Just You

By thisisyourlady

8.9K 220 17

He's very popular with the girls, but seems to have no interest in them since he's in search of his first lov... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Epilogue

Chapter 14

166 5 1
By thisisyourlady

Pinagmamasdan kong masayang naglalakad si Roxy. Napilit niya akong pumunta sa bahay nila Rain. Sinundo nila ako sa kindergarden. Balak kasi nilang dalawin ito at surpresahin. Kasama namin sila Glenn at Aldrin. Hindi nakasama si Coco dahil tatapusin na daw nila ni Patricio ang project nila.

"Ito na ba ang bahay nila Rain?" sambit ni Roxy. Kahit ako ay namangha sa nakikita. Malaki at maganda ang bahay nila Rain. At nakakaaliw sobra ang garden nila. Ibinaling ko naman ang tingin sa taong nagbukas ng pinto, nakapambahay ito, papalapit samin at pinagbuksan kami ng gate.

"Dre!" bati sa kaniya nila Aldrin at Glenn.

"Kahit nakapambahay lang, ang gwapo pa rin. Parang wala naman siyang sakit ah." bulong ni Roxy sakin habang abala pa rin sila Aldrin at Glenn kay Rain. Nang mapatingin naman ito samin ay agad siyang ngumiti, ginantihan din naman namin ng ngiti, "Ang cute talaga.!" Dagdag pa ni Roxy.

Pumasok kami sa bahay nila Rain nang may sumalubong saming dalwang bata, isang lalaki at isang babae. Mukhang mga kasing edad ni Brits.

"Kambal sila?" tanong ni Roxy. Tumango naman si Rain.

Nakilala namin ang family niya. Apat magkakapatid sila Rain, siya, yung kambal, at ang ate niya na mas matanda ng dalwang taon sa kanya na hindi na nakatira sa kanila. Sobrang bait at sweet ng kanyang mommy, parang version ni Tita Hilary pero mas gentle. Habang may pagkakapareho naman si Rain at ang Daddy niya. Mabuti buti na ang pakiramdam ni Rain, nagpapahinga lang daw siya ngayon. Madami kaming napagkwentuhan. Napunta pa nga ang usapan tungkol samin, ang tungkol sa kung paano kami nagkakilala ni Rain. Ang closeness namin. At ang madalas na pagsasama namin na kung tutuusin naman ay napakababaw lang ng dahilan. Madalas akong kulitin at tanungin ng mommy nito at sa totoo lang ay madali kaming nagkapalagayan ng loob. Iba kasi ang pinag-uusapan ng mga boys saming mga girls. Madaming nabanggit ang mommy ni Rain tungkol sa kanya na ang ilan ay batid ko naman. Naglaro ang mga boys at nakipagkulitan sa mga bata, nahusgahan ko kung bakit nga pala gustong gustong at aliw na aliw si Rain sa mga bata. Masayahin si Rain kapag may kinalaman na talaga sa mga bata. Hindi rin siya mahirap pakisamahan. Nabanggit sakin ng mommy niya na nagkagirlfriend na daw ito once na naghiwalay daw sila dahil kinailangan magmigrate ng babae sa ibang bansa. Pero hindi daw first crush niya ang kanyang first girlfriend. At doon ko natuklasan.. na matagal ko na palang kakilala si Rain. 5 years ago.

Sobrang nag-enjoy namin ang pagstay sa mga Javier. Hindi na nga namin napansin ang oras at halos ginabi na din pag-uwi. Sa nakikita ko ay mukhang makakapasok na si Rain bukas.

Nakauwi ako sa bahay ng mga Patricio na gising pa si Shans na nanonood ng tv sa salas. Wala kaming naging kibuan, ni hindi niya ako binati o tinanong gaya ng madalas niyang ginagawa noon. Gising pa din si mommy na naghihintay talaga sakin na nasa kusina naman. Si Tita ay maagang nakatulog dahil siguro sa pagod. Nakitext kasi ako kay Roxy para kay Tita Hilary tungkol sa pagdalaw namin sa mga Javier. Ikinuwento ko naman ang nangyari kay mommy nung ikamusta nga niya ako.

Kinabukasan ay samin na sumasama si Coco. Nang makita ko siya ay agad akong nabahala sa napansin sa kanya. At nang magsimula ng magtanong si Roxy ay mas lalo akong nag-alala dahil alam kong ang itatanong niya ay tungkol sa taong yun. Nakakabahala dahil wala sa usual niyang sarili si Coco ng magkwento siya. Kahit sa pagkakakwento niya ay parang bang walang espesyal na nangyari ay naguluhan ako. Hindi kasi siya ganyan. Kaya nang sandali siyang umalis ay tinanong ko kay Roxy ang gumugulo saking isip.

"Ganon ba talaga kabig deal na nagkasama at naging close sila ni Patiricio, " pilit ang emosyon na tanong ko.

Wala silang alam sa mga nangyari samin ni Patricio. Sa namamagitan samin at sa pagiging malapit ko din dun sa tao. Ayokong magsalita dahil ayokong mag-isip sila ng kung anu ano. Ayokong may masabi sila. Hindi rin siguro nila ako inaasar kay Rain kung hindi rin kami naging malapit ni Rain. Pero bakit nga ba big deal?

Napaisip rin si Roxy saka siya ngumiti, "Hindi. Hindi yun big deal kung wala kaming napapansin diba?" naguluhan ako sa sagot niya, "Kung walang sparks! Hahaha."

Napabuntong hininga na lang ako. Mas lalo lang ata akong nalito sa sinabi niya. Bumalik naman na si Coco at naisip namin na kumain na muna pagkatapos ay pumunta sa gym para manood ng basketball game kung saan makikitang halos lahat ng mga babae sa campus ay nanonood. Ang mga hearthrob kasi ng senior ang mga players. Kabilang na dun sila Patricio at Prieto.

"KYAAA!~" nakakarinding hiyawan ng mga kababaihan ang bumalot sa buong gynnasium. Pati sila Roxy at Coco nakikisabay. Natatawa na lang ako sa kakulitan nila.

"Walaaaa!! Talo na kayo kila Grae at Nash!!" sigaw ng mga babae sa klase namin.

Kapansin pansin na marami talagang naaaliw kila Patricio at Prieto. Marami sa mga nanonood ang hawak hawak ang mga phone nila at pinipicturan at binivideohan ang dalwa. Iba talaga ang epekto ng dalwang ito sa mga estudyante dito sa campus. At kahit mga outsider naaaliw din pala sa kanila. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa nakikita.

"Parang ang laki talaga ng pinagbago ni Nash no."

"Oo nga e."

"Hala! Baka iba na talaga yan Colby Colleen ah!"

Alam kaya ito ni Prieto?

"Sino siya?" naramdaman ko naman ang pag-akbay ni Roxy sakin. Nakatingin siya sa tinitingnan ko.

"Ahh.." nakagat ko ang labi ko.Ngumiti naman siya at binalewala din ang sasabihin ko sana.

Lumipas ang ilang minuto, inannounce din agad na ang section namin ang nanalo. Habang nagdidiwang ang lahat, hindi naman naalis ang mga tingin kong minamatsagan ang mga kilos ni Prieto. Tinapik siya ng kasama at may tinuro sa kanya kung saan na ikinagulat pa niya. Hanggang sa puntahan nga niya 'to, nilapitan niya ang babaeng outsider na batid kong.. ang kasintahan niya.

"Yung ba ang ate ni Grae?"

"Hindi sila magkamukha."

"Pero cute siya."

"Kaso medyo may katangkaran siya." mula sa gilid ng mga mata ko ay bahagya naman akong pinasadahan ng tingin ni Roxy, "..mas bagay kay grae yung mga height na gaya lang ng kay Peij."

Napabuntong hininga naman ako, "Siya ang girlfriend ni Prieto."

Pare-parehas silang laglag panga. Ngumiti na lang ako at tumango pa bilang paninigurado.

Mapapansin na marami talagang interesado sa babaeng kasama ni Prieto. May mga pumupunta pa nga dito sa canteen para makumpirma lang ang kumakalat ng balita. Madami ng nagliparan na mga chismis, gaya ng ate ni Prieto ang kasama niya, ex-girlfriend, nililigawan, at kung anu ano pa. Napapailing na lang ako sa mga nahuhusgahan.

Tinuon ko na lang ang pansin sa kinakain. Bumalik sila Roxy at Coco sa table namin na may dala dalang sponge cake. Sabay silang bumati sakin ng 'Happy birthday' pagkaupong pagkaupo. Binuksan ang lahat ng choko choko na binili at pinaglalagay sa sponge cake na nabili nila.

"Kala mo nakalimutan namin?" nakangiti pa rin nilang sambit. Nag-eenjoy pa rin sa ginagawa. Umiling naman ako bilang sagot, "Eh anong gagawin ninyo ni Tita? Gusto mo magcelebrate ulit tayo kasama naman mommy mo?"

Medyo kinabahan ako sa mungkahi nila. Hindi na lang ako nagpahalata saka umiling at pilit na nangiti, "Hindi kaya. Alam ninyo naman na palaging busy si mommy. Hindi ko masasabi kung anong saktong oras siya uuwi."

"Ganon ba. Sayang naman."

"Wuy ano yan!? Penge kami." Dumating ang iba naming kaklase at sinabi nga nila na birthday ko. Ang iba sa kanila ay bumili pa ng ibang pagkain panlibre. Kinantahan din nila ako ng happy birthday.

Pagkatapos kong pumunta ng faculty ay naisip kong dumaan na muna ng council para dun na gawin ang mga pinapaasikaso sakin dahil next week nga ay exam week na. Dumating ako at nadatnan ang kasintahan ni Prieto. Napalinga naman ito sa gawi ko at mabilis na inalis sa tainga ang soot na earphone.

"s-Sorry. Dito kasi ako pinatambay ni Grae." Tumango ako.

"Okay lang." pinagpatuloy ko ang pakay ko. Habang ramdam pa rin ang mga tingin niya sakin. Tinapunan ko siya ng tingin at nahuling pinagmamasdan nga niya ako, napangiti pa siya.

Tumayo muli siya at agad na nag-abot ng kamay sakin. "By the way it's Erah, ikaw?"

"Feiji. Peij ang tawag ng lahat sakin."

Tumango-tango siya habang nakangiti pa rin, "You.. look familiar kasi."

Muli kong binalik ang pansin sa ginagawa. Narinig kong muling magsalita ang kasama, "..5 years ago. Sa XXX hospital. May naaalala ka ba?" napakunot ako ng noo. Kahit hindi na ako mag-isip ay agad naintindihan ng aking utak ang ibig niyang sabihin. Malapad na ngiti ang sumilay sa labi nito, "Madalas din kasi noon si Grae sa hospital."

"Ganon ba." tugon ko na lang.

"Alam mo ba, madalas ka naming napagkukwentuhan."

Tinapunan ko na lang siya ng tingin. Saka ko tinuloy ang ginagawa at tinapos yun. Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin bumabalik ang boyfriend niya. Ang alam ko may game ngayon si Prieto.

Nung halos matatapos ko na ang gagawin ko ay naisip kong tanungin siya, "Bakit hindi mo na lang puntahan si Prieto. Hindi ka ba nabobored dito? Ang alam ko may game siya.. table tennis." ayoko kasing umalis at iwan siya.

Matagal niya akong tinitigan, "..bakit Prieto ang tawag mo kay Grae?"

Napalunok naman ako. Sa tono ng boses niya ay parang may mali sa sinabi ko. Isama pa na sa reaksyon niya ay makikitang hindi siya natutuwa. Nahiya tuloy ako at nailang. Pinilit kong wag mag-isip kahit sa totoo lang ay nababahala ako sa sinabi niya. Nalipat naman ang atensyon niya sa hawak na phone dahilan para hindi ko na masagot ang tanong niya. Nagpaalam siya saking aalis dahil sa tawag na natanggap kay Prieto. Di rin naman ako nagtagal at sumunod din sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako sa mga bagay na gumugulo sa isip ko. Muli kong naalala ang mga naikwento sakin ni Mrs. Javier.

Kanina ay inihatid ako nila Coco at Roxy sa kindergarden, doon pa lang ay alam ko ng may binabalak sila. Pinaalam nila kay Rain na ngayon ang birthday ko. Niloko pa nila kaming dalwa ni Rain na hihintayin na matapos. Pero ang nangyari ay kami rin ni Rain ang umuwi na magkasama. Niyaya pa ako ni Rain na kumain sa labas kahit saglit para magcelebrate pero dahil gabi na rin ay nagpumilit akong wag na. Kapalit nun na ihahatid niya ako hanggang sa makauwi sa bahay ng mga Patricio. Dapat nga ay hindi ako papayag dahil gaya ko ay highschool student lang siya, ayokong umuwi siya ng dis-oras ng gabi. Pero dahil hihintayin naman daw siya ng kanyang ate ay pumayag na rin ako. Dahil nabanggit na rin naman niya, napagkwentuhan na rin namin ang nangyari noon sa bahay nila. At nagkakwentuhan ng konti tungkol sa pamilya niya at sakin na rin. Nakakatuwang isipin na ngayon ay mas napapadalas na nagkukwento na si Rain tungkol sa kanyang sarili.

"Nagtext na ba ang ate mo?" tanong ko nang makarating na sa bahay. Nagtagal pa kami dahil kanina ay may nakasalubong kaming matanda. Tinulungan namin na makauwi. May bago na naman akong natuklasan tungkol sa kanya. Hindi lang sa mga bata siya mababait, matulungin din siya sa mga matatanda.

Tumango siya habang nakatingin sa phone, "Magkikita na kami."

"g-Gusto mo ba na maghapunan na muna?" matagal siyang nakatingin sakin. Nang mapansin kong malayo pala ang tingin niya sakin. Lumingon ako sa likod ko at nakitang nandun si Patricio.

"Hindi na, Peij. Baka kasi mainip si Ate. Happy birthday na lang ulit." Kumaway siya at saka nagmartsa paalis.

Muli kong hinarap si Patricio na ngayon ay napatayo na, "Ginabi ka na ata." Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako. Alam ko naman na inutos lang ni Tita sa kanya na abangan ako dito sa labas.

"May dinaanan lang kami." Nagpamauna akong pumasok sa loob.

"Nagdate kayo?"

Sasagutin ko sana siya nang biglang bumukas ang pinto at salubungin kami ni Tita Hilary at ni mommy ng malakas na pagbati ng 'Happy birthday'. Hawak hawak ni mommy ang cake na agad na inilapit sakin, "Happy 16th birthday, Peiji anak."

"Make a wish and blow the candles out." Ani Tita Hilary. Ngumiti naman ako at sa isip isip ko ay binuo ang aking kahilingan.

Pinagsaluhan namin ang sobra sobrang hinanda nila Tita Hilary at ni mommy. Nandun ang mga favorite ko. Hanggang sa nagkaabutan ng mga regalo. Nakatanggap ako ng dress at ballet shoes mula kay Tita Hilary. Tuwang tuwa siya at excited na excited ipasoot sakin ang mga napamili. Sa tuwing umaalis kasi ako ng linggo para makipagkita kay Brits ay nagdadala na lang ako ng damit pamalit. Pinatigil na kasi ako ni mommy na magtrabaho kaya tinatago ko ang tungkol dun. Nahihirapan ako kasi sobrang napalapit na sakin yung bata. Gayunpaman, napagdesisyunan ko na rin naman na itigil na rin ngayong darating na linggo ang tungkol dun. Nabanggit ko na ang tungkol dito kay Rain at tutulungan niya ako tungkol dito.

"At ito naman ang regalo ko." Inilapag ni mommy sa lamesa ang kahon na regalo niya sakin. Hindi ko inaasahan ang makikita, "Tinulungan ako ng Tita Hilary mo na mabili yan. Para kasi sa mga couple lang yung phone. Mabuti na lang nakabili ako, para satin dalwa. 20% off discount pa."

Hindi ko maipaliwanag yung saya ko. Hindi lang dahil sa mga natanggap ngayong araw na'to. Simula ng mamatay si papa, hindi na ako nagkameron ng ganitong klaseng birthday celebration. Dahil sobrang kapus kami sa pera, naiintindihan kong walang oras si mommy para sa mga ganitong okasyon. Ang birthday celebration ko noon ay katulad lang ng mga karaniwang araw. Kami na lang ni mommy ang naiwan kaya naman ramdam ko talaga ang pangungulila. Nakakamiss yung ganito. May mga tao sa paligid ko na uuwian ko sa bahay. Mga taong nagbibigay ingay sa isang tahanan. Isa ito sa mga naging pinakamasaya kong kaarawan.

"Peij." Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na yun at nakita si Patricio. Hindi naman na siya makatingin ng diretso sakin, "p-Pwede ka bang sumama sakin sandali.?"

Saglit pa kaming nagkatinginan bago siya nagmartsa papunta sa kwarto niya. Nung una ay nagdalwang isip pa ako na sumunod. Hindi na lang ako makapaniwala nang makita ang lahat ng mga nagkalat doon. Lumapit ako at nakita ang mga stuff toys, teddy bear, pillow, dress, pati na mga accessories. Hinawakan ko pa yung teddy bear nang maalala ito. 'Kay tita ba 'to?'. Ramdam kong pinamulahan ako ng mukha.

"Hindi ko alam kung kailan ang birthday mo. Kaya naman noon sa tuwing nakakakita ako ng mga ganyan ay naaalala kita. Gusto kong ibigay ang lahat ng yan sa'yo. Pero wala akong pagkakataon. Ngayon lang. Happy birthday, Peij."

Pinilit kong sulyapan siya mula sa gilid ng mga mata ko. Nakakuyom ang kanang kamay ni Patricio na nakatakip sa bibig niya. Hindi siya makatingin sa gawi ko. Hula ko, gaya ko, ay nahihiya din siya. Tch..


Continue Reading

You'll Also Like

998K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.