Just You

By thisisyourlady

8.9K 220 17

He's very popular with the girls, but seems to have no interest in them since he's in search of his first lov... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Epilogue

Chapter 21

146 5 0
By thisisyourlady


'Ate Peij ang ganda ganda mo. Parang kang prinsesa.' Tuwang tuwang sabi ng nakababata kong kapatid na ang lalaki ng ngiti sa labi habang hinahaplos ang buhok ko.

'Iji, wag mo masyadong hawakan ang buhok ng Ate mo. Baka magulo yan. Sige ka gusto mo bang pumangit siya mamaya?' sabi ni mommy na lumapit samin. Inayos ayos niya ang gown na soot ko.

'Ayaw ko. Gusto ko palaging maganda si Ate Iji.' Tila kumikislap kislap ang mga mata ng kapatid ko, 'Gusto kong maging katulad ni Ate. Maganda. Mahaba ang buhok. At mabait. Parang talagang totoong prinsesa si Ate Iji, mommy. Gaya nung sa mga fairytale.'

'Maganda ka din naman e.' bahagya kong kinurot ang pisngi ng kapatid. Nabura naman ang mga ngiti sa labi niya.

'Pero hindi mo gaya.. hindi na ako magkakameron ng kasing ganda ng mahaba mong buhok.. hindi na ako magmumukhang prinsesa..'

"PEIJ--!" naaninag ko ang taong nakatayo sa di kalayuan sa kinatatayuan ko. Umaliwalas ang kanyang mukha saka ko nakilala kung sino siya. Gulo-gulo ang buhok ni Shans at medyo parang hinihingal siya. Mukhang tumakbo siya. Papalapit naman siya sakin.

'..Gusto ko palaging maganda si Ate Iji.'

Tatlong taon noon si Iji ng matagpuan ang sakit sa katawan niya. Dahil sa chemotherapy ay nagsimulang manlagas ng mga buhok niya. Nung una akala namin maiiligtas siya sa sakit na yun. Naging okay naman siya nung 5 years old siya. Pero ilang buwan pagkatapos ay bigla siyang inatake, dinala siya sa hospital ay dun namin nalaman na mas lumalala pala ang sakit ng kapatid ko. Tuluyan ng hindi tumubo ang buhok ng kapatid ko. Kasal noon ng kamag-anak namin ay isa ako sa mga abay. Kapatid ko dapat yun at hindi ako. Pero dahil sa itsura niya ay pinakiusapan si mommy na gawing substitute na lang ako. Kahit ganon ang kalagayan ng kapatid ko, palagi siyang ngumingiti. Walang katumbas ang kasiyahan na meron sa kanyang mukha sa tuwang nakaharap siya samin. Palagi niyang pinupuri ang lahat ng maganda sakin. Kaya naman palagi ko ring ginagawa ang lahat ng nagpapasaya sa kanya. Lahat ng gusto niya.

Hindi ko man lang natanong... kung kahit minsan ba.. nasasaktan siya sa tuwing makikita ang lahat ng meron ako na hinding hindi niya pwedeng makuha.

"Nahanap din kita. Kanina ka pa namin hinihintay. Saan ka ba nagpunta? Naligaw ka ba?" pinagmasdan ko ang mga mata ni Shans. Ang mukha niya. Ang bibig niyang tila may sinasabi.

'Ate, may nakilala ako sa kabilang kwarto. Palagi daw siyang nandito sa hospital sabi ng mga nurse, hindi ko natanong kung anong sakit pero alam mo ba.. mukha siyang prinsipe. Dapat makilala mo siya. Nginitian niya ako at mukhang ang bait bait niya. Sa tingin ko Ate, bagay kayo.. kung ikaw yun siguradong magugustuhan ka niya kasi maganda ka.-------Shans pala ang pangalan niya. Ehh? Magkasing edad pala kayo, ate?-------Magkwento ka pa kung anong ginawa ninyo ni Kuya Shans?-------Gusto mo ba siya Ate?'

"Peij?" muli niyang tawag sakin. Tumayo naman ako at inabot sa kanya ang mga nabili ko. Kanina ay nagpaalam akong bibili ng mga maiinom namin. Naghanap ako ng convenience store kaya medyo natagalan ako. Hindi ko alam kung kailan ako nawala sa sarili at bakit hindi agad ako nakabalik.

"Nakabili ka nito?" pagtukoy niya sa fruit drinks na nasa plastic bag.

"Diba paborito mo yan? Happy birthday ulit." Walang emosyong sabi ko. Bahagya ko pang pinasadahan ng tingin ang hawak niya at tila nakita ang imahe ng mukha ng kapatid. Sa kahit na anong gawin ni Shans, naaalala ko talaga si Iji. Sumagi naman sa isip ko ang isang alaala..

'..hindi kinaya ng Daddy mo, Peij. I'm sorry.. pero susunod na si daddy kay Iji..'

Nasapo ko ang aking noo saka napayuko.

"Pasensya ka na. Kung napipilitan ka, pwede ko namang sabihin kay mommy na uuwi na lang ako. Wag mo sanang ipakita sakin na hindi ka masaya na nakakasama mo ako. Pakiramdam ko kasi napakawala kong kwentang tao."

Hinigit ko siya sa laylayan ng damit niya ng subukan niyang umalis. Lumingon siya at nagtama ang mga tingin namin. Matagal kaming nagkatinginan. Pakiramdam ko ang kapatid ko ngayon ang kaharap ko. Pakiramdam ko, tinitingnan ako ngayon ni Iji. Bakit nasasaktan ako ng taong ito kahit wala naman talaga siyang kinalaman sa pagkawala ng kapatid ko. Dala nga lang ba ito ng pagkamuhi ko sa maling pagkakakilala sa kanya? Masyado ba akong nadisappoint sa masama niyang ugali? Dala pa rin ba 'to ng matinding galit na naramdaman ko sa lahat ng mga nagawang mali at nasabi ni Patricio sakin? Kung hindi.. anong dahilan? Anong dahilan? Bakit nga ba ayoko sa taong ito?

Nagbaba ako ng tingin. Binitawan siya, "Patay na ang dating Peij, Shans. Ayoko ng hahanapin mo pa ang dating ako sa kung ano ako ngayon. Lahat ng nangyari noon ay gusto kong ibaon mo sa limot. Gusto kong bumalik ka bilang Nash na hindi pa natutuklasan na ako pala ang Iji na hinahanap niya. Wag mo na akong hanapin. Patayin mo na sa isip mo ang pagkatao ng dating Peij. Bata pa tayo. We're just only 16 years old. Hindi ito ang huling pagkakataon na may magugustuhan kang iba. Kung susubukan mo na ibaling ang pagtingin mo sa iba baka matuklasan mo din na hindi naman pala ganon kaespesyal ang nararamdaman mo para sakin. Bata pa tayo, wag mong masyadong seryosohin ang nararamdaman mo. Wag kang masyadong magpaapekto. Pero kung hindi ka makatiis. Kung gusto mo talaga na may pumapansin sa nararamdaman mo gaya na lang ng kay Grae. Bakit hindi mo subukan si Coco? Diba.. nakikita mo naman ang dating ako kay Coco, ang nagustuhan mo ay yung dating ako. Baka sakali.. baka sakali mabaling ang pagtingin mo sa kanya."

Tumalikod ako. Saka tumakbo palayo sa kanya.

Madaming tao sa paligid. Pero tila nawala lahat sa paningin ko ang lahat ng mga 'to. Hinayaan kong dalhin ako ng mga paa ko kung saan. At napadpad nga ako sa lugar na tila walang makakakita sakin. Naupo ako. Natulala sa kawalan.

'Peij anak, okay ka lang ba?' Naaalala ko pa ang mukha ni mommy nung mga oras na itanong niya sakin ang mga katagang yun. Tila patay ang mga tingin ko na nakaharap sa kanya. Hindi ko maalala kung umiyak na ba ako noong mamatay si Daddy. Hindi ko maalala kung umiyak ba ako nung ilang araw pagkatapos mamatay ni Iji ay sumunod naman siya.

'Minsan kailangan nating tanggapin na iniwan na tayo ng mga taong mahal natin.' Yun ang pinakamasakit na salita na narinig ko sa aking ina.

Nasasaktan ako ngayon kasi pakiramdam ko walang pakialam ang sarili kong ina sa nararamdaman ko. Nilihim niya ang kaugnayan ni Iji kay Shans. Inilihim niya sakin na ang taong kinamuhian ko ay ang taong nagmamay-ari ng mga mata ng sarili kong kapatid.

Naaninag kong may taong nakatayo di kalayuan sakin, "Ikaw na naman?"

Lumapit siya sakin, "Galit ka ba dahil naaalala mo ang kapatid mo sakin?"

Hindi ako sumagot.

"Nagagalit ka ba sa kapatid mo kasi pakiramdam mo nang dahil sa kanya ay namatay ang daddy mo—" tumayo ako at mabilis na kinuwelyuhan siya. Ramdam kong namuo ang mga luha sa mga mata ko habang masamang masama ang tingin sa taong kaharap. Walang lumabas na kahit na anong salita mula sa bibig ko, "Nagagalit ka Peij sa lahat ng nangyayari sa buhay mo kaya yung sarili mo ang pinapahirapan mo? Talaga bang gusto mong magbago? Talaga bang gusto mong maging ganito?"

'..lalaban ka, okay? Lalaban ka Iji. Please lumaban ka. Mag-aaral ng mabuti si Ate, maghahanap ako ng trabaho. Dadalhin kita sa America. Magpapagaling ka. Please.. masyado ng nagiging malungkot sila daddy at mommy. Iji, ang hina hina na ni Daddy. May sakit siya sa puso. Kapag hindi kinaya ng puso niya ang sobrang kalungkutan.. ikamamatay niya yun. Iji, parang awa mo na. Ayokong parehas kayo ay mawala sakin.'

Tinulak ko siya, "Wala kang alam." Anas ko.

"Madalas kong naririnig si Tita na nagkukwento kay mommy tungkol sa inyo. Kinukwento ang lahat ng mga nangyari sainyong dalwa nang mamatay ang kapatid mo. Narinig ko din mula sa kanya ang lahat ng mga pagbabago na napansin niya sa'yo. Nag-aalala sayo ang mommy mo. Pakiramdam niya inilalayo mo ang loob mo sa lahat ng tao. Iniiwasan mo na mapalapit sa mga tao at pahalagahan ang mga 'to ng sobra dahil natatakot kang maiwan ulit at masaktan."

Napayuko ako. Kumuyom ang mga kamay ko habang sunod sunod ang naging pagpatak ng mga luha ko.

"Kagaya ng mommy mo, hindi ko hinihiling na magbago ka. Tanggap ko na Peij na matagal ng wala ang pagkatao na hinahanap ko sa'yo. Tanggap ko na na hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Nasaktan na kita. Galit ka na sakin. Hindi ko mapipilit na baguhin ang pagtingin mo sakin. Pero sana wag mo kaming ipagtulakan. Wag mong itulak palayo ang mga taong sobrang pinapahalagahan ka. Hindi ginusto ng kapatid mo at ng Daddy mo na masaktan ka ng ganito, at hindi sila matutuwa kung nakikita nilang ginagawa mo 'to sa sarili mo. Hindi ako bulag, Peij. Hindi kami bulag. May pumipigil dyan sa sarili mo. Pinipigilan mo ang sarili mo na tanggapin ang mga pagbabago sa buhay mo."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Matagal kaming nagkatinginan.

"Kung gusto mong mapag-isa hahayaan na muna kita. Sinabi ko naman na kila mommy na kasama kita kaya wag ka ng mag-alala. Pero kailangan natin bumalik ng magkasama, okay? Hihintayin na lang kita dun sa kanina." Pinanood kong maglaho sa mga tingin si Shans.

Gaya ng sinabi niya ay nagpalipas ako ng ilang oras na mag-isa para makapag-isip isip. Nakatanggap pa ako kay mommy ng text at mukhang hindi na nga siya nag-aalala tulad ng sabi ni Shans. May tiwala siya kay Shans. Bakit nga ba naging ganon kadaling napalapit ni Shans sa mga taong malalapit sakin, kay mommy, kila Coco at Roxy? Habang ako, hanggang ngayon ay pilit na hinahanapan siya ng mali. Kagaya ni Tita Hilary, ni Brits, ni Grae, ng mga kaibigan niya, lahat sila may mga ginagampanan sa buhay ko. Pero bakit nga ba pakiramdam ko sa tuwing napapalapit ako sa mga taong yun ay naghahanap ako ng dahilan na pigilan ang sarili ko? Natatakot nga ba ako?

Ano nga bang dapat kong gawin?

Medyo dumidilim na kaya naisip kong puntahan na si Shans. Natagpuan ko siyang wala sa lugar na tinutukoy niya. Nagpalinga-linga ako sa paligid baka sakaling mahanap siya. Sa wakas ay nakita ko siyang papunta sa direksyon ko. Hindi nakatingin sakin. Habang tanaw ko naman mula sa likod niya ang isang matalik na kakilala. Nagtama ang mga tingin namin, kumaway ito at ngumiti. At nakita ko ring nakatingin na sakin si Shans.

"Peij, tumawag ang mommy mo. Pasensya na kailangan na talaga nating umuwi—"

"PEIJ!" hindi natapos ni Shans ang sasabihin nang maagaw ni Roxy ang atensyon namin na dalwa. Nilingon pa niya si Shans at unti-unting nabahiran ng pagtataka ang mga ngiti niya nang muling tingnan ako. "Nash? Peij?" nagpalipat-lipat ang mga tingin ni Roxy saming dalwa.

"Magkasama ba kayo?" walang nagsalita. Tila umurong ang mga dila namin ni Shans, "..Ahh. Nagkasalubong lang kayo. Gets ko na! Text ko yung iba, gusto ninyo?" agad niyang kinuha ang cellphone niya at kinalikot yun.

"..Roxy." lakas loob kong inagaw ang atensyon niya.

Nag-angat siya ng tingin sakin. Pinasadahan niya ako ng tingin bago muling tinapunan ng tingin si Shans, "Nga pala! Happy birthday Shans! Tawagan ko na lang sila?" akma niyang iminuwestra ang kamay na may hawak na phone kaya pinigilan ko siya.

"Hindi na. Kailangan na kasi naming umuwi ni Shans." Tila wala sa sariling sabi ko.

Saglit pa niya akong tinitigan sa mga mata. Hindi ko alam ang iniisip ni Roxy. Tila wala akong gana na depensahan ang sarili ko. Nung makita ko siya kanina, alam ko na na dapat hindi ko na lang tinago ang tungkol samin ni Shans nung simula pa lang. Walang mali sa ginagawa namin. Pero tila magkakameron dahil naglihim ako.

Pinilit kong ngumiti, "Ganon ba. Sige sa susunod na lang." aniya. Pilit ang mga ngiti ni Roxy. Kumaway siya saka tuluyan na nagpaalam.

Tahimik naming tinahak ni Shans ang daan pauwi. Tila walang may gustong pag-usapan ang nangyari. Normal naman ang lahat nang makauwi kami. Gaya ng dati ay tuwang tuwa si Tita Hilary samin ni Shans, lalo na ngayon na lumabas kami na kami lang dalwa. Masaya si mommy nung dumating ako ng mga oras na yun. Dun ko naintindihan na talagang palagay ang loob niya kay Shans. Mas magiging masaya siya kung makikitang nagiging maayos ang lahat sa paligid ko. Na sinusubukan kong mapalapit sa mga taong wala naman talagang ginagawang masama sakin. Pinilit kong maging normal ang pakikitungo sa kanila lalo na sa sarili kong ina. Kahit madami akong gustong itanong sa kanya. Pinili kong manahimik at gaya ng sinabi ni Shans ay intindihin siya.

Naging napakabilis ng paglipas ng nga araw. Nakakatawang isipin na nagawa naming lusutan ni Shans na hindi ipakita kila Tita at sa mommy ko na hindi naman talaga kami okay na dalwa. Nagbago ang pakikitungo ni Shans sakin pagkatapos nun. Mas lalo siyang naging mailap. Nahusguhan ko ang pagpapanggap niya sa harap ng mga magulang namin. Ipinapakita niyang okay ang lahat para hindi mag-alala ang mga to.

"Peijjj~" dali daling lumapit si Coco sakin. Nakita ko pa si Roxy sa likod niya. Tila malungkot. Pero agad na ngumiti nang mapansin na nakatingin ako sa kanya at sumunod na rin sa paglapit sakin, "Nakita mo na ang result ng midterm? Congrats!!"

"Yii congrats, Peij." pansin ko ang pilit na pag-akto ni Roxy.

"Hindi e. Ano bang result?"

Nagulat sila sa naging tugon ko, "Eh? Hindi ka dumireto sa doon? Akala pa naman namin ay alam mo na kasi hindi ka namin nadatnan dun e. Hihi. Andun kasi sila Nash. Congrats, Peij! Number one ka na ulit!"

"Salamat." pinilit kong ngumiti na parang okay naman ang lahat.

Natapos ang sunod sunod na klase. Nagbreak na. Nagpaalam ako kila Roxy at Coco na hindi makakasabay sa kanila dahil may aasikasuhin ako sa council. Nakumbinsi ko naman sila nang sabihin ni Grae na sasamahan ako. Pumunta kami sa faculty. Nagkahiwalay din kami ni Grae dahil may ibang inutos sa kanya ang homeroom teacher namin. Nagkameron din ako ng pagkakataon na mapag-isa.

"Peij!" lumingon ako sa tumawag sakin. Habol habol ni Roxy ang hininga niya na mas lumapit sakin, "Ayoko ng ganitong pakiramdam. Pakiramdam ko may mali. Hindi ako mapalagay. Ang daming gumugulo sa isip ko. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano sayo pero hindi ko maiwasan. Ayoko ng ganito ako sayo. Kaibigan kita. Kaibigan ko kayo parehas ni Coco. Ayoko ng nagkakailangan tayo. Ayoko ng hindi tayo nag-uusap ng maayos."

"Gusto ko lang malinawan. Yung tungkol sainyo ni Nash.. hindi naman talaga kayo magkasama kahapon diba?" hindi ako nagsalita pero nanatili akong nakatingin sa kanya. Nadismaya siya sa nakita. Siguro ay nakikita niya ang sagot sa mga mata ko, "Ah! Magkasama talaga kayo.." nagpalinga linga siya tila naghahanap ng sagot sa paligid niya.

"Nakadress ka nung mga oras na yun, Peij. Nag-ayos ka ng sarili na hindi mo naman talaga madalas ginagawa. Nagpagabi ka kasama siya. At tinatawag mo siyang.. Shans??" hindi ko nakayang labanan ang mga tingin na yun ni Roxy. Umiwas ako ng tingin.

"Anong meron kay Shans?" parehas kamingnatigilan nang marinig ang pamilyar na boses na yun. Ayokong lumingon. Dahilkapag lumingon ako.. siguradong may masasaktan na naman akong ibang tao.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
382K 25.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
448K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
111K 5.2K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...