Class 3-C Has A Secret 2 | co...

By enahguevarra

9M 155K 54.2K

"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 20... More

C3CHAS TRILOGY
C1: Moriendo Renascor.
C2: Pity on me, Death.
C3: She, who forgets.
C4: Honor the vanquished.
C5: Doomed Reality.
C6: The thread of Death.
C7: Embrace your iniquity.
C8: Ballad of Death.
C9: Dreadful past.
C10: Sleuth.
C11: Know thyself.
C12: Lies.
C13: Incognito.
C14: Nostalgia.
C15: Truth be told.
C16: Lifeless. (part 1)
C17. Lifeless (part 2)
C18: Missing.
C19: The liar.
C20: Rules of the jungle.
C21: Hidden agenda.
C22: Judas' kiss
C23: Lost Alice.
C24: A friend and a foe.
C25: The unspoken truth.
C27: The first weakest rabbit.
C28: Behind those lies.
C29: Lifesaver.
C30: The catastrophe of life.
C31: Ironic truth.
C32: Two black cats
C33: The white rabbit has the answer.
C34: The Prodigal son.
C35: Someone is back.
C36: The white rabbit.
C37: Friendship.
C38: Kill the Pillar.
C39: The clockmaker's daughter.
C40: Eliminate the wolves.
C41: Darkness
C42: Wolf's cry.
C43: Hunt the wolves.
C44: Alliances.
C45: Endgame
C46: Fade to black
C47: The Fall of the Pillar
C48: START
C49: Pitch Black
C50: Hide and Seek.
C51: Turncoat
C52: Trust no one
C53: Friends do kill
C54: Dangerous
C55: An hour to live
C56: Pillar's Trap
C57: The End
EPILOGUE
Special Chapter: HANAKO
Special Chapter: Balot ba o Penoy?
C3CHAS Spin-Off

C26: Paranoia

131K 2.2K 1K
By enahguevarra


"People that have trust issues only need to look in the mirror. There they will meet the one person that will betray them the most." — Shannon L. Alder


--------------------------------------------x

SAPPHIRE'S POV

 

SINIPA ko ang bakal na pinto nitong lecheng Punishment room na tinatawag nila. Sinipa ko ito nang sinipa hanggang sa napagod lang ako. Nakakainis talaga yung walang kwentang adviser na iyon! Bakit ba nitong mga nakaraang araw ay ang init-init ng ulo niya sa amin? Napaghahalata na siya ah. Araw-araw binibigyan niya kami ng assignments, laging may surprise quiz at long quiz pa nga. Tapos lagi siyang galit kapag sa klase namin kaunting kibot lang ng isa sa amin, galit na galit na siya. Muli, isang malakas na sipa ang ginawa ko sa pintuan kasabay ng sigaw ko.


"Ang baho na nga dito, ang ingay mo pa. " Unang beses na ngang nagsalita itong si Luna na to, nakakainis pa ang sinabi niya. Sandali palang kami nandirito sa loob ng lecheng room na ito pero nakakasulasok talaga ang amoy dito sa loob. Bakit ba ako nasama sa mga ito?!


"Nagreklamo ang may naiitulong. Nakatunganga ka lang naman dyan. Tss," sabi naman ni Spade sabay ng pagtayo niya. Malayo ang kinauupuan niya kay Luna at halatang naiinis siya dun sa Luna na iyon. Naiintindihan ko naman siya, sino bang natutuwa sa Luna na iyan? Tsaka sa aming apat, si Spade lang naman at Sandria ang medyo kilala ko.


"Alam mo Luna, imbis na nagrereklamo ka diyan. Mag-isip ka kaya kung paano makakaalis dito? Yun lang kung may utak ka." At isang irap ang nakuha ko sa kanya.


"Madali lang naman tayong  makakalabas dito eh." Iginala niya ang mga mata niya sa paligid. Ang paligid kung saan ang tanging makikita ay mga kung anu-anong bungo, mga maduduming bagay na di ko malaman. Pakiramdam ko nga, may kasama kaming mga daga at ipis dito eh. Kadiri. Buti na lang may kaunting liwanag dito dahil sa espasyo sa ilalim ng pintuan. At panigurado, walang tao sa labas. Wala ding nakakaalam na nandirito kami dahil pinatawag lang kami palabas ng klase.


"Papano?" tanong naman ni Sandria kasabay din ng pagtayo niya at paglapit sa amin ni Spade.


"May plano ako." Dagdag pa ni Spade na naging dahilan ng paglapit namin sa kanya upang mas marinig siya. Nakatakip ang panyo ko sa ilong ko para maiwasang maamoy ang mabahong kwarto na ito. Hindi ko talaga kaya ang amoy. Nakakadiri. "Ang plano ko ay..." mas lalo pa kaming lumapit ni Sandria. "Ang plano ko ay mag-isip si Sandria kung pano makalabas dito. Tutal, matalino siya eh. Mag-isip ka na, Sandria." Literal ko siyang nabatukan. "Ano ba?!" reaksyon naman niya.


"Wala tayong oras para magbiruan dito, Spade." Naiinis din na sabi ni Sandria. "May dala ba kayong cellphone? Nasa bag ang akin, nasa classroom." Lumingon siya kay Spade, umiling naman si Spade. Pagkatapos ay lumingon siya kay Luna, tulad ni Spade ay wala ding dala si Luna. Saka siya lumingon sa akin. Doon ko naman kinuha ang phone ko na nakabulsa sa palda ko.


Saka ko muling nakita ang crack sa screen ng phone ko. Oo nga pala, yung nanyari sa bahay nila Cyrus. Hindi ko akalain na ganun kalala ang epilepsy ni Paula. Gulat na gulat ako at di ko naiwasan ang mapasigaw. Ngunit pagkatapos siyang magamot ng mga nurses kasama ni Cyrus, pumunta ako sa kwarto ni Cyrus.


Dun ko nakita yung ... drugs sa drawer niya.


At biglang nagvibrate ang phone ko nun. Doon ko lang din napansin ang crack sa screen, maaring dahil sa pagkakabasag nito. Nakita ko ang picture ni Cyrus pati na rin ang message na sinasabi ni Katherine. Inisip ko agad nun na baka nga totoo ang mga sinasabi ni Austin.

 

Si Cyrus ... ay isang killer?


"Hoy Sapphire! Ibibigay mo ba samin yang cellphone mo o tititigan mo lang hanggang sa ma-suffocate tayo sa baho dito?" bumalik ako sa realidad sa sigaw ni Spade saka ko ibinigay sa kanya ang phone ko. "Langya naman, lowbat eh."


"Papano na?" tanong ulit ni Sandria. "Hindi tayo maririnig sa labas. Kailangan na nating makalabas dito." Dagdag pa niya.


"Gusto nyo ba talagang lumabas?" napatingin kaming tatlo kay Luna nang tumayo siya at lumapit sa amin. Ni hindi siya nakatakip sa ilong niya. Parang normal lang sa kanya ang amoy sa kwartong ito.


At sa tuwing titigan ko siya, may kung ano akong nararamdamang galit. Naiinis ako sa kanya. Una, noong unang araw niya rito, siya ang laging pinag-uusapan. Pangalawa, naiinis ako sa mga sinasabi niya. Pangatlo, nakakainis ang mukha niya na para bang bored na bored at may galit sa lahat pero kahit ganun, mukhang mapagkakatiwalaan naman siya kahit papano.

 

"Ano ba naman, obvious ba Tuna? Ah, oo nga pala. Di mo nga pala kami kaibigan ano? Ano bang pakialam mo diba?" ngumisi si Spade pagkatapos niyang sabihin iyon. Napatingin naman kaming dalawa  ni Sandria sa kanila. Nagtitigan lang kasi sila na para bang sa isang segundo ay magkakarambulan na dito. Ano ba naman tong dalawang to, dito pa ata mag-aaway. 


"Ayokong nagsasalita ka, tanga ka." Tugon ni Luna sa kanila saka siya tumingin samin ni Sandria. "Alam ko kung papano makaalis dito. Tanga, buhatin mo yung malaking bato na iyon." Tinuro niya ang malaking bato na nasa gilid ng kinalalagyan namin.


Isang matinding pilitan ang nanyari dahil sa ayaw gawin ni Spade ang sinasabi ni Luna ngunit sa dulo ay napilitan rin siya. Inalis niya ang malaking bato, sa isang tingin palang, panigurado na ang dumi-dumi nun. Yuck.


"Sipain mo yung pader diyan." Sabi pa ni Luna. Napa-'Tsss' pa si Spade bago niya sipain nang malakas ang parte ng pader na iyon, yung nasa likod ng inalis niyang bato. Nanlaki ang mga mata namin ng naalis iyong parte na iyon. Ilang segundo ang nakaraan at nakatitig lang ako sa durog durog na hollow blocks sa harapan namin. Mas lalong lumiwanag dito sa loob at mas lalo rin naman umalingasaw ang mabahong amoy dito. Panigurado, sa lahat ng dadaan sa gawing ito ay maayos ang Punishment room.


"Paano mo nalaman to?" tanong sa kanya ni Sandria na sinundan naman ng tanong din ni Spade, "Oo nga, paano mo nalaman?"


"Ano ba guys?! Lumabas na lang tayo kaysa magtanungan dito!"  Sa pagkakasabi kong iyon ay nagsimula na kaming lumabas sa butas na iyon. Hinintay ko muna na makaalis si Sandria. Masikip sa lalabasan namin dahil sa gilid lamang ito ng Punishment room at ng bakod para sa playground. Nang nakaalis na dun si Sandria ay ako naman ang sumunod. Hanggang sa nakalabas kaming lahat. Nagtalo pa si Spade at Luna habang kami ni Sandria ay inaayos ang sarili namin.


Nakahinga ako nang maluwag. Pagdating ko sa classroom, kukuhanin ko agad ang pabango ko sa bag at ii-sprayan ang buong katawan ko. Gagamit din ako ng alcohol dahil ang dumi na ng mga kamay ko. Pagkatapos nun, pupuntahan ko si Cyrus, papaaminin ko ulit siya dahil sa naudlot na pag-uusap namin sa bahay nila at itatanong ko kung anong kinalaman niya sa pagkawala ni Aislinn.


Dahil sa hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa best friend ko at hindi ako matahimik sa sinabi ni Austin na nasa mabuting kalagayan si Aislinn. Alam kong malaki ang pagmamahal niya sa kaibigan ko at maaring totoo lahat ng sinasabi niya pero may kung ano talaga na di ako mapalagay kay Austin. Iba ang kinikilos niya ngayon lalo na nung sinabi niya sa akin na killer si Cyrus. May parte sakin na naniniwala pero meron din naman na nagtataka pa rin. Hindi pupwede. Dapat kong malaman mismo sa bibig ni Cyrus ang totoo.


"Let's go." Aya ko sa kanila kasabay ng paglakad papunta sa classroom. "Tumigil nga kayo Luna at Spade. Nakakarindi na kayo ah." Pagpuna ko sa kanila. Kanina pa kasi away nang away. Saka naguguluhan ako. Marami akong iniisip tapos dadagdag pa ang ingay nila. Mabuti pa si Sandria, tahimik. Well, lagi naman siyang tahimik eh parang si Luna lang din pero ewan ko ba, iba rin si Luna kapag si Spade ang kasama niya. Napapansin ko lang.


"Tanga, tumahimik ka na. Dada ka nang dada." Ang huli kong narinig kay Luna na sabi niya kay Spade. Ito ata ang unang beses na narinig kong nagsalita si Luna ng ganung karami. Mukhang dapat ko silang kilalanin pa nang mas mabuti. Bilang lider ng 3-C, dapat kong malaman kung sino ang mga kaklase ko. Tama. Iyon nga.


Binuksan ko ang pintuan at isang malakas na sigaw ang bumungad sa amin.


"Ayan na pala si Sapphire, ang kasabwat ni Cyrus!"


Nagkatinginan kami ni Sandria. Ano bang pinagsasabi nito? Saka ko napansin na halos lahat ng upuan ay nasa gilid at si Cyrus ay nasa gitna, nakatali sa isang upuan. Agad akong napatakbo at pinuntahan siya upang pakawalan ngunit hinatak ako ni Austin.


"Austin! What are you doing?!" pumunta naman sa likuran ko si Clyde at inalis ang mahigpit na pagkakahawak ni Austin sa braso ko. Saka ko hinarap ang buong klase. "Ano bang pinagsasabi nyo ha? Nababaliw na ba kayo?!"


Tinignan ko si Raphael na tahimik lang na nakaupo sa upuan niya, nasa tabi niya si Abi at si Katherine naman ay nakatayo sa gilid ni Raphael. Parang wala lang sa kanila na nakatali si Cyrus. Tinanggal ko ang pinagdikit-dikit na scotch tape na nasa bibig ni Cyrus saka siya galit na galit na sumigaw.


"Mga putangina nyo! Mga baliw na kayong lahat!"


Ngunit hindi siya pinansin ng lahat bagkus ay nakinig ang lahat sa sinabi ni Austin. "Sapphire, kung kakampi ka kay Cyrus, kalaban ka na rin ng klase pero hindi talaga nakapagtataka na hindi ka niya kasabwat diba? Ang leader ng 3-C ay isa ring killer, pwede naman yun, diba?" narinig ko ang pagsang-ayon ng karamihan. Napakunot ang noo ko sa nadatnan naming sitwasyon. Kanina lang ay maayos ang lahat ngunit ... bakit ganito?


Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon . Wala akong maisip na saktong sasabihin para magsitigil sila. Para bang mga nag-aapoy ang mga mata nila at kahit anong sabihin ko, desidido na sila.


Ano bang nanyayari sa klase namin?


Napatingin ako kay Austin, napakasama niya talaga. Hindi ko akalain na isa siyang ganito. Tatalikuran niya ang mga kaibigan niya ... para saan naman?


"Tama si Austin, kasabwat ni Cyrus si Sapphire." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Katherine. Saka ko naramdaman ang pagtakbo ng ilan kong kaklase at hinawakan nila ang magkabila kong kamay. Nagpumilit akong kumawala. Nakita ko rin na tumakbo papalapit sa akin si Clyde at Spade upang pigilan ang mga baliw naming kaklase ngunit nabigo sila. Itinulak sila sa gilid at binantayan din doon. Mas marami sila kaysa sa amin.


"Wag nyong sasaktan si Sapphire. Mga punyeta kayo! Kapag ako nakawala dito, ibabalibag ko yang mga pagmumukha nyo!" narinig ko pang sigaw ni Cyrus habang nagpupumilit pa rin ngunit mahigpit siyang hinawakan ng iba pa naming kaklase. Mas magiging maayos sana kung hindi nila itinali nang ganun si Cyrus. Narinig ko ang sunod sunod na sigaw ni Cyrus ngunit hindi ko ito napagtuunan ng pansin dahil pilit pa rin akong lumalaban. Pilit pa rin akong kumakawala sa mahigpit na paghawak nila sa akin. Lagpas sila sa walo habang ako naman ay iisa lang. Wala akong laban.


Hindi ko akalain na gaganituhin ako ng buong klase. Hindi ba ... kakampi ko sila? Ako ang leader nila. Ako ang sinusunod nila. Si Katherine at si Austin ... kaibigan ko sila ngunit ano ito? Ba't parang bumabaliktad sa akin ang lahat?


Ngunit sa panahon na ito, isang tao ang hindi ko inaasahan na magtatanggol sa akin.


Si Abi.


"Guys, wake up! Para kayong mga tanga diyan. Tignan nyo nga tong ginagawa nyo! Ano bang ebidensiya natin ha? Yung picture at message ng killer? Yung si M? Eh langhiya naman. Sa killer pa ba kayo magtitiwala? Sa kalaban pa kayo maniniwala?!" Halata sa kanya na ang labis na inis. Hindi ko akalain na masasabi niya ang mga ito. Parang dati lang, ako ang itinuturo niyang killer. Bakit parang, nag-iba ang ihip ng hangin?


Ngunit hindi pa rin sapat ang sinabi ni Abi, may sumagot pa rin galing sa kanila.


"Pero ikaw na rin ang nagsabi Abi, may pinatay dati si Sapphire at hindi na ko magpapakaplastic, kung labasan ng baho, marami nyan si Sapphire." Tumingin siya sa akin. "Kung hindi mo pa naalala, Sapphire. Ipapakita ko sayo ang picture niya." May inilabas siyang litrato galing sa isa niyang kamay. "Ayan! Ayan ang babaeng pinatay mo!"



Narinig kong sumigaw si Cyrus, nakita kong tumakbo papalapit si Katherine upang pigilan ang kaklase naming iyon, nakita ko rin tumakbo papalapit si Clyde at si Raphael ngunit huli na sila halos naisupalpal na niya sa mukha ko ang isang litrato ng babae. Nanlambot ako. Mas lalo kong naramdaman ang mahigpit na paghawak ng mga kaklase ko sa akin. Saka ko naramdaman ang labis na pananakit ng ulo.


Hindi...

Hindi ko siya pinatay.


Nawala siya. Ang sabi nila, nawala siya.


Hindi ko pinatay si Miaka.



SPADE'S POV


Hindi ko maintindihan itong klase na to. Parang si Luna, ang gulo. Lumabas ako ng classroom habang pinapagpag ang uniform ko. Sinabihan kasi ako ni Sandria na tumawag ng teacher pero sa tingin ko, mas lalong lalala kung may makakaalam na faculty member. Baka makarating pa sa adviser namin, ipakulong pa ulit kami sa lintek na punishment room na 'yon.


Bahala na, matutulog na lang ako sa library.


Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko lang, tinignan ko lang naman kung may message o wala. Hindi ko ito inilabas kanina noong nagtanong si Sandria na kung sinong may cellphone. Ayoko. Baka may makita sila rito. Delikado para sa akin at para sa amin. Mahirap na, tsk tsk.


Tsaka, hindi ko na rin problema kung anong manyayari sa kanina sa loob. Bahala na sila dun. Pero sa tingin ko rin nababaliw na rin ang mga kaklase namin eh. Mga nagiging paranoid na. Mga kung anu-ano ang iniisip. Sino ba naman kasi ang normal na magtatali ng kaklase sa isang upuan? Psh. Mga abnormal.


Katulad ni Abi, hindi rin ako naniniwala sa natanggap nilang message. Hindi naman kasi ako napadalhan dahil hindi naman nila alam ang number ko. Ibig bang sabihin nun, kasama sa klase ang nagpadala ng mensahe? Siyempre, isa sa kanila iyon.


Eh sino naman si M na nandun?


Tss. Tama na nga Spade, masyado mong pinapagod ang sarili mo sa pag-iisip. Matulog ka na lang para hindi masayang ang oras mo. Hindi na rin ata ako normal, nahahawa na ko sa mga kaklase ko, kinakausap ko na ang sarili ko eh.


Pakshet, nakakabaliw sa school na to pero ano pa nga bang inaasahan ko? Dapat pala naghanda pa ko nang mas maigi sa pagpasok dito.


Pumwesto ako sa pinakadulo ng library, dito sa bagong library, mas malamig kasi ang air conditioner dito. Ibig sabihin, mas masarap matulog. Mahaba pa ang silya dito sa dulong lamesa at tanga yung librarian, hindi ako mapapansin nun.


Ngunit bago ako pumikit, muli kong naalala ang sinabi nung Luna na iyon.


"Hindi ko kayo kaibigan."

 

Naiirita talaga ako sa tuwing naalala ko iyon lalo na kapag naririnig ko ang boses ni Luna o nakikita ko man lang si Luna. Iniligtas na nga namin siya tapos ganun lang ang sasabihin niya? Ni hindi man lang siya nagpasalamat o ano. Napakayabang talaga. Hindi ba niya alam na alalang-alala ako sa kanya?! Sobrang alala ko na halos nalimutan ko na na wala nga pala akong halaga sa kanya at dapat wala rin siyang halaga sa akin.


Nakakainis ka talaga, Tuna.


Saka ko inilabas ang susi na nasa bulsa ko pa kanina. Itong kulay pilak na susi na ito ang ginamit namin para mapalabas siya. Ito yung binibigay namin sa kanya dati ni Sandria noon pero hindi niya tinanggap kasi kaya raw niya ang mag-isa pero anong nanyari? Wala rin, sumama rin siya sa amin.


Nagtataka siya kung paano namin nalaman kung nasaan siya. Madali lang naman eh. Alam na alam ko kung saan siya makikita. Binulsa ko ulit yung susi at inilabas muli ang cellphone ko. Saka ko binura yung dalawang text messages na iyon. Ang unang text message ay tungkol sa pagkawala niya at ang pangalawa naman ay kung nasaan siya.


Naglalaro lang naman siya eh. Ba't ba ako naniwala? Naloko tuloy ako.


Noong panahon na iyon, akala ko mamatay talaga si Luna kung hindi namin siya maililigtas. Ayon kasi sa pangalawang text message na natanggap ko, sa loob ng isang oras na hindi siya mailigtas ... may nakakalasong gas na magiging dahilan ng pagkamatay niya sa loob ng kwartong iyon.


Kaso, mukhang biro lang naman iyon dahil higit sa isang oras namin siya hinanap.

Tsss, nag-alala pa naman ako.


Nakaramdam ako ng matinding antok. Hanggang sa unti-unti na kong pumikit. At sa pagpikit ko, isang imahe ng babae ang unang pumasok sa isip ko.


Si Hana.

--------------------------------------------x

 

 

 - A U T H O R ' S   N O T  E  -


PARANOIA. Means (1) A mental condition characterized by delusions of persecution, unwarranted jealousy, or exaggerated self-importance, typically worked (2) Suspicion and mistrust of people or their actions without evidence or justification.

 YUNG ABOUT SA SUSI NA HAWAK NI SPADE. Nasa chapter 5 po yun. :)

Salamat sa pagbabasa! Comment your opinion, deduction o kahit ano man. God bless~~

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 87.7K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
25.8M 641K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
10K 1.6K 52
Love moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan...