Angel in Disguise By Alyloony

By Vinz3Ryd3r

45.2K 729 24

Copy lang po ito... original Author po nito is Alyloony anyway pls join me here Join SOL REPUBLIC's SOLdiers... More

Angel in Disguise (Prologue ~ teaser)
Angel in Disguise - Chapter 1 *First meeting*
Angel in Disguise - Chapter 2 *Kiss*
Angel in Disguise - Chapter 3 *Suspicion*
Angel in Disguise - Chapter 4 *Voice of an angel*
Angel in Disguise - Chapter 5 *Mr. Spy*
Angel in Disguise - Chapter 6 *blackmailing snatcher*
Angel in Disguise - Chapter 7 *Her smile*
Angel in Disguise - Chapter 8 *tears*
Angel in Disguise - Chapter 9 *Painful past*
Angel in Disguise - Chapter 10 *I miss you*
Angel in Disguise - Chapter 11 *Mr. Seduction*
Angel in Disguise - Chapter 12 *The Manager*
Angel in Disguise - Chapter 13 *flashback*
Angel in Disguise - Chapter 14 *Mr. Stalker*
Angel in Disguise - Chapter 15 *Blessing *
Angel in Disguise - Chapter 16 *Mommy and Daddy*
Angel in Disguise - Chapter 17 *Stolen*
Angel in Disguise - Chapter 18 *unexpected news*
Angel in Disguise - Chapter 19 *The Wake*
Angel in Disguise - Chapter 20 *let go*
Angel in Disguise - Chapter 21 *Best friend*
Angel in Disguise - Chapter 22 *Subic*
Angel in Disguise - Chapter 23 *unrecognized feelings*
Angel in Disguise - Chapter 24 *first move*
Angel in Disguise - Chapter 25 *second*
Angel in Disguise - Chapter 26 *The Goddess' Pain*
Angel in Disguise - Chapter 27 *One sided*
Angel in Disguise - Chapter 28 Mind vs. heart
Angel in Disguise - Chapter 29 *comfort*
Angel in Disguise - Chapter 30 *Request*
Angel in Disguise - Chapter 31 *trapped*
Angel in Disguise - Chapter 32 *hug*
Angel in Disguise - Chapter 33 *burst of emotions*
Angel in Disguise - Chapter 34 *I love you*
Angel in Disguise - Chapter 35 *another revelation*
Angel in Disguise - Chapter 36 * Tight Hug*
Angel in Disguise - Chapter 37 *sandalan*
Angel in Disguise - Chapter 38 *Enchanted*
Angel in Disguise - Chapter 39 *Sayonara*
Angel in Disguise - Chapter 40 *questions*
Angel in Disguise - Chapter 41 *beach disaster*
Angel in Disguise - Chapter 42 *Venus' Plan*
Angel in Disguise - Chapter 43 *Dionne's Choice*
Angel in Disguise - Chapter 45 *POV*
Angel in Disguise - Chapter 46 *One and only*
Angel in Disguise - Chapter 47 *Will You Marry Me?*
Angel in Disguise - Chapter 48 *Kiss*
Angel in Disguise - Chapter 49 * Instant reunion*
Angel in Disguise - Chapter 50 *I-I love you too*
Angel in Disguise - Chapter 51 *China?*
Angel in Disguise - Chapter 52
Angel in Disguise - Chapter 53
Angel in Disguise - Chapter 54
Angel in Disguise - Chapter 55
Angel in Disguise - Chapter 56
Angel in Disguise - Chapter 57
Angel in Disguise - Chapter 58
Angel in Disguise - Chapter 59
Angel in Disguise - Epilogue

Angel in Disguise - Chapter 44 *Flight for freedom*

604 12 1
By Vinz3Ryd3r


Please don't mind the typo in this chapter... di ko pa nae-edit! hehehe

Enjoy reading!

***

Chapter 44

*Flight for freedom*

[Dionne's POV]

"Dionne-chan dapat kakain ka ng madami ha? Sasarapan ko talaga ang luto ko para sayo! Patitikimin kita ng mga Japanese foods!" masiglang sabi ni Rui habang busy siya sa pagluluto.

Nandito ako ngayon sa unit ni Rui. Matapos kasi ng suntukang naganap, agad kaming umalis doon dahil madaming naka witness at for sure, panibagong issue na naman ito. Pakiramdam ko nga mamayang gabi nasa news na agad yung nangyari eh. For sure ngayon madami din ang nag hu-hunting kay Japoy para tanungin sa nangyari.

Napabuntong hininga ako. Kahit na nasasaktan ako ng dahil kay Japoy, hindi ko parin maiwasang mag-alala sa kanya. Nag iisa siya ngayon at yung mga binitiwan kong salita sa kanya ay masasakit. Hindi ko alam kung na-apektuhan ba siya doon pero nakakarmadam ako ng konesensya.

"Don't worry about him, he'll be fine," sabi ni Rui saakin kaya napatingin namam ako sa kanya

"H-ha?"

"I know you are thinking about Japoy"

Napa-yuko ako "Rui, sorry ha?"

"You don't need to say sorry. Hindi ko naman kayang magalit sayo kasi mahal kita eh"

Natigilan ako sa sinabi ni Rui at hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

"Uhmm Rui-"

"-puntahan mo na si Venus sa living room baka kung ano na ang ginagawa nun doon," pag putol ni Rui sa sinasabi ko.

"Okay"

Pumunta ako sa living room ni Rui at nakita ko si Venus na nakaupo sa sofa habang may binabasa. Halos kadadating lang ni Venus sa unit ni Rui dahil sinundan niya kanina si Japoy. Naupo ako sa tabi niya.

"Venus, kamusta siya?"

Tumigil sa pagbabasa si Venus at tinignan ako. "He refused to talk to me. Sabi niya gusto niya mapag-isa"

"Uhmm hindi ba malala yung mga sugat niya dahil sa suntok?"

Medyo napangiti si Venus "hindi naman pero sigurado akong galit na galit yun kasi nasuntok ang pinakamamahal niyang mukha"

Napangiti din ako sa sinabi ni Venus. Naiimagine ko na lang ang inis ni Japoy dahil sa pagkakasuntok sa kanya ni Rui.

"Idagdag mo pa na wala yung chimay niya para alagaan siya at gamutin ang mga sugat niya"

Nawala din agad yung ngiti ko ng dahil sa sinabi ni Venus at nakaramdam na naman ako ng konsensya.

"Mali ba yung ginawa ko?" tanong ko sa kanya.

Umiling si Venus. "Sinabi mo lang kay Jake ang tingin mo sa kanya at alam kong hindi naman siya ganoong ka-manhid para hindi tamaan sa mga binitiwan mong salita," tinignan ako ni Venus, "lalo na yung chimay pa niya ang nag bitiw ng mga salitang yun."

"Pero alam ko wala naman ako para sa kanya eh"

"Hindi lang pala si Jake ang manhid kundi pati ikaw."

"Ha?"

Venus rolled her eyes. "Ewan ko sayo Dionne! Dapat ikaw din may marealize eh!" tumayo si Venus, "o siya, I need to go. I have an important appointment"

Tumayo na rin ako, "uhmm Venus, salamat ah? Alam kong mahal mo si Japoy pero tinutulungan mo pa rin ako"

"Mahal?" ngumiti si Venus, "siguro. Pero kasi hindi ako ganoong ka tanga para aksayahin ang ganda ko sa isang katulad niya."

"Salamat talaga ah?"

"Wag ka munang magpasalamat kasi wala pa naman nangyayari eh."

Pero kahit ganoon, paulit-ulit parin ako nagpasalamat kay Venus dahil sa tulong na ibinibigay niya saakin. Nung medyo nakulitan na siya saakin, nagpaalam na rin siya kay Ru at umalis.

"Dionne ready na yung food natin! Halika na dito"

Lumapit ako sa kanya. "Ako na mag hahain," sabi ko habang kinukuha yung mga plato.

"Ano ka ba!" kinuha niya sa mga kamay ko yun hawak kong mga plato, "in this house, you are not a maid but a guest." Inilapag niya yung mga plato sa lamesa ataka ako hinila paupo sa may hapag kainan. "Just sit and relax okay? Pagsisilbihan kita ngayon."

Isa-isang nilapag ni Rui sa lamesa yung mga pagkaing niluto niya. Pinaglagay niya ako sa plato ko at talagang naka-plating pa ito ng maganda. Nilagyan din niya ng juice na tinimpla niya yung baso ko. Pagkatapos nun ay naupo narin siya sa silya a tapat ko.

"Kumain ka ng madami ha Dionne? Talagang niluto ko yan lahat para sayo."

Nginitian ko si Rui, "salamat talaga ah, Rui? Kahit na alam mong-"

"-tara na kumain na tayo!" Pag putol niya sa sinabi ko. Hindi ko na lang din itinuloy ang dapat kong sasabihin dahil ramdam ko naman na ayaw pagusapan ito ni Rui.

Habang kumakain kaming dalawa, nagku-kwento lang si Rui ng kung anu-anong bagay, pero wala siyang binabanggit about sa nangyari kanina. Alam kong iniiwasan niyang magbanggit ng tungkol kay Japoy dahil alam niyang malulungkot ako, pero habang tinitignan at pinapakinggan ko si Rui na pilit akong pinasasaya sa mga kwento niya, nakokonsensya ako dahil alam kong sa huli, masasaktan at masasaktan ko parin ang taong to.

"..grabe nga eh nakakahiya talaga yung pinaka unang beses akong nagsayaw ng live! Mali-mali yung dance steps ko at hindi ako makasunod sa mga kasamahan ko! Pinagtatawanan nga ako ng audience nun eh! Hahahaha! Pero at least sumikat naman ako di ba? Uy Dionne nakikinig ka pa ba saakin?"

Biglang napabalik yung atensyon ko kay Rui ng tawagin niya ako.

"S-sorry ano ulit yun?"

Napabuntong hininga siya "ikaw talaga! Tawa ko ng tawa dito mag isa hindi ka naman pala nakikinig!"

"sorry"

Nginitian niya ako "ilang beses ko bang sasabihing hindi mo kailangan mag sorry saakin?"

Tinignan ko si Rui sa mata "kahit masaktan kita?"

Nawala bigla ang ngiti sa mukha niya at napabuntong hininga na lang ulit siya. Tumayo si Rui sa kinauupuan niya atsaka lumapit saakin. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.

"Mahal kita Dionne."

"Rui-"

"Alam kong sasabihin mong si Japoy ang gusto mo. Sa totoo lang naiinis ako kasi binabalewala ka niya. Gusto ko siyang isumpa at pagmumurahin dahil hindi niya alam kung gaano siya ka-swerte na may nagmamahal sa kanya na kagaya mo. Iniisip ko nga, sana ako na lang Dionne. Sana ako na lang yung minahal mo. Gusto kong sabihin sayo na please, paki baling na lang saakin ang atensyon mo dahil hindi kita sasaktan at paiiyakin. Pahahalagahan kita at aalagaan. Yung mga bagay na hindi naibigay ni Japoy sayo, kaya kong ibigay yun lahat mapasaya ka lang Dionne. Ang kaso, kahit anong pilit ko na pasayahin ka, alam ko namang sa kanya at sa kanya ka parin magiging masaya eh.."

"Rui, sorry..."

"Wag ka mag-alala dahil naiintindihan ko naman yun eh. Pero hindi parin ako titigil na umasang balang araw, mahuhulog ka rin saakin."

"ayokong masaktan ka"

Tumayo si Rui sa pagkakaluhod niya sa harapan ko at hinalikan niya ang noo ko "Dionne, sa pagmamahal, imposibleng walang masasaktan. Pero kung ikaw lang din naman ang mananakit saakin, okay lang. Basta ba ang kapalit nun ay maging masaya ka."

~*~

It's been a week. Kila Ashley ako nag stay the whole week. Masaya naman ang pag tira ko kila Ashley dahil tinuturing nila akong parte narin ng pamilya nila though tinatamaan na rin ako ng kahihiyaan dahil nagiging pabigat na ko sa kanila kahit pa ilang beses nilang sabihin na okay lang na tumuloy ako sa kanila ng libre. At para makabawi manlang ako sa pagpapatuloy nila saakin sa bahay nila, nagpatulong ako kay Venus na maka-panood kami ng live doon sa isang noon-time entertainment show na madalas panuorin nila Ashley at Althea. Nakakuha narin ako ng invitation galing kay Rui na manood ng show na yun live kaya naisipan kong isama silang dalawa.

"Sure it's easy" sabi ni Venus saakin ng tawagan ko siya para makiusap na kung pwedeng maisingit kami sa audience "pero Dionne I just want to warn you, nandun din sa show na yun si Jake. Sure ka ba talaga na gusto mong manuod?"

Medyo natahimik ako sa sinabi ni Venus

"Dionne?"

"ah. O-okay lang. Nandun naman kami para manuod eh tsaka imposible namang makikita ako ni Japoy sa audience. A-ayos lang yun."

"okay then if you say so."

Sinabi saakin ni Venus na aayusin na niya yung pag punta namin doon at tatawagan na lang niya ulit ako para sabihin kung what time at saan kami di-diretso pag okay na. After that, nagpaalam na rin kami ni Venus sa isa't isa.



Nang mag-end na yung call, napabuntong hininga na lang ako. Sa loob ng isang Linggo. Hindi ako tinawagan o tinext man lang ni Japoy. Sabi naman ni Venus, okay lang si Japoy at normal naman ang kinikilos nito sa trabaho. Nabalitaan ko pang naghahanap narin siya ngayon ng panibagong P.A.



Mukhang tama ang hinala ko. Wala naman talaga ako para sa kanya eh. The whole week wala akong ibang ginawa kundi ang pigilan ang sarili ko dahil gustong gusto ko na siyang tawagan. Ilang beses ko na ring pinlano na puntahan siya sa unit niya at sabihing bumabalik na ko sa kanya. Na-mi-miss ko si Japoy, sobra, at gusto ko ng itigil ang pagmamatigas ko.


Gusto ko siyang puntahan at mag sorry at sabihing kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kasi umasa ako at nasaktan. Pero wala naman akong karapatan masaktan at magalit sa kanya dahil hindi naman kami eh. Gusto kong sabihin sa kanya na okay lang kahit hindi niya na ako mahalin basta hayaan niya lang ako sa tabi niya tutal umpisa pa lang yun naman na talaga ang hinihiling ko eh.



Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam ko, pag ginawa ko yun, sarili ko naman ang sasaktan at pahihirapan ko. Naisip ko na mas mabuti nang lumayo muna ako sa kanya. Pero ang sakit parin malaman na okay siya kahit wala ako. Ibig sabihin lang nun, wala lang talaga ako sa kanya.

Isang hamak na chimay---hanggang diyan lang talaga ang tingin niya saakin.

Dumating ang araw ng panunuood namin nila Ashley. Masaya naman ako dahil nakita kong excited na excited silang dalawa ni Althea.

"Grabe mapapanuod ko kumanta ng live ang idol ko!" sabi ni Ashley habang nasa kotse kami papunta doon, "pwede kaya akong magpa autograph?"

"Ewww Ashley you're so makaluma you know! Autograph?! Bat hindi na lang pa-picture?!" sabi naman ni Althea, "anyway, sana nandun ngayon yung The Dreamer! Crush ko yung drummer nila eh, ang hot lang! Ibibigay ko yung number ko sa kanya baka sakaling maging boyfriend ko!"

"Ay naku Althea, may tinatarget ka na naman!"

"Eh bakit ba! Doon ka sa idol mo at magpa-autograph!"

Natatawa na lang ako the whole ride dahil sa pagtatalo ni Ashley at Althea. Palaging ganyan ang dalawang yan. Sobrang opposite kasi nilang magkapatid pero kahit ganoon, makikita mo talaga na sobra din silang close at grabe nila pinahahalagahan ang isa't-isa.

Sakto lang ang dating naming dahil hindi pa nagsisimula yung program pero medyo mahaba narin ang pila. Pero dahil sa tulong ni Venus at ni Rui, nandun kami sa VIP line at nakapasok agad sa set. Halos bandang unahan pa yung seat naming at kitang kita namin ang stage.

Habang naghihintay kami mag start yung show, nagpaalam muna ako kila Ashley dahil nag text si Rui saakin at pinapapunta niya ako sa back stage.

Dahil sa consent ni Rui, nakapasok naman ako agad backstage at hinanap yung dressing room number niya. Habang naglalakad ako, nagulat ako ng biglang may humatak ng braso ko.

"What are you doing here?"


Tinignan ko yung lalaking mahigpit na nakahawak sa braso ko. It's Japoy.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin siya saakin ng seryoso.

"paano ka nakapasok dito?"

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. Ayokong mag tama ang mga mata naming. Baka kasi mamaya, bigla ko na lang yakapin ang isang to at sabihin sa kanya kung gaano ko siya ka-miss. Ayokong bumigay.

"pinapunta ako ni Rui" sagot ko sa kanya. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"So you're his new P.A?"

"Hindi. I went here as a friend"

Nung sabihin ko yun, medyo nag loosen ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Look Dionne, hindi na ako galit sayo at willing parin akong tanggapin ka bilang P.A ko. Pangako kakalimutan ko na lahat ng nangyari"

Inalis ko yung braso ko sa pagkakahawak niya at napatingin na lang ako sa kanya ng dahil sa sinabi niya. "Para sayo Japoy madaling kalimutan ang lahat pero para saakin hindi."

"So ano ibig mong sabihin? Tinatanggihan mo ang offer ko? Hindi mo ba alam kung gaano ka ka-swerte kasi pinababalik kita ha?!"

Napahinga ako ng malalim "bat hindi mo maintindihan?! Bat hindi mo maisip na kahit anong kalimot ang gawin ko, hindi ka mawawala sa isip ko dahil mahal kita! Na pag nag stay pa ako sa tabi mo, masasaktan langa ko!"


"Kaya nag i-stay ka ngayon sa tabi ni Rui dahil ka niya sasaktan? Ganun ba yun?!"

"bakit sarili mo lang ang iniintindi mo?!"

"Dionne.." napalingon ako sa tumawag saakin at nakita kong parating si Rui. Hinawakan ni Rui ang kamay ko at hinila niya ako papalayo kay Japoy.

"She's my guest. Don't bother her" sabi ni Rui kay Japoy tapos tumingin siya saakin "tara na Dionne"

Tinalikuran na namin si Japoy at naglakad palayo pero bigla niya ulit hinatak ang braso ko.

"Alam kong mahal mo ko but why are you choosing that guy over me?!" sigaw saakin ni Japoy "talaga bang sa kanya ka na sasama ha?!"

"Ano ba Japoy bitiwan mo ko!"

Tinulak ni Rui si Japoy palayo saakin "leave her alone! Wag mo nang saktan si Dionne!"

"Wag kang makielam dito!" sigaw ni Japoy

Pumagitna na ako agad sa kanila dahil alam kong maguumpisa na naman sila ng away. Napansin ko ring naglabasan yung ibang mga artista sa kani-kanilang dressing room dahil sa sigawang nagaganap at tinatanong kung ano nang nangyayari.

At syempre, kung nasaan ang gulo, hindi pwedeng mawala ang mga reporters. Sa isang iglap lang, madami nang nakapaligid saamin na mga tao at pinapanuod ang kaguluhang nangyayari.

Nakakapagod na.

"tama na," mahinahon kong sabi "tama na please. Itigil na natin to." Tinignan ko si Japoy "wag mo na akong saktan please? Tama na Japoy dahil nahihirapan na ako" naramdaman kong nangingilid na ang luha sa mata ko "ayoko ng masaktan ng dahil sayo kaya gusto na kitang kalimutan."

Naramdaman ko ang mga braso ni Rui sa balikat ko "don't cry" bulong niya saakin "he's not worth your tears..."

"Fuck!" Japoy cuss "kalimutan?! What the hell Dionne! You perfectly know na hindi mo ako magagawang kalimutan kahit anong gawin mong paglayo saakin!" he smirks "babalik at babalik ka rin dahil mahal mo ko!"

I slapped him.

"Napaka selfish mo. You only love yourself!" I looked at Rui with my eyes full of tears "alis na tayo please?"

Hinila na ako palayo ni Rui at tinalikuran na ulit namin si Japoy pero bago pa kami tuluyang makalayo, I heared another cuss.

"DAMN IT!"

Napalingon ako kay Japoy at nakatingin siya saakin kaya nagtama ang mga mata namin.

"Oo selfish ako! Pero masama ba yun?! Masama bang pilitin ko ang bagay na gusto ko ha?!" nilapitan niya ulit ako "I want you Dionne! I despise you but I want you at the same time! Kung alam mo lang kung gaano kagulo ang pagiisip ko ng dahil sayo!"

"J-japoy-"

Napahilamos si Japoy ng mukha at nakita ko kung gaano siya ka-inis ngayon, "You told me I don't know how to love! Pero bakit salungat yun ng nararamdaman ko ha?! Nung umalis ka halos hindi ako mapakali nun alam mo ba yun ha! Nag-aalala ako sayo! Hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko at ayaw mong bumalik saakin! Nung pinili mo si Rui, hindi mo alam kung gaano ako nasaktan! Para akong hindi makahinga sa sobrang sakit pero ayokong umiyak!


Pilit kong dine-deny sa sarili ko ang nararamdaman ko pero pakshet na yan, kahit anong deny ikaw at ikaw parin ang naiisip ko! Gusto kitang makita! Halos mabaliw ako!" napahinga ng malalim si Japoy at nagulat ako ng makita kong may nangingilid na luha sa mata niya "if this is not love then tell me Dionne, tell me... ano tong nararamdaman ko para sayo?"

"Japoy..."

He took one step closer to me at nabigla ako ng lumuhod siya sa harapan ko.

"J-japoy! Tumayo ka please! Ang daming nakapaligid saating mga tao ngayon!"

"Please... bumalik ka na," halos pabulong niyang sabi at nakita ko na tumutulo na ang luha sa pisngi niya "bumalik ka na saakin dahil nababaliw na ako kakaisip sayo."

Halos wala ng lumalabas na boses sa bibig ko. Hindi ako makapag-salita. Si Japoy, sa harap ng madaming tao, nakaluhod sa harap ko at umiiyak habang nakikiusap na bumalik na ako sa kanya.

Totoo ba tong nangyayari?

Napalingon ako kay Rui and he's giving me an encouraging smile.

Napabalik ang tingin ko kay Japoy at bago pa ako makapagisip ng matino, napangunahan na agad ng katawan ko ang kilos utak ko. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

"nakakainis ka!" bulong ko kay Japoy "buo na yung desisyon ko eh sinira mo na naman"

He hugges me back "sabi sayo eh babalik ka din saakin"


"nakakainis ka talaga.."

He chuckled "Pwede ko na bang sabihin na I love you?"

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya "paki ulit please"

Sinimangutan ako ni Japoy "yung totoo, lumuhod na ko sa harap mo, iniyakan na kita, tapos pauulitin mo pa yung sinabi ko? Aba namimihasa ka na ha! Hindi porket tinanggap ko ng mahal kita eh pwede ka nang mag take advantage saakin!"

Napangiti ako ng malawak at niyakap ko ulit siya "I love you too! Pag binawi mo yan magiging kamukha mo si kokey!"

"wala akong planong bawiin wag kang mag alala"

"Sana maisip niyong dalawa na ang dami niyo ng audience" sabi ni Rui.

Bigla naman kaming naghiwalay sa pagkakayakap at tumingin sa paligid. Mapa artista, P.A o reporter, lahat may hawak na camera at vini-video ang mga nangyayari.

"Shit issue na naman to!" sabi ni Japoy at hinatak ako patayo "We need to go" sabi niya saakin

Tumingin ako kay Rui at nakangiti siya sa akin

"Rui s---"

"-wag ka nang mag sorry" pag putol niya sa sinabi ko "tanggap ko na"

Nginitian ko din siya "thank you"

At tumakbo na kami paalis ni Japoy.

"Japoy hinahabol tayo ng mga reporter"

"kaya nga tayo tumatakbo eh!"

"madali akong hingalin!"

"Ano ka ba naman!"

Biglang huminto si Japoy at nagulat ako ng bigla niya akong buhatin, pa bridal style, atsaka siya tumakbo.

"pasalamat ka talaga mahal kita" bulong nito

"Salamat" sabi ko sa kanya

Nakita ko na lang siyang napangiti.

Nang makarating kami sa parking lot, nagulat kami ng madatnan namin si Venus doon.

"so, are you ditching the show?" sabi ni Venus

"oo nga pala!" napatakip ako ng bibig "sila Ashley! Baka hinahanap nila ako!"

"but we need to go!" sabi naman ni Japoy sabay tingin kay Venus "cover up for me please"

Napangiti na lang si Venus, "ano pa bang magagawa ko? Ako na rin ang bahala sa mga kaibigan mo Dionne"

"Thank you Venus!"

"and oh..." may inabot si Venus kay Japoy na envelop.

"What's this?" binuksan ni Japoy yung envelop at sa loob nun ay dalawang plane ticket papuntang Palawan "Venus...?"

"You're flight is at 3;30 pm. You only have one and a half time to leave. Don't worry ayos na lahat ng gamit niyo at nandun na sa airport."

Nilapitan ni Japoy si Venus "thank you Venus, really.. salamat. At sorry din"

"You don't have to say sorry jerk! Hindi ka kawalan"

"thank you.." niyakap ko si Venus after that, dali-dali na kaming pumasok ni Japoy sa kotse.

Napatingin ako sa likod at nakita kong nagtatakbuhan yung mga reporters palapit saamin.

Pinaharurot na ng takbo ni Japoy ang kotse palayo sa kanila.

(to be continued...)


Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 48.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1.3M 38.4K 53
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
109K 7K 33
A Spin-Off of New Classic Series Dawn, an avid fan of the chart-topping band New Classic and an advertising arts major, crosses paths with her med st...
178K 710 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.