba, hindi ka naniniwala na si Cyrus ang killer? Pinagtanggol mo pa nga siya kay Samantha hindi ba? Bukod kay Sapphire, ikaw ang isa sa sinusunod ng karamihan sa klase. Bakit ka lang tumunganga dun?"


Mukhang naiinis siya. Hindi ko naman masisisi si Sandria. Hindi naman talaga tama ang mga nangyari pero ano nga bang magagawa ko? Wala rin naman eh. Bago pa manyari ang lahat ng iyon, sinubukan ko na silang pakalmahin ngunit paniwalang-paniwala talaga sila sa natanggap nilang mensahe lalo na sa mga pinagsasabi at kinukwento ni Austin kanina. Hindi ko akalain na magkakaganito. Kaya bago pa ako madamay, mas mabuti na tumahimik na lang ako kanina.


Inisip ko nang mabuti ang lahat ng nanyari, lahat ng nasabi nila at ang maaring o possibleng manyari. Mukhang lalong gumugulo. Baka bukas o makalawa, kami-kami na rin ang magpatayan. Hindi pwede yun. Natapos yung nangyari kanina sa pag-iyak ni Sapphire. Hindi ko siya masisisi. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya, hindi ko rin alam ang paniniwalaan ko. Ang sinasabi ba ng iba o ang mga sinabi nga kaibigan niya?


Gusto lang namin na protektahan siya lalo na ang sikreto niya ... ang sikreto ng klase.


"Hindi mo ba talaga sasagutin ang mga tanong ko?" matigas na pagkakasabi ni Sandria na nagpabalik naman sa akin sa realidad, masyadong lumilipad ang isipan ko. Lumingon ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa bagong library, ilang oras na rin ang nakalipas matapos ang nangyari. Umuwi si Sapphire kasama ni Clyde at si Cyrus naman ay umuwi mag-isa ngunit alam kong hindi pa rin doon magtatapos ang lahat.


Kailangan kong umisip ng paraan.

 

"Sandria, magtiwala ka lang. Hindi ako kumibo kanina dahil mas lalong gugulo lang. Nakita mo naman diba? Mas lalo silang nagalit noong nagsalita si Abi. Mas lalong gumulo lalo na't nalaman ni Sapphire ang tungkol kay Miaka." Nakita ko pumaibaba ang tingin ni Sandria nang narinig niya ang pangalan ni Miaka.


"Si Miaka.." sambit pa niya. "Akala ko nakalimutan na natin siya, akala ko lang pala." Para ba siyang nalungkot.


Napabuntong hininga naman ako bago muling nagsalita. "Malaki siyang parte ng klase. Kahit na naging importante lang siya noong namatay siya." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Sandria na para bang may nasabi akong hindi dapat sabihin. "Anong problema?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at tumayo.


"M-Mauna na ko. Baka nagsisimula na ang susunod na klase." Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Mukhang nataranta siya.


Bakit naman kaya?


"Eh sino naman yang si Miaka?" napalingon ako ng narinig ko ang boses ni Spade, isa naming kaklase. Nasa may pinakadulo siya at sa kinauupuan ko, ang tangi ko lang nakikita ay ang nakalawit niyang mga paa. Hindi ko akalain na may iba palang tao rito. "Hindi ako bingi, at tsaka malakas ang boses nyo. Nagising nyo nga ako eh." Tumayo siya sa pagkakahiga at lumapit sa akin. Gulo-gulo pa ang buhok niya habang nakasimangot sa akin. "So, sino nga si Miaka?" tanong niya ulit. Mukhang wala siya kanina noong nagkabistuhan kanina sa classroom.


"Hindi mo siya kilala at huwag mo na rin siyang kilalanin." Ngunit tinitigan lang niya ako. Habang mas tumatagal ang titig niya, para ba akong kinakabahan. Para kasing umaapoy ang mga mata niya. Mukhang gustong-gusto niya talagang malaman. "Dati namin siyang kaklase at ngayon, dapat patay na siya. Yun lang. Ayos na ba?" tatayo na sana ako nang muli siyang nagwika.


"Ah, dapat patay na siya pero buhay pa rin siya at siya ang pumapatay sa mga kaklase natin." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa mga sinabi niya. Para bang normal lang sa kanya ang magsalita nang ganun. "Tama ako, diba?" nakangisi pa niyang sinabi. "Ang boring kanina sa classroom kaya umalis na lang ako. Sana pala nagtagal ako nang kaunti doon. Mukhang may nangyaring kapana-panabik. Tsk tsk." Sabi pa niya habang palabas ng library.


Kaibigan siya ni Cyrus. Noong una, akala ko, kaugali lang siya nila Cyrus pero mukhang ... iba siya.


Atomatikong akong naglakad palabas ng library. Para bang kusa akong dinala ng mga paa ko dito sa kinatatayuan ko ngayon. Sa harap ng student council room. Hindi na ako nag-abala na kumatok pa. Pumasok na ako agad sa loob. Nadatnan ko si Blake na nakaupo at may ginagawa sa lamesa niya, nandito siya tuwing break time nila. At si Samantha naman ay nasa kabilang table kasama ng iba nilang myembro.


"Anong kailangan mo?" tanong sakin ni Blake. Labag man sa loob ko ang pagpunta rito pero mukhang kailangan ko siyang makausap. Nakita kong tinitigan ako nang masama ni Samantha habang papalapit ako sa kinauupuan ni Blake.


"May gusto akong malaman." Dere-deretso kong sabi kay Blake. Ayos lang kahit marinig ng iba niyang kasama ang sasabihin ko, hindi naman ganun kaimportante ito para sa kanila. Basta, gusto ko lang malaman.


"Kuya Blake, ayos lang ba na nandito siya? Hindi mo ba siya papaalisin?" tanong pa ni Samantha. Kahit kailan talaga, nagpapanggap pa rin siya na ganun. Psh.


"Ayos lang, Sam. Hindi naman siguro gagawa ng gulo itong si Raphael." Nakangiting sabi ni Blake, naiirita talaga ako sa tuwing nakikita ko yung ngiti na yan. Naalala ko kasi yung panahon na ngumiti rin siya sa harap ko nang ganyan. Parehong-pareho.


Yung ngiti niya noong panahon na nakuha niya si ... Hanako.


"Ano bang gusto mong malaman?" tanong niya.


Bumuntong hininga ako saka nagwika.


"Tutal, may koneksyon ka kay Mr. Laketon, mukhang mayroon ka din lahat ng files na meron siya? Tulad ng mga tungkol sa estudyante." Nawala ang ngiti sa mga labi niya at biglang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya.


"Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa Raphael. Ano ba ang gusto mong malaman?" tanong pa niya ulit. Ngumiti ako kasabay ng pagpatong ng dalawa kong kamay sa mesa niya.


"Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol kay Spade Young ng class 3-C."


Tulad ng inaasahan ko, gulat na gulat siya sa sinabi ko.

 

Sinabi ko na nga ba.


Bakit ba ngayon ko lang napansin? Sobrang pamilyar ni Spade sa akin. Lalo na ang pangalan niya, nakita ko na iyon. Naalala ko na.


 

SAPPHIRE'S POV



Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko habang nakayakap ako kay Clyde. Naramdaman ko naman bumilis pa ang pagpapatakbo niya ng motor. Mas isinubsob ko pa ang ulo ko sa likuran niya habang iniisip ang lahat ng nanyari. Napakabilis ng lahat. Ang sabi nila, pinatay ko si Miaka ngunit papaano? Kailan?


Ang sabi sakin nila Cyrus ... nila Aislinn ... na nawala si Miaka.

Nawala siya. Hindi ko siya pinatay.


"Tahan na, Sapphire." Naramdaman kong inihinto na niya ang pagpapaandar sa motor niya. Lumingon ako sa paligid at nagulat ako ng hindi sa harap ng bahay namin kami nakahinto. Tumingin lang ako sa kanya habang ibinababa niya ko sa motor. Pagkababa namin ay umupo kami sa damuhan. Nandito kami ngayon sa maliit na parke malapit sa isang sikat na ospital.


Inabutan niya ako ng panyo na agad ko naman pinangpunas sa mga luha ko na ayaw pa rin tumigil sa kakatulo. Ilang minutong katahimikan ang binigay sa akin ni Clyde hanggang sa bigla siyang nagsalita


"Sana huwag kang magalit sa amin nila Cyrus sa sinabi namin sa'yo. Dun sa kasinungalingan na pinanghahawakan mo hanggang ngayon." Para bang isang dosenang kutsilyo ang biglaang sumaksak sa dibdib ko sa narinig ko kay Clyde. Ibig sabihin ... kasinungalingan lang na nawawala si Miaka?


Niloko ako ng sarili kong mga kaibigan?


"Ayaw lang namin na mapahamak ka. Ayaw lang namin na maging masama ang tingin mo sa sarili mo. Ayaw lang namin na—" bago pa man niya matapos ang sasabihin niya'y nagsimula na kong magsalita.


"Nakapatay ako ng tao, ng kaklase natin hindi ba ... masamang tao na ako 'nun?" mas malala ang nararamdaman ko ngayon ngunit ang kaibahan lang, wala ng tumutulong luha. Parang wala na kong maaring gawin na reaksyon. "Galit na galit ako sa gumagawa nun sa mga namatay nating kaklase pero ganun din pala ako. Wala akong pinagkaiba sa kanila. Ang sama-sama ko." Tuloy tuloy kong sinabi.


"Sapphire..." narinig kong bulong ni Clyde. Mukhang kahit siya, hindi rin alam ang dapat niyang reaksyon. Mukhang tama ang mga sinabi ko.


"Sabihin mo nga sa akin, Clyde. Sabihin mo lahat ng hindi ko naalala." Noong una'y ayaw niyang sabihin ngunit napilit ko din siya. Hindi man sa simula niya ikinuwento ay naintindihan ko pa rin. Napakalabo ng naalala ko pero ramdam ko ... totoo ang lahat ng sinabi niya.


Iyong gabi na 'yon. Ang unang beses raw na nakita nila akong inatake ng phobia ko. Mabuti na lamang at hindi alam ni Aislinn ang tungkol dito, mabuti na lang at hindi siya nandoon. Karamihan sa klase ay nandoon, isang masaya sanang party ngunit nauwi sa isang madugong katuwaan. Ewan ko kung ano ang nanyari ngunit sa pagkakakwento ni Clyde, hindi sinasadya ng lahat ang pagkamatay ni Miaka. Kahit ako, wala naman akong plano sa isip ko na ganun. Siguro noong panahon na iyon, sadya akong nagpadalos-dalos hangang sa mapatay ko siya? Hindi ... hindi... kahit hindi sinasadya, kahit hindi ko ginusto. Pinatay ko pa rin siya. Pinatay ko si Miaka.

 

"May sasabihin pa ako sa'yo." Pakiramdam ko'y walang reaksyon ang mga mata ko noong tumingin ako sa kanya siguro dahil sa napakalalim ng iniisip ko at hindi pa rin ako lubusang nagising sa realidad sa sinabi niya ngunit ang sunod niyang sinabi ay nagbigay talaga sakin ng malaking epekto.


Sa gulat ko ay halos isang dipa ang naging layo ko sa kanya.


P-Paano?


"Sa ngayon, sikreto lang muna natin iyon. Sapphire, malaki ang tiwala ko sayo."

 

Hindi ko akalain...



MIAKA'S POV

 


Tahimik lang akong nakaupo habang hinahaplos si Kuro. Sunod kong hinaplos-haplos ay ang kulay pulang pulseras na nakapalibot sa leeg niya. Napapangiti talaga ako sa tuwing nakikita ko ito. Isang pangako. Ang pangako niya na hanggang ngayon ay hindi ko ba alam kung tutuparin niya pero tutal na nasa 3C lang naman siya, bakit hindi ko na tapusin na lang ang buhay niya? Bilang simbolo ng pagtatapos din ng pangako niya. Ang pangako niya na mukhang kahit siya ay nakalimutan na rin naman niya.


Gusto ko siyang patayin.

 

"Kuro, sa tingin mo, magugustuhan mong kainin ang mga mata niya? Iniisip ko palang kasi na dudukutin ko ang mga iyon, natutuwa na ako." Tumingin sakin si Kuro at inihagod niya ang ulo niya sa kamay ko. "Masarap diba?" nakangiti ko pang sinabi. Gusto ko man tanggalin ang suot niyang pulang pulseras ay hindi ko magawa. Gusto yun ni Hanako. Naniniwala pa rin si Hanako na tutuparin niya ang binitawan niyang pangako. Pero ibahin niya ako, iba na ako mula noong umalis siya.


Ibang-iba na.


Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad-lakad. Naalala ko, may dapat na manyari sa 3C ngayon. Magtatagumpay nga kaya siya? Kung oo o hindi, wala rin naman akong masyadong pakialam. Basta ang akin, mapatay ko ang gusto kong patayin. Bahala na sila sa kung sino ang gusto nilang tapusin.


Lumingon ako. Guni-guni ko lang ata na narinig ko ang boses ni Hanako. Tama, guni-guni ko nga lang. Wala si Hanako dito. Nagtaka ako noong una. Hinanap ko siya nang biglaan siyang nawala ngunit alam ko na kung nasaan siya. Alam na alam ko.


Tumalon si Kuro paalis sa bisig ko. Sinundan ko lang siya ng tingin.


"Blake." Pagbanggit ko sa pangalan ng taong nasa litrato na hawak ko. Naalala ko pa noong ibinigay sa akin ni Hanako ito. Tuwang-tuwa niyang sinabi na may nobyo na siya. Isa sa mga sikat sa eskwelahan. Isa sa mga hinahangaan at ginagalang.


Noong panahon na iyon ... galit na galit ako.


Kay Hanako, kay Blake at sa sarili ko. Noong panahon na iyon, alam kong kakalimutan na ako ni Hanako. Mawawalan na siya ng oras para kausapin man lang ako. Mawawalan na siya ng panahon para makasama ako. Labag man sa kalooban ko, pinabayaan ko siya. Nakita ko kasi na napakasaya ng kaibigan ko.


Hanggang sa sarili niyang kasiyahan ang naging dahilan ng pagkalungkot niya. Alalang-alala ko pa ang araw na iyon.

 

"M-Miaka ... ayoko na. Miaka, hindi ko na kaya." Paulit-ulit na sabi ni Hanako habang nakayakap sa akin. Batid ko ang lahat ng nangyari. Yung video na iyon ... ang plano ng mga kaklase namin. Lalo na ang manyayaring party. "Iligtas mo ako. Hindi totoo iyong video na 'yun. Miaka, wala kaming relasyon ni Sir Buendia." Tumingala siya sa akin. Kita kong namumugto ang kanyang mga mata. "Naniniwala ka naman sa akin diba?"

 

Naalala ko bigla ang lahat. Pinabayaan din naman ako ni Hanako. Bakit ko siya tutulungan? Pinabayaan niya ko noong mga panahon na kailangan ko siya. Pinabayaan ako ni Hanako. Pinabayaan niya ang nag-iisa niyang totoong kaibigan.

 

"Miaka ... maari akong iwan ni Blake. Masama ang tingin sa akin ng lahat. Hinuhusgahan na ako ng lahat. Hindi ba, kaibigan kita?" Tama, kaibigan niya ako. Dapat ko siyang tulungan pero papaano ko siya tutulungan kung alam ko naman na iiwan lang din niya ako pagkatapos nun? Babalik ulit siya kay Blake. Kakalimutan na naman niya ako.

 

"Miaka, huling beses na ko hihiling sa'yo. Mapagbibigyan mo naman ako diba?" h-huling beses? Bakit huling beses? Iiwan na ba niya talaga ako? "Ikaw ang pumunta sa party kapalit ko. Iyon lang, iyon lang Miaka." Napatingin ako nang deretso sa mga mata niya.

 

Tumango ako at doon ko siya nakitang ngumiti.

 

"Salamat, kaibigan talaga kita."


Isang desisyon na labis kong pinagsisihan.


Humarap ako sa salamin malapit sa kwarto na dating tinutuluyan ni Hanako. Bahagya kong inusog ang harap ng suot kong kamiseta upang matignan ang malalim na peklat sa dibdib ko pati na rin sa balikat ko.


Sapphire, ako ang papatay sa'yo.


Napalingon ako nang narinig kong bumukas ang pinto sa di kalayuan. Agad akong pumunta sa may sala at nakita kong nakaupo siya sa sofa. Hawak hawak niya ang phone niya na agad naman niyang inilapag sa lamesa.


"Nandiyan ka pala, akala ko, walang tao." Pamungad niya sa akin. Itinaas niya ang paa niya. Hindi ko talaga alam kung dapat ko ba siyang galangin dahil sa katuyuan at trabaho niya o hindi. Isa siya sa mga taong hindi ko akalain na sasama sa grupo na ito. Masyado siyang may pinag-aralan para mapunta sa ganitong sitwasyon.


Hindi ako kumibo at aalis na lang sana kung hindi lang siya nagsalita.


"Alam mo bang may nabubuong ibang grupo sa grupo natin?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ibang grupo? Sa grupo namin? "May nabubuong alyansa laban sa atin." Umupo ako sa malapit na upuan at nakita kong tumakbo papalapit sa kanya si Kuro at inihagod ang ulo niya sa sapatos niya.


"Ano namang pake ko? Nandito ako kasi gusto ni Hanako. Mamatay man ako o hindi, wala na kong pakialam doon. Tutal, pangalawang buhay ko na rin naman ito." Napangisi siya sa sinabi ko.



"Ayaw mo bang bumuo ng alyansa? Tayong dalawa, laban sa kanila." Umiling ako saka napalingon sa pigurin sa lamesa. Ang basag-basag na pigurin na pilit ko lang pinagdikit. Kaming tatlo lamang ang mayroon nito. Ako, si Hanako at siya. Kapag nagkita kami, ipapakita ko sa kanya ang pigurin na iyan. Para lang maramdaman niya ang galit ko. Kung maari lang, babasagin ko yan sa mismo niyang mukha para mas lalo niyang maramdaman. Tama, mukhang maganda ngang plano iyon.


"Interesante ka talaga, Miaka. Naiisip ko tuloy, paano kung hindi ka namin iniligtas? Edi namatay ka na lang doon?" inirapan ko siya. Paulit-ulit niyang pinapaalala na utang ko sa kanilang dalawa ang buhay ko. Paulit-ulit niyang pinapaalala na kung hindi dahil sa kanila, wala na ako.


"Hindi ko sinabing iligtas nyo ako." Tumayo ako at babalik na sana sa may kwarto ngunit may naalala ako na dapat kong sabihin. "Tsaka, pakisabi sa kanya, wag niyang basta-basta ginagamit ang pangalan ko kahit unang letra lang iyon sa mga mensahe na wala naman akong kinalaman." Pinalapit ko sa akin si Kuro at sinundan naman ako nito papunta sa kwarto. Si Kuro lang talaga ang maasahan ko kahit kailan.


Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo. Ito na naman. Nanginginig kong kinuha ang botelya ng gamot na nasa gilid kama. Muntikan na itong mahulog dahil sa kapabayaan ko ngunit nainom ko naman ang ilang tableta nito. Muli, nanginginig ko inilapag sa lamesa ang nasa gilid nitong baso na puno ng tubig. Ilan ba ang nainom ko? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na rin alam.


Umupo ako sa kama at huminga nang malalim. Sa di kalayuan ay nakita ko ulit yung hawak-hawak ko kaninang litrato ni Blake. Mukhang nabitawan ko ito nang hindi ko namamalayan. Lumapit ako at pinulot ito. Habang bahagyang nakaupo ay tinitigan ko muli ang litratong iyon.


Wala siyang kwenta. Inagaw niya sa akin si Hanako at sa dulo, ako pa ang nalugi. At ngayon, kinuha niya ulit si Hanako., kinuha niya ulit ang kaibigan ko. Babawiin ko ang kaibigan ko. Baka... baka pinapahirapan niya ngayon si Hanako. Hindi na siya gusto ni Hanako, bakit hindi ba niya matanggap iyon?

 

Ako lang ang tangi niyang kaibigan at siya lang din ang tangi kong kaibigan.

Akin lang ang kaibigan ko.


Nakaramdam muli ako ng matinding pagkahilo. Alam ko naman na mula pa noong simula, pinaplano na niya ang kamatayan ko pero anong magagawa ko? Tulad ng pagkakasabi niya kanina, utang ko ang buhay ko sa kanila. Dapat akong sumunod sa agos.


Basta, mapatay ko lang sila, ayos na ako.


Dahan dahan akong napahiga at ilang sandali ay yakap-yakap ko na ang tuhod ko.


Tulungan mo ako, Hanako.

 --------------------------------------------x


Salamat sa pagbabasa! :D Voice out your opinion. Kung may mga katanungan, feel free to ask po. :)

Continue Reading

You'll Also Like

383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
WISH GRANTED By ♪

Mystery / Thriller

30.4K 2.2K 105
Enigma I ❝ they say that not all wishes come true... they are wrong. because with only some clicks, your desires will be granted with this app. but o...
34.7K 612 10
A Mind Confusing Story > Must remember the DATE and TIME.