Say I Do (Completed/ under- e...

By RencessOray3

474K 6.7K 711

WHAT HAPPENS WHEN ONE PROPOSAL ENDS UP IN A DISASTER? Claud Azheyo Sy, isang kinikilalang pangalan sa mundo... More

Say I do
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Part II of Book 1
PartII-Prologue
PartII- Chapter 1
PartII - Chapter 2
PartII-Chapter 3
PartII-Chapter 4
PartII- Chapter 5
PartII - Chapter 6
PartII- Chapter 7
PartII- Chapter 8
PartII - Chapter 9
PartII - Chapter 10
PartII- Chapter 11
PartII - Chapter 12
PartII - Chapter 13
PartII - Chapter 14
PartII - Chapter 15
PartII - Chapter 16
PartII- Chapter 17
PartII - Chapter 18
PartII - Chapter 19
PartII - Chapter 20
PartII - Chapter 21
Epilogue

Chapter 24

4.9K 68 4
By RencessOray3

Chapter 24

Sacrifices for approval II

----------------------
**************
Pov of Aimie

Bumuntong hininga ako matapos ang nakaka-pagod na pag-iigib. Inikot-ikot ko ang braso kong nanakit sa kakabuhat ng timbang may tubig, na paulit-ulit kong dinadala sa banyo ng bahay ni Lola't Lolo. Pagod na ako kaya bahagya lang akong nakapag-pahinga sa silong at gawa sa kawayan na upuan ng gilid ng bahay.

"Luto na ang ulam natin sa pananghalian, namatay na ang gatong ng apoy sa lutuan sa kakaupo mo diyan para magpahinga, hindi ba't inutusan kapa ni Lola na magluto ng kanin pagkatapos maluto ng ulam?? ano? wala ka bang balak pakainin si Lolo at Lola?" paalala ni Claud sa halip na tulungan ako. Tumayo naman ako agad sa pagkakaupo, pinunasan ko ang pawis ko gamit ang towel.

"Ma-mayron, nagpahinga lang naman ako ha, nakakapagod kaya mag-igib, ikaw kaya roon!" reklamo ko sa kanya. Pumunta ako sa kusina kung saan sila nagluluto. Tanging kahoy, papel at posporo lamang ang ginagamit nila sa pagluluto, inayos ko ang mga kahoy sa lutuan at pahirapan kong sinindihan. Parang nagbabalat rin ako ng sibuyas dahil nakakaiyak ang tumatamang usok sa mata ko habang lumilikha ako ng hangin na magpapaliyab sa kahoy.

"Hindi ko naman kasi alam sayo kung bakit mo pa yan ginagawa, wala ka naman kailangan patunayan wife.." rinig kong sambit ni Claud mula sa likod habang hinuhugasan niya ang bigas na nasa kasirola. Nilapitan ko siya at inako ang trabahong ginagawa niya.

"Wag mo na kasi akong isipin, akin na nga.. ako na diyan, bantayan mo muna iyon baka mamatay" turo ko sa gatong ng kahoy na ngayon ay umaapoy na. "Ngumiti ka lang, sapat na iyon para mawala ang pagod ko" sambit ko sa kanya. Ngumisi ako sa kanya at nagmaka-awa.

"Sige na kasii.. Ngiti na please?" ngumu-nguso kong saad habang sinusukat ang dami ng bigas at dami ng tubig. Umiling siya pero hindi ako bigo na makita ang lihim niyang pag-ngiti ng tipid.

"Alam mo, mas gwapo talaga ang asawa ko kapag ngumi-ngiti" udyo ko sa kanya habang sinasalang ang kanin.

"I know, you don't to say it, because it is obvious even I'm not smiling" pagmamayabang niya. Winisik ko sa mukha niya ang basa kong kamay.

"Ang kapal mo Hubby, mahiya ka nga sa balat mo!" saway kong nang-aasar sa kanya.

Naglaro kami ng tubig sa kusina habang panaka-nakang binabantayan ang sinaing. Mabuti naman lupa ang sahig kaya hindi na namin kailangan linisin ang tilamsik ng tubig sa lupa.

-------------------
"Mabuti naman maayos ang pagkakaluto mo, kung hindi.. Sayo ko ipapakain ang tutong ng kanin" ani ni lola habang kasalukuyan kaming kumakain.

"Ikaw ba Ija, ano bang trabaho mo? saan ba kayo nagkakilala nitong apo ko?" usisa naman ni Lolo.

"Ah ano po, sa.. Sa.." hindi ko alam ang sasabihin dahil nakakahiya kung sasabihin kong kumama ako kay Claud, at pagkatapos ng isang gabi ay kasal na kami.

"La, sa Resort po kami nagkakilala, sa katunayan niyan. Yang asawa ko, isa siyang team head sa Resort" sinalba ako ni Claud, pero hindi na ako team head ngayon. Isa nalang akong all around worker ng resort.







"Aba, kita mo nga naman Mahal, napaka-ganda naman pala ng trabaho nitong asawa ng apo natin.. Kapag nag-tagal ay magiging manager itong asawa niya kung magsisipag lamang" papuri ni lolo.



"Kung ganon naman pala, ikaw ang maghuhugas ng plato mamaya sa poso, hindi ba't trabaho rin sa resort ang mag-hugas ng pinggan?" mataray na utos ni lola.



"Elizabeth?!"

"Bakit Benevicto, aangal ka sa utos ko sa kanya? oh sige! wag kang tatabi sa akin sa pagtulog.. " nakaka-tuwang banta ni lola kay lolo.



"Mahal naman.."

"lola nagbibiro lang naman si lolo, hayaan niyo ng tumabi sa inyo para naman matanggal ang kasungitan niyo" usal ko at bulong ko sa huli.

"Ano kamo Ija? may sinasabi kaba?"

"Ah la, wala po.. Ang sabi ko maghuhugas po ako mamaya, wala naba akong ibang gagawin bukod doon?" kunwari ay tanong ko.


"Pagkatapos mong hugasan ang plato natin, magpahinga ka ng trenta minutos.. kung gusto mong matulog, matulog ka.. Siguraduhin mo lang na pagtungtong ng ala-una ng hapon ay gising kana.. Samahan mo ang asawa mo sa kulungan ng mga baka't kabayo, maglilinis siya ng kwadra at kabayo, magpapagatas rin siya ng baka kasama ng mga trabahante, gusto kong tumulong mo ang asawa mo" nagulat naman ako. Hindi ko akalain na paglilinisin ako ng mabahong kwadra ng kabayo, at magpapaligo ng ng kabayo. Magpapagatas rin ako ng baka, kailanman ay hindi ko pinangarap gawin ang mga nakakadiring iyon pero kung para kay Claud lang, wala na akong pakialam kung ano pa iyan.




"Ano po, si.. sige po" naumid ako, kakayanin ko bang gawin ang mga iyon?!. Bahagya rin akong humanga kay Claud, hindi ko akalain na ang artistang kagaya niya ay gumagawa ng mga bagay na katulad ng mga iyon. Mabuti nalang malayo sa sibilisasyon ang lugar na ito, walang radyo, tv o gadget ang mga tao rito. Tanging dyaryo lang na nanggagaling sa baryo.


"Siya, tapos na kaming kumain, maiwan na namin kayong mag-asawa" ani ni lolo.

Naiwan kami sa hapag ni Claud, hindi parin ako makapaniwala na gagawin ko ang mga ganun na trabaho sa buhay ko ngayon. Napakagat labi ako habang nagpupunas ng maruming lamesa na pinagkainan namin.

"Oh ano? susuko kana ba?" tila nanghahamon si Claud.

"Huh? ako? susuko? hindi haa! ako pa!" pagmamayabang ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko gusto ang gawin ang mga iyon, gusto ko rin sumuko. Pero para kay Claud ang gagawin ko kaya bakit ako susuko.

Katulad ng bilin ni lola, naghugas ako ng plato sa poso habang nakikipag-kwentuhan sa mga babaeng nakapila para umigib ng tubig. Nagkwento sila ng maraming bagay tungkol sa Lolo't Lola ni Claud, kesyo mabait raw ang mga ito at mahal na mahal ang apo. Sa lugar nilang iyon ay parang Donya at Don ang mag-asawa. Hindi nagtagal ay natapos ako, bahagya akong nakipag-kwentuhan kay Claud sa katanghaliang tapat hanggang sa pareho kaming nakatulog ng magkatabi sa malaking duyan na nakatali sa gilid ng magkalayong dalawang puno ng mangga. I can say that there province is more relaxing than Manila. Kapag may problema ako, hindi ako magdadalawang isip na bumalik dito.

---------------------

Matapos ang kaunting pahinga namin ni Claud ng tanghali na iyon. Nagbihis kami ng angkop sa paglilinis ng kwadra ng hayop,. Tinungo namin ang kulungan kasama ng mga trabahante ni lolo at lola, syempre kasama rin si lolo at lola na naroon lamang para panoorin ang mga gagawin namin ng apo. Humawak kami ng walis habang nililihis ang tubig sa loob ng kwadra na pinapatubigan ng isa sa trabahante gamit ang host. Yung mga poo poo ng kabayo ay sinigurado namin na hindi magbabara sa kanal.




"Ano, kailangan ko ba talaga matutunan to Hubby?" tanong ko habang napipilitan hawakan ang puwit ng kabayo,ang kagandahan lang ay may gloves ako na hanggang braso.


"Tanong mo kay lola, hindi ako ang nag-uutos na gawin mo ito" ani niya, tinapunan ko ng tingin ang lola niyang nakahalukipkip habang nanonood.


"Ano Ija Aemie, pagod kana ba? susukuan mo na ba ang apo ko?" nanghahamon nitong saad. Tinapunan ko ng tingin si Claud na kibit-balikat. Napa-kagat labi na lamang ako na parang gusto kong umiyak habang pinapaloob sa ari ng babaeng kabayo ang kamay ko.



"Wag mo na kasing gawin kung hindi mo kaya" saad ni Claud na ine-engganyo akong tumigil na sa ginagawa ko. Todo pikit ang aking ginawa habang dinadama ko ang pagpasok ng kamay ko sa maselan na bahagi ng kabayong iyon.



"Ka..ka.. kaya ko Claud, kaya ko.. Aa.aa.. Ang init, ano iyon? ang init," saad ko, ramdam ko ang init sa kamay ko habang nasa kaloob-looban ng ari ng kabayo ang kamay ko. Kailangan ko kasing malaman kung buntis ang kabayo, kailangan kong kapain sa loob kung may namumuo ng fetus ng baby horse sa loob ng female horse na nasa harapan ko.



"Ano? may nakapa kaba? meron nabang laman?" kagat-labi na tumango ako sa tanong ni Claud. May nakapa ako, that means buntis na ang kabayo. Mabuti pa ang kabayo, nauna pang nabuntis sa akin.



"Sige na wife, tanggalin mo na yung kamay mo, alam ko nahihirapan kana. Nagtitiis ka lang," saad niya.

Marami pa kaming pinaliguan na kabayo at tinignan kung buntis na. tatlo sa limang babaeng kabayo ang buntis. Sampu lahat ang kabayo, at ang ilan sa kanila ay puro lalaki na. Sumunod na itinuro sa akin kung paano ang magpagatas ng kalabaw at baka, noong una nakakatakot dahil baka nanadyak. Pero sa huli ay nag-eenjoy na ako at halos ayoko ng iwan ang suso ng mga baka.


"Pero sa tingin ko, mas masarap hawakan yang dede mo kaysa sa kanila" all of a sudden, I didn't expect Claud to say that. Nagpapagatas rin siya malapit sa tabi ko kaya naman mabilis ko siyang natadyakan.


"Pervert! wag kang tatabi sa akin mamaya! sa kama ako matutulog at ikaw sa baba ng kama! letche ka!" inis kong usal.







"Are you serious? wife, wala naman ganyanan.."




"I'm serious!" bulyaw ko sa kanya, nagtangka siyang lumapit sa akin pero hindi ko siya hinayaang makalapit. "Wag ka lalapit sa akin! buwisit ka!" singhal ko sa kanya. Mabuti nalang huli na ang ginagatasan ko kaya malaya ko ng natalikuran ang manyak na siya.




"Huy wife, joke lang naman iyon e, kailan ba kita binastos physically? alam mo naman na verbal lang ang nagagawa kong pambabastos when it comes to you right? ang sensitive mo naman ngayon.. Meron kaba?" paumanhin niya. Hindi ako nakapag-salita dahil totoo naman ang hinala niyang meron akong period kaya ako sensitive.




"Ewan ko sayo!, bahala ka sa buhay mo!" singhal ko at mabilis siyang iniwan roon.


"Huy wife!, sorry na kasii!!" rinig kong nagmamaka-awa na panaghoy niya. Bahala siya doon!. Hindi kami nag-usap, pagkatapos ng nakakapagod na paglilinis ng kwadra ng hayop, pagpapaligo at pagpapagatas. Akala ko makakapag-pahinga na ako, hindi pa pala dahil napag-utusan ako ng lola ni Claud na mangangkong. Ayoko sana na lusungin ang hanggang bewang na maruming tubig ng kangkong pero wala akong magawa, iniisip ko rin na baka may mga linta rin doon. Napipilitan na lumusong ako roon gamit ang manipis na telang hanggang paa at tshirt na kulay itim para hindi dumihin. Hanggang bewang ang tubig at sa malayo ay umabot iyon ng hanggang dibdib.





"Yun, magaganda ang dahon ng mga iyon, yun ang masarap!" turo ng matanda sa malayo. Kinuha ko naman ang mga tinuturo niya hanggang kaya ko ay pilit kong kinakaya para patunayan kay Claud na itong mga bagay na ito ang magagawa ko para sa kanya na alam kong hindi magagawa ni Zeeya para sa kanya.






"Andami na nito lola, kulang pa ba?" sabi ko. Natanaw ko sa malayo si Claud na lihim akong pinapanood, ngumiti ako rito ng matamis. Atleast alam kong nanonood siya, sapat na iyon para maging lakas ng loob ko.





"Konti pa Ija, kulang pa yan sa apo ko kapag inadobo yan!" kumuha pa ako ng marami ng hindi iniisip ang maitim na tubig na nilulusong ko. Alam ko kasi na gusto ni Claud ang mga iyon kaya ayos lang.




"O sya Ija! Sapat na yan, umahon kana, magdidilim na rin.. Baka lamigin kapa!" ani ni lola.


Umahon na ako mula sa kakungan, pumunta ako sa damuhan at naupo para magpahinga. Inabot ko kay lola ang mga nakuha kong kangkong.

"Maligo kana at magpalit, kami na muna ang bahala sa hapunan" saad ni lola at iniwan na akong nakaupo sa damuhan.

Nakaramdam ako ng pangangati ng paa kaya nilihis ko ang suot kong mahaba't manipis na tela ng suot ko. Namutla ako ng makita ko ang dalawang linta na nakakapit sa paa ko, malayang sinisipsip ang dugo ko. Hindi ko maiusal ang mga salitang nais kong sabihin dahil sa takot.



'Ayoko nito'




'Ayoko ng linya'




'Hindi na nanaginip lang ako'



Tuluyan akong naiyak at hindi halos maka-hinga sa takot na namamayani sa puso ko. Hindi ko alam kung paano tatanggalin ang mga linta..


"Claud" usal ko na lamang habang humihikbi sa takot. Hindi ko alam ang gagawin.

"Claud" humihiling ako sa utak ko na dumating si Claud ngayon para tulungan ako sa sitwasyon ko.











"Wife!" napalingon ako ng marinig ko ang boses na iyon. Ang boses ng asawa ko.








------------------------
To be continue
------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

326K 11.3K 61
They were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and li...
The Sweetest Sin By Vye

General Fiction

114K 2.3K 37
Everything is perfect for Cynthia. For her and for her boyfriend, Arthur. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakswerteng tao sa mundo dahil sa pagmamah...
204K 3.5K 58
Labis na kinaiinggitan ng karamihan ang pag-iibigan ni Felicity at Cornell. Para itong mga estudyante lang sa hayskul na purong kilig at tuwa. Ngunit...
6.3K 114 43
Na inlove ka sa best friend mo kahit alam mo naman na meron siyang mahal na iba. Kahit sarili mo niloko mo na para manatili lang siya. Mahal mo nga s...